Chapter 12
Chapter Twelve
Drunk
Pilit kong iminulat ang aking mga mata. Mabibigat na ang talukap ng mga ito pero hindi ko pinapabayaan ang sarili ko na makatulog. Hindi naman ako lasing, inaantok lang.
Isang bote pa din lang naman ang ininom ko at hindi ko rin naman naubos. Ayokong ubusin dahil hindi nga ako pwedeng malasing. Ayokong malasing, mapapagalitan pa rin ako nila mama at si Lance - baka makita niya ako na ganito.
I sighed and fixed my hair, tucking some of the strands behind my ears bago ako umupo. Ano bang nangyari sa kanilang tatlo at bagsak sila ngayon? Paano sila makakauwi niyan?
"Uy. Uy Steve, gising..." inalog-alog ko pa siya pero walang talab 'yon. I creased my forehead and cussed under my breath, mahirap 'to!
"Steve!" pasinghal ko nang pagtawag sa kanyang pangalan.
Wala pa rin, hindi pa rin talaga umpekto. He was still sleeping! Maya-maya ay may lumapit na lalake sa amin, yung natulong ata sa babaeng nag-ihaw ng mga pagkain namin kanina.
Sinubukan niyang gisingin ang mga ito at laking pasasalamat ko na nagising nga sila. Paano ba naman? Isang bote nga lang ang kinuha ko at kalahati lang ang aking ininom pero itong tatlong 'to, humigit pa sa tatlo!
"Hindi ako lasing..." aantok-antok na sabi ni Steve saka inalis ang kamay nung lalakeng humawak sa kanya.
Hinawakan ko siya sa braso kaya naman napatingin siya sa'kin. Namumungay pa ang kanyang bata bago tumaas ang isang sulok ng kanyang mga labi, "Hi ganda..."
Bahagya akong napanganga at agad na umiling. "Kuya, pakidala na lang ho siya sa kotse niya. Ayun po, yung kulay white..." saka ko itinuro ang isang kotse sa gilid ng kalsada.
Mabilis na tumango ang lalaki kahit alam kong hirap na hirap na siya dahil mabigat si Steve at napakagaslaw. Ipinipilit pa kasi nito na hindi siya lasing pero ang totoo naman ay halos matumba na siya habang naglalakad.
Pagkabalik ng lalake ay halatang talagang nahirapan ito. Kinuha niya ang braso ni Ingrid at dahan-dahang inalalayan ang babae. "E, eto miss? Saan ko dadalhin 'to? Tutulungan na kita..." ani nung lalake.
Napatingin akong muli sa kanya. Itinuro ko ang kotse ni Samson, agad namang dinala ng lalake doon si Ingrid habang dahan-dahang naglalakad.
Umikot ang paningin ko pero agad akong huminga ng malalim at dahan-dahang hinilot ang aking sentido. Gustung-gusto ko ng matulog. Kinulbit ko si Samson at tinawag ang kanyang pangalan.
"Samson..." mahinang tawag ko, umaasang didilat siya at aauysin ang sarili para makauwi na kami.
"Samson, wake up..."
Hindi pa rin siya nagigising pero nang dahan-dahan kong haplusin ang kanyang pisngi ay dahan-dahan siyang kumilos. Maya-maya naman ay unti-unting bumukas ang kanyang mga mata - halatang lasing ito.
"Delilah..." mahinang bulong niya. Dahan-dahan siyang umupo ng maayos at ipinikit ng mariin ang kanyang mga mata bago hinilot ang kanyang sentido.
"Lasing ka. Paano ka pa makakapag-drive niyan?" tanong ko bago tumayo sa kanyang harapan.
With a sigh, Samson looked at me and gave me a half smile, "No. I'm not drunk..."
Kumunot ang noo ko, "You are..."
He chuckled and scratched the back of his head, "Maybe. Pero onti lang..."
Lalong lumalim ang gatla sa aking noo, "Onti lang? Naka-tatlong bote ka ng RedHorse. How come na onti lang 'yon?"
He shook his head and slowly stood up, trying to walk and talk straight. I stared at him for a brief moment bago mas lalong lumalim ang gatla sa'king noo.
"Malakas naman ako sa alak at hindi ako madaling malasing. You don't need to worry about me, Lilah..."
And I realized na hindi naman pala lasing na Samson ang kausap ko. Biglaan tuloy pumasok sa isip ko ang pag-haplos ko sa mga pisngi niya kanina, nakakahiya. Umiwas ako ng tingin at bumuntong hininga bago hinawi ang aking mahabang buhok.
"I-I'm not worried about you..." pag-tanggi ko patungkol sa kanyang sinabi.
"Uh huh..." he nodded pero kitang kita naman sa mukha niya na hindi siya naniniwala. He was actually smirking, being sarcastic.
Nagsalubong ang mga kilay ko, "It's the truth! Hindi naman talaga ako nag-aalala sa'yo..."
He shrugged his shoulders and smirked at me, "Talaga, Lilah? Then pigs can fly."
Sinimangutan ko na lamang siya at hindi sumagot. Bumalik ang lalakeng tumulong sa'kin kanina.
"Miss, ikaw? Mukhang kaya na namang bumalik ng lalakeng 'yan sa kotse niya. Ako na ang maghahatid sa'yo..." mabilis na sabi nung lalake habang malagkit na nakatingin sa'kin.
Magsasalita sana ako pero nagsalita na naman siya. "Tara na miss, may kotse ka ba? Ako na ang magmamaneho..." hahawakan niya na sana ako pero agad na tinabig ni Samson ang kanyang kanay.
"Ako ang maghahatid sa kanya."
Kumunot ang noo ng lalake, "Paanong ikaw? E, lasing ka nga. Baka mamaya kung ano pang mangyari dito sa magandang 'to dahil sa'yo." Matapang na sagot naman ng lalakeng 'yon.
Lalong kumunot ang noo ko, kaya ko namang umuwi mag-isa. Bakit parang magtatalo na sila?
"Excus-" Naputol ang sasabihin ko nang mas lalong higpitan ni Samson ang pagkakahawak sa'king kamay at lumapit nang kaunti sa lalake.
"I said I'm not drunk. Do you want me to repeat what I said all over again? I said I'm not drunk, okay? And I won't trust you with my girl. And don't ever lay a finger on her or even touch her."
Umasim ang mukha ng lalake at biglaang napaatras ng wala sa oras.
"Ha? Anong sinabi mo? Ni isa ay wala naman akong naintindihan..." pagpapaliwanag pa nito.
Ngumisi si Samson at mahinang napatawa. "Hindi ako lasing. Ang sabi ko ako na ang maghahatid sa kanya dahil hindi naman kita pagkakatiwalaan na ihatid siya. Hindi ka niya kilala, hindi kita kilala. Hindi ako papayag na hawakan mo siya o dumikit man lang ang dulo ng mga daliri mo sa katawan niya..."
Napakamot sa ulo ang lalake bago umiling, "Ge." Tuluyan na rin itong tumalikod, sumakit siguro ang ulo.
Naalala ko ang sinabi niya noong mag-ingles siya. Dahilan para hindi siya maintindihan ng lalake. 'I won't trust you with my girl'
Parang may kung anong mga kitikiti at gamugamo ang sumayaw sa tiyan ko at parang nagbuhul-buhol din ang mga iniisip ko. Uh oh, masama 'to.
"Halika na. Ihahatid na kita..." ani Samson bago ako tuluyang hinila.
"May kotse ako..."
Umiling siya, "I won't let you go home this late kahit na may kotse ka pa. Pwede rin namang ako na lang ang mag-drive ng kotse mo. You choose."
"Naandoon si Ingrid sa kotse mo..." halos pabulong ko ng sabi sa kanya.
"E di doon tayo. Let's go, gabing-gabi na..."
Wala na akong nagawa kung hindi magpadala sa pagkakahila niya sa'kin. Pinagbuksan niya pa ako ng pintuan na siyang naging dahilan na maramdaman ko ulit ang naramdaman ko kanina. 'Yung para bang may mga paru-paro ako sa loob ng aking tiyan.
"Are you alright?" tanong niya habang nagmamaneho na.
I nodded, "Iniisip ko lang kung paano makakauwi si Steve. He's drunk and I don't think na magigisng siya, baka hanggang umaga ay naandoon pa siya..."
Narinig ko siyang bumulong pero hindi ko na naman masyadong naintindihan. Nagiging bingi na ata talaga ako.
"Tsk. Steve na naman..."
Kumunot ang noo ko, "Anong sinabi mo?"
"Nothing."
Naging tahimik lamang ang byahe, ni hindi niya nga pinatugtog ang radyo ng kotse niya. Nakakabingi tuloy yung katahimikan.
Tumigil kami sa tapat ng isang convenience store. "Anong ginagawa natin dito?" mabilis na tanong ko sa kanya.
"Bumaba ka muna. I'll buy you a drink, coffee..." ani Samson bago tuluyang bumaba ng sasakyan at isinarado ang pintuan. Ganon na naman din ang ginawa ko at mabilis akong sumunod sa kanya.
Tahimik lamang ako na nag-stay sa loob at siya'y hinintay.
"Here..." sabay abot niya sa'kin ng kape.
Tipid lamang akong ngumiti, "Thanks."
"Hindi pa ba tayo uuwi?" Pahabol kong sabi sa kanya bago ako sumunod na lumabas ng convenience store.
Umiling siya, "Gusto ko munang gisingin ang diwa ko. There's a near playground, okay lang ba?" tanong sa akin ni Samson bago bahagyang itinagilid ang kanyang ulo saka tipid na ngumiti sa akin.
Tumango ako, "Alright." Pagdating naman sa'yo ay laging ayos lang para sa akin. Gusto ko sanang idagdag ang mga 'yon pero hindi ko na lamang ginawa.
Wala na namang kami.
Pumunta kami sa malapit na playground bago ako umupo doon sa swing. My feet reaches the ground at hindi na kagaya noong bata ako na hindi ko abot ang lupa kapag nakaupo ako dito sa swing. Napa-ismid na lamang ako.
"Why are you frowning?" tanong ni Samson bago sinilip ang aking mukha.
Umiling ako, "Wala. May naisip lang..."
Kumunot ang kanyang noo, "Sino naman?"
Bahagya akong natawa bago sinarado ang bote ng kape, "Kapag ba may iniisip kailangan sino agad? Hindi ba pwedeng ano?"
"E, malay ko ba kung ibang lalaki na ang iniisip mo..."
Parang nanuyo ang lalamunan ko mula sa mga narinig ko sa kanya. Malamig naman ngayong gabi sa labas, bakit may pawis ako sa gilid ng aking noo? Huminga ako ng malalim bago dahan-dahan iyong pinunasan.
"Wala naman akong lalakeng dapat isipin, no. Si Lance lang siguro..."
"Talaga? Kahit ako?" seryosong tanong niya sa akin habang titig na titig sa mga mata ko. Dahil nga doon, pakiramdam ko ay binabasa niya ang isip ko.
Umiwas ako ng tingin sa kanya, "Why would I even think of you?" nakasimangot kong tanong.
What is he doing? Is he flirting with me? Alam niya namang tapos na kami at may girlfriend na siya! Bakit puro 'yan pa ang sinasabi niya? O talaga bang... assuming lang siguro ako?
Ipiniling ko ang ulo ko sa marahas na paraan bago iyon ilang beses na hinampas ng dahan-dahan.
"I'm just kidding. H'wag ka sanang mailang..." seryoso niyang sabi bago tumungo at binali-baliktad ang bote ng kape niya.
"Hindi naman."
"I'm sorry..."
Mabilis akong napatingin sa kanya, "Sorry for what?" Kasunod non ang pagkunot ng aking noo.
"For..." He left his sentence hanging before sighing a few times saka tuluyan nang nagsalita muli. "For everything..."
Napangiti ako ng tipid bago itinuon ang atensyon ko sa madilim na langit. Lumiliwanag ito dahil sa makikinang na bituin, ang gaganda nila. I'm really fascinated by the stars.
"Look how beautiful it is. Ang gaganda ng mga stars, no? They're really... really extraordinary..." pabulong kong sabi pero sigurado naman ako na narinig niya ang mga 'yon.
Narinig ko siyang nag-mura ng dalawang beses. Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko bago sinubukan ulit na ngumiti, ano ba namang klaseng araw 'to?
"Please don't change the topic..." ani Samson bago nag-igting ang kanyang panga.
Direkta akong tumingin sa kanyang mga seryosong mata, sinusubukang maging matapang. Kasalungat sa nararamdaman ko na talagang natatakot at naduduwag na dahil sa mga pwedeng mangyari.
"I'm not changing the topic, Samson. Kung gusto mo ay dagdagan mo pa ang sinasabi mo..."
"Delilah, I'm sorry..."
"For the past? For breaking up with me?"
Tahimik na tumango lamang si Samson bago kumuyom ang kanyang mga palad at para bang kahit anong oras ay handa na siyang manuntok.
"It's okay. Hindi mo na naman ako mahal noong mga oras na 'yon, hindi ba?" I licked my lips and sighed bago ipinagpatuloy ang pagsasalita ko.
"Breaking up with me was your best and only choice. You chose to do it because you only care for me. I know that you don't want to fool me and lure me by your sugarcoated words lalo na kung hindi naman talaga 'yon ang nararamdaman mo..."
He bit his lower lip and tightly closed his eyes saka niya binigkas ang pangalan ko, "Delilah..."
"What? I'm just saying the truth. Apology accepted, wala ka ng dapat pang ika-hingi ng tawad. Its all okay naman. We moved on already. Y-You did and I-I moved on..." nauutal kong sabi.
Dahil sa takot na masaktan na naman ako, pati sarili ko ay niloloko ko na. Hindi ba't mas masakit 'yon?
"Delilah, I'm still so sorry about the things I said and all the things I did before. I had my choices..."
Umiling ako, "Breaking up with me was your only choice. Hindi mo na ako mahal non kagaya nga ng sinabi mo. You don't need to lie..."
Tumayo siya mula sa pagkakaupo sa swing at pumunta sa harapan ko. I was looking down pero hindi ko tinitigan ang kanyang mukha. Nakatitig lamang ako sa lupa habang nakakuyom ang aking mga palad.
"Delilah, please listen to me. Alam kong nasasaktan ka pa..."
Marahas akong nag-angat ng tingin sa kanya bago ako mabilis na umiling. I could feel my eyes slowly watering. Hindi pwede! Ayokong umiyak sa harapan niya.
"Hindi na ako nasasaktan, Samson. W-What are you saying? Saan mo ba nakukuha ang mga 'yan?" kunwaring natatawa kong tanong sa kanya pero ang mga traydor kong luha ay binigo ako. Tumulo na ang mga ito.
"Then if you're not really hurting, why are crying? Why, love?" malambing niyang tanong sa akin bago dahan-dahang hinawi ang aking buhok na nakaharang sa mukha ko.
Love? Tsk.
"I'm not crying. M-My eyes are just exercising... a lot." I tried to make a funny joke at ako lang naman at nagkunwaring natawa. Hindi rin iyon nagtagal, I became quiet,.. while sobbing in front of him.
"I'm sorry, Delilah. I'm really really sorry..."
Umiling ako, "I said stop saying sorry. Hindi ka na ba nakakaintindi ng ingles ngayon? Ano ba naman 'yan, Samson..."
"I-I can't stop saying sorry. Just like the same way that I can't stop having back all of these feelings for you..." buong puso niyang sabi saka lumamlam ang kanyang mga mata.
Nanlaki ang mga mata ko nang mapagtanto kung ano ang gusto niyang sabihin. I wildly shook my head.
"N-No... Hindi pwede. Hindi pwede, hindi..."
"Lilah..."
Mabilis siyang tumayo mula sa pagkakaluhod bago ako hinila patayo. He cupped my cheeks at ang tanging nagawa ko na lamang ay tumitig sa kanyang mga mata, mga matang nagsasabi na baka may posibilidad nga na may tsansa pa kaming dalawa. Na totoo ngang mahal niya pa ako.
"Lilah, I still l-fuck all of this!"
Mabilis niyang inilapat ang mga labi niya sa labi ko. My eyes widened in shock. Lumakas ang kabog ng dibdib ko bago para akong nabato sa aking kinatatayuan. He kissed me gently yet loving.
Ano ba 'to?
Nang maghiwalay ang mga labi namin ay isinandal niya ang kanyang noo sa noo ko. He stared right through my eyes before showing me a small smile.
"S-Samson..."
Ilang minuto kaming ganoon bago dahan-dahang nanlaki ang kanyang mga mata na para bang na-realize niya kung ano ang ginawa niya.
Itinulak niya ako palayo. Medyo malakas 'yon kaya muntikan na akong mawalan ng balanse puro buti na lamang ay naalalayan ko ang aking sarili.
"S-Samson?"
"I'm sorry... Ihahatid na kita, Delilah..."
Tinalikuran niya ako.
"Samson!"
Humarap siya sa'kin bago walang eskpresyon ang kanyang mukha at madiing nagsalita.
"I-I'm sorry. I was a jerk for kissing you. I-It's not me, it's the effect of alcohol..."
At para akong sinaksak dahil sa sakit na naramdaman ko. Sabi na nga ba.
I sarcastically smirked before wiping my tears.
Lasing lang siya kaya niya ako hinalikan.
***
a/n: sorry for the typos.
twitter: @jeweeelwrites
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top