Chapter 11
Chapter Eleven
Ingrid
Loving someone deeply isn't easy. Lalong-lalo na kung sa relasyon ay isang tao lang naman pala ang nagmamahal. Masakit yung pakiramdam na hindi maibabalik sa'yo 'yung pagmamahal, masakit na 'di niya magawang mag-alala sa'yo katulad nang pag-aalala mo sa kanya.
Masakit. Masakit lang talaga. Sobra.
Masakit magpakatanga.
Mahirap 'yung wala kang kasiguraduhan sa isang tao. Mahirap din 'yung bigay ka ng bigay at exert ka ng exert ng effort para wala siyang magawa para sa'yo. Hindi naman sa sinasabing dapat na may kapalit ang pagmamahal pero iba 'yung nasusuklian. Iba 'yung saya.
Kung baga kung alam mong para sa'yo ang isang tao o ang isang bagay ipagsigawan mo. Katulad na lang ng pagkuha sa nakalimutang sukli sa jeep, ipaalala mo sa lahat na sa'yo lang 'yon.
"Delilah..." tawag sa'kin nung ka-trabaho ko na si Ynez. Lumingon ako sa kanya para kunin 'yung mga papel na kinuha niya sa advisory class ko.
"Salamat, Ynez..." pasasalamat ko bago inilapag sa table ko ang mga test papers na 'yon.
Isang buwan ang lumipas pagkatapos ng demo-teaching ay nakatanggap na lamang ako ng e-mail na ako'y tanggap na. Ngayon bilang teacher, nakakalimang buwan na ako sa paaralan. Si Steve din naman ay ganoon.
"Lilah!" anas ni Steve kaya naman napunta ang atensyon ko sa kanya. Dahan-dahan akong ngumiti bago siya tinanong.
"Bakit?"
"Si Forteza na naman ba ang first honor sa klase mo?" tanong niya habang nakangisi.
Tumango ako, "Yes. Lagi niyang kasunod si Mendoza. Naglalaban yung dalawa..."
Lumapit si Steve sa'kin gamit sa paghila ng kanyang upuan. He leaned on the table bago inilagay ang kamay sa ilalim ng kanyang baba. "Kain tayo mamaya?"
Kumunot ang noo ko. "Kakain na naman? Kahapon kumain na din tayo a." ani ko bago mahinang napatawa.
"Dali na? Please? Sige na! Best friend mo naman ako e!" pagpupumilit niya bago hinawakan ang aking kamay.
I stared at him boringly bago nagsalita, "Best friend? Aba kailan pa?" tanong ko habang nakangisi.
Steve shoot a glare at me and hissed.
"Are you glaring at me?" tanong ko saka bago ko siya tinaasan ng isang kilay.
Ang masama naman niyang tingin sa'kin ay mabilis na napalitan ng isang malapad at mapanglokong ngiti. "Dali na kasi! Ililibre kita!"
Napatawa ako, "O sige ba! Basta lahat ng gusto ko bibilhin mo ha?"
Ngumisi siya bago umiling. "Lagi na lang kailangan ili-libre para sumama. You're not a teenager anymore, Lilah. Lagpas ka na nga sa twenty na tinatawag mo."
Napasimangot ako sa kanyang sinabi. I harshly ruffled his hair and pinched his ear. "I'm twenteen something!" biro ko pa.
"Dami mong alam, Lilah." puna sa akin ni Steve habang nakasimangot. Umusod siya paatras at mataman lamang akong tinitigan. Ngiti na lamang ang tanging isinagot ko sa kanya.
"Mahalin ako lang ang hindi..."
Kumunot ang noo ko dahil parang may sinabi siya na kung ano pero hindi ko masyadong maintindihan. Hindi ko alam kung bingi na nga ba talaga o mahina lang ang pagkakasabi niya.
"Come again?"
"Wala. Sige na, may aasikasuhin pa ako. Mamaya, a?"
Tango na lamang ang naging sagot ko. Nang marinig ko ang bell ay mabilis kong inubos ang oreo, bumili kasi ako kanina. Natakam ako!
Speaking of oreo, naalala ko 'yung ginawa ni Samson para sa'kin. He isn't really into baking pero talagang natuwa ako dahil sinubukan niya. Sinubukan niya... para sa'kin.
The next day nagkita na naman kami nang 'di sinasadya dahil magkatapat nga lang ang school na pinag-apply-an namin hindi ba? Kaya ganoon. Kinausap niya ako tungkol doon sa ginawa niya and he even said sorry kahit wala naman talaga siyang kasalanan - ewan ko ba. Nainis lang talaga ako noong araw na 'yon.
And it all became okay na naman. Nagka-ayos kami dahil sinabi kong wala naman siyang ginawa. Nagkikita kami ni Samson pero minsan ay hanggang ngitian na lamang kaming dalawa. Minsan kasi ay kasama niya ang girlfriend niya, si Ingrid.
Dumeretsyo na ako sa klase ko pagkatapos. Magtuturo ako ng English subject dahil isa 'yon sa mga subjects na na-major ko noong college pa lamang ako.
"Ma'am, ang iingay po nila Sayos! Kanina ko pa sinasaway, hindi nakikinig!" sumbong sa akin ni Chantal na siyang nakasimangot na ngayon.
Napunta ang tingin ko kaynila Jules na kanina pa nag-iingay. Nang mag-senyasan sila sa isa't-isa ay sabay sabay silang tumahimik pero hindi pa rin natuto 'yung isa. Natawa pa rin ang loko!
"Ma'am, pagalitan niyo 'yang si Jericho. Wala ng takot sa inyo, hindi pa rin kayo pinapakinggan." pairap na sabi ni Chantal bago bumalik sa kanyang kinauupuan.
Nang mapatingin sa'kin si Jericho ay kusa na siyang tumahimik. Ako naman ay tumikhim na lamang, sisimulan ko na lang ang aking pagtuturo.
High school ang napili kong turuan pero tanging ang mga grade ten lanang ang tinuturuan ko. Ako ang English teacher ng lahat ng grade levels, kasama na ang Filipino.
"Magkakaroon kayo ng play next month. Hindi ito by group, buong klase ang magtutulung-tulong dito, maliwanag?" paga-announce ko sa kanilang lahat.
Nag-taas kaagad ng kamay ang presidente ng klase na si Ivy. "Ma'am, tungkol saan po ang magiging play?" seryosong tanong nito.
Isinulat ko sa blackboard ang title ng gagawin nilang play.
Tumango-tango silang lahat. Tinawag ko si Ivy para kausapin. Mabilis naman siyang pumunta sa'kin.
"Ma'am, bakit po?"
"Humanap ka ng magiging scriptwriter at assistant director. Ikaw na ang director Ivy tutal ikaw naman ang presidente sa klase at responsable ka..."
"Sige po ma'am..."
Pinabalik ko na siya sa kanyang upuan. Sa natitirang oras ay hindi ko sila hinayaang walang gagawin, pinasagutan ko na lamang sa kanila ang ilang pahina ng libro tungkol sa tinalakay namin kanina.
Nang malakas na tumunog ang bell ay nagpaalam na ako sa kanila. Agad-agad din silang lumabas ng classroom, gutom na ata ang mga bata. Lunch na rin kasi ang susunod.
Nakasalubong ko si Ynez sa paglalakad. Sumabay na siya sa'kin pabalik sa faculty.
"Uy. Narinig mo ba 'yung tsismis?" tanong ni Ynez sa akin habang naka-krus ang mga braso niya sa ibabaw ng kanyang dibdib. Nasaan ang mga gamit nito?
Kumunot ang noo ko kasabay ang aking pag-iling. "Hindi. Ano bang tsismis ang sinasabi mo?"
Sinundot ako ni Ynez sa tagiliran bago ngumisi. "Uy! Gusto niyang alamin!"
Nagtaas naman ako kilay, "Sinabi mo kasi sa'kin. Of course, I'll be curious..." ani ko.
Ngumuso si Ynez, "'Yung si Sunshine kasi. Balita ko sinaktan ni Steve. E, halata namang patay na patay si Sunshine doon sa lalakeng 'yon!"
Bahagyang nanlaki ang aking mga mata mula sa narinig ko sa kanya. "Ha? Si Steve sinaktan si Sunshine?"
Mabilis at ilang beses pang tumango-tango si Ynez. "Oo! Kahapon nga daw ay iniyakan pa ni Sunshine 'yon sa likuran ng school. Nakita lang ng isa pang teacher..."
Nakagat ko ang pang-ibaba kong labi. Steve talaga! Napailing na lamang ako bago bumuntong hininga, ayan na naman siya sa pananakit at pagpapa-asa sa mga babaeng nagkakagusto at nagkakandarapa sa kanya.
"Ano raw ang sabi ni Steve? Did you hear anything from him already? Wala kasing sinasabi sa'kin ang ugok na 'yon tungkol sa issue na 'yan..."
Umiling si Ynez. "Hindi ko alam. Basta ang alam lang namin ay hindi gusto ni Steve si Sunshine. Talagang pinaglaruan niya lang.. pati ata sa kama."
Doon na ako muntik madapa. Pati sa kama? Anong ginawa nila sa kama? Imposible naman na nagtitigan lamang sila doon at nag jack en poy! Hay nako, lagot ka talaga sa'kin, Steve!
Naturingan ka pa namang teacher!
"Uy. Ayos ka lang?"
Umiling ako. "Hindi." Bago ako umirap at marahas na nagbunga ng hininga. "Kahit kailan talaga 'yang si Steve, hindi nakikinig sa mga sinasabi ko sa kanya!"
Kumunot ang noo ni Ynez. "Minsan nga nagtataka ako, Delilah e. Sa lahat kasi ng babaeng teacher ay sa'yo talaga siya pinakamalapit. Akala ko nga noon ay mag-karelasyon kayo..."
"Ha? Kaibigan lang ang turing ko doon tsaka sa States pa lang ay nagkakilala na kami. Naku, pagsasabihan ko talaga 'yan! He never learns!" galit na anas ko.
"Baka nga ikaw ang gusto ni Steve e. Napapansin ko..."
"Ewan ko sa'yo, Ynez. Kung anu-ano na naman ang sinasabi mo e. Basta pagsasabihan ko na lang si Steve, kawawa naman si Sunshine..."
Mabilis kong tinungo ang faculty pero wala doon si Steve. Iniwan ko na lamang ang mga gamit ko sa ibabaw ng table bago bumaba.
Hinanap ko sa canteen si Steve pero wala siya doon. Agad akong nag-punta sa may rotonda.
At hindi nga ako nagkamali, naandoon siya.
"Steve!"
Lumingon siya sa'kin at mabilis na kami. "Uy!"
"Anong ginagawa mo dito? Bakit wala ka doon sa faculty?" agad kong tanong bago tuluyang umupo sa tabi niya.
Nagkibit balikat ito, "Wala naman. Ang init, e. Walang aircon, dito malakas hangin..."
Hinampas ko siya sa braso kaya naman agad na kumunot ang kanyang noo. Sinamaan pa nga ako ng tingin. Nang tumaas ang aking kilay ay doon nagbago ang kanyang eskpresyon, sumilay ang isang matamis na ngiti sa kanyang labi.
"Bakit mo naman ako hinampas?" tanong niya sa akin habang hinihimas-himas ang kanyang kanang braso.
"Bakit mo sinaktan si Sunshine?" naiirita kong tanong sa kanya.
Doon napatigil si Steve at tumungo bago sarkastikong natawa, "Nalaman mo na rin?"
Tumango ako. "Syempre naman! Paanong hindi malalaman? E, alam na ata ng lahat ng mga teachers. Sana man lang naawa ka kay Sunshine, kawawa 'yung tao..." ani ko bago siya hindi nilubayan ng seryoso at masamang tingin.
"Bakit mo siya sinaktan?" tanong ko.
Hindi kasi siya nag-react o sumagot man lang sa huling mga salitang sinabi ko kaya naisip ko na tanungin na lang siya ulit. Dapat mapag-usapan 'yung mga ganitong bagay, mali kasi talaga 'yung ginawa niya.
"Ginawa ko lang 'yung dapat kong gawin. So hindi na siya aasa sa'kin, there's not even a one percent chance na magugustuhan ko siya and I'm sure of it..."
Sa higit anim na buwan na kilala ko si Steve ay parang nakilala ko na siya agad. Siya 'yung tipo ng tao na kapag ayaw ay ayaw at kapag gusto ay gusto naman niya talaga. He's one complicated guy.
"Pero nasaktan pa rin siya. Ang sabi ay ginamit mo pa daw siya sa kama. For pleasure..." sinilip ko ang kanyang eskpresyon pero walang nagbago roon.
Tumingala siya, naningkit ang mga mata dahil nakatingin siya sa langit at tinatamaan ng sinag ng araw ang kanyang mga mata.
"Yeah, I did. She'll be more hurt if I didn't do that. I'm just making her realize that she's too good for me while I'm no good for her.."
"Steve..."
He tsked. "Tapos na 'yon, Lilah. Basta sasamahan mo ako kumain mamaya, a?" Ayun na naman ang matatamis at mapaglaro niyang ngiti.
Tumayo siya at tinalikuran ako, "Steve! Don't turn your back on me, I'm still talking to you!"
Itinaas niya ang kamay bago kumaway habang nakatalikod. "Go upstairs! Malapit na mag-bell, Lilah. Baka ma-late ka sa susunod mong class sige ka!"
Hay nako, Steve. Ang hirap mong pagsabihan!
*
Ako: Mama, please take care of Lance. I'll be going home late, may kailangan lang po akong asikasuhin.
That was my text message to my mom nang makarating kami ni Steve sa harapan ng ihawan. As in ihawan lang talaga tapos may tatlong tables na gawa sa kahoy at maliliit na upuan. Parang restaurant pero walang foundation, hindi solid. Ganon.
Umupo ako sa upuan katapat nung kay Steve bago ko pinitik ang kanyang noo. "Iinom ka?" kunut-noo kong tanong sa kanya.
Tumango ito, "Oo. Stressed ako sa mga grades ng estudyante ko, they're failing! Well... some of them." wika ni Steve bago inihilamos ang kamay sa kanyang mukha.
Ngumuso ako, "Hindi ako iinom, a? May anak pa akong aalagaan sa bahay. Sinamahan lang talaga kita..."
Sumimangot ito at tumango, "I know. You could go home if you want, baka kailangan ka din ni Lance."
Hindi na ako sumagot don at itinuon na lamang ang atensyon ko sa babaeng nag-iihaw ng isaw, betamax, adidas, at ng barbecue mismo. Pati nga hotdog.
"May kanin ba sila rito?" tanong ko.
Umiling si Steve, "Wala. Kahapon ko nga lang nakita ko. Tinanong ko din, sabi nila wala. Parang pangpulutan at inuman lang daw talaga inihahanda nila..."
Napatingin ako sa langit. Mukhang palubog na nga ang araw. Bumuntong hininga ako at humarap sa kanya.
"What's your plan?"
"Plano?"
Tumango ako, "Kay Sunshine."
Nag-iwas ito ng tingin. "Wala akong plano."
"Bakit ba wala kang pag-asa na magustuhan siya?"
Bumuntong hininga si Steve bago ginulo ang kanyang buhok. "Wala talaga. May gusto akong iba..."
Napasinghap ako. "Sino?"
"Basta."
Paulit-ulit ko siyang kinulit pero hindi talaga ako pinansin ni Steve. Talagang ni-dedma lang ako hanggang sa dumating na 'yung mga ihaw. Doon niya lang ako kinausap, iniba pa ang topic.
Umiiwas talaga!
Tahimik lamang kaming kumakain ni Steve nang may tumigil na kotse sa tapat namin. Nag-angat ako ng tingin at may nakita akong babae na bumaba mula sa kotse. Nakablue ito na romper at floral pa nga ang damit, naka-simpleng sandals lamang din ito.
Napunta ang tingin ko sa kanyang mukha at doon pumasok sa isip ko kung sino siya. Pamilyar, e! Wala sa sarili akong napatango. Ah, ito pala 'yung girlfriend ni Samson.
Nanlaki ang mga mata ko. Girlfriend ni Samson?
Naging alerto ako sa hindi ko alam na dahilan. Bigla akong napatuwid ng upo at napatigil sa pagkain. Anong ginagawa ng babaeng 'yan dito?
"Are you alright?" tanong sa akin ni Steve pagkatapos kumagat sa betamax.
Dahan-dahan akong tumango at ang mas ikinagulat ko pa ay nang bumaba ang lalakeng hindi ko inaasahan. Si Samson!
Napatungo ako at nagulat na lamang nang may biglang tumawag sa pangalan ko.
"Lilah."
Pilit akong ngumiti at nag-angat ng tingin sa kanya. "H-Hi..."
Napatingin ako kay Steve na nakatitig na rin sa dalawang tao na nasa harapan namin. Kumabog na naman ng malakas ang dibdib ko.
"A-Anong ginagawa niyo rito?" tanong ko.
"Kakain din kami dito..." ngumiti si Samson at hinila si Ingrid. "By the way, this is my girlfriend Ingrid..."
Itinuro ako ni Samson. "This is Delilah..."
Matamis na ngumiti sa akin si Ingrid, "Hi Delilah..."
Umayos ko ng upo at ikinalma ang aking sarili. "T-This is Steve! Katrabaho ko..." malapad ang ngiti kong sabi.
Napatingin ako kay Samson na ngayon ay tinititigan ng mataman si Steve. Napalunok ako, bakit parang galit ang itsura niya?
"Hey." tipid na sabi ni Samson dito.
"Love, let's join them na lang kaya? Tutal magkakakilala naman pala. Shall we?" suggestion pa nung girlfriend niyang mestiza.
Patay.
Tumango si Sam. "Yeah, its a good idea! Ayos lang ba?" bumaling si Samson sa aming dalawa ni Steve.
"O-Okay lang..."
Steve tsked and shook his head bago ipinagpatuloy niya na lang ang pagkain. Tumabi sa'kin si Ingrid at tumabi naman si Samson kay Steve. Nagulat nga ako dahil parang biglang naging hindi komportable si Steve na katabi si Samson, parang bigla siyang naging iritable.
"Ang init. Shit." bulong ni Steve bago umusod ng umusod hanggang sa makatabi na siya sa'kin. Nanlaki ang mga mata ko sa kanya at pasimple siyang kinurot sa braso. Ano bang ginagawa ng lalakeng 'to?
Kinausap ako ni Ingrid at wala na din naman akong choice kung hindi kausapin na lang din siya. The guys were quiet, hindi ko alam kung ano ang problema ng dalawang 'yon.
"I wanna drink." anas ni Steve.
"I want too..." gatong naman ni Samson.
"Tutal wala namang pasok bukas at wala kayong trabaho, shall we drink?" tanong ni Ingrid.
Ayokong uminom!
"Iinom ka ha, Delilah? Kahit onti lang!"
"Bawal siyang uminom."
Nagulat ako at napatingin kay Steve at Samson na sabay pang nagsabi non. Naramdaman ko ang pagluwag ng hawak sa'kin ni Ingrid sa braso bago nagsalita.
"W-Why?"
"May anak na siya." tipid na ngumiti si Samson. "I'll go buy the drinks."
"Ako na." Saka mabilis na tumayo si Steve at iniwan kaming tatlo doon.
Na-weirduhan ako sa kanilang dalawa!
Naging tahimik noong kaming tatlo na lamang ang naiwan sa lamesa. May lalakeng naglapag pa ng pagkain sa lamesa namin dahil nagpadagdag pa daw 'yung lalakeng bumibili ng alak. Si Steve...
Nang bumalik siya ay may dala-dala na siyang apat na bote ng RedHorse. Sabi ng hindi ako iinom, nako naman!
"Ayan. Ayan na 'yung alak." saad ni Steve bago binuksan ang isa.
***
a/n: sorry for the typos.
Twitter: jeweeelwrites
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top