Chapter 13

Chapter Thirteen
Resolba

Tahimik lamang ang naging byahe  namin nang tuluyan niya na akong ihatid sa aming bahay. Tanging radyo lang ang naging ingay sa pagitan naming dalawa, wala ni isa ang sinubukang magsimula ng usapan.

Tumungo na lamang ako at kinuha ako ang aking cellphone. May ma text messages na galing kay mama pero hindi na lamang ako nag-reply. Sinasabihan lang naman kasi akong mag-ingat ako sa pag-uwi at malaki na raw ako. Malaki na naman talaga ako, may anak na nga ako.

Naramdaman ko na lamang na tumigil ang sasakyan at doon pa lamang ay alam ko na nasa harapan na ako ng bahay namin. Hindi ko pinagtuunan ng pansin si Samson at ni hindi ko man lang siya nilingon, dere-deretsyo lamang ako sa pag-baba.

Hindi ako nagpasalamat sa kanya sa pag-hatid sa'kib. May parte sa'kin na gusto pero mas lamang ang ayaw. Hindi dahil sa nag-iinarte ako kung hindi dahil sa rason na nasaktan ako sa ginawa niya, I was really hurt.

Nag-simula na naman kasi akong umasa kanina kahit pa hindi ko sabihin sa kanya. Gusto ko na lamang tapusin agad, lagi lang ata talaga akong masasaktan sa kanya.

Tumigil ako sa harapan ng gate at kinapa kung may lock ito. Naka-lock nga. Bahagya akong lumingon sa aking likod at sinilip si Samson - nandoon pa rin siya. Sa muli kong pagtalikod ay narinig ko na ang pag-andar ng makina ng kanyang sasakyan.

Mas lalo lamang akong nadismaya.

Kinuha ko ang susi sa aking bag at mula sa labas ay mabilis kong binuksan ang gate. Napatingin ako sa aking orasan, alas onse na pala. Napailing na lamang ako dahil nakaramdam na naman ako ng kaunting hilo, iiglip na lang muna ako.

Pagkabukas na pagkabukas ko pa lamang ng gate ay mabilis na akong pumasok bago ito isinarado. Tumigil ako at tumingala, tinitignan ang langit. I sadly smiled, sana bituin na lang ako, para mataas at nasa ere. 'Yung hindi niya na malalapitan, 'yung hindi niya na maaabot.

Paakyat pa lamang ako sa porch ay bumukas na ang front door. Nandoon si papa na nakasandal sa gilid ng pintuan habang hawak-hawak ang isang cup ng kape. Umuusok pa ito at halatang bagong timpla, alam na alam ko na kasi ang amoy non.

"Pa, ba't gising ka pa?" tanong ko sa kanya bago kumunot ang aking noo.

Papa stretched his arms and tried to reach for me bago ako tipid na nginitian, "Come here 'nak..."

Matamis akong napangiti bago tinakbo ng yakap si papa ngunit dahan-dahan lang. Baka parehas pa kaming matapunan ng kape. Humiwalay ako ng yakap at pinisil ang kamay ni papa.

"Bakit pa?" matipid kong tanong dito. Isinarado ni papa ang pintuan bago dumeretsyo sa sala. Nauna siyang umupo sa'kin, ako naman ay dumeretsyo na muna sa kwarto para madaliang mag-bihis. Suot ko pala ang uniform ko nang uminom ako, sana naman ay walang dumaang mga estudyante roon!

Bumaba ako at nakita pa rin na nakaupo si papa roon. Kumunot ang aking noo.

"Anak, bakit ngayon ka lang umuwi?" tanong sa'kin ni papa bago uminom ng kape.

Napatawa ako ng mahina, "Ah. May inasikaso lang po ako..."

"Uminom ka 'no?" Tinignan ako ni papa ng direkta sa aking mga mata. Pinaglapat ko ang labi ko bago umiwas ng tingin.

"Malaki ka na talaga, anak..." wika ni papa bago kumamot sa likod ng kanyang batok. "Wala ng baby ang papa..."

"Papa. Hindi naman po ako ang bunso..." pabulong kong sabi bago inayos ang aking pagkakaupo.

Ngumiti si papa ng matipid, "Pero ikaw ang bunso noong binalikan ko ang mama mo..."

Bumuntong hininga ako nang rumehistro na naman sa isip ko ang mga nangyari noon. Sumandal ako sa upuan bago ngumuso.

Noon bata pa ako ay kaming dalawa lamang ni mama pati na ang dalawa ko pang kuya. My mom and dad are not married, itinanan nga lang ni papa si mama noon. Bata pa si mama nang ipinanganak si Kuya Oliver, siguro mga eighteen years old? 'Yun ang sabi sa'kin. Nang ipinanganak naman si Kuya Damien ay twenty-one na si mama.

Doon daw sila nag-hiwalay ni papa. Simula kasi noong ipinanganak si Kuya Oliver ay nagkaroon ng bisyo si papa - kasabay non ang pagkalubog nila sa utang at ang pagkatanggal ni papa sa kanyang trabaho. Nakahanap din si papa ng ibang babae at doon niya mas piniling sumama.

Hindi nag-habol ang mama ko pero ang sabi niya kung nakita raw namin siya noon ay baka sobra pa sa awa ang maramdaman namin. Siya mag-isa ang nag-trabaho para kay Kuya Oliver at Kuya Damien. Siya rin ang nagbayad ng lahat ng utang na naiwan ni papa kasabay nang paglisan nito sa kanya. Siya din... Siya din 'yung talagang tinakwil ng mga magulang niya.

Nang dumating ako sa buhay nila ay doon bumalik si papa. Matapos ang tatlong buwan matapos akong isilang, doon ulit nagpakita si papa. Hindi siya tinanggap ni mama noon pero ilang beses siyang sumubok at hindi sumuko para lamang mapatawad siya ni mama at maibalik ang pagmamahal sa kanya nito noon.

Kung tutuusin ay maikukumpara mo ang nangyari sa mga magulang ko sa ibang mga nangyari sa love stories ng ibang tao but I consider may parents' the most inspiring. Ang dami kasi nilang pinagdaanan, nagkahiwalay pero nagkabalikan ulit kahit na hindi ganoon kadali ang naging proseso para kay mama upang ibigay niya na 'yung matagal na hinihingi ni papa sa kanya.

'Yung kapatawaran.

"Anak..." tawag ni papa sa akin bago inilapag ang baso sa ibabaw ng maliit na lamesa na nasa gitna.

"Po?" Kahit na inaantok pa ako ay gusto ko pa rin namang makausap ang papa ko. Mukhang may importante siyang sasabihin sa'kin.

"Nakapagsabi na ba ako ng paumanhin sa'yo? Kasi pakiramdam ko kahit na lagi akong naandito sa bahay, parang kulang pa rin ang ginagawa ko para sa inyo..." Naging malungkot ang tinig ni papa habang sinasabi ang mga 'yon.

"Pa? Oo naman. Matagal na naman pong ayos 'yung nangyari. H'wag na po kayong mag-alala..." ani ko bago marahang hinawakan ang kanyang kamay.

"Alam mo ba kung bakit ako nagkaroon ng lakas ng loob para bumalik at harapin ang mama mo? Para humingi ako ng tawad sa kanya kahit hinang-hina ako?"

Kumunot ang aking noo, "Ano po?"

Matamis na ngumiti si papa. Kapag sinabi kong matamis na ngiti ay ibang tamis. Ito 'yong ngiti niyang kilalang-kilala ko lalo na kapag tinuturuan niya kami noon tungkol sa Kanya.

"'Yung Diyos anak..." Sumandal si papa sa upuan bago huminga nang malalim at sinimulan ang pagke-kwento.

"Noong araw na tinalikuran ko ang mama mo pati na ang mga Kuya Damien mo? Doon pa lang ay nagsisisi na ako pero kinain ako ng pride noon, anak. Dahil naniniwala ako noong kabataan ko na kapag tinalikuran mo na ay h'wag na h'wag mo ng babalikan. Ilang taon akong nag-dusa. Nag-dusa ako habang sinasarili ko lamang lahat ng aking problema dahil ayokong ipakita sa iba. Nag-waldas ako ng pera, nagkaron ako ng iba't-ibang mga bisyo anak at naghanap ako ng ibang babae..."

"Papa..."

Tumikhim si papa bago pinagsiklop ang kanyang mga kamay at ngumiti sa'kin. "Pero hindi ko magawang magkaroon ng pamilya sa ibang babae anak... ang mama mo lang ang naiisip kong magiging ina ng mga anak ko at sa pagkakataong 'yon? Doon ko na nalaman na sobrang laki pala ng kasalanan ko. Hindi lang sa mama mo, hindi lang sa inyong mga anak ko kung hindi pati na rin sa Diyos dahil yung puso ng babaeng iniingatan niya ay winasak ko lamang..."

Tahimik na lamang akong nakinig sa mga sinasabi ni papa at hindi na nagsalita pa. Alam ko namang may rason siya kung bakit niya ni-open up ang isyu noon, alam kong may gustong iparating sa'kin si papa at hindi niya masabi sa'kin ng deretsyo.

"May nakilala ako noong matanda. Kinausap niya ako, sakto din pala na ganoon ang nangyari sa kanilang mag-asawa. Ang sabi niya ay parehas kami ng sitwasyon, 'yun nga lang ang asawa niya ay namatay dahil sa lungkot. Iniwan niya kasi. Doon niya sinabi sa'kin na hangga't nandito pa ang mama mo ay h'wag kong saktan at h'wag kong iwan..."

I smiled a bit and nodded. Itinuloy ni papa ang kwento hanggang sa bumigat na ng tuluyan ang mga talukap ng mata ko. Siguro ay napansin 'yon ni papa dahil tinapik niya ako sa aking balikat.

"Tapos po? Anong nangyari?" Inaantok kong tanong sa kanya habang ang aking mata ay talagang pasarado na.

Narinig ko ang mahinang pagtawa ni papa bago hinaplos ang aking pisngi.

"H'wag kang mag-alala, anak. Magiging handa ka rin ulit magmahal. Naghihintay lang siya sa'yo..."

Kusa na lamang akong napangiti sa aking narinig. Oo papa, tatandaan ko  'yan.

*
Masakit ang ulo ko nang magising ako sa sumunod na araw. Ilang beses pa akong nahilo bago ako tuluyang makapasok sa trabaho. Nakakainis, ayoko na ulit uminom.

Isang bote lang naman ng RedHorse at kahalati lang ang ininom ko ay nahilo at sumakit pa rin ang ulo ko. Hindi na talaga ako uulit.

Hindi na talaga. Sana.

"Sunshine..." pukaw ko sa atensyon ni Shine na ngayon ay nakaupo sa table niya habang nakatunganga lang at nakikipagtitigan sa pader.

Lumingon naman siya sa'kin pero hindi ngumiti, "Bakit?"

"Ayos ka lang? N-Narinig ko kasi 'yung tungkol sa-"

Tumalim ang titig sa'kin ni Sunshine bago padabog na tumayo. "H'wag na h'wag mong babanggitin sa'kin ang bagay na 'yan. Hindi ako natutuwa."

"Pero gusto lang naman kitang kausapin tungkol kay S-"

"Pwes ako ayoko!" malakas na sigaw ni Sunshine sa'kin. Napaatras pa nga ako dahil sa sobrang pagkagulat.

"H'wag na h'wag mong babanggitin sa'kin ang pangalan ng lalakeng 'yan! Ayokong marinig ang pangalan niya!"

"S-Sunshine, h'wag kang sumi-"

Nilagpasan na lamang ako ni Sunshine at padabog na sinara ang pintuan ng faculty. Buti na lamang at lunch time 'yon dahil lahat ng ibang teacher ay nasa ibaba, kami lang dalawa ang naandito kanina.

Kumunot ang noo ko. Dapat talaga ay hindi ko na hinayaan ang curiosity ko na umabot sa ganito. Mas mabuti na lang pala talaga na si Steve na lang ang kausapin ko tutal siya naman ang mas may mali.

Bumalik ako sa table ko at kinuha yung oreo ko na nakatago sa drawer. Mabilis kong binuksan ang isa bago ako kumain, nagutom ako bigla!

Kinuha ko ang cellphone ko at napag-desisyunan na mag-free facebook na lamang muna habang wala akong ginagawa. I opened my facebook account and browse through my newsfeed.

Kumunot ang noo ko nang makita ang isang status. Galing 'yon kay Samson, status niya ata para kay Ingrid. Hmp, e di sila na sweet.

Umiling na lamang ako at pinatay ang aking cellphone. Para tuloy akong nawalan ng gana, wala sa oras na itatapon ko na lang sana ang natitirang piraso ng oreo pero napatigil ako, kakainin ko na lang.

Mas mabuti pang sa oreo na lang ako kaysa kay Samson. Wala naman akong mapapala sa paasang 'yon, sa pagkain meron pa. Madami.

Nang matapos ang trabaho ko ay sabay na naman kaming umuwi ni Steve. Hindi ko dinala ang kotse ko dahil ihahatid niya na lang daw ako sa amin, may gusto rin naman daw siyang sabihin sa'kin.

"Alam mo bang si Ingrid ang nasa kotse ko kagabi? Hindi ikaw, Lilah! Sino ba ang nag-dala kay Ingrid doon?"

Nanlaki ang mga mata ko mula sa narinig sa kanya. "Ano? E, ang alam ko doon sa kotse ni Samson siya sinakay!"

Umiling si Steve at napa-buntong hininga, "Sinabunutan nga ako pagdating ng umaga. Tsaka hindi naman kami nakauwing dalawa! Nandon lang kami, lasing na lasing kasi!" Parang hindi pa makapaniwalang kwento ni Steve.

"Akala ko ay sa kotse siya ni Samson inilagay nung lalake. Hindi pala. Pasensya na, Steve!"

Natawa si Steve at umiling, "Wala 'yon. Na-resolba na naman 'yung nangyari."

Napangisi ako, "Wow. Resolba talaga? Parang kaso lang sa korte a!" natatawang biro ko.

Ngumiti siya pero hindi lumingon sa'kin, "Isang kaso na lang naman 'yung hindi nare-resolba sa'kin..."

Kumunot ang noo ko at sumulyap sa kanya, "Ano naman 'yon?"

Sinulyapan ako ni Steve bago umangat ang isang gilid ng kanyang labi.

"'Yung kaso ng puso ko. I don't know when to say it, hindi pa ako nakaka-amin sa babaeng... gusto ko."

***
a/n: sorry for the typos.
Twitter: jeweeelwrites

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top