Chapter 16
Chapter Sixteen
Hinawakan
Wala na akong choice kung hindi ang sumakay sa kotse ni Samson nang dumating siya sa harapan ng bahay namin. Excited na excited si Lance na lumabas ng bahay at tinalon ng yakap si Samson.
Napabuga ako ng hangin bago hinawi ang ilang hibla ng buhok ko na humarang sa aking mukha. I secretly rolled my eyes when I saw him smile at my kid. H'wag kang ganyan, umaasa ako.
Ganon sana ang gusto kong sabihin sa kanya ngunit hindi ko na lamang tinuloy. May Ingrid na nga siya hindi ba? Bakit ko pa isisiksik ang sarili ko sa buhay niya? Eto naman kasing si papa! Pwede namang ang kotse na lamang ni Kuya Damien ang gamitin ko tutal iniwan niya rito sa bahay kahapon noong umuwi sila sa kanila.
Shit, bakit hindi ko 'yon naisip kanina? Napairap na naman ako bago inayos ang pagkaka-sukbit ng bag sa aking balikat.
"Stop rolling your eyeballs, baka mamaya mahulog na 'yang mata mo..." Narinig kong anas ni Samson habang nakatutok sa anak ko. Hindi ko mapigilan ang sarili ko kaya naman muli akong napairap sa kanya. Bwisit talaga!
Sumakay na lamang ako sa likuran ng kotse nang makasakay na din silang dalawa. Samson looked at me through the rearview mirror bago ako tinaasan ng isang kilay.
"What are you looking at?" Masungit ko namang tanong habang nilalabanan ang mga titig niya.
"Dito ka sa harapan and let Lance sir at the back. Ikaw na ngayon ang bata?" tanong sa'kin ni Samson.
Bahagya akong napanganga dahil sa pagkagulat sa mga sinabi niya. What now? He's putting up a fight with me? Ang kapal naman nang mukha niya!
"That's right, mommy! Ikaw po pala dapat ang naandito sa harapan. Kasi po ako dapat diyaan, e..." Nakangusong saad pa ni Lance habang titig na titig sa mga mata ko.
As much as I don't want to roll my eyeballs dahil makikita ni Lance ay hindi ko pa rin nagawa. Nang mapa-irap ako ay mabilis ko naman 'yong binawian ng ngiti. "Okay, sweetie..."
Sam helped Lance to transfer to the backseat. Dahan-dahan niyang binuhat ang anak ko hanggang sa tuluyan na itong makaupo sa likuran. Sam even told him to put his seatbelt on at dahil hindi marunong ang anak ko ay bumaba pa talaga si Samson para lamang makabit ang seatbelt ng anak ko.
Nang makasakay ako sa harapan ay naging tahimik na lamang. I was also trying to put my seatbelt on pero hindi ko magawa, bakit ganito? Kumunot ang noo ko at sinubukang muli pero ayaw talaga.
Nagulat na lang ako nang naging malapit na sa akin si Samson. He was reaching for the seatbelt bago niya dahan-dahang iyong ikinabit para sa'kin. Napalunok na lamang ako nang maramdaman ko ang hininga niya sa aking pisngi. Shit!
"A-Ano ba kasi 'tong sasakyan mo? Pati seatbelt ayaw, may sira ba 'to? Baka mamaya hindi kami makarating ng anak ko sa EK, a!" singhal ko na lamang. Tumingin ako sa likod at laking pasalamat nang makitang tulog ang anak ko, hindi naman kasi siya sanay na gumising ng maaga.
Ngumisi si Samson sa akin, "Makakarating tayo sa EK. Alam mo ikaw? Parang seatbelt lang naman ang hindi mo makabit pero buong sasakyan ko dinamay mo na..." Natatawa niya pang saad habang umiling-iling at nakatutok ang atensyon niya sa kalsada.
"Bulok kasi!" singhal ko bago pinagkrus ang dalawa kong braso sa ibabaw ng aking dibdib. I heard her chuckle.
"Hindi 'to bulok, Lilah. Last year ko lang naman 'to binili. Siguro hindi ka lang talaga marunong mag-kabit ng seatbelt ano?" pang-aasar pa nito sa'kin.
Bumuntong hininga ako bago ko inayos ang aking pagkaka-upo, "Ewan ko sa'yo. Magmaneho ka na nga lang diyan, bwisit ka!"
Narinig ko ang mahinang pag-tawa ni Samson kaya napairap ako at tinapunan siya ng masamang tingin. Tumingin din siya pabalik sa'kin pero patuloy pa rin ang pagtawa niya, he's freaking irritating.
"Why are you so grumpy? Wala naman akong ginagawa sa'yo, e. Meron ka ngayon?"
Namilog ang mga mata ko at inirapan na lamang siya. Ayokong sumagot dahil kapag sumagot ako ay may pambawi na naman siya, 'di matatapos ang sagutan naming dalawa ni Samson.
Forever na kaming magsi-sigawan kapag ganito. What the hell, hindi niya ba naaalala ang ginawa niya sa'kin doon sa playground noon? He kissed me! He freaking kissed me pero ngayon kung umarte siya ay parang wala siyang ginawa sa'kin.
Umiwas na lamang ako ng tingin sa kanya at itunuon ang atensyon ko sa labas. Mataman kong tinitignan ang mga nadadaanan naming lugar at nang muli akong tumingin sa likuran ay mahimbing pa rin na natutulog si Lance.
I smiled a bit, he's my source of happiness now.
Bigla ko na lang naramdaman ang pagka-ilang dahil na-stuck kami sa traffic. Sobrang tahimik at ang tanging naririnig ko lang ay ang mga pag-hinga namin. Hindi na ako nakatiis kaya naman binuksan ko kaagad ang radyo at sakto namang nagsisimula ata ang bagong tugtog.
I was actually humming. Sumasabay ako sa tugtog pero nang marinig ko ang lyrics ay agad na namilog ang mga mata ko. No! Agad kong pinatay ang radyo at huminga ng malalim. Napahilot na lamang ako sa sentido ko bago kinagat ang aking pang-ibabang labi, what's happening? May nananadya ba?
"Why did you turn it off?" Nagtatakang tanong sa'kin ni Samson habang nakakunot ang kanyang mga noo.
"The song's not nice! Masakit sa tenga." Pagre-reklamo ko pa sa kanya habang nakasimangot.
"How come na masakit sa tenga ang kantang Born for You? It's actually pretty good. Lilah, it's a classic, come on!" Samson said with a gesture.
Napatitig lamang ako nang deretsyo sa kanyang mga mata hanggang siya na ang kusang napatigil.
"Oh..." He bit his lower lip and avoided my gaze. "Is that it? You hate me that m-much?"
I swallowed dahil pakiramdam ko ay bilang nag-bara ang lalamunan ko dahil sa mga narinig sa kanya. I tried to look at him straight in the eye but I just can't stay like this, "I-I don't hate you. Of course not..."
Narinig ko ang sarkastiko niyang pagtawa bago napailing. Hindi na niya sinagot ang huling sinabi ko bagkus ang ginawa niya ay binuksan ang radyo bago iniba ang stasyon.
"I don't want you hearing that song if you're being hurt." Seryoso at matigas niyang sabi bago ko nakita ang paghigpit ng hawak niya sa steering wheel.
Uwimas na lamang ako ng tingin. Naubusan na ako ng sasabihin sa kanya, ayoko na lang muna siyang kausapin.
Its not that I hate Samson but the song... it just bring back memories na ayoko na talagang maalala. Dahil lagi niyang kinakanta ang kanta na 'yon para sa'kin. Yes, Samson can sing pero hindi ko alam ang mangyayari kung kakantahin niya ulit 'yon. Paano pa kaya kung kantahin niya pa 'yon para sa ibang babae?
Bumuntong hininga ako bago natulog na lang muna. Grabe ang traffic.
*
Nagising ako sa isang maingay na tunog at parang basang-basa ang aking mga pisngi. Dahan-dahan kong idinilat ang aking mga mata at nakita si Lance na nakaupo sa kandungan ko habang matunog na hinahalikan ang aking mga pisngi.
"Lance!" sigaw ko.
"Mommy! You're finally awake! Kanina pa po kita niki-kiss pero hindi ka nagigising. We're here in Enchanted Kingdom na po!" Malapad ang mga ngiting pahayag ni Lance bago hinila ang mga kamay ko.
"Come on, mommy!" Napatingin ako sa aking gilid pero wala doon si Samson. Lalong kumunot ang aking noo.
"Where's your Tito Sam?" tanong ko agad sa kanya.
"Si Tito Mikael po?" Oh. Mikael nga pala ang tawag ni Lance kay Samson since it's his second name.
I nodded, waiting for Lance's answer. Mabilis siyang bumaba ng kotse at sumunod naman ako bago ko tuluyang isinarado ang pintuan.
"He's gonna buy something daw po..."
"Ano naman?"
Lance shrugged his shoulders bago ako madaliang hinila. Ako na ang nag-bayad ng pang-entrance. Bahala na si Samson sa buhay niya, kaya niya namang mag-bayad para sa sarili niya.
"Mommy! Sakay tayo doon!"
Itinuro ni Lance ang maliit at ang pang-batang ferris wheel. Ngumiwi ako, hindi naman ako kasya doon. Hinawakan ko si Lance sa kanyang balikat dahilan para mag-angat siya ng tingin sa'kin.
"Is it okay if you'll ride that alone?" tanong ko sa kanya.
Mas lalong lumapad ang mga ngiti ni Lance, "Oo naman po mommy, I'm a big boy na po kaya!"
Napatawa na lamang ako at umiling saka ginulo ang kanyang buhok. Lumalaki na nga talaga ang anak ko. Hinayaan kong sumakay doon si Lance at nang makarating sa tuktok ay sobrang lapad ng kanyang ngiti habang nakatingin pa sa'kin.
"H'wag kang masyadong malikot!" sigaw ko saka ngumiti sa kanya. Lance nodded and smiled wildly, inilabas ko naman ang cellphone ko para siya'y kuhanan ng litrato.
Oh, this moment is so precious!
Nang matapos ang ride ay niyaya naman ako ni Lance na sumakay ng carousel. Of course sumama ako sa kanya doon dahil baka mamaya ay malaglag siya, we even took a selfie! Ako nga lang ang nakatingin sa camera pero nakangiti naman nang sobrang lapad si Lance habang nakatingin sa malayo. He looks so cute in the picture na gusto ko pa 'yong ipa-develop.
Ang sumunod naman ay niyaya ako ni Lance na mag-bump cars. Ako ang kasama niya sa isang car dahil hindi ko naman siya pwedeng hayaan sa isa, baka mamaya ay kung ano pang mangyari sa kanya.
Nang matapos 'yon ay nagpa-hinga na muna kami. Sobrang daming tao at ang haba ng pila kaya naman masakit na ang paa ko. Umupo kami sa isang bench ni Lance at nagulat na lamang ako nang bumaba siya at tinanggal ang sapatos ko.
"Lance..." Pagtawag ko sa kanyang pangalan. He just looked at me and smile.
"I'm gonna massage your feet, mommy. Alam ko pong napagod ka because of me dragging you into different rides..."
Agad kong binuhat ang anak ko bago ibinalik sa bench. Isinuot ko naman ang sapatos ko, nakita ko na lamang si Lance na nakasimagot.
"Lance, its okay. I'm okay and my feet's okay. Hindi mo na kailangang gawin 'yon, sweetie..." Malumanay kong sabi sa kanya.
"But I want to do it for you, mommy..."
Agad kong kinabig ang anak ko para sa isang mahigpit na yakap, "I love you Lance..."
"I love you too, mommy! Thank you!"
Kumunot ang noo ko nang maalala kong hanggang ngayon ay wala pa rin si Samson. Inilibot ko ang tingin ko habang mahigpit na hawak-hawak ang mga kamay ni Lance na nakaupo sa aking tabi.
"Mommy, ang tagal po ni Tito Mikael..." reklamo ni Lance bago ngumuso.
Tumahimik na lamang ako at tumayo kasama si Lance at naglakad-lakad. Nasaan na ba ang lalakeng 'yon? Biglang bumilis ang tibok ng puso ko nang hindi pa namin siya makita. Dumidilim na!
Natigil ako sa paglalakad nang makita ang isang pamilyar na pigura ng lalake na para bang naghahanap din. I immediately ran to him while holding Lance's hand at hindi nga ako nagkamali, its Samson!
"Sam!" Malakas na sigaw ko sa kanyang pangalan. Hingal na hingal ako nang mapatigil ako sa kanyang harapan at napatitig sa kanyang mata.
Namilog ang kanyang mga mata at mataman akong tinitigan. "Thank God, nandito lang pala kayo! Hindi ko kayo makita! Akala ko-"
Mabilis kong inangat ang kamay ko bago hinaplos ang kanyang pisngi at tipid na ngumiti para siya'y kalmahin, "H-Hey, its okay. Nandito kami, nahanap mo kami..."
Nakita kong lumamlam ang mga mata ni Samson bago tipid na ngumiti. "I- I was just worried..."
Tumango ako at napunta ang tingin ko sa kanyang dala-dala. Namilog ang mga mata ko dahil sa tingin pa lamang ay alam ko ng oreo cake 'yon.
"Tito Mikael, carry me please..." ani Lance bago itinaas ang kanyang mga kamay. Balak ko sanang kunin ang dala-dalang pagkain ni Samson pero iniwas niya 'yon sa'kin.
"Okay, kiddo..." ani Samson bago binuhat si Lance sa parehas na braso at kamay na pinang-hahawak niya ng kahon.
"Samson, let me hold that for you..." pagpe-presenta ko pa pero parang umarte pa siya na walang naririnig.
Ngumiti siya sa'kin at mabilis na hinagip ang aking kamay. My eyes widened at what he did pero hindi ko pa man nagagawang higitin ang aking kamay ay hinigpitan niya na ang pagkakahawak doon.
"Let me hold your hand. Ayokong may mawala na naman sa paningin ko..."
Pakiramdam ko ay nag-init at namula ang mga pisngi ko sa sinabi niya. Buti na lamang nang mangyari 'yon ay tumalikod na siya at hinila na ako para maglakad.
Eto na naman, aasa na naman ba ako?
Hinayaan ko na lamang siyang gawin 'yon at hindi na ako umangal pa. What for? I want his hands holding mine kahit alam kong hindi naman pwede because he has Ingrid.
And I know its very selfish of me but as long as Ingrid is not around, I will let the man I loved before and the man I still love hold my hand as long as he wants.
Hawakan niya lang ang kamay ko. H'wag niya na lang sanang bitawan kagaya ng ipinangako niyang hindi niya gagawin sa'kin noon.
Ang bitawan ako.
***
a/n: sorry for the typos.
Twitter: @jeweeelwrites
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top