Chapter 17

Chapter Seventeen
Simon

Naging masaya ang lakid naming tatlo sa EK. Naging masaya dahil nakangiti ang anak ko buong araw kahit pawis na pawis at pagod. Naging masaya dahil... dahil hindi niya binitawan ang kamay ko. Kung bibitawan man ay kapag may kukunin siya o may gagawin. Lalo na kapag nagma-maneho siya ay hindi niya pa rin binitawan, habang ang isa ay nakahawak sa steering wheel ang isa naman ay hawak ang aking kamay.

"Uhm, thanks for being with us, Samson." Matamis akong ngumiti sa kanya bago bumitaw sa pagkakahawak niya sa aking kamay. I avoided his gaze and bit my lower lip, biglaan akong nahiya ngayong nasa harapan na ako ng bahay namin!

Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Samson bago muling inabot ang kamay ko pero mabilis ko na 'tong iniwas. I'm sure I was blushing! Ni hindi ko na maitago sa kanya ang mukha kong namumula-mula at nag-iinit dahil sa pagngiti-ngiti niya sa'kin at paghawak niya sa kamay ko!

"You're really cute when you blush. I miss it, Lilah..." anas ni Samson bago marahang hinaplos ang aking pisngi.

I creased my forehead and shot him a glare, "Stop teasing me!" Halos pasigaw ko ng sabi sa kanya pero dahil karga-karga ko si Lance na siyang tulog na ay hindi ko magawa.

"Babe, I'm not teasing you. I'm just telling the truth..."

Parang lumundad ang puso ko mula sa narinig ko mula sa kanya. Babe? Babe daw! Lalong namula ang mukha ko kaya naman mabilis akong tumalikod at dumeretsyo sa may gate pero hinawakan niya ang aking siko dahilan para mapaharap ako sa kanya.

"Good night, Lilah..."

Ngingiti sana ako at babati pabalik pero biglaan na lamang sumigaw si Lance! Nanaginip ata, "Mommy! Sleep! Sleep!"

Natawa na lamang kaming dalawa ni Samson. Tanging ngiti na lamang ang ibinalik ko sa kanya at siya naman ay nanatiling nakatingin lamang sa'kin. Tuluyan na akong pumasok at siya naman ay naiwan sa labas.

"Good night, Samson..."

Tumango siya at tumalikod na bago sumakay sa kanyang kotse, pinaandar 'yon at tuluyan nang umalis. I entered the house and immediately headed upstairs at pumasok sa kwarto namin ni Lance upang makatulog na siya ng maayos.

Biglaang gumalaw si Lance at kumunot ang noo, "Mommy...." Ngunit hindi siya dumilat. Nanatiling nakasarado ang kanyang mga mata. Napatawa ako bago mabilis na hinalikan ang kanyang noo. Dahil doon ay bumalik na siya sa dati niyang pwesto - tahimik at mahimbing na natutulog.

Mabilis akong nag-bihis ng pambahay at dumeretsyo sa baba upang makainom ng tubig. When I got there, agad din naman akong nakakuha. Umupo ako sa upuan at ipinatong ang baso sa ibabaw ng marble counter bago ako napahinga nang malalim.

Kumunot ang noo ko at mabilis kong kinuha ang cellphone ko. I browsed through my facebook account at kusa na lamang na pinili ng mga kamay ko na makita ang profile niya. Ang facebook profile ni Samson.

Lumalam ang mga mata ko nang makita kong nag-palit ng profile picture si Samson sa kanyang account. I smiled, ito 'yung picture niya kanina!

Sinabi niya kasing kuhanan ko daw siya ng litrato habang nakatayo siya at gwapo daw ang kanyang porma. Noong una ay ayaw ko dahil ayoko na namang kuhanin ang phone niya, baka kung ano pang makita ko don na makakasakit lang sa'kin. Pero noong pinilit ako ni Lance at sinabing sa susunod na pagkuha ng litrato ay kasama siya - wala na rin akong nagawa.

Samson was wearing his usual clothing. Hilig niya na ata 'yon ngayon. White long sleeves na nakatupi hanggang sa kanyang siko at pantalon at puting sapatos. He matured a lot, hindi talaga katulad noong kami pa - sobra sobra ang kakulitan niya sa tuwing magkasama kaming dalawa.

Ni-zoom ko ang picture niya. Yes, he matured a lot pero wala namang masyadong nagbago sa kanyang mukha. He still keeps his face clean at walang facial hair, nawala na 'yung mga pimples na mayroon siya noong college kami. Maputi siya noon pero ngayon ang balat niya ay parang naging tan ng onti. Mas lalo lang siyang gumwapo.

Too bad he already have Ingrid. Aalisin ko na sana nang biglaang may lumabas na notifications. Its a message from him! Dali-dali kong nainom ang tubig at malakas itong nailapag sa ibabaw ng counter, bigla akong kinabahan!

Nagpalipas muna ako ng ilang minuto bago ko napagdesisyunang buksan at basahin ang message niya. Baka kasi mamaya isipin na sobrang bilis ko namang mabasa. E, kung pwede naman akong magkunwaring may ginagawa? 'Yun na lang ang gagawin ko.

Nang makalipas ang limang minuto ay tinignan ko na ang message niya sa'kin.

Samson:

Why are you still awake? Anong oras na. Hindi ka ba napagod?

I was about to ask him the same question pero pinigilan ko na lamang ang sarili ko at iba ang ginawa kong sagot.

Ako:

Hindi ako inaantok. I can't sleep.

I send my reply at sa kaparehas na oras kung kailan ko 'yon ni-send ay doon niya din agad 'yon nabasa. Pilit kong itinago ang mga ngiti ko ngunit hindi ko magawa.

Samson:

Ako? Hindi mo ba ako tatanungin kung bakit gising pa ako?

Ako:

Osige. Bakit hindi ka pa natutulog?

Samson:

H'wag na. Kailangan pang sabihin na tanungin mo ako para lang tanungin ako. Tsk.

Kumunot ang noo ko sa mga pinagsasasabi niya. I was about to type something pero hindi ko na rin tinuloy, ano bang problema ng lalakeng 'to? Is he drunk or something? Naguguluhan na akong kausap siya!

Ako:

What's your problem exactly? E di fine, hindi kita tatanungin.

Samson:

Ganyan ka naman lagi e. Di ka marunong manuyo. Kahit kaya noon, ako na lang laging nanunuyo sa'yo.

Napairap na lamang ako pero hindi ko mapigilan ang pag-tawa nang mahina. Baka kasi mamaya ay marinig pa ako nila mama at papa - baka magising pa sila.

Ako:

Thank you for coming with us, Sam. Pero mukhang pagod na pagod ka na at hindi ko na alam ang sinasabi mo. Are you drunk or something? Matulog ka na lang!

Samson:

You sleep first. O gusto mo sabay tayo :) Hehehe.

Namilog ang mga mata ko at napahilamos na lamang sa mukha bago napabuntong hininga. Seriously? What's with this guy? Lasing ata talaga 'to!

Magta-type sana ako ngunit nauna na naman siyang mag-send ng message.

Samson:

Ibalik na natin 'yung dati, Lilah. Let's go back to the way we were before. I... I just miss you. So much, love.

Napatitig ako sa mensahe niya. Humigpit ang hawak ko sa cellphone ko at parang biglaan akong hindi makahinga. Panigurado akong lasing si Samson, alam na alam ko!

Ako:

We can't go back to the way we were before. Alam mong hindi na pwede so stop and sleep, Samson. Walang patutunguhan 'tong pag-uusap natin.

Samson:

Why? Bakit hindi pwede?

Ako:

Matulog ka na, Samson. Good night.

I turned off my wi-fi bago inilagay sa sink ang basong ininuman ko. Paghipo ko sa aking sentido ay namamawis na pala ako. I shook my head and sighed, nakatuon ang mga kamay ko sa tiles ng lababo bago ako nagdilat ulit ng mga mata.

What just happened? Tanong ko sa sarili ko pero alam kong wala naman akong makukuhang sagot. Marahas kong ipiniling ang aking ulo bago hinilot ang aking sentido, hindi talaga ako makatulog.

Umakyat ako sa kwarto namin ni Lance bago dahan-dahang humiga sa tabi ng anak ko. Ipinikit ko ang mga mata ko at pinilit na matulog.

Hanggang sa tuluyan na lang din akong lukubin ng antok at tuluyan ng nakatulog.

*
Niyaya ako ni Steve sa isang resto bar. We are with our colleagues, gusto niya daw sana kaming i-treat dahil sa Friday ay last day niya na sa trabaho.

The office Steve was talking about is now built. Gusto ko nga 'yong makita pati ng mga ka-trabaho naming dalawa pero ang sabi ni Steve ay h'wag daw muna ngayon dahil wala pang kalaman-laman. Saka na lang daw, hayaan daw muna namin siyang binyagan 'yon.

Kahit si Sunshine ay sumama. Although hindi siya nakikipag-usap sa'ming dalawa ni Steve ay wala naman naging problema. Hindi ko alam kung wala lang ba talagang pakialam si Steve kay Shine o ayaw niya lang pansinin. Kahit ano man doon ay mali pa rin.

Ang iingay ng mga ka-trabaho naming dalawa habang kami naman ni Steve ay tahimik lang. Sinasabayan niya lamang akong mag-lakad habang ang mga ka-trabaho namin ay nasa likod.

"Uy Steve! Ang tahimik niyo naman ata ni Delilah? Nag-LQ ba kayo?" pang-aalaska ni William saka kami binigyan ng isang makahulugang ngiti.

Kumunot ang noo ko at hindi sila nilingon. Sinilip ko si Steve at mabilis niyang tinapunan ng tingin si William.

"Anong LQ? E, hindi naman kami ni Delilah. Tumigil nga kayo!" asik ni Steve bago mabilis na umiling.

"Tangina pre, lakas maka-deny!" Patuloy pa rin ang pang-aasar sa'ming dalawa ni Steve. Ako naman ay dire-deretsyo lamang sa paglalakad.

"Ay-" Muntikan na akong matalisod at matumba. Kung sakaling nangyari man 'yon ay sigurado akong una ang aking mukha. Buti na lamang ay nasalo ako ni Steve.

"Yun oh! Breezy ang sir natin!" Natatawang sabi ni Jomarie habang napalakpak pa. Napairap na lamang si Steve at ako na lamang ang pinagtuunan ng pansin.

"A-Are you okay?" tanong sa'kin ni Steve bago ako pinakawalan at dahan-dahang inalalayan.

"Y-Yes. Thanks, Steve..." halos pabulong ko na lamang na sabi dahil nahihiya na ako sa mga tao sa paligid. Maliban sa mga maiingay na ka-trabaho namin ay napukaw din naming dalawa ni Steve ang atensyon ng iba pang mga tao.

Panay pa rin ang kantyaw nila sa'min. Tumingin ako kay Sunshine at nag-tama ang tingin naming dalawa. There was no emotion written all over her face, as in wala talaga. I creased my forehead when I turned away from her, bakit ganoon siya?

Mas mabuti bang parang wala na lang pakealam si Sunshine kaysa sa tinatapunan niya ako ng masasamang tingin? Hindi ko alam. Parang mas nakakatakot kasi si Sunshine kapag tahimik lang talaga.

"Tumigil na nga kayo, William. Isa ka pa Jomarie, a! Tigilian niyo na kami ni Delilah. Wala namang kami, e. Pasimuno talaga kayo..." Umirap si Steve bago kami pumasok sa loob ng resto bar.

"Um-order na kayo. It's my treat and by the way, may dadating akong kamag-anak dito to join us..."

"Sino?" tanong ni Ynez habang inaayos ang kanyang bag.

"My brother. Kakauwi lang niya galing Boston. Since ngayon din naman ang uwi niya, isinabay ko na lang dito sa panlilibre ko sa inyo. And he's bringing someone along with him too. The more the merrier naman daw..."

"Lalake ba 'yan?" tanong ni Migs na siyang ka-trabaho naming bakla. Ayan na naman ang itsura niya na para bang kahit anong oras ay handang-handa siyang mang-hunting ng mga gwapo sa paligid.

Napatawa na lamang ako.

Tumango si Steve, "Yes. Hindi siya bading..."

Nag-tawanan kaming lahat nang umasim ang mukha ni Migs sa pagkaka-rinig niya ng salitang bading.

Umupo si Steve sa tabi ko habang si Ynez at Migs naman ang magkatabi. Si Jomarie, William at Robert naman ang magkakatabi habang ang lima pang babae ay magkakatabi rin.

Nang dumating ang order namin ay sabay-sabay na kaming kumain. I silently prayed first before eating my food nang biglaang tumayo si Steve at sinabing nandito na araw ang kanyang kapatid. Napatingin kaming lahat kay Migs na inilabas ang kanyang compact powder at mabilis na naglagay non sa mukha niya.

"Do I look alright?" tanong ni Migs.

"Hindi. Mukha kang kabayo..." ani Jomarie bago tinakpan ang mukha ni Migs at inilayo ito sa kanya.

"Wow! Ang gwapo mo, ha!"

"Aba! Talaga! Ako ata ang panlabas ng Pilipinas sa mga internation pageant!" Pagmamalaki pa niya.

"Ano namang taon?" tanong ko habang nakangisi.

"2065."

"Patay na kami non, Jom."

"Mabuti nga 'yon, e. Para wala akong bashers."

Patuloy na nag-biruan ang mga ka-trabaho ko at kasama na ako doon. We were busily joking around kahit na hindi pa kami tapos kumain. Minsan nga ay napapatingin na lamang sa amin ang iba pang mga tao sa loob, kami ata ang pinakamaingay.

Napatigil kami nang dumating si Steve sa harapan namin kasama ang isang lalakeng mas matangkad ng onti sa kanya. He has this skin na para bang kakulay ng buhangin sa dagat, he's tanned! He has facial hair na hindi naman nagpa-dumi sa kanyang itsura, bagay naman sa kanya.

"Hey guys, this is my older brother, Simon..." Pagpapakilala ni Steve sa kanyang kapatid sa amin.

Pinasadahan niya kami ng tingin pero tumigil siya sa'kin. He was intently staring at me hanggang sa unti-unting umangat ang dulo ng kanyang labi at mabilis na bumulong kay Steve.

"Where are they?" tanong ni Steve sa kanyang kapatid. Siguro tinatanong na ni Steve kung nasaan ang mga kasama ng kuya niya.

Pinagpatuloy ko lamang ang pagkain ko. Malapit ko na 'yong maubos nang biglaang mapamura ng mahina si William na siya namang nasa tabi ko. Napasulyap ako sa kanya at kumunot ang aking noo, anong meron? Sinundan ko ng tingin ang tinitignan nila at ganon na lamang ang gulat ko nang makita ko ang dalawang tao na hindi ko inaasahang makikita ko dito.

Samson and Ingrid. Together, holding each other's hands.

Hindi ako nakapagsalita sa buong oras na magkakasama kami. We were eating pero parang biglaan na lamang akong nawalan ng gana dahil sa nakita ko. What now? Bakit dito pa? Bakit sila pa ang kailangang kasama ng kapatid ni Steve? Why?

"Delilah..." tawag sa'kin ni Steve. Ngumiti ito sa'kin at inabutan ako ng pagkain. Alam kong may hipong halo 'yon kaya naman magsasalita na sana ako para tumanggi pero naunahan ko.

"She can't eat that. She has an allergy to seafoods, ilayo mo 'yan sa kanya."

Napatingin kaming lahat kay Samson. Dahan-dahang ibinaba ni Steve ang hawak niya bago tumingin sa akin, doon ko lang napansin na halos lahat pala ay nakatuon ang atensyon sa'kin.

"Delilah."

Nag-angat ako ng tingin nang tawagin ako ni Simon. Natignan ko pa si Ingrid non na siya namang tahimik lamang na nakain habang sobrang magkalapit ang katawan nila ni Samson. Wala na bang space? Ang luwag-luwag pa nga.

"Nililigawan ka ba ng kapatid ko?"

Halos lahat ay napatigil sa kani-kanilang pag-subo ng pagkain. Kahit si Samson at Ingrid. I was caught off guard at hindi nakasagot agad pero nang mabawi ko ang lakas ko ay mabilis akong sumagot.

"N-No. Hindi, we're just friends. W-Why?"

"Kuya!" saway ni Steve sa kanyang katabi. Nalipat ang tingin ko kay Steve, nagtataka ako!

"Delilah, paano kapag niligawan ka ng kapatid ko?"

I know I'm not a teenager pero bakit hindi na naman ako makasagot sa mga ganitong pagkakataon? I creased my forehead and shook my head.

"H-Hindi mangyayari 'yon. W-We're friends..."

"Stop it, kuya..." Steve said through his gritted teeth na siyang mas lalo kong ipinagtaka.

Simon smirked and leaned on the chair bago ako tinitigang mabuti.

"My brother likes you. That's why I'm asking. Would you give him a chance?"

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ng kapatid niya. Lahat halos ng kasama namin ay napatigil, lahat ay nakatingin sa'kin. Even Sunshine.

Pain was clearly written all over her face. Habang ako naman ay napatigil na lamang dahil sa sobrang gulat.

***
a/n: sorry for the typos.
Twitter: @jeweeelwrites

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top