Chapter 23

Chapter Twenty-Three
Apologies

Lahat kami ay nag-enjoy sa pagsi-swimming. Si Lance ay ilang oras na atang nasa dagat pero hindi pa rin ata napapagod sa pagtatampisaw sa dagat. Napangiti ako, he finally enjoyed here.

Bumalik muna ako at umupo sa sapin na nakalatag sa buhangin. Pinagmamasdan ko lang silang lahat na nasa dagat at nagba-basaan ng tubig. Napatawa ako, ang kukulit pa rin talaga nila. Nagulat ako nang dumating si Hazel na naka-two piece na at hawak-hawak ang kanyang surfboard. Oh! I didn't know that she knows how to surf.

Kinuha ko ang instax camera at kinuhanan sila. The printed pictures were totally cute, ang gaganda ng mga kuha ko!

Kukuha pa sana ako ng isang litrato pero mabilis kong binaba ang camera nang biglaang may tumabi sa'kin. Si Ingrid!

"Hey." Kaswal na sabi niya bago ako hinarap, maya-maya ay ngumiti siya.

"Hi..." halos pabulong ko ng sabi. "A-Anong ginagawa mo rito?" tanong ko.

Ngumiti siya, "Hm. Wala naman. Ayoko lang mag-swimming and friend naman kita, right?"

Nagulat pa ako noong pagkakataong 'yon pero hindi ko na lamang pinahalata. Is she my friend? Napilitan akong tumango at sumagot ng oo.

Ngumuso siya, "You're hesitant. Let me introduce myself, yeah? I'm Ingrid Dela Torre..." bago niya inilahad ang kamay sa'kin.

"K-Kilala naman kita..." naguguluhan kong wika. I feel intimidated! Bakit ganito? Aba, hindi naman ako ganito sa iba.

"You knew me through Samson. Hindi mo ako nakilala dahil nagpakilala ako..." Seryoso ang pagkakasabi nito ni Ingrid kaya naman lalo lang akong nanliit. "Again, I'm Ingrid Dela Torre..."

Bumuntong hininga ako at sinakyan na lang kung ano ang trip ng babaeng 'to. "Delilah Emanuelle Regala..." pagpapakilala ko.

Ngumiti si Ingrid nang abutin ko ang kamay niya at nakipag-handshake ako. Ngumiti na din ako, ang bait niya. Her aura is so vibrant, hindi katulad nung sa akin.

"Ang ganda pala ng name mo, no?" anas ni Ingrid bago umusod at umupo ng maayos.

Tumango ako, "Thank you. Maganda rin yung iyo..."

Pinaglapat ni Ingrid ang kanyang mga labi bago tumingin sa malayo, "It is but I don't really like it, you know..." ani Ingrid.

Kumunot ang noo ko, "Why?"

"Because when you say it like Ingrid, yung dulong tunog? It sounds like greed. Greed, greedy. Ayoko non..." Umiling-iling si Ingrid bago humalukipkip.

"Oh. Pero maganda pa rin naman ang pangalan mo..."

Biglang tumawa si Ingrid, "Why are we even talking about names?" Naluluhang sabi nito dahil sa kakatawa.

Bumungisngis ako, "Ang baba lang pala ng kaligayahan mo?" Naniningkit mata kong tanong.

Tumango siya, "Madali lang ako pasayahin. Though, madali lang din akong mapaiyak. I mean, I'm really sensitive..."

Tumango ako. At least may nalalaman ako patungkol sa kanya. Tumingin na lang din ako sa dagat at hindi pa rin sila tumitigil sa pag-langoy. Meron pa sa kanilang nag-chicken fight.

Si Hazel ay nakasampa sa balikat ni Samson habang si Ynez ay nakasampa sa balikat ni Jomarie. Napatawa ako, ang kukulit nila! Napunta ang tingin ko sa batuhan kung saan ko nakita si Kenneth na mag-isang nakaupo doon. Seryoso ang mukha at masama ang titig sa kung sino. Sinundan ko ang tingin niya. Hindi ako sigurado kung kanino siya nakatingin pero palagay ko ay kay Ynez.

Mas lalo lang tuloy akong nag-taka kung anong meron at bakit nga ba siya galit na galit siya kay Ynez. Kanina nga habang nakain kami ay panay ang titig nito sa dalaga, kapag naman titingin si Ynez ay mabilis siyang iiwas. Nai-insecure kaya si bakla sa beauty ni Ynez?

Umahon na si Ynez at nag-paalam sa mga kasama. Lumapit siya sa'min ni Ingrid.

"Uuwi na ako, Lilah, Ingrid. Babalik ako bukas. Malapit lang naman ang bahay namin dito sa rest house nila Kenneth..."

Tumango ako, "Ingat ka, ha? Hintayin kita bukas..." anas ko bago matamis na ngumiti.

"Ingat ka..." Malumanay na sabi ni Ingrid bago tumayo at bumaling sa'kin, "I'll just go swimming..."

Tumango lang ako. Tumalikod si Ingrid at patakbo siyang pumunta sa dagat at nakisama kaynila Lance. Steve was playing with Lance, habang si Samson naman ay tawa ng tawa dahil naiinis na sa kanya si Hazel. Tinuturuan niya kasi ang kuya niya na mag-surf pero hindi ata ma-gets ni Samson. What a cute scene!

Tuluyan nang umalis si Ynez. Kinuha ko ang camera ko at kinuhanan muli ng litrato si Hazel at Samson. Aw, ang cute talaga nila tignan.

Naaalala kong naiwan ko ang phone ko sa loob ng bahay kaya tumayo ako at mabilis na dumeretso sa loob ng bahay. My bags were above the small center table, kinuha ko ang phone ko doon.

Nakaramdam ako ng pagka-uhaw. Pumunta ako sa kusina at kumuha ng isang basong tubig. Ah, ang init sa labas. Kumuha pa ako ng isa at ininom 'yon.

Tinignan ko ang text message na natanggap ko. My cellphone vibrated once again. It was a text from my mom.

Mama:

Anak? Kamusta? Masaya ba diyan? Don't forget to eat ha? Dapat nasa tamang oras. Si Lance nage-enjoy ba? Send us pictures kapag nagkaroon ka ng time para mag-online! :)

Mama:

Miss na namin ng Papa mo ang apo namin. Hope you're enjoying. :)

Nag-tipa ako ng reply sa mga text messages ni Mama.

Ako:

Yes, Ma. We're enjoying our trip and yes po, Ma. Kakain din sa tamang oras. Si Lance ay ilang oras na sa dagat, ayaw magpa-awat! He misses you too :)

Pinatay ko na ang phone ko at nang humarap ako - laking gulat ko nang makita ko doon si Samson na nakatayo. He was holding his phone, ibinaba niya 'yon at naging direkta pa rin ang tingin sa'kin.

Napakurap pa ako ng ilang beses. "W-What are you doing here?"

"Iinom lang ako ng tubig." Ibinaba ko yung baso pero nanatili pa rin ang seryosong titig sa'kin ni Samson.

Tumalikod na ako at palabas na sana ng kusina nang tinawag niya ang pangalan ko.

"Hey Lilah..."

Lumingon ako at pekeng ngumiti, "Bakit?"

"I'm sorry..."

Nawala ang ngiti sa mga labi ko at napalitan ng pag-kunot ng aking noo. "Para saan?" Naguguluhan kong tanong sa kanya.

"Hindi kita nasundo kaninang umaga just like what I texted you. I-I'm really so-"

"Hindi naman ako nag-hintay." Seryoso kong saad. Gusto kong sabunutan ang sarili ko dahil sa sinabi ko. Talaga lang, Lilah? Hindi mo hinintay?

"I'm really sorry. Kailangan kasi ako ni Ingrid kaninang umaga. Paalis na ako para puntahan ka but kinailangan niya ako. I'm really sorry, love..."

Sarkastiko akong natawa, "No need to say sorry. Hindi nga ako nag-hintay and why are you even explaining? Hindi mo naman ako girlfriend. And please stop calling me, love. Baka mag-away pa kami ni Ingrid..."

"Delilah, hear me out..."

Umiling ako, "No need to apologize. Its okay. Hindi naman ako nag-expect ng kung ano sa'yo..."

Samson's jaw tensed and his eyes shoot a different stare at me. Ibang intesidad, ibang emosyon. I faked a smile, "Alis na ko."

Nakatalikod na ako pero bigla niyang hinigit ang kamay ko, "Delilah!"

"Stop it! Ano ba?" sigaw ko bago kinuha ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya.

"I have something to say..."

I smirked, "Sa labas na lang. Pwede mo naman akong kausapin doon."

Shit! I want to know what he's going to say! I wanna know now! Pinipigilan ko lang talaga ang sarili ko. Umiwas ako ng tingin. Samson kept on calling my name.

"Delilah..."

"If you want me back, then hindi na pwede. Hindi ako tanga para hindi malaman ang ginagawa mo, Samson. That and all of your damn strategies! Pwede ba itigil mo na lang?"

"I- I still lo-"

"Samson?" Napatigil kaming parehas nang dumating si Ingrid. Mabilis akong tumalikod.

I don't wanna see the both of them together. Kahit masakit ay mas pipiliin ko pa rin ang anak ko pati na ang sarili ko ngayon.

Not Samson and not my damn feelings for him.

***
a/n: sorry for the typos.
Twitter: jeweeelwrites

Dedicated to brightsunsets

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top