Chapter 10

Chapter Ten
Nagtatampo

Samson and I went to that famous coffee shop. He said that it was his treat kaya naman pumayag na lang din ako. Baka kasi kapag hindi ako sumama ay pag-isipan niya pa ako na hindi pa ako nakakamove-on sa kanya. Pasimple ko na lamang pinalo ang aking ulo ng marahan bago umiling. Sigh, hindi ba naman talaga diba?

"So, kamusta ka na ba?" tanong sa akin ni Samson nang makaupo kami sa aming pwesto. Malapit ito sa glass window ng cafe kaya naman kitang-kita ang mga taong nagsisidaanan sa labas.

"I'm alright. Perfectly fine..."

He nodded and sipped on his coffee. "May anak ka na pala?" tanong niya habang hindi natingin sa akin, nakatutok kasi ang atensyon niya sa kanyang cellphone. Mukhang may ka-text.

Kimi akong tumango. Doon na siya tumingin sa'kin. He even smiled. Oh, that smile! Isa 'yan sa mga dahilan kung bakit ako nahulog sa kanya noon. "Who's the father? Is he here?"

Kumabog ng malakas ang dibdib ko bago kumuyom ang aking mga palad, grasping the hem of my shirt under the table. Nahihiya akong tumitig sa kanyang mga mata, "H-He doesn't know na may anak kami. I-Its because of a one night stand..."

Direktang napatingin sa mga mata ko noon si Charles. There was this emotion in his eyes na hindi ko magawang basahin at hindi ko malaman kung ano nga ba iyon. His face was serious at parang wala itong pakealam sa aking sinabi but the expression he's showing in his eyes says otherwise. 

"Oh." he tried to smile but it didn't reach his eyes. "How old is your son?"

Tumikhim ako, "He's five..." Umayos ako ng upo at inayos ko na rin ang aking buhok bago ibinalik ang atensyon ko sa kanya. "Turning six this may..."

"I should get him a gift..." bulong ni Samson na hindi ko masyadong naintindihan.

Kumunot ang noo ko, "What did you say?"

He instantly smiled at me and shook his head, "Its nothing. 'Wag mo na lang 'yong intindihin..."

Saglit kaming natahimik. Hindi ko kasi alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya. Simula ng pag-uwi ko sa Pilipinas ay ilang beses na rin kaming nagkita, isama mo pa ang ngayon. Tumikhim siya bago inilabas muli ang cellphone. I creased my forehead, ang bastos naman nito kasama. He's texting while he's with me!

Anong magagawa ko? Baka kausap ang girlfriend. I frowned and rolled my eyes bago humigop sa kapeng ibinili niya para sa'kin.

"How's your relationship with your girlfriend?" 

Gusto kong paluin ang sarili kong bibig dahil sa tanong at mga salitang lumabas mula rito. Dahan-dahan siyang nag-angat ng tingin sa'kin, ang sulok ng kanyang mga labi ay unti- unting umangat. "Its okay. I'm happy..."

Tumango ako. "I'm glad to know..."

Tumitig siya sa'kin ng matagal. I was conscious, ni hindi ko alam kung may dumi ba ako sa mukha. Hindi ko rin matanong sa kanya ang tungkol sa bagay na 'yon dahil nahihiya akong mag-open na naman sa kanya. Para akong bumabalik sa pagiging teenager, all because of this guy. 

"May boyfriend ka na ba?" seryosong tanong niya bago itinago ang cellphone sa kanyang bulsa at tumingin sa akin.

Umiling ako, "Wala. Bakit mo natanong?"

Nagkibit balikat lamang si Samson. "Your son needs a father. Wala ka bang balak mag-asawa?" tanong niya. Why is he suddenly asking about all these things? Naiilang ako!

"Wala pa sa isip ko 'yan. Maybe, kung si Lance na talaga ang mag-push sa'kin na mag-asawa akong muli ay baka gawin ko pa..." pagbibiro ko pa, to get rid of the tension that I'm feeling.

He didn't laugh or even smile with what I said. Ano bang problema niya?

"What's wrong?" tanong ko sa kanya and there - kumurap siya ng ilang beses bago umilling. Bakit ba siya natutulala na naman sa'kin? Pang-ilang beses na 'yon ha!

"What were you saying?" tanong niya.

"Wala. Wag mo na lang intindihin, hindi ka naman ata nakikinig." sabi ko bago ngumuso at umiwas ng tingin. Sa labas na lamang ako tumingin.

Maya-maya ay narinig ko ang mahinang pagtawa niya. Problema na naman nito? Baliw na ata 'tong si Samson. Lihim na lang akong napairap. To be honest, hindi ako nage-enjoy na kasama siya ngayon. Naiinis lang ako dahil sa mga pinag-aasta niya sa harapan ko. Lalo na nung may ka-text siya.

Tsk. Pwede naman kasing magsabi ng excuse me, hindi ba? Bastusan.

"Bakit parang tunog nagtatampo ka?"

I feigned shock and looked at him. "Ako? Nagtatampo? At bakit naman ako magtatampo, aber?" masungit kong tanong sa kanya.

He shrugged his shoulders and gave me a lopsided smile. "See? You're being grumpy. Kilala kita, alam ko kapag nagtatampo ka."

Parang may bumalik na alaala sa'kin nang sabihin niyang kilala niya ako. Nang sabihin niyang alam niya kapag nagtatampo ako. Why is he suddenly bringing up all these things? Hindi niya na dapat sinasabi ang mga 'yon hindi ba?

"I'm not." tipid kong sabi bago inubos ang kape ko.

"Yes, you are." pagpilit niya pa.

"I said I'm not." mas madiin kong sabi.

"Kilala kita, Lilah. Noong tayo pa, kapag nagtatampo ka or when you're jealous, you're always like this. Magsusungit ka at hindi ako kakausapin ng maayos, alam na alam ko ang ugali mo. Lilah, don't deny it. Bakit ka ba nagtatampo?" pagpipilit niya pa rin.

Napasimangot na lamang ako at mabilis na tumayo at iniwanan siya roon. Ano ba ang mga sinasabi niya? Walang sense! Wala talagang sense!

"Delilah!" 

Hindi ko siya hinarap at nagpatuloy lamang ako sa paglalakad palayo sa kanya. "Lilah!" tawag niya pang muli sa pangalan ko pero sa pangalawang pagkakataon ay hindi ko pa rin siya nilingon. 

Hanggang sa may maramdaman na lamang akong kamay na mahigpit na humawak sa palapulsuhan ko. "Ano ba!" sigaw ko at mabilis na hinigit ang aking kamay mula sa pagkakahawak niya.

He took a step back and shook his head, "I-I'm sorry..."

I tsked and turned my back on him. Walang kwenta kasama, iniinis niya lang ako. 

"Lilah!" pagtawag na naman niya sa pangalan ko.

Nag-abang lang ako ng jeep sa may gilid ng kalsada dahil hindi ko naman dinala ang sasakyan ni papa. Lalo tuloy niya akong maaabutan.

"Lilah, ihahatid na kita..."

Marahas akong lumingon sa kanya bago sinamaan siya ng tingin, "Does your girlfriend know what you're doing? Hindi tamang nag-aalok ka na ihatid ang ibang babae kung may ka-relasyon ka." madiin kong sabi na halos pabulong na lamang pero sapat naman na ang lakas upang talagang marinig niya.

He sadly smiled, "She knows everything."

Nanlaki ang mga mata ko dahil doon at nang magsalit ang driver ng jeep ay doon ako napalingon. Sayang 'yung dumaan na jeep! Hinihintay na pala ako makasakay, makakauwi na sana ako at makakatakas na sa mokong na 'to.

"Wala na 'yung jeep. I'll give you a ride." paghila niya sa kamay ko pero nang pilitin kong higitin iyon ay hindi ko na magawa. Mas mahigpit ang pagkakahawak niya ngayon.

"Sabing 'wag na. Baka mag-selos pa ang girlfriend mo."

"Its alright..."

Kumunot ang noo ko. Where is the loyal Samson I knew? "Hoy, Samson Mikael Del Rosario! Alam mo ba 'yang pinagsasasabi mo? Tumigil ka nga at bitawan mo ako! Kaya kong umuwi mag-isa. Bitiw!" pagpupumilit ko pa rin na makawala sa kanyang pagkakahawak.

He shook his head at mas lalong diniinan ang hawak sa aking palapulsuhan. "No. Ihahatid kita."

I rolled my eyes at wala ng magawa dahil hindi na rin naman ako makakatakas. He already opened the car's door for me at hinarangan niya pa ako, wala na akong takas. When he started the engine ay hindi pa rin ako nagsasalita, bahala siya manigas sa sobrang katahimikan diyan!

"Lilah..."

Hindi ako sumagot.

"Lilah..."

Hindi ko pa rin siya iniintindi.

"Delilah..."

Wala pa rin akong pakealam.

"Do you want some oreo?" tanong niya. 

Doon ako napaharap sa kanya. Oreo is my favorite kahit na noong college pa ako. Kahit na noong kami pa. Sisilay na sana ang ngiti sa mga labi ko pero mabilis ko 'yong inalis. "Ayoko."

He smirked, "Talaga lang? Ayaw mo? I saw the side of your lips... Ngumiti ka."

"I didn't!" sigaw ko.

Narinig ko ang malakas niyang tawa bago ibinigay sa'kin ang isang pack ng oreo. Nagulat ako, dami palang oreo sa kanyang kotse! 

Ibinalik ko ang pack ng oreo na 'yon, "Sinabi ng ayoko."

"Naglalaway ka na nga e." sabi niya habang nakangiti pero nakatutok pa rin ang atensyon sa kalsada.

I shoot him a glare, "Hindi a!"

"Really? Kitang kita ko sa mga mata mo na you're craving for the taste of oreo. Kaya sa'yo na yan..."

Hindi na ako tumanggi pa. Alam na naman niya pala at nakakahiya kung magde-deny pa ako. Sayang din 'yung oreo.

Baka makain pa ng iba. Ayoko non.

Kumain lang ako ng tatlong oreo bago itinago na ang iba sa bag ko. Ang sabi naman niya ay akin daw 'yon. O e di sige, akin na lahat.

"Bakit ang dami mong ganito sa kotse mo?"

"It became my favorite..."

"Since when?"

"Noon pa." he smiled at tightened the grip on the steering wheel na para bang hirap na hirap siya. I creased my forehead, "Ayos ka lang ba?"

He turned to me and smiled. "Yes. Bakit?"

Dahan-dahan akong umiling. "Wala naman..."

"Lahat ba ng flavors ng oreo, paborito mo pa rin?" biglaang tanong niya.

Ngumiti ako. "Only the strawberry and chocolate one..."

Tumango siya at nanahimik na lamang kaming dalawa matapos non.

Nang makarating kami sa tapat ng bahay ay agad akong bumaba. Nagpasalamat naman ako kahit papaano, may manners naman kasi ako. Hindi katulad niya. Nakikipag-text sa iba habang kasama ako.

And why am I making a big deal out of it? Kanina pa 'yon a? Delilah, magpakatino ka nga! Sabi ko pa sa sarili ko sa aking isipan.

Narinig kong may pagsarado pa ng pintuan. Papasok na sana ako ng gate pero mabilis akong napalingon nang bumaba din pala si Samson.

"Hindi ka pa uuwi?" tanong ko sa kanya.

"At least, I'll let them see me. Gusto ko makita parents mo."

Tinaasan ko siya ng kilay, "And why?"

"Its been a long time..."

Tumango na lamang ako. Ayoko ng magtanong ng iba pa, baka lalong makahalata ang isang 'to na may nararamdaman pa ako sa kanya.

At bago matapos ang araw na 'yon, I swear there was something with the looks of Samson na muli na namang nagptibok sa puso ko. Idagdag mo pa ang makahulugang tingin ng mga magulang ko sa'kin. 

*

Nang magising ako ay mabilis akong bumaba kahit hindi pa ako nakakapag-ayos. Parang ang tahimik kasi sa bahay, nagtataka tuloy ako kung anong meron at ganito. Nagulat na lamang ako nang biglaang lumitaw si mama mula sa kusina na may dala-dalang bouquet ng bulaklak at box ng kung ano... cake ata iyon.

"Ma, para kanino 'yan?" agad kong tanong sa kanya sabay turo sa dinadala niya.

She smiled, "Para sa iyo daw."

Kumunot agad ang noo ko at itinuro ang sarili ko. "Sa'kin?"

Umismid si mama. "Hindi 'nak. Sa kanya. Sa kanya."

"Mama!"

Napairap na lamang ako dahil sa kalokohan din taglay ni mama. Malakas na tawa lamang ang narinig ko  mula sa kanya bago ko siya tinanong muli.

"Kanino ho galing?"

"Kay Sam..."

Muntikan na akong matumba sa kinatatayuan ko. Ang kalma-kalmado naman kasi ng pakiramdam ko tapos ang aga-aga ay maririnig ko ang pangalan ng lalakeng 'yon.

"H-Ho?"

"Pinabibigay ni Samson. Dumaan dito kaninang umaga, ang aga-aga!"

"B-bakit daw ho?"

Ibinigay sa'kin ni mama ang bouquet ng bulaklak pati na ang box ng cake. "Tumaas ka na muna at doon mo na buksan 'yan. Ayusin mo na din ang sarili mo."

Naiwan akong tulala roon.

Nang maka-akyat ako sa kwarto ay mabilis kong isinara ang pintuan at mabilis na binuksan ang box ng cake. Nanlaki ang mga mata ko, oreo cake! But it looks like disaster, seriously. Hindi maganda ang pagkakagawa! 

Napatingin naman ako sa bulaklak at doon nakita ang isang yellow card. Mabilis ko 'yong binuksan at binasa. 

Hi Delilah. 

    Sana magustuhan mo 'yung flowers, hindi ko naman alam kung 'yan pa rin ang favorite mo. And yung cake? I'm sorry if it looks like something not really edible pero ako kasi ang gumawa niyan. You know I'm not into baking but at least I tried, sana kainin mo pa rin. Parehas pa rin naman ng ingredients 'yan, panget lang talaga yung gawa ko. I'm sorry pero sana magustuhan mo lahat :) Peace offering na rin...

At lalo akong napangiti sa huling linya. Ibinabalik ang alaala ng nakaraan naming dalawa.

Alam ko kasing nagtatampo ka pa rin. 

***

a/n: lol. sorry for the typos.
twitter; jeweeelwrites

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top