Chapter 22

Chapter Twenty-Two
Lahat lahat

Pagdating namin sa Palawan ay dumeretsyo na agad kami sa resthouse nila Kenneth. Malapit lang ito sa dagat at presko ang simoy ng hangin. Napangiti ako, kailan ba 'yung huling beses na nakapunta ako sa dagat? Matagal na rin.

Siya pa nga ang kasama ko noon.

"Lilah..." tawag sa akin ni Steve nang makababa kami ng van. Natulala nga ako sa kanya. Hindi ko kasi napansin kanina ang suot niya pero ngayon ay pansin na pansin ko na. He looks really handsome at parang kaya atang dalhin ni Steve ang lahat ng damit na isinusuot niya.

He was wearing a red hawaiian board shorts and a fit v-neck top. Napunta tuloy ang tingin ko sa braso niya. Nagpe-flex yung muscles!

"Gusto mo ba makita ng wala akong pang-itaas? Libre lang naman." Natauhan ako sa sinabi ni Steve. Namilog ang mga mata ko nang mapagtantong matagal na rin pala akong nakatulala sa kanya.

"Anong makita? Ayoko nga!" bulalas ko bago tumalikod. Narinig ko ang pag-tawa ni Steve bago ako pinaharap sa kanya at kinurot ang pisngi ko.

"You're so cute. Lalo tuloy kitang nagugustuhan."

Naramdaman kong namula ang aking pisngi kaya naman laking pasalamat ko noong tinawag ako ng anak ko.

"Mommy!" Hinawakan ko ang kamay ni Lance bago ngumiti, "Yes, baby?"

"Pwede po bang kayla Tita Kenneth muna ako? Sabi niya po may ibibigay siya sa'kin!" paalam ni Lance habang masayang nakatingin sa akin.

Nanliit ang mga mata ko at napunta ang tingin kay Kenneth. Nang mag-tama ang tingin namin ay mabilis siyang umiwas, may pina-plano 'to, e!

"Sure. Basta be careful ha? Baka madapa ka." ani ko bago binitawan ang kamay ng anak ko. He gladly obliged bago mabilis na pumunta kay Kenneth at masayang nakipaglaro.

Tinignan ako ni Kenneth bago ito tumingin kay Steve at sa'kin ulit. Pinanlakihan ko siya ng mata.

"Nagkakaintindihan kayo ni Kenneth sa tingin lang?"

Tumango ako, "Kind of. You know, friendship goals." I awkwardly laughed and shrugged my shoulders, nagba- baka sakaling maalis ang pagka-ilang ko sa sitwasyon.

He chuckled and smiled at me, "Uh huh. Uhm... Lilah," tawag ni Steve sa akin. Nagkakalikot ako ng kung ano sa bag ko kaya naman hindi ako agad nakatingin sa kanya.

"Hm?"

"Uhm, I know a specific restaurant near here. Do you... want to have lunch with me?" tanong ni Steve sa'kin bago itinago ang mga kamay sa bulsa ng board shorts niya.

Gulat akong napatingin sa kanya, "Pero kasabay natin silang mag-lunch, hindi ba?" And I really do sounded na para bang ayokong maiwan na siya lang ang kasama at na para bang ayoko siyang kasabay kumain.

Nag-iwas ito ng tingin, "I mean... I just want to have some time with you..."

Napalunok ako. Mukhang nasaktan si Steve sa sinabi ko. I avoided his gaze and with a sigh I answered, "Sige..."

Mabils na napalingon sa'kin si Steve. Malapad ang kanyang ngiti pero bigla itong nawala na para bang itinatago niya ang ngiting 'yon, "L-Labag ba sa loob mo? Kung gusto mo talaga silang kasabay then it's fine with me..."

I smiled, "No. Its okay, its fine with me. I mean, they will understand. Alam naman nila na nanliligaw ka..."

Nahihiyang tumingin sa'kin si Steve bago inilagay ang isang kamay niya sa likod ng kanyang batok at matamis na ngumiti bago tumango, "Right..."

Tumakbo papalapit sa'kin si Ynez at ilang beses na kumaway. Ganon din ang ginawa ko.

"Lilah!" ani Ynez bago tumigil sa aking gilid. "Salamat pala. Sakto na malapit lang dito ang tinitirahan ng family ko..."

Ngumuso ako, "Aalis ka na ba agad?"

Ngumisi si Ynez, "Syempre makikikain muna ako. Nagba-barbecue na sila doon sa bakuran, e." ani Ynez bago malakas na tumawa.

"Kaya ka tumataba, e!" Kinurot ko ang tagiliran ni Ynez dahilan para siya ay mapatili sa gulat.

"Hindi naman ako mataba, a? Sexy kaya ako!"

Ngumiti ako, Ynez has always been positive about everything. 'Yun ang gusto ko sa kanya. Kahit naman kasi makulit at madaldal si Ynez ay magaan siyang kasama, she make things lighter. Chubby kasi si Ynez pero hindi naman maikakaila na maganda siya dahil sa mapupungay niyang mga mata, natural na mahabang pilikmata, brown at wavy na buhok at ang porselanang balat niya.

"Oo na! Lagi namang ikaw ang sexy, e!" Tawa ko bago nakipag-apir pa sa kanya. Narinig naming tumikhim si Steve, nagyayaya na pala itong pumasok sa loob ng bahay.

Iniwan muna namin ang mga gamit namin sa sala bago kami lumabas. Ynez will go home later, makikipag-kaibigan daw muna siya sa iba naming mga kasama. Si Steve naman ay inaya na ako para kaming dalawa ang sabay mag-lunch.

"Oh? Saan punta niyong dalawa? Ayaw niyo ba ng barbecue?" tanong ni Hazel.

"We'll have lunch together. Uhm... Kaming dalawa lang..." wika ni Steve bago tipid na ngumiti.

"O? De-date kayo? Ano ba naman 'yan! Bakit hindi pa blowout? Hindi pa kami idamay?" biro ni Jomarie sabay tawa ng malakas.

Umirap ako, "Ewan ko sa inyo. Si Steve naman kasi ang nag-yaya."

"So porke't niyaya ka, sasama ka na?" Napatingin ang lahat nang masungit na mag-salita si Samson habang matalim na nakatingin kay Steve na ngayon ay sobrang lapit sa'kin.

Kumunot ang noo ko, "Bakit? Anong masama?"

Ngumisi si Samson, "Nililigawan ka pa lang diba? Bakit ka sasama?"

Bumuntong hininga na lang ako at nagpa-salamat na wala dito ang anak ko sa labas. Nasa labas ito ng bahay at nakikipaglaro ng Xbox sa pinsang dinala ni Hazel na si Daniel. Kuya Daniel nga ang tawag niya rito.

Tumaas ang isa kong kilay, "Bakit? Noong nililigawan mo ba si Ingrid ay hindi mo siya yinaya mag-date minsan?" Tanong ko pabalik sa kanya. Nakikipaglabanan sa titigan.

Sa huli ay sumuko si Samson at nanahimik. Hinila ko si Steve at tuluyang lumabas ng bahay, mabuti na lang ay malapit lang din ang kakainan naming dalawa.

"Don't mind him, Steve. Ayos ka lang ba?" tanong ko bago siya sinilip.

"Ikaw nga ang dapat kong tanungin niyan. Are you okay?"

Tumango ako, "Bakit naman hindi?"

"It's obvious that he still likes you, Lilah...."

Napalunok ako at umiwas ng tingin, "S-So what?"

"Gusto mo pa rin siya hindi ba?"

Hindi ako nakasagot. Nanatili akong nakatingin sa dinaraanan namin at hindi sa kanya. Answering him would give him hope na hindi ko alam kung meron man. Kapag hindi ko siya sinagot, maiisip niya na ayoko na lang pag-usapan ang tungkol sa bagay na 'yon.

Tumikhim si Steve, "Sorry. Dapat pala hindi ko na lang tinanong..."

Yumuko ako, "Sorry..."

Bumuntong hininga si Steve at hinawakan ang kamay ko, hinaplos ito at marahang pinisil.

"It's okay. Handa naman akong mag-hintay hanggang sa maging ready ka na ulit. I'm willing to wait hanggang sa... hanggang sa ako naman yung magustuhan mo."

Tumingin ako nang direkta sa kanyang mata. Trying to find the emotions I feel whenever I stare at Samson's eyes, trying to know if I would feel those feelings too when I stare at Steve.

One second...

Two seconds...

Three seconds...

Until it became five or more pero wala pa rin akong naramdaman katulad ng nararamdaman ko kay Samson. I hate how my feelings work, I hate how my heart fell in love with Samson. I hate him and his ways, nasa kanya pa rin kasi ang puso ko.

I hate it. It's really scaring me.

Pumasok kami ni Steve sa loob ng maliit na resto malapit sa rest house nila Kenneth at malapit rin sa dagat. Hinila ni Steve ang upuan ko bago siya tuluyang umupo sa tapat ko.

May babaeng nag-bigay ng menu sa'min. Ngumiti siya at akala ko ay aalis na nang tuluyan niya nang maibigay ang menu sa'ming dalawa pero hindi pa pala.

"Kayo po ba yung magba-bakasyon sa rest house ni Sir Kenneth?" tanong nito sa'min.

Nagkatinginan pa nga kami ni Steve dahil sa pagka-bigla. "Ah yes. Kami nga, why?"

Inilahad ng babae ang kamay niya bago matamis na ngumiti, "I'm Danica, ma'am. Ako po yung isa sa mga caretaker ng bahay ni Sir..."

My mouth formed an 'O' shape as I nod. Ngumiti ako, "I'm Delilah."

"I'm Steve. Nice meeting you, Danica..."

Ngumiti si Danica at namula pa ang pisngi. Kayumanggi ito at natural ata na tuwid ang kanyang mahabang buhok. She's thin and tall too, pwede na siyang maging model.

"See you later po, ma'am and sir. Pili na po kayo ng order ninyo." Magalang na sabi nito. Maganda si Danica, simple lang pero may pagka-elegante naman ang itsura nito.

Nang makapili kami ng order ay doon lang siya umalis. Tumingin ako sa paligid, marami rin palang tao dito sa resto. Mukhang masarap din ang mga pagkain.

Nag-simula kaming kumain ni Steve, kwentuhan at hindi halata na nagkaka-ilangan pa kami at times. Bumalik si Danica para ibigay sa'min ang bills.

"Ako na, Delilah." anas ni Steve sabay labas ng kanyang wallet.

"Ha? Pero mas marami akong nakain sa'yo, Steve!" Pagpupumilit ko pa.

Tumawa ito at umiling, "No. It's okay. Ako naman ang lalake, ako rin ang nanliligaw sa'yo..."

Hindi na ako nag-salita nang mabanggit niya ang bagay na 'yon tungkol sa panliligaw. Napasandal na lamang ako sa upuan at ngumuso bilang pag-suko. Hindi talaga nagpapa-talo si Steve.

"Bagay po kayong dalawa."

Nag-angat ako ng tingin at nakita si Danica na nakatingin sa aming dalawa, "Ha?"

"Bagay po kayong dalawa ni Sir. Maganda tsaka gwapo. Nakakakilig po kayong tignan!"

Naramdaman kong nag-init ang pisngi ko. Napahawak na lang ako sa dulo ng bestida kong suot at diniinan ang pagkaka-hawak doon.

"Nanliligaw pa lang naman ako..." sabay sulyap ni Steve sa'kin at ngumisi.

Namilog ang mga mata ko at nag-iwas ng tingin. Eto na naman ako, feeling teenager na naman!

Imabot na ni Steve ang bayad bago kami umalis. Ilang ulit pa akong napatingin kay Steve dahil parang mapupunit na ang kanyang labi sa lapad ng ngiti niya.

"Bakit kanina ka pa nakangiti?" Kunot noo kong tanong sa kanya.

"Sabi niya kasi bagay tayo..." ani Steve bago kinagat ang kanyang pang-ibang labi. Nakita ko pang namula ang kanyang tainga.

"Kinikilig ka?"

Natawa siya, "Mate-turn off ka ba kapag sinabi kong oo?"

Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko dahil alam kong sisilay ang isang ngiti doon. Hanggang sa hindi ko na nakayanan at ako na mismo ang bumulanghit sa isang malakas na tawa.

*
Pag-balik namin ay nasa labas pa rin sila at nagke-kwentuhan. Ang sabi ay mamayang hapon na lang daw kami mag-swimming para medyo kaunti ang tao. Meron namang indoor pool ang rest house nila Kenneth pero mas pinilit niya kami na sa dagat na lang para makapagtampisaw.

Hindi nahagip ng mga mata ko si Samson. Siguro ay sinundo niya na si Ingrid.

"Gusto ko na mag-swimming!" ani Lance bago tumalon-talon pa.

"Sa indoor swimming pool ka na lang muna, baby..."

Ngumuso si Lance at nalungkot ang ekspresyon ng mga mata, "E, mommy! I want to swim! Sa dagat po..."

"I'll go with him..." presenta ni Daniel bago tumayo.

"Yey! Thanks, kuya!" Masiglang sabi ni Lance bago tumalon-talon muli.

"Bantayan mo siya, ha? Mahilig pumunta 'yan kung saan-saan. Baka mapunta 'yan sa malalim..." paalala ko pa.

Ngumiti si Daniel, "Sure. Akong bahala kay Lance..."

"Thanks, mommy!" Sabay halik sa aking pisngi.

Naiwan kaming matatanda doon. Si Hazel naman ay nasa loob na, nakaupo siya sa couch at nagce-cellphone. Kita kasi mula sa labas.

"Sinundo na ni Samson si Ingrid..."

"Bakit kaya hindi na lang sumabay yung girlfriend nun, no? Masyadong pa-special..."

Nagkatawanan sila bago sinaway si William na siyang nag-sabi non. Masaya kaming nag-kwentuhan, mga isang oras ang lumipas hanggang sa dumating na si Samson, kasama si Ingrid.

Naka-sleeveless top ito at maiksing white shorts. Meron pang hibla hibla para maging style ng damit niya.

"Everyone, this is my girlfriend, Ingrid..." pakilala dito ni Samson sa mga kasama namin.

Lahat kami ay nag-hello sa kanya. Kahit ako. Hindi ko maalis ang tingin ko sa kanya dahil sobrang ganda pala talaga ni Ingrid. Para siyang artista, kutis mayaman at mukhang mabait pa.

Ang sabi ni Kenneth ay matalino rin daw ito. She's studying, inaasikaso ang degree para sa medicine. Nang maalala ko 'yon ay para akong nanliit, nakaka-insecure.

Di ko inakalang sa ganitong edad ay may mararamdaman pa rin akong pagka-insecure sa ibang tao. Bakit kaya? Nakatitig pa rin ako sa kanya at lihim na lang akong napabuntong hininga.

She's pretty, smart and kind. Parang wife and mother material din. Kinagat ko ang labi ko, I'm being eaten by all of my insecurities!

Na sa kanya na ata ang lahat. Na kay Ingrid na ata ang lahat-lahat. Ganda, talino, magandang personality at siya. Dumulas ang kamay ni Samson mula sa balikat ni Ingrid papunta sa beywang nitong bago ito marahang hinalikan sa pisngi.

Lahat nasa kanya na. Lahat lahat. Kahit si Samson na hanggang ngayon ay mahal ko pa rin.

'Yung lalakeng dating akin, ngayon ay nasa kanya na.

Hindi rin siya disgrasyada. Lahat na kay Ingrid na. What a lucky girl.

***
a/n: sorry for the typos.
Twitter: jeweeelwrites

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top