Chapter 21
Chapter Twenty-One
Agawan
Steve:
Sasabay ba tayo doon sa Kenneth na 'yon? If not, pwede bang ako na lang at sumundo sa'yo at sabay tayong pumunta?
Samson:
Hey, Lilah. Uhm, susunduin kita? Yeah. I won't take no for an answer. Basta bukas nasa harap na ako ng bahay niyo ng maaga. See you!
Nalaglag ang panga ko dahil sa mga nabasa ko mula sa kanila. Lalo na kay Samson! At least Steve asked me in a nice way at nagtanong siya kung sabay-sabay na pupunta but with Samson, talagang hindi nagtanong. Talagang parang idineklara niya na na siya ang susundo sa'kin at sabay kaming pupunta doon.
Kumunot ang noo ko at mabilis na pinatay ang aking cellphone. Wala na lang akong re-reply-an sa kanilang dalawa para hindi na ako mahirapan! Pero muling umilaw ang cellphone ko at lumitaw sa screen ang pangalan ni Alisha na tumatawag.
"Hello?"
[ "Bes..." ] tawag niya sa'kin mula sa kabilang linya.
Kumunot ang noo ko at nag-simulang mag-alala dahil sa tono ng kanyang boses, "Hmm?"
[ "Nicko wants to be with me again. S-Sabi niya gusto niyang magbalikan kaming dalawa..." ] And then I heard my best friend tearing up once again.
Napalunok ako at napatingin sa labas ng bintana at napatungo. I feel guilty, wala ako sa tabi ni Alisha. "I'm sorry... Wala ako sa tabi mo ngayon."
Narinig ko ang pag-buntong hininga ni Alisha bago pilit na tumawa.
[ "It's okay. At least I can hear my best friend's voice, alam ko namang nag-aalala ka na naman sa'kin. That's enough, pakiramdam ko andito ka pa rin. 'Yun nga lang wala akong mayayakap and a very tight hug is what I need right now..." ]
Mas lalong lumakas ang pag-iyak ni Alisha and something painful crept in my heart once again. Gusto kong puntahan siya doon, gusto kong yakapin ang best friend ko. I want to comfort her but I just can't, malayo ako sa kanya. Gusto kong may magawa pero ang tanging magagawa ko lang naman ay ang kausapin siya... sa cellphone ko.
"Do you want him back too? Its your decision anyway. Nag-aalala lang ako dahil baka gawin niya na naman sa'yo ang ginawa niya noon. He repeated it many times, magpapaka-tanga ka na naman ba?"
Sarkastikong tumawa si Alisha at bumuntong hininga matapos non.
[ "I-I won't take him back, you know. I'm tired. Akala niya ba wala akong limit? Hindi naman porke't mahal na mahal ko siya ay kakalimutan ko na ang pagmamahal ko sa sarili ko. It's not right. Napapagod din ako, hindi ko siya habang buhay mamahalin lalo na kung hindi naman talaga siya ang para sa'kin." ]
Hindi ko alam pero parang umangat ang gilid ng labi ko dahil sa narinig mula kay Alisha. She's getting stronger, I hope she can get through it. Kahit naman wala ako doon ay araw-araw ko siyang kinakamusta, 'yun nga lang minsan ay hindi na siya nakakapag-reply. She also said she was busy.
"Alam niya bang uuwi ka sa Pilipinas?" tanong ko.
Ilang segundong nanahimik si Alisha pero agad din namang sumagot.
[ "He doesn't at wala akong planong ipaalam sa kanya. Wala na siyang karapatan sa'kin, bakit kailangang malaman niya? Buti pa nga 'yon, malalayo ako sa manloloko..." ]
The rest of our conversation was about how I was doing here. At 'yung iba naman ay tungkol na naman kay Nicko at sa pamilya ni Alisha. She's going home next week, excited na ako!
"Mag-iingat kayo doon, ha?" anas ni Mama habang tinutupi ang mga extrang damit na dadalhin ko. Ngumiti ako sa kanya at tumango.
"Mami-miss ko talaga ang apo ko!" untag ni Papa bago pinaulanan ng halik si Lance sa noo. Bumungisngis naman ang anak ko bago marahan at paulit-ulit na hinampas ang pisngi ng Lolo niya.
"Lolo, I'm not going back to New York. Mommy's just gonna bring me along to Palawan!" Masayang wika ni Lance at ilang ulit pang pumalakpak.
Tumango ako, "Oo nga naman po. We'll be back. 'Wag niyo kami ma-miss agad!" Pagbibiro ko pa.
Kinausap lang ako ni Mama tungkol sa gagawing pag-iingat habang nandoon kami sa Palawan. Dahil kahit malaki na naman daw ako ay hindi pa rin maiiwasan ni Mama ang mag-alala sa akin.
Lumipas ang tatlong oras at may narinig akong tumigil na van sa harapan ng bahay namin. Kasabay din non ang pag-alingawngaw ng boses ni Ynez dahil sa pag-tawag niya sa pangalan ko mula sa labas.
"Andyan na ata ang mga kasama mo." ani Mama bago kinuha ang mug ng coffee sa ibabaw ng lamesa at inilagay 'yon sa lababo.
Tumayo ako at dumeretso sa gate. Doon ko nadatnan si Kenneth at Ynez na nagtititigan - masamang tingin sa isa't-isa.
Palihim akong napa-buntong hininga. I was expecting Samson pero nasaan siya? Napairap ako, bakit nga naman ako maniniwala pa sa kanya? May Ingrid na siya! Why would he come here at sabihing sabay kaming pumunta doon?
Psh. Paasa.
Kumunot ang noo ko, "Oh, anong problema?" tanong ko na siyang biglaang nagpaharap sa lanila sa'kin.
Nag-ngiting aso sa'kin si Ynez habang si Kenneth naman ay nanatiling nakabusangot ang mukha.
"Hi, Lilah!" Bati sa'kin ni Ynez bago magiliw na kumayaw. Nginitian ko lamang siya bago ko tinignan si Kenneth.
"Oh, ano nangyari sa'yo?"
Umirap ito, "Bakit kasama 'yang babaeng 'yan?"
Napatawa ako, "Diba sinabi ko na 'yan sa'yo noong isang araw pa? Tinanong mo pa nga ang pangalan and sabi mo ayos lang."
"Akala ko kasi ibang Ynez!"
Kumunot ang noo ko dahil sa narinig. Ibang Ynez? Anong ibigsabihin ni Kenneth doon? Ngumiti na lang ako at pinagtuunan ng pansin si Ynez. "Pasok muna kayo..." Pag-aya ko sa kanila.
"By eight thirty, Lilah. Aalis na dapat tayo non..." ani Kenneth bago binuksan ang gate at tumabi sa gilid ko. Si Ynez naman ay nasa kabilang side ko.
Pumasok muna kaming tatlo sa bahay. Pinakain sila ni Mama para naman daw bago umalis ay hindi magutom sa byahe. Ynez and Kenneth agreed, 'wag daw tatanggihan ang grasya lalo na kung ang nanay ko raw ang nag-luto. Sobrang sarap daw kasi.
By eight thirty ay sumakay na kaming lahat sa van. Ako sa gitna habang si Kenneth naman ay nasa harapan. Ynez sat beside me.
"Ang sungit ni Kenneth." bulong ko habang inaayos ang ilang gamit sa bag. Si Lance ay nasa isang gilid ko, patulog na naman.
"Masungit kamo. Sa'kin nga lang..." umiirap na bulong ni Ynez. Humarap sa'min si Kenneth. Ngumiti siya sa'kin pero nang mapunta ang tingin niya kay Ynez ay mabilis niyang sinimangutan ang babae.
Lalo akong naguluhan. Ano ba talagang meron sa kanila?
"Yung isang van ay nandon sa venue na ini-chat ko sa inyo. Siguro nandoon na rin 'yong iba nating mga kasama..."
"Panigurado ay nag-dala sila ng kotse..." sabi ko saka tumingin sa labas ng bintana.
Umiling si Ken, "No. Sinabihan ko sila na mag-commute na lang papunta ron. Kung nag-dala sila ng kotse, it's not our problem anymore..."
Naninibago ako sa pagiging seryoso ni Kenneth pero hindi na ako nangahas na mag-tanong. Sumandal ako sa upuan at hinapit si Lance papalapit sa'kin, mauuntog na kasi sa bintana ang anak ko.
Bahagyang gumalaw ang anak ko at napasimangot. Marahil ay naramdaman niyang may humawak sa kanya. Tipid akong ngumiti bago siya hinalikan sa noo. Oh, my happiness.
"Tingin mo kasama si Ingrid?" tanong ni Kenneth.
Marahas akong napalingon sa kanya sabay nag-iwas ng tingin nang ma-realize ko kung anong ginawa ko. "H-Hindi ko alam..."
Sumulyap ako kay Ynez at nakahinga nang maluwag dahil nakapikit siya habang nakasaksak ang earphones sa dalawang tainga niya. Sinamaan ko ng tingin si Kenneth.
"H'wag ka ngang maingay."
Bahagyang namilog ang mga mata ni Ken, "Hindi ba alam niyang babaeng 'yan? Oops, sorry..."
Umirap na lamang ako at napabuntong hininga. Plano ko na sanang pumikit at ipahinga ang mga mata ko pero kasabay naman non ang pag-tunog ng cellphone ko.
Ginusot ko ang aking ilong bago kinuha ang cellphone ko. Five text messages ang naroon.
Isa-isa ko 'yong binuksan at ang apat na text ay galing kay Samson. Ang isa naman ay kay Steve.
Samson:
Good morning! Are you awake? Excited na akong makita kayo ni Lance! :)
Samson:
Hey? Hindi ka pa ba gising? May lakad diba? Hey, Lilah?
Samson:
My texts aren't sending? Damn! Ano ba naman 'yan? O hindi ka lang talaga nagre-reply?
Samson:
Love, please reply ;( Kawawa naman ako dito.
Steve:
Hey, good morning. Nasaan na kayo? Ingat sa byahe papunta rito! I'll be waiting :D
Pinatay ko ang phone ko. Wala akong ni-reply-an sa dalawa, ano ba naman 'tong nararamdaman ko? Para akong highschooler na pinag-aagawan ng dalawang lalake. Feeling bagets na naman ako!
"May nag-text sa'kin, girl. Dalawa. Hulaan mo kung sino..."
Tumaas ang isang kilay ko, "Tungkol saan ba ang ni-text?"
Napangisi si Kenneth, "Tungkol sa'yo lang naman..."
Marahas akong nag-bunga ng hininga bago umiling-iling. Ang sunod na narinig ko na lang ay ang malakas na pag-tawa ni Kenneth dahil sa naging reaksyon ko.
I took my phone again. In-airplane mode ko ito.
*
Makalipas ang trenta minutos ay nakarating na din kami sa venue. Hindi na ako bumaba ng van dahil baka magising pa si Lance kapag gumalaw ako. I stayed inside, kita ko naman kasi sa bintana ang nangyayari sa labas.
Bumaba si Kenneth, si Ynez naman ay nagising. Tinanggal niya ang earphones niya bago tumingin sa akin.
"Nasa Palawan na tayo?" Inaantok-antok pa na tanong ni Ynez.
Ngumiti ako, "Wala pa. Tulog ka ulit, halatang antok ka pa, e."
Natawa si Ynez bago tumango at bumalik sa pag-tulog. Sumandal ako sa upuan at pumikit. Maya-maya ay may narinig akong kumakatok sa bintana.
Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko at nakita si Samson na kumakatok habang malapad ang ngiti na nakatingin sa'kin. I creased my forehead, ano ba naman 'tong si Samson!
Binuksan ko ang pintuan, "Doon kayo sa kabilang van, hindi ba?" direkta kong tanong sa kanya.
He smirked, "Gusto ko dito."
"Hi Delilah!" Napatingin ako sa kabilang banda nang doon naman lumitaw si Steve habang malawak na nakangiti at may hawak na chocolate.
"Para sa'yo at kay Lance..." bago niya iyon iniabot sa'kin. Ngumiti na lang ako at nagpa-salamat.
Narinig kong tumikhim si Samson. Sasakay na sana siya pero dumating si Kenneth.
"O, ano? Bakit ka diyan sasakay? Doon ka sa kabila!" sigaw ni Kenneth at bumaling kay Steve. "Ikaw din. Doon ka sa kabila!"
"What? Hindi ba pwedeng dito na lang?" tanong ni Steve habang nakasimangot.
"Anong dito? Doon ka nga raw sa kabila!" anas ni Samson bago ngumisi.
Napasimangot si Kenneth bago hinila ang dalawa, "Hindi lang si Steve ang sa kabila kung hindi pati ikaw, Samson!"
"Huh? Why? Gusto ko diyaan sa van na 'yan! Mainit doon sa isa!"
"Naka-aircon 'yon!" ani Steve bago tumingin sa'kin at ngumiti. "Bye Lilah! Kita na lang tayo pagbaba mamaya..."
"Bakit ba? Gusto ko doon sa kung saan si Lilah!"
Tumaas ang kilay ni Kenneth, "Sino ba talaga girlfriend mo? Si Ingrid o si Delilah? Grabe ka maka-demand, ha!"
Natigilan si Samson at mabilis na tumalikod, "Sabi ko nga doon na ako sa kabila..."
Sumakay si Kenneth sa van ng nakasimangot. Lumingon siya sa'kin, "Ganda mo, te. Pinag-aagawan?"
Napatawa ako, "Salamat, Kenneth. Doon naman talaga sila sa kabila diba?"
Ngumuso ito, "Hindi. Kaso alam kong baka magka-world war three kapag pinagsama mo 'yang dalawa at naandito ka pa. Pag-aagawan ka."
"Kenneth!"
"Sus, pa-virgin!"
Sumimangot na lamang ako at sumandal sa upuan.
"Kasama ba daw si Ingrid?" tanong ko.
"Susunduin daw ni Samson. Susunod daw, e. Mag-isang pupunta."
"Ah..." tanging sagot ko na lang kasabay nang pagbigat ng aking pakiramdam.
***
a/n: sorry for the typos.
Twitter: jeweeelwrites
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top