Chapter 20

Chapter Twenty
Titig

Buong maghapon akong parang wala sa sarili.  Para akong tanga, ni hindi ko alam kung ano na ba ang dapat kong isipin. Samson has Ingrid, ano pa bang gusto niya sa'kin? Padabog akong pumasok sa loob ng faculty at namilog na naman ang mga mata ko nang may makita akong bouquet of flowers.

Steve.

'Yun ang pangalan na nakalagay sa card kasama ang maikling message niya. Hindi ako napangiti o ano pa man, I just took the flowers at marahang inusod 'yon. I took my cellphone out and typed a message for him, at least say thanks. Inusod ko 'yung upuan para sana tuluyang makaupo pero mukhang may nabangga ako mula sa likuran.

"Sor-"

"It's okay, Lilah."

Hindi na ako tumingin pa dahil alam ko naman kung sino ang nagmamay-ari ng boses na 'yon. Nang makalampas siya ay inusod ko ang upuan at tuluyan nang umupo. Napunta sa'kin ang tingin ni Ynez na para bang inoobserbahan ako.

"Sino 'yon? Bakit kilala ka agad?" tanong nito.

Umiling na lang ako at hindi sumagot. Tinuon ko ang atensyon ko sa pagta-trabaho, sa pagtuturo, sa pagte-text kay mama kung ayos lang ba sila ni papa sa bahay kasama si Lance at kung ano ang ginagawa nila. Paminsan, hinahanap ko rin si Steve. Masasabi ko na lang bigla ang pangalan niya na para bang may tinatawag ako pero wala naman. Siguro nami-miss ko lang talaga si Steve. Nasanay kasi ako na siya ang kasama ko sa trabaho.

Si Ynez naman ay patuloy pa rin ang pangungulit sa'kin. Napapansin niya raw kasi na panay ang sulyap at titig sa'kin ni Samson. Naga-gwapuhan nga daw siya sa lalake pero mukhang ako naman daw ang tipo. Sa bawat tanong niya ay puro hindi ko alam o ewan ko lang talaga ang isinasagot ko. Ano pa ba dapat? Ayoko nang maungkat ang nakaraan naming dalawa ni Samson sa ibang tao. Hindi naman ata tama na malaman pa nila 'yon. With Steve knowing, its an exception. He became my best friend.

"Uy girl, sabihin mo sa'kin. Anong meron sa inyong dalawa ni Samson?" giit ni Ynez.

"Wala ngang namamagitan sa'ming dalawa, Ynez. Ilang beses mo nang tinanong 'yan sa'kin pero bawat sagot ko parang hindi ka naman naniniwala!"

"E, lapitin ka kasi ng kapwa mo teacher, e!" singhal nito sa'kin bago sumilay ang isang mapaglarong ngisi sa kanyang mga labi.

Pumasok naman sa isip ko si Kenneth. Parehas na parehas sila ng sinabi ni Ynez sa'kin. I rolled my eyes and grinned, "Hindi ko alam kung saan nanggaling 'yang mga sinasabi mo, Ynez. Puro kalokohan!" pag-tanggi ko na lamang sa kanya.

Malakas na natawa si Ynez, muntikan pang mahulog ang mga dala-dala niyang libro dahil sa sobrang gaslaw niya. "Ganda mo kasi girl! Di talaga halata na may anak ka!"

Ngumiti ako sa kanya bago hinawi ang aking buhok. She laughed at what I did, "Talagang may pag-hawi ng buhok, ha? Haba ng hair!"

"Ewan ko sa'yo, Ynez. Ang kulit mo talaga!"

Wala siyang tigil sa pag-tawa. Ako naman ay nakangiti na lang dahil hindi ko na alam kung ano ang dapat na sabihin kay Ynez, baka mamaya kasi ay lalo pang madagdagan ang kakulitan niya ngayong araw. Nakakaurat din kaya.

"Balita ko magba-bakasyon ka? Saan ang punta?" tanong ni Ynez sa'kin.

"Sa Palawan. Nag-leave ako sa trabaho para kahit saglit ay makapag-pahinga..."

"Are you going with your son? Bakasyon na naman ng mga estudyante. Tayo na lang ang hindi!" pagre-reklamo ni Ynez na may kasama pang mga gestures.

"Wala kang pupuntahan?"

"Meron. Kaso pinagiisipan ko pa kung magpa-file ako ng leave. Ilang araw ka ba sa Palawan?"

"Three days to one week siguro? We'll escape the city. We'll escape our works..." nakangiti kong sabi habang palipat-lipat ang tingin ko sa kanya at sa ibang bagay.

"Sa Palawan din ako pupunta, Lilah. My family lives there. Balak kong pumunta roon..."

"Gusto mong sumabay? I'll tell Kenneth. Mabait naman 'yon tsaka gusto niya ay mas madami ang kasama..." anas ko bago ngumiti.

Umiling si Ynez, "'Wag na. Nakakahiya kaya."

Napatawa ako bago ginulo ang kanyang buhok, "May hiya ka pa pala?" natatawa kong tanong.

Inirapan ako ni Ynez bago marahas na nagbuga ng hininga. "Of course! Tao rin ako, pero slight na lang naman ang kahihiyan ko." Sabay tawa niya pa ng malakas.

"I'll ask Kenneth. Siguro naman di na kailangan na mag-paalam ka pa? Nagpaalam lang ako para sure. Are yo still going to file for a leave? Magba-bakasyon na rin naman."

"Of course! Baka tuluyan na akong matanggal sa trabaho kapag hindi ako nag-paalam. Last year na rin naman ng pinirmahan ko rito sa eskwelahan na 'to..." Nagkibit balikat si Ynez bago itinuon ang atensyon sa harapan.

"Hmm..." tumango ako at tipid na ngumiti. "Lets go home, Ynez. Kakausapin ko pa si Kenneth and I'll finish the final grades para sa kuhanan ng cards..."

Ynez snapped her finger, "Ay taray! Magpapakasipag din ako. Lets go!" Malakas at excited niyang sambit. Tanging pag-tawa na lang ang naisagot ko.

*
Pagkarating ko sa bahay at hindi ko inaasahan kung sino ang madadatnan ko doon. Si Samson na masayang nakikipaglaro sa anak ko at sa mga pamangkin ko. Dad was even talking to him!

Mabilis akong pumasok sa bahay at inuna ang kusina, baka kasi andon si Mama. May sasabihin ako tungkol sa paghahanap kay Alston. Nadatnan ko si mama na nagbe-bake ng mga cupcakes, mabilis ko lang siyang hinalikan sa pisngi bago dumeretso sa sala at ganon din ang ginawa kay papa.

"Si Samson ba hindi mo babatiin?" anas ni Papa habang nakatingin sa akin. That's what I'm trying to avoid, ang kausapin siya! Pero eto namang mga tao sa paligid ko, they're doing the opposite! It feels like they're pushing me to Samson.

Hindi sana ako magsasalita pa pero biglaang sumabat si Samson. Kasabay ng pagtingin ko sa kanya ay ang pag-silay ng isang mapaglarong ngisi sa kanyang mga labi. "Your father is right. Hindi mo man lang ba ako babatiin?"

Nakita ko pang tinapik ni Papa ang balikat ni Samson. Naningkit lalo ang mga mata ko nang marinig kong magsalita ang anak ko tungkol sa hindi ko pagpansin kay Samson. Ni hindi nga muna ako binati ng anak ko!

"Oo nga, mommy. Won't you even greet Tito Mikael? He bought gifts for us! Ang dami po!" Pagmamalaki pa ni Lance bago itinaas ang bagong laruan niyang robot.

I secretly rolled my eyes and with a sigh, I greeted him. Forcefully. "Hi Samson..."

He smiled at me. Yung ngiti na para bang sa pagbati ko pa lang sa kanya ay na-satisfy na siya. "Hi..."

I grunted and took my bag. Aakyat na muna ako at doon mag-stay. Ayoko rito sa baba, pakiramdam ko ay ang sikip. Pakiramdam ko'y hindi ako magiging komportable kahit nasa bahay pa ako dahil naandito rin si Samson.

Nang makarating ako sa taas ay mabilis lang akong nag-bihis ng pambahay. Inilabas ko na rin ang mga gamit ko para makapagsimula na sa paga-ayos ng grades ng mga estudyante ko.

My phone vibrated kaya naman doon napunta ang atensyon ko. It was a message from Alisha.

Alisha:

I'm going home.

Napasinghap ako at mabilis na nag-tipa.

Ako:

Really? When?

Mabilis namang na-seen ni Alisha ang reply. And she replied the same time she saw my reply.

Alisha:

One week from now. Pwede bang ikaw ang sumundo sa'kin?

I smiled. Of course! Kung alam ko na uuwi ang best friend ko, kahit hindi pa ako sabihan ay ako na talaga ang susundo sa airport man o kahit saan.

Ako:

Of course, pwede. Sabihan mo lang ako, Isha. How are you?

Alisha:

Quite busy. Facing a lot of problems right now, ike-kwento ko sa'yo lahat sa oras na makauwi ako. Missyou! Take care, Lilah!

Napaismid ako. Aalis ka na agad? Kumunot tuloy ang noo ko habang nagta-type.

Ako:

Okay. You take care too, Isha. I miss you so much! Ingat ka lagi and can't wait to hear your stories :)

Alisha went offline. Inilapag ko naman ang phone ko at sisimulan na sana ang trabaho nang biglaan namang may kumatok sa pintuan. I hissed and shook my head. Fudge, wala na akong nagawang maayos na trabaho.

Nagtungo ako sa pintuan at binuksan iyon, "Yes, Ma?"

"Anak, may isa ka pang bisita."

Kumunot ang noo ko. Bisita? Isa pang bisita? Bakit, bisita ko ba si Samson? Bwisita kaya siya!

"Sino daw po?" tanong ko bago inayos ang buhok ko pati ang aking damit.

"Steve raw ang pangalan..."

Namilog ang mga mata ko mula sa narinig. Kumunot rin ito dahil sa hindi ko inaasahang pupunta rito si Steve kung totoo man ang sinasabi ni Mama. "Sigurado po kayong Steve ang pangalan?" tanong ko bago tuluyang binuksan ang pintuan.

"Oo. 'Yun ang sabi niya. Gwapo anak, matangkad..." ani Mama habang nakangiti at binibigyan ako ng isang makahulugang tingin at doon pa lamang ay alam ko na kung anong gusto niyang iparating.

"Mama..." naningkit ang aking mga mata at unti-unting umangat ang gilid ng aking labi. Narinig ko ang malakas na pag-tawa ni mama nang tumalikod siya at iniwanan ako sa taas. Napatingin ulit ako kay Mama dahil bumalik siya.

"Andito rin pala si Kenneth. 'Yung bading mong kaibigan nung kolehiyo ka pa..."

Tumango ako at mabilis na sumunod papunta sa baba.

Pagkarating ko sa baba ay nakita ko si Steve na nakaupo habang hawak-hawak ang bouquet of flowers. Bumuntong hininga ako bago mabilis na lumapit sa kanya.

"Hi, Lilah. Magandang gabi..." anas ni Steve bago iniabot sa'kin ang bulaklak. Tipid lang akong ngumiti bago 'yon inabot. Hindi ko naman sinasadya na mapatingin kay Samson na ngayon ay matalim ang titig sa aming dalawa. Kung matalim ang tingin siya sa'kin ay mas matalim ang titig niya kay Steve. Kung nakakamatay nga lang ang titig ay baka patay at nakahandusay na si Steve ngayon.

"Good evening Steve." Napahawak ako sa bulsa ng aking pantalon bago dinilaan ang aking labi, "Ahm... Anong ginagawa mo rito?" nag-aalangan kong tanong.

Steve chuckled and ruffled his brown hair bago ngumiti sa'kin ng matamis, "I realized na sa'yo ako agad nag-sabi na manliligaw ako. Even though you're at your legal age, gusto ko sanang mag-paalam pa rin sa mga magulang mo para payagan akong ligawan ka."

"Oh." Tanging pag-tango na lamang ang nagawa ko. Si Mama naman ay nasa likuran ni Steve kaya kitang-kita ko ang tawang pinipigilan niya at ang pigil na ngiti na ayaw niyang ipakita sa'kin. Ngumiti ako kay Steve bago siya sinabihang umupo na lang ulit and to my dismay, talaga atang sinadya niyang tumabi kay Samson.

Umupo ako sa tapat ni Steve bago dahan-dahang inilagay ang mga bulaklak sa vase. Si Lance naman ay tuwang-tuwang naging feeling close agad kay Steve, tinawag agad 'tong Tito! Naalala niya raw ito noong nasa New York pa kami, naalala niya raw ang mukha. Although Steve gave me a ride many times noong magkasama pa kami sa trabaho ay hindi siya nakikita ni Lance. Hindi kasi pumapasok si Steve, ni hindi rin bumababa ng sasakyan.

"Hey kiddo!" tawag ni Samson kay Lance. Agad namang humarap sa kanya ang anak ko, "Ano po 'yon, Tito Mikael?" Inosenteng tanong pa ng anak ko.

"Dito ka sa'kin. Wag ka diyan."

Bahagyang namilog ang mga mata ko dahil sa ginawa ni Samson. Noong sinabi niya kasi 'yon ay nakakandong ang anak ko kay Steve! Nananadya na ba talaga siya? I mentally rolled my eyes and I even heard Kenneth laughed while he was sitting beside me. Pasimple ko siyang siniko na siyang nagpatahimik sa kanya pero maya-maya lang din ay nagpipigil na naman siya ng tawa.

Paano ba naman kasi, noong si Samson ay magsasalita at kapag siya na ang magsasalita ay biglaan talagang sisingit si Steve.

"Girl, lapitin ka hindi lang ng teacher. Attorney din pala. Secret mo? Pa-share naman." Pabulong na biro pa sa'kin ni Kenneth. Kung pwede ko lang siyang sabunutan ay kanina ko pa talaga ginawa.

"Attorney ka?" tanong ni Mama kay Steve. Mabilis namang tumango si Steve matapos uminom sa baso na may lamang iced tea na tinimpla ni Mama kanina. Pinagsiklop ni mama ang kamay niya bago malapad na ngumiti. "Kailan mo nagustuhan ang anak ko?"

Parang nagpigil pa ng ngiti si Steve at kinagat ang kanyang pang-ibabang labi bago sumagot, "I don't know, ma'am. Sadyang isang araw po ay nagising na lang ako na talagang hinahanap-hanap ko ang anak ninyo. She was like a... ahm.. a drug..." Lumamlam ang mga mata ni Steve matapos niyang sabihin iyon at tumingin sa'kin.

Narinig ko ang pag-tikhim ni Papa. I rolled my eyes, ano bang ginagawa nila? Seriously! I heaved a sigh at nag-iwas ng tingin kay Samson. Hindi na naman kasi sinasadyang napa-sulyap ako sa kanya and I swear, kakaiba ang titig niya. Para niya akong susunggaban kahit anong oras, parang tigreng galit na galit.

"Should I make a topic para matigil na 'tong namumuong gulo?" tanong sa'kin ni Kenneth sa pabulong na paraan.

Dahan-dahan akong tumago. Tumikhim si Kenneth at umayos ng upo bago tuluyang nag-salita. "Ahm. May lakad po kami tomorrow. We're going to Palawan, gusto niyo ho bang sumama?" tanong niya sa'king mga magulang.

Natawa si Papa sabay iling, "Hindi na ako sasama. Matanda na ako..." Akala ko ay 'yon na lang 'yon pero nang tinapik niya ang balikat ni Samson ay alam ko na ang mangyayari. "Bring Samson along with you. Magiging masaya ang trip ninyo for sure..."

Mentally ay napa- face palm na lang ako. What should I do now? 'Yung mga taong iniiwasan ko mismo dahil sa feelings ko ay parang tinutulak sa'kin papalapit ng ibang tao. What's with this? Ang hirap ng sitwasyon ko!

"Hindi rin ako sasama. Si Steve isama ninyo. He's courting our daughter. Dapat lang 'yung may taga-bantay ang anak ko..." ani Mama bago ngumiti kay Steve.

"Sasama talaga ako." Matigas at sabay na wika ni Samson at Steve. Nagkatinginan kami ni Kenneth habang si mama at papa naman ay seryosong nakatingin sa isa't-isa na parang may away din na mamumuo sa kanila.

"Great! Ahm..." Kenneth glanced at me. "Sana maaga kayo bukas. Icha-chat ko na lang sa inyo ang venue ng pagkikitaan..."

Hindi ko pa rin maiwasan ang tumingin kay Samson lalo na't ngayon na nakatutok siya sa kanyang cellphone. Kumunot ang noo ko, sinong ka-text niya? Nang mapunta ang tingin ko kay Steve ay nakatitig siya sa'kin. Naiilang akong ngumiti. Ganon din ang ginawa niya bago itinuon ang atensyon sa anak kong kanina pa siya kinukulit. Ayaw na ni Lance kay Samson? Napatawa ako sa aking isipan.

Napatingin kaming lahat nang tumayo si Samson.

"O, aalis ka na?" tanong ni Papa.

Tipid na tumango si Samson at pinasadahan ako ng tingin, "Yeah. I have to..."

"Why?" tanong ni Kenneth.

"Ahm. Ingrid needs me..."

Nag-iwas ako ng tingin nang marinig ko ang pangalan ni Ingrid. There's this familiar pain in my heart once again. Ayoko na 'tong maramdaman.

Ngumiti ako at bumaling kay Steve, "Steve, kumain ka na ba?" agad kong tanong.

I know its rude of me dahil kusang loob ko lang na kinausap si Steve noong aalis na si Samson pero yon na lang ang naisip kong paraan para mai-alis ang atensyon ko sa lalakeng 'yon. Lumunok ako nang parang may isang emosyon akong nakitang dumaan sa mga mata ni Steve, I'm sorry...

"Ah, yes. Kumain na ako." tipid na sagot nito bago ngumiti. Nang umalis si Samson ay inentertain na parehas nila papa at mama si Steve. Si Kenneth naman ay umuwi na. Nang nakauwi si Steve ay doon na lang ako nakahanap ng pagkakataon para bumalik sa taas at ipagpatuloy ang mga dapat kong gawin.

*

Maaga akong nagising dahil sa ingay ni Lance. He was calling my name repeatedly at nakasuot na agad sa kanya at nakasabit sa balikat niya ang kanyang maliit na backpack. Napatawa ako nang malakas dahil doon bago siya kinabig sa isang yakap.

"You're too excited!" wika ko.

Tumango si Lance. "Yes, mommy!"

Kinuha ko ang cellphone sa ibabaw ng side drawer na malapit sa kama. Titignan ko lang sana ang oras pero namilog ang mga mata ko at literal akong napanganga dahil sa lumabas sa cellphone ko.

One message from Steve and one from Samson.

Ng sabay.

***

a/n: sorry for the typos.
Twitter: jeweeelwrites

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top