Chapter 14

Chapter Fourteen
Bulaklak

Dumaan muna kaming dalawa ni Steve sa simbahan bago umuwi. I don't know, biglaan ko na lamang naisipan na yayain siyang pumunta doon. Lalo na noong pumasok sa isipan ko si papa.

"Bakit biglaan tayong nag-punta rito?" tanong sa'kin ni Steve bago isinarado ang pintuan ng kanyang sasakyan.

Napangiti ako, "Wala naman. May naalala lang kasi ako. Tara? Pasok tayo sa loob..."

Dahil sa gabi na ay kaunting tao na lamang din ang naandoon. Mga tatlo hanggang lima. Umupo ako sa unahan bago tumabi sa'kin si Steve.

Pumikit ako ng mariin bago pinagsiklop ang aking mga kamay. Tipid akong ngumiti bago mataimtim na nag-dasal at kinausap Siya. Ewan ko pero may kakaiba akong naramdaman habang ginagawa 'yon, parang maya-maya ay may nahaplos sa puso ko.

I took my time praying. Nag-pasalamat ako sa lahat ng biyayang patuloy niyang binibigay sa'kin pati na sa pamilya ko. It was great saying all of those things to Him. Biglaang gumaan ang pakiramdam ko dahil alam kong hindi ko siya nakalimutang pasalamatan. Gumaan ang loob ko dahil alam kong dahil kay papa at sa mga narinig ko sa kanya ay unti-unti na akong bumabalik sa Diyos.

"Anong ipinagdasal mo?" tanong agad sa'kin ni Steve nang makalabas kami ng simbahan.

Mabilis akong tumingin sa kanya bago ngumiti, "Syempre more blessings and nagpa-salamat ako..."

Tumango si Steve at pinaglapat ang kanyang mga labi bago tuluyang ngumiti, "Hm." Inilagay niya ang mga kamay niya sa bulsa ng kanyang pantalon bago tumingin sa kalangitan.

"Ang ganda ng stars, noh?" tanong sa'kin ni Steve bago bumaling sa direksyon ko.

Mabilis akong tumango bago malapad na ngumiti, "Oo. Sobrang gaganda nila, minsan nga gusto kong maging katulad na lang nila..." halos pabulong ko ng sabi sa kanya.

"Bakit naman?"

"Kasi nasa mataas sila. Mataas at nasa ere, hindi maaabot. Less chance na masasaktan sila..." tumungo ako at ngumiwi. "Hindi katulad nating mga tao..."

Narinig ko ang mahinang pag-tawa ni Steve. Napatingin ako sa kanya kasabay ang pagkunot ng aking noo, kagat-kagat niya ang kanyang pang-ibabang labi na halatang-halatang nagpipigil siya ng tawa.

Sumimangot ako, "Bakit ka natatawa?" tanong ko sa kanya.

Mabilis itong umiling bago bumaling sa'kin, "By the way, kailangan mo na ba umuwi agad?"

Napatingin ako sa aking orasan at maga-alas nueve na. Naisip ko na baka ay tulog na si Lance kasama ang mga pinsan siya. Tsaka nagugutom na rin ako na baka hindi na ako umabot sa bahay.

"Hindi naman. Nagugutom nga ako e. Kain tayo, Steve. Treat ko na lang..." mahinang sabi ko bago tipid na ngumiti.

"No. Alam ko namang kanina ka pa gutom, Lilah. Ako na lang ang manlilibre sa'yo ng pagkain. I'm hungry too..." ani Steve bago naglakad papunta sa kanya.

Mabilis naman akong naglakad at humabol sa kanya, "Pano mo alam na gutom ako? And are you sure that it's gonna be your treat? Masyado na 'kong maraming utang na loob sa'yo, a!"

Narinig ko ang malakas na pag-tawa ni Steve at napatigil, bubuksan na sana niya kasi ang pintuan. Tumingin siya sa'kin at mapagbirong kumindat.

"Alam ko kasi ang itsura ng mukha mo kapag gutom ka. And yes Lilah, it's gonna be my treat. Kahit naman ano para sa'yo, it's okay for me..." ani Steve bago tuluyang binuksan ang pinto at mabilis na sumakay doon.

Ako naman ay natigilan. Kahit ano basta para sa'kin ay ayos lang? Napangiti na lamang ako.

Nang makarating kami sa drive-thru ay mabilis na tinanong ni Steve kung ano ang gusto ko. Ang sabi ko sa kanya ay McSavers na lamang ang akin at isang sundae tsaka fries, siya naman ay ganon na lang daw din. Ilang minuto matapos non ay ibinigay sa'ming dalawa ang orders namin kaya naman mabilis na kaming umalis.

"Paborito mo McDo?" tanong niya sa'kin sabay subo sa kanyang pagkain.

Tumango ako, "Maliban sa oreo? Oo..."

"Bakit ayaw mo sa Jollibee?" tanong ni Steve.

Napatawa ako, "Hindi naman sa ayaw. Kinalakihan ko lang kasi talaga ang McDo..."

Hindi na sumagot si Steve matapos non. Nandito kasi kami sa playgroud na nadaanan namin at tumigil kami para makakaain ng maayos. Kumunot ang noo ko nang may pangyayari na namang pumasok sa isipan ko, 'yung ala-ala kung saan hinalikan ako ni Samson.

Dito rin 'yon sa playgroud na 'yon. Mabilis kong iniling ang aking ulo bago bumuntong hininga.

"Are you alright, Lilah? Parang kanina ka pa malungkot, napapansin ko..." puna sa'kin ni Steve habang mataman siyang nakatingin sa'kin.

Parang gusto kong sabihin kay Steve lahat ng nararamdaman ko ngayon. Parang gusto ko rin na i-kwento lahat ng nangyari dito sa playground noon. I trust Steve and I badly need someone to talk to and share my problems with maliban sa Kanya.

"Actually no... I'm not okay," ani ko pagkatapos ay ibinaba ang ubos ko ng pagkain. Inilapag ko na lamang muna sa lupa ang lalagyan non. "This hurts..." sabay turo ko sa banda ng dibdib ko kung nasaan ang aking puso.

Kumunot ang noo ni Steve habang seryosong nakatitig sa'kin, "W-Why?"

Pumikit ako ng mariin bago huminga nang malalim. I sarcastically laughed and shook my head. "Hindi ko alam. Ang tanga ko rin kasi e, hindi ata uso sa'kin ang salitang moving on..."

Naubos na rin ni Steve ang pagkain niya kaya wala na siyang ibang pinagtutuunan ng pansin maliban sa'kin. He was just staring at me, asking questions and he's ready to listen.

"Move on from what, Lilah? Y-You can always tell me..." saad ni Steve bago niya dahan-dahang inabot ang aking kamay at marahang pinisil 'yon.

"From him."

Bahagyang nanlaki ang mga mata ni Steve bago ko naramdaman na bahagya pang nanginig ang kanyang mga kamay. He knows what happened before, nai-kwento ko sa kanya noon.

"Si Samson?" tanong niya, naninigurado. Dahan-dahan at tahimik lamang akong tumango sa kanyang tanong. Wala na namang iba hindi ba?

"M-Mahal mo pa rin ba siya?" tanong niya bago nag-iwas ng tingin sa'kin. "O gusto mo lang ibalik ang dating kayo at naguguluhan ka kaya ka ganyan?"

Parang nagbara ang lalamunan ko dahil sa kanyang tanong. I bit my lower lip and with a sigh I answered his question, "I still love him." My sentence wasn't hanging, I didn't left it hanging.

I know I sounded sure as I answered because I am. Siguradung-sigurado ako na mahal ko pa rin talaga si Samson kahit na sinaktan niya ako noon.

Ngayon ko lang na-realize na umiiyak na pala ako. I creased my forehead bago ko itinaas ang aking kamay at pinunasahan ang mga luha kong tumutulo. Its no use dahil kahit ano pang gawin kong pag-punas sa mga luha ko ay patuloy pa rin ito sa pagtulo. Tears are traitor, ngayon hindi ko na alam kung paano sila patitigilin. I squeezed my eyes pero mas lalo lang tumulo ang aking mga luha.

"What did he do to you for you to be like this, Lilah? Napakagago niya..." Steve said through gritted teeth, his jaw also tensed at nang dumako ang tingin ko sa kanyang mga kamay ay nakakuyom na ito na para bang kahit anong oras ay handa na siyang manuntok.

"Hindi ko alam kung mahal niya pa rin ako, Steve. Its been eight years and I still can't move on habang siya... ayos na. He has Ingrid already right? Pero bakit... bakit niya ginawa 'yon?" Basag ang boses ko nang pinilit ko ang sarili kong sabihin iyon.

"Bakit ano?" anang Steve bago lalong lumalim ang gatla sa kanyang noo.

"H-He kissed me here. He has Ingrid but w-why the hell did he kiss me?" Naguguluhan ko na rin tanong sa aking sarili.

"He kissed you? Sa labi mo?" Halos pasigaw at hindi makapaniwalang tanong ni Steve habang namimilog ang kanyang mga mata.

I quietly nodded and sarcastically laughed. "I badly want to move on, Steve. Pero hindi ko alam kung paano. Sa tuwing nakikita ko siya? I-It becomes really hard for me to forget everything about him and everything about us..."

Narinig ko ang sarkastiko at mapait na pag-tawa ni Steve bago napasimangot. "He's a fucking bastard..."

Napatawa ako at pinunasan ko ang akong mga luha, "He really is."

"He's fucking playing with your feelings, Lilah. Anong akala niya sa'yo, laruan? No you're not! You're fucking special tapos siya sasaktan ka lang?" Malakas na sigaw ni Steve bago pumulot ng bato at ibinato 'yon sa malayo. Nang may makita nga siyang bote ay malakas niya iyong sinipa palayo.

"I wish na masabi ko lahat sa kanya when the right time comes. The right time when I'll be able to tell him how I was hurt without crying in front of him..." ani ko bago tumungo at bumuntong hininga.

Namagitan ang katahimikan sa'ming dalawa ni Steve. Ang tanging naririnig ko lamang ay ang pag-daan ng mga sasakyan sa kalsada, ang hampas ng hangin pati na ang pag-hinga naming dalawa.

"You can, Lilah. Kaya mo naman..."

Umiling ako, "Hindi ko lang alam kung kailan. I'm badly hurt..."

Maya-maya ay lumapit si Steve sa'kin. Bahagya pang namilog ang aking mga mata nang makita siyang unti-unting lumuhod sa harapan ko. Umangat ang kanyang kamay para haplusin ang aking pisngi.

Dahan-dahan siyang ngumiti bago namungay ang kanyang mga mata. "You can, Lilah. You're a strong woman, alam ko 'yon. Dahil sa mahigit limang buwan na araw-araw kitang makakasama ay unti-unti na rin kitang nakikilala..."

"Sana kasi ay katulad na lamang ako ni Alisha na talagang malakas ang loob. Kahit sa una ay nahihirapan siyang mag-move on, she keeps on trying kahit pa balde-baldeng luha ang ilabas ng mga mata niya. At least, she moved on in the end..."

"You're both different, Lilah. Wag mong hilingin na sana ay katulad ka na lang niya... You can move on. Trust me."

Napapikit ako nang maramdaman ang init na nagmumula sa kanyang malalaking kamay. Dahan-dahan ko 'yong hinawakan bago tipid na ngumiti, "Maraming salamat, Steve. Kahit papaano naman ay pinapalakas mo ang loob ko..."

Hindi ko alam kung ano ang emosyon na 'yon ngunit may nakita akong emosyon na dumaan sa mga mata ni Steve. He smiled but it didn't reach his eyes, "Best friend mo ako. Of course, I'll be here for you..."

He made me laugh a little kaya naman kinurot ko ang kanyang ilong. "You're really claiming that you're my best friend, now?" tanong ko bago sumilay ang isang ngisi sa aking mga labi.

Steve nodded as he put a wide smile on his face. "Of course, you're really special to me..."

Napatawa ako at maya-maya lamang ay si Steve na ang nag-tuyo sa aking mga mata. He wiped my tears using his handkerchief and he smiled a bit.

"Mahal mo talaga ako, ha?" Natatawa kong tanong sa kanya.

Napunta ang tingin sa'kin ni Steve. Ilang minuto niya pa akong tinitigan bago siya dahan-dahang ngumiti.

"Of course. Mahal kita..."

*
"Good morning, ma'am!" ani Chantal nang makita niya ako sa hallway.

Malapad naman akong ngumiti bago bumati pabalik sa kanya. After crying my heart out yesterday ay parang gumaan na rin naman ang loob ko, kahit papaano. Especially when Steve stayed for me.

Dumeretsyo ako sa faculty at inilapag ang mga gamit ko sa table. Tumingin ako sa paligid and only few teachers were there. Wala pa rin si Steve. Napatingin ako sa lamesa nang may mapansin ako, its a bouquet of flowers!

Naging mataman ang pagtitig ko doon. Matagal ko iyong tinitigan at nilingon ko si Trina na ngayon ay busy sa pagsusulat sa kanyang lesson plan.

Kinuha ko ang bouquet of flowers bago tinawag si Trina.

"Is this yours?" Tipid kong tanong sa kanya. Trina looked at me bago unti-unting kumunot ang kanyang no.

"No. I think it's yours. It was left above your table..."

Kumunot ang aking noo, "Kanino galing? Sino ang nag-lagay?"

Trina shrugged his shoulders, "I don't know. Tinanong ko pa nga si Mang Ernest kung kanino 'yan galing. Ayaw daw ipasabi..."

Tipid na ngumiti na lamang ang isinagot ko at bumalik na sa table ko. Tinignan ko kung mayroong letter or card at meron nga.

Mabilis ko 'yong kinuha at binuksan bago binasa ang nasa loob.

    These flowers are special because it's your favorite. But you are more special because you're my love, Delilah.

Kumunot ang noo ko. Pumasok sa isip ko na si Samson ang nagbigay nito sa akin pero ayoko na lamang umasa. Marahas kong ipiniling ang aking ulo bago bumuntong hininga, ano ba naman 'to? Hindi tuloy naging maganda ang pakiramdam ko.

Napatingin ako sa pintuan nang bumukas 'yon. Niluwa non si Steve na malapad ang ngiti sa kanyang mga labi. Sinalubong niya ang aking tingin bago mas lalong tumamis ang kanyang ngiti.

"Good morning..."

Namilog ang mga mata ko nang makita ang ibinibigay niya sa akin. It was a bouquet of flowers as well at may mga nakaipit pang chocolates sa loob. Kumunot din ang noo ko, para saan ang mga ito?

"Steve?" Naguguluhan kong tanong sa kanya.

"Para sa'yo..." bago niya iniabot sa'kin ang mga bulaklak ay nadatnan ko pa si Sunshine na nakatayo sa may pintuan.

Nakatitig sa aming dalawa ni Steve.

***
a/n: sorry for the typos.
Twitter: @jeweeelwrites

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top