Chapter 19
Chapter Nineteen
Don't
Nakakalito.
Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman kapag kasama ko si Steve. Dapat ba ay maramdaman kong nagugustuhan ko na rin siya dahil lagi siyang naandiyan para sa'kin? Hindi kasi ganon ang talagang nararamdaman ko.
Wala namang nagbago. I still treat him as my friend, as my best friend. Hindi naman kasi ibig sabihin na kapag gusto niya ako ay gusto ko na rin siya. Just to be free from awkwardness and to save the friendship, no.
I admit that I'm still in love with Samson. Hindi naman nawala ang nararamdaman ko para sa kanya an Steve knows it. All along ay alam naman niya. The day he confessed to me, siguradong alam na niya ang isasagot ko.
Still, he continued. Gusto niya pa rin na ligawan ako, gusto pa rin ni Steve na magkaroon ng kami.
"Girl, nakikinig ka ba sa'kin?" Ilang beses akong napakurap nang marinig ang boses ni Kenneth na siyang nakaupo sa tapat ko.
"H-Ha?" Takang-taka na tanong ko pa.
Kenneth rolled his eyes and crossed his arms over his chest, "Nakikinig ka ba talaga sa'kin o iniisip mo na naman si Steve at ang nararamdaman mo para kay Samson?"
Doon ako napatahimik at napaiwas ng tingin sa kanya. Tama naman kasi siya. Talagang hindi na ako nakikinig sa kanya and I was already drowning in my own thoughts na hindi ko naman alam kung tama o mali.
"Girl, makinig ka na muna sa'kin. Don't think about them! Kaya nga kita niyayaya e!"
Kumunot ang noo ko bago siya nagpatuloy sa pagsasalita. "Pupunta tayo sa Palawan okay? May rest house sila Mommy at Daddy doon. Mag-leave ka muna for work."
"But-"
"No buts! Kung gusto mo ay ako pa ang mag-paalam sa'yo sa trabaho para lang payagan ka. Keri?"
Bumuntong hininga ako bago umayos ng pagkaka-upo sa bench. Si Kenneth naman ay naging tahimik na lang na siyang pinagtaka ko. Minsan lang tumahimik si Kenneth at ngayon, kakaiba ang katahimikang meron siya.
"Are you okay?" tanong ko sa kanya.
Mabilis siyang tumingin sa'kin bago tipid na ngumiti. "Of course, I am. Bakit naman hindi?"
Umiling ako, "It's just that you look..."
Tinitigan ako ni Kenneth sa mata bago ngumisi, "Pretty?"
Kusa na lamang akong napairap bago siya malakas na hinampas sa braso. "Ewan ko sa'yo!"
Inalis ko na muna sa isipan ko ang mga iniisip ko tungkol kay Samson at kay Steve. Katulad nga ng sinabi ni Kenneth sa'kin, bigyan ko naman daw ang sarili ko ng oras para makapagpahinga.
"Alam mo girl, lapitin ka ng teacher!" Pumalakpak pa si Kenneth habang malakas na natawa. Ako naman ay walang naintindihan sa kanyang sinabi.
"Ha?"
"Si Samson teacher. Si Steve ay teacher din. Lapitin ka talaga ng mga kapwa mo teacher!" Kinurot pa ni Kenneth ang aking tagiliran kaya bigla akong napaigtad dahil sa pagkagulat.
"Kenneth!"
"Teka, teacher ba talaga si Steve? Alam ko may na-kwento ka sa'kin tungkol diyan, e!"
Kumunot ang noo ko at napaisip. Oo nga, ang alam ko din ay mayroon akong nai-kwento kay Kenneth noon tungkol kay Steve. Mabilis akong humarap sa kanya, "Attorney talaga si Steve at hindi teacher..."
Kenneth's mouth formed a bewildered 'O' as he nod a lot of times. Napatingin ako sa malayo saka mabilis na tumayo. "Halika na. Uwi na tayo, baka hinahanap na rin ako ng anak ko..."
Tumayo si Kenneth at sumabay sa'kin sa paglalakad hanggang sa siya na mismo ang bumasag ng katahimikan na namamagitan sa'ming dalawa.
"Wala ka bang balak hanapin ang totoong tatay ni Lance?"
Natigilan ako doon. Kung hahanapin ko ba ang totoong tatay ni Lance ay tatanggapin niya ito? Kung susubukan ko nga bang hanapin ay mahahanap ko kaagad siya? For Pete's sake, he's in New York!
"Naiisip ko naman na hanapin siya pero..."
"Pero ano?"
"Naisip ko na maganda na naman ang buhay naming dalawa ni Lance and... hindi na namin siya kailangan."
Kumunot ang noo ni Kenneth bago humarap sa akin ng maayos, "Don't you think na naghahanap din ang anak mo ng kalinga ng isang ama?"
I gulped at what he said. Kagaya nga ng sinabi ko noon, kapag si Lance ay nagta-tanong tungkol sa kanyang ama ay hindi ako nagsi-sinungaling. I tell him the truth and I'm always gonna tell him the truth, ayokong magsi-sinungaling ako sa anak ko.
Minsan din ay napapansin ko na kapag lumalabas kami ni Lance para mamasyal, napapatingin siya sa pamilyang kumpleto. 'Yung hindi lang isang magulang ang kasama.
"Alam kong naghahanap din siya ng pagkalinga ng isang ama pero ayoko na... ayoko ng sumubok sa isang tao na wala namang kasiguraduhan kung makikita ko nga ba ulit o hindi..."
Narinig ko ang malalim na pag-hinga ni Kenneth dahilan para tumingin ako sa kanya at tahimik siyang obserbahan. Kenneth may be noisy and all that happy go lucky type of person ngunit may pagkakataon pa rin naman kung saan alam niya na dapat ay seryoso siya. Alam ni Kenneth kung kailan ang oras sa biro at kung kailan ang oras sa hindi.
"Kaya ka nga susubok para malaman mo. Wala namang magagawa ang takot mo sa mga nangyari at sa mga mangyayari. You have to try, take a risk dahil hindi 'yan para sa'yo. Kung iisipin mo nga, para sa anak mo naman talaga ang gagawin mo..."
And that hit me. Hindi ako makapaniwalang napatingin kay Kenneth habang siya naman ay nakatingin pa rin sa malayo. Mabilis ko siyang yinakap at paulit-ulit na pinasalamatan.
"Seryoso ka ba girl? Na halos araw-araw napasok sa isip mo na hanapin ang tatay ni Lance pero 'di mo magawa?"
Tumango ako. "Naiisip ko kasi na baka kapag nakakilala ako ng... ng iba at tanggap niya naman na may anak ako at mahal niya ako. Siya na lang sana ang tumayo talagang ama ni Lance..."
Tumango si Kenneth bago ako hinila dahil may tumigil na sa jeep sa harapan naming dalawa bago siya mahinang nagsalita, "Pwede rin naman 'yon. Ang kaso lang alam naman nating hahanapin talaga ni Lance ang tatay niya..."
I remained quiet habang magkatabi kaming dalawa ni Kenneth sa loob ng jeep. He made me realize na dapat pala talaga ay ginawa ko na ang bagay na 'yon, 'yung bagay na matagal ko nang pinagplanuhan pero pinangunahan lamang ako ng takot. 'Yung bagay na magpapasaya sa anak ko.
Kung kaya ko, hahanapin ko. Kung kailan wala na 'yung takot ko, hahanapin ko. At hanggang wala pa akong maipapakita sa anak ko, ito ang unang beses na kailangan ko mag-sinungaling sa kanya. Ang unang beses kung saan hindi ko sasabihin sa kanya ang totoo tungkol sa kanyang ama.
"Basta girl ha? You can bring Lance along with you o ang dalawa sa mga kapatid mo. Para mas masaya! Dalawang van naman ang service natin, e..."
Tumango ako at tipid na ngumiti, "Sige. Salamat..."
Nagpaalam na si Kenneth at ako naman ay tuluyan na rin nakauwi. Pagpasok ko pa lamang sa bahay ay nandoon na si Lance at ang mga pinsan niya na naglalaro at nagkakasiyahan.
"Mommy!"
"Hi Tita Li!"
Ngumiti ako at isa-isa silang hinalikan. Ang mga bata naman ay pinaulanan din ako ng halik sa aking mukha, puno na tuloy ng laway ang pisngi ko.
"Mommy, saan ka galing?" tanong ni Lance sa'kin pero nakatuon ang atensyon sa mga laruan.
"Kasama ko si Kenneth, anak. Namasyal lang kami..." At pinag-usapan ang tungkol sa totoo mong daddy. Gusto ko sanang idagdag ang mga salitang 'yon pero hindi ko ginawa, sasabihin ko mismo sa anak ko sa oras na nahanap ko na siya, sa oras na nakita ko na siya.
"You went out with Tita Kenneth? Saan po kayo nag-punta?"
Napatawa ako dahil tinawag na naman niyang 'tita' si Kenneth when all along -- it should be Tito. Ang baklang 'yun talaga!
"Sa mall lang kami nagpunta. Oh, I bought something for you!" Mabilis kong kinuha ang bag ko at inilabas ang binili ko para sa kanya.
I bought a toy and a clothing for Lance. Binili ko 'yung t-shirt na gustung-gusto niya ang design dati pa. The white t-shirt was filled with Iron Man's head as a design. Mahilig kasi talaga si Lance sa Iron Man at idol na idol niya 'yon.
"Wow! Mommy, thank you po!" Malapad ang mga ngiti na wika ni Lance habang niyayakap ang mga laruan. Ang mga pinsan naman niya ay nagtanong din sa'kin kung paano sila at bakit wala silang pasalubong.
Ang sinagot ko naman ay next time na lamang ang sa kanila.
"Ma..." tawag ko nang madatnan ko si Mama sa kusina na naghahanda ng merienda para sa mga kasama sa bahay.
"Yes, anak? Dumating ka na pala. Ni hindi ko man lang narinig na bumukas ang gate, e." ani Mama habang ipiniprito ang french fries.
Napatawa naman ako at hinalikan siya sa pisngi. "May napag-usapan po kami ni Kenneth, Ma..."
Sumulyap sa'kin si mama, "Ano 'yon?" tanong niya.
"'Yung tungkol po sa tatay ni Lance..."
Napatigil si Mama. Sakto naman na tapos na ang niluluto niyang fries. Pinatay ni Mama ang kalan bago lumapit sa akin. "Ano ang tungkol sa tatay niya?"
"G-Gusto ko po sanang hanapin. Susubukan ko po siyang hanapin..." pag-amin ko.
Hinila ni Mama ang isang upuan para makaupo siya. Tahimik niya akong pinagmasdan at itinulak sa'kin ang bowl na puno ng french fries. Kumuha ako ng kaunti doon.
"Si Kenneth ba ang nag-sabi sa'yo at nag-bigay sayo ng ideya para hanapin ang ama ng anak mo?" Kalmadong tanong ni mama sa'kin.
Tumango ako, "Pero naisip ko rin naman po na tama si Kenneth. Kahit hindi nagtatanong ang anak ko tungkol sa tatay niya, alam kong naghahanap siya. Nagtataka kung bakit siya... kung bakit siya ay walang ganon..."
Tumungo ako at kinuyom ang aking mga kamay. Kung patuloy lang kasi akong maduduwag ay wala namang mangyayari, hindi ko mahahanap ang ama ni Lance. Kung pangungunahan na naman ako ng takot ay 'di ko mapapasaya ang anak ko, 'di ko maipapakita sa kanya ang matagal niya ng hinihintay.
Tumango si Mama at inabot ang aking kamay. Tipid siyang ngumiti at pinisil ang kamay ko, "Ayos lang 'yan, anak. Kung ano sa tingin mo ang tama ay 'yun ang gawin mo. Kung mapapasaya mo si Lance at mawawala ang gumugulo sa'yo, hanapin mo siya..."
Pumikit ako at dumako ang kamay ko sa aking sentido para hilutin ito. Nakakasakit ng ulo.
Alston. Yes, Alston. I remember his name! Eight years but I still managed to remember his name. Alston... Alston what? 'Yun lang ang hindi ko alam. Hindi ko alam ang apelyido niya! I can't say na maganda na na alam ko ang pangalan niya dahil alam ko nga pero hindi ko naman alam ang surname niya. How can I find him? Ang hirap!
"Alston. Ma, his name is Alston."
"Do you know his surname, 'nak?" agad na tanong sa akin ni Mama. Doon na naman ako napatigil, I cannot remember his last name! Ni wala nga sa dulo ng dila ko.
"No, mom. Hindi ko maalala, ni isang letra nga ng surname niya ay wala ho sa dulo ng aking dila. Mukhang magiging mahirap 'to para sa'kin."
Pinaglapat ni Mama ang kanyang mga labi bago tumingin sa'kin na para bang sinasabi na dapat ay maging determinado ako.
"Oo, magiging mahirap 'yan para sa'yo anak. Pero alalahanin mo, para 'yan sa anak mo. It's for Lance."
*
Hindi rin ako nakatulog nang maayos nang gabing 'yon. I woke up too early, halos alas kuwatro pa nga lang ng madaling araw ay gising na ako. Bumaba ako sa kusina para kumuha ng tubig at kahit papaano ay pakalmahin ang kabang nararamdaman ko. Bakit parang pakiramdam ko ay may masamang mangyayari? Maliban kay Steve, kay Samson at sa paghahanap ko kay Alston - may isa pang bumabagabag sa'kin pero hindi ko malaman kung ano 'yon. Basta. Basta kinakabahan ako.
If I could just erase all my thoughts and make my mind stay blank for a really long time ay ginawa ko na ang kaso ay hindi ko kayang gawin. Who could, right? Wala naman ata. I took my cellphone and browsed through my facebook account. Wala naman masyadong bago, ganon pa rin naman. Upload ng upload ng mga litrato 'yung mga taong halos pagsawaan na ang mukha nila sa social media.
Nakakaumay lang.
I sighed and turned my phone off, wala na naman akong ibang magagawa pa. Still, I can't get it off my mind. Noong na-realize kong tama nga naman si Kenneth at si Mama ay parang gusto ko na agad mahanap si Alston. Si Alston na ama ni Lance.
The guy I had the one night stand with.
Before, I thought na isang malaking pagkakamali ang ginawa ko kasama si Alston. I met him in New York, sa isang sikat na bar. It was after my graduation. Yes, my parents showed their support for me pero nalungkot pa rin ako, they weren't there for me. Wala sila sa tabi ko nang tuluyan akong maka-graduate habang ang mga ka-blockmates at kaklase ko ay kumpleto ang pamilyang dumalo sa nasabing event. I was hurt, it was depressing. Lalo na kung ilang taon ka na sa New York at ni minsan ay hindi magawang makabisita ng magulang mo dahil hindi nila kaya, dahil walang pera.
Alisha was with me though pero kinailangan niya namang umalis dahil magce-celebrate sila ng pamilya niya and it was away from New York. Syempre ay hindi naman ako pwedeng sumama sa kanila, magiging kasali pa ako sa dapat ay family celebration lang. I went out, I went to the bar all by myself. Alone. Hindi na naman ako minor nang mga panahon na 'yon, I can enter any bar. Ayos lang dahil wala namang sisita sa'kin - tama na ang edad ko.
I got drunk. First times. My first time tasted good, felt good, hella good. That was what I thought. Until isang araw ay doon ko nalaman na buntis ako. I was sure that it was the guy I had my one night stand with - its Alston. Sa kanya ang batang dinadala ko, too bad na hindi ko na lang siya nahanap ulit. Mostly, ang babae ang laging unang aalis sa one night stand but with what happened to us, si Alston ang unang umalis.
Positive. Parang gumuho ang mundo ko dahil sa nalaman. I was pregnant. I had a life inside my tummy. Ganon ganon na lamang, nakabuo kaming dalawa ni Alston but he left me the morning I woke up after that night. Wala na and that time, I was sure that I'm going to raise my child alone.
I'm going to raise Lance alone.
And I did. Noong una ay hindi ko pa magawang sabihin sa mga magulang ko na buntis na ako, na nagdadalang tao ako pero kalaunan ay nagawa ko. Ang akala ko ay magagalit sila sa'kin pero they weren't mad. Malaki na daw ako, nakatapos na ako. At kasalanan din naman daw nila dahil wala sila sa tabi ko para kahit papaano ay bantayan ako. And it somehow helped me heal the scar in my heart caused by my parents - kahit papaano ay nakalimutan ko ang galit ko sa kanila.
Inilagay ko na sa lababo ang baso bago ako umakyat pabalik sa kuwarto naming dalawa ni Lance. Nang buksan ko ang pintuan ay mahimbing pa rin siyang natutulog, at least hindi napansin ng anak ko na umalis ako sa tabi niya. Masyadong malalim ang pagtulog niya.
Saglit akong natulog para mamaya kapag pumasok ako sa trabaho at mag-paalam na magkaroon muna ng leave ay hindi naman ako mukhang bangkay. When I woke up, Lance was still asleep kaya naman mabilis na akong nag-ayos ng aking sarili bago siya mabilis na hinalikan sa noo. Bakasyon na kasi nila Lance, wala na silang ginagawa sa school.
"Ma, alis na po ako..." paalam ko bago siya dinampian ng halik sa pisngi.
Dumeretso ako sa garahe para sana mag-paalam kay papa pero nang pumunta ako doon ay may kasama siya. He was talking to Samson, ang saya saya pa nilang dalawa habang nagta-tawanan. Naningkit ang mga mata ko nang napatingin sa akin si Samson pero mabilis niya rin na ibinalik ang atensyon niya kay Papa. I creased my forehead habang lumalapit ako kay Pa.
"Hi Pa, alis na po ako..." wika ko bago siya hinalikan sa pisngi. Inakbayan ako ni Papa bago siya nagsalita, "Ihahatid ka na ni Samson. Balita ko ay magkatapat lang ang school na pinagta-trabahuhan niyo?"
"Opo-"
"Hindi na po, Tito. Sa parehas na school na rin po kasi ako nagta-trabaho..."
Namilog ang mga mata ko dahil sa narinig sa kanya. What? Doon na rin siya magta-trabaho?
Ngumiti si Papa, "Siya! Maganda 'yan, may makakasama ang anak ko na pinagkakatiwalaan namin. Sige na, pumasok na kayong dalawa sa trabaho. Baka ma-late pa kayo..."
Tatanggi sana ako ngunit parang ipinagtutulakan talaga ako ni Papa kay Samson kaya naman umaga pa lang ay inis na inis ako. I'm trying to avoid him okay? Kagaya kay Steve, pinipilit ko silang iwasan dalawa! Napailing na lang ako bago huminga ng malalim. Its okay, Delilah. Its okay, ihahatid ka lang naman. Ganon din naman ang ginawa niya sa'yo dati.
Ihahatid lang? No! Doon na rin siya magta-trabaho sa school na 'yon.
Pagkalabas na pagkalabas namin ni Samson sa bahay at nang makasakay na kami sa kotse niya ay agad ko siyang sinigawan.
"Pinaglalaruan mo ba talaga ako, ha? Bakit doon ka pa sa school na 'yon nagta-trabaho? Wala ka na ba talagang magawang matino sa buhay mo ha?"
Nagkibit balikat lang ito, "Mas mataas daw ang sweldo doon."
"Samson!"
Narinig ko ang mahinang pagmura ni Samson bago ako matalim na tinignan, "Katulad ng sinabi ko sa'yo noong tayo pa, gagawin ko lahat. Just don't give other men chances and false hopes kasi aasa sila sa'yo. Kaya ako nandito kasi ayoko. Don't give, Delilah. Don't give him a fucking chance."
***
a/n: i know its lame. sorry! sorry for the typos!
Twitter: jeweeelwrites
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top