Chapter 09
Chapter Nine
Tapat
Steve: Good morning, Delilah! Ngayon lang ako nagpa-text, ngayon lang din nakapagpa-load. Are you awake? :)
'Yun ang bumungad na text sa'kin isang umaga. Napangiti na lamang ako dahil sa kanya, napaka-sweet ni kaibigan ni Steve. Sumandal na muna ako sa headboard at hinayaang maipahinga pa muna ng mas maigi ang aking katawan. I rubbed my eyes and yawmed.
Ah, inaantok pa ako.
Hihiga pa sana ako pero biglaang may kumatok sa pintuan ng kwarto ko.
"Bukas 'yan..." pasigaw kong sabi pero sa maayos na pamamaraan naman.
Unti-unting bumukas ang pintuan at iniluwa non si mama na matamis na nakangiti sa'kin. I automatically smiled when I saw her face, it's been years simula noong huling binuksan ni mama ang pintuan ng kwarto ko at bisitahin ako ng ganito. Wala naman kasi silang kakayahang mabisita ako sa New York.
"Hi anak, magandang umaga sa'yo." bati ni mama bago ako hinalikan sa noo.
Ngumiti ako pabalik, "Good morning, ma."
Inilibot ni mama ang tingin sa kwarto. Bumuntong hininga ito bago umupo sa dulo ng aking kama at pinagmasdan akong maigi. Mabilis na kumunot ang aking noo.
"What's wrong, ma?" tanong ko kaagad sa kanya. Hindi kasi maipinta ang ekspresyon sa mukha ni mama, mukha siyang may problema. Nag-aalala tuloy ako.
"Wala naman anak. Na-realize ko lang na sobrang miss na miss pala kita higit sa pagkamiss ko nung wala ka. Lalo kitang na-miss noong nakita kita e!" paiyak na sabi ni mama bago pinunasan ang kanyang mga mata.
Mabilis akong bumangon at tumabi sa kanya. Napapatawa ako. Niyakap ko si mama at ipinalibot ang aking braso sa kanyang mga balikat bago isinandal ang ulo ko sa kanyang ulo. "Mama, I missed you too. Lahat kayo kaya baka..."
Napunta ulit ang tingin sa akin ni mama, "Baka ano, anak?"
Ngumiti ako, "Baka dito na ako mag-stay for good."
Unti-unting tumaas ang gilid ng mga labi ni mama bago lumitaw ang isang malapad na ngiti. "Talaga, anak?" mistulang kumislap ang kanyang mga mata dahil sa aking narinig.
Tumango ako, "Baka ho. Hindi ko pa po alam kung sigurado pero talaga naman pong may possibility."
Pinaglapat ni mama ang kanyang mga labi bago hinawakan ang dalawang kamay ko, pinipisil- pisil ito. "Magiging masaya ka ba kung dito ka mag-stay?" tanong niya sa akin.
Simple akong tumango, "Oo naman po. Bakit naman po hindi? E, makakasama ko ang pamilya ko. Plus, mukhang mas masaya ho dito si Lance..."
Umiwas ng tingin si mama, "Naandito si Samson, hindi ba?"
Kumunot ang noo ko. "Dito ho sa Cavite? Yes, pero ang alam ko ay mag-stay siya sa Maynila..." nang biglaang may alaalang pumasok sa isip ko. Agad na nanlaki ang mga mata ko at napatakip na lamang ako ng bibig. "He's staying here! Nakasalubong ko ho siya isang beses doon sa may coffee shop, ang sabi niya ay may a-apply-an siyang trabaho..."
Tumango-tango si mama at nanatiling tahimik lamang. Lalong lumalim ang gatla sa aking noo. Pilit akong ngumiti, "Mama. It's all okay, wala na naman ho ang nangyari dati. He moved on, I am too. Magkaibigan na nga lang ho ulit kami..."
Tumungo si mama at dahan-dahang tumayo bago hinaplos ang aking pisngi nang tuluyan siyang makaharap sa'kin. "I'm sorry anak that you have to let go of him..."
"Mama, he's the one who let go of me. Siya ang nakipaghiwalay hindi ba?"
"Mainly because of the reason that you were going to New York that time, anak? Pasensya ka na talaga pero ang gusto lang naman namin ay gumanda ang buhay mo pero... pero dito pa rin naman pala ang balik mo..."
Ngumiti ako at pinisil ang kanyang kamay, "Ma, I said its okay. Maganda na naman ang buhay ko lalo na kung kasama ko kayo rito sa Pilipinas. H'wag ka nang mag-alala ma, its all in the past now. Hindi na dapat binabalikan ang mga bagay na 'yon."
I gave my mom assurance that its all okay. Minsan, nagiging ayos na rin naman sa'kin kung pumapasok sa isip ko na hindi na ako mahal ni Samson. Na nakalimutan niya na ang lahat ng namagitan sa aming dalawa noon. Paminsan, hindi ko alam sa sarili ko kung bakit parang nasasaktan pa rin ako at mistulang may kumukurot sa puso ko lalo na kapag nakikita ko siyang nakangiti ng hindi dahil sa'kin. Kung hindi dahil sa ibang babae, nasasaktan talaga ako.
Nang lumabas si mama sa kwarto ko at sinabihang sumunod na lamang ako para kumain ay tumango na lamang ako. Tumungo ako at bumuntong hininga, ano bang problema ko talaga? Hindi ko na alam ang gagawin sa pakiramdam kong 'to.
Siguro salungat sa nararamdaman ko ang sinabi ko sa mama ko.
Siguro, mahal ko pa si Samson.
Oo, mahal ko pa ang lalakeng nanakit sa akin noon.
Tumayo na lang ako at dumeretsyo sa banyo sa baba, aayusin ko na ang sarili ko. Nang matapos naman ako ay agad akong pumunta sa kusina para makita kung naandoon nga ba sila. At hindi ako nagkamali, naandoon na silang lahat. Ako na lang talaga ang kulang.
Lance was busy talking with his cousin. Sa sampung pinsan niya na naandito ay si Ulysses ang pinaka-naging malapit sa kanya agad. I don't know why pero siguro ay dahil sa parehas sila ng ugali ni Uly? But Uly is louder. Mas maingay pa ito sa anak ko, manang mana sa asawa ng kuya ko. Madaldal.
Nang lumingon si Lance at nakita ko ay malapad siyang ngumiti at itinaas ang kanyang mga kamay na may hawak ng mga kubyertos. "Mommy!"
Nanlaki ang mga mata ko at mabilis na pumunta sa kanya. Ibinaba ko ang kanyang mga kamay at hinalikan siya sa ulo. "Lance, don't raise your hands when you're holding something sharp. Baka makatuso ka ng tinidor, that's dangerous..." seryoso kong sabi sa kanya.
Mabilis niyang binitawan ang mga iyon at pumulupot ang maliliit at mapayat niyang braso sa aking beywang, "I'm sorry mommy. Di ko na po ulit gagawin..."
Ngumiti na lamang ako ng tipid, "Good."
Isa-isa akong binati ng mga kasama ko sa hapagkainan. Ganoon din naman ang ginawa ko pabalik. Nang mailagay ang almusal sa ibabaw ng lamesa ay agad na sumilay ang isang malapad na ngiti sa aking mga labi. Ang almusal na talagang paborito ko! Fried rice, itlog na maalat, tapa at itlog! Gosh, ang sarap!
"Mommy, what's that red or maroon like thing? 'Yung parang egg po..."
I chuckled and ruffled his hair. "Itlog na maalat 'yan anak. Masarap 'yan, you should try it." bago siya binigyan ng kaunting itlog na maalat.
"Is it salty?"
"Kaya nga maalat, e." masungit na sabi ni Uly na siyang nagpabulanghit sa amin ng tawa. Except sa maingay ang batang ito ay may pagkamasungit din pala. Sa kuya ko naman nagmana!
"Uly, kumain ka na lang diyan." anas ni Kuya sa kanyang anak. Tahimik na tumango na lamang si Uly sa kanya.
"Where are the other kids?" tanong ko habang nakangiti.
"Napakain na sila ng mas maaga. Alam mo namang hindi tayo kasya sa lamesang 'to..." natatawa at naiiling na sabi ni Ate Mona sa akin. I smiled and nodded, tama naman kasi siya.
The table is too small for us all. Napangiti ako sa ideyang pumasok sa isipan ko, maybe I should buy a bigger one for them.
"How was your stay in New York?" tanong ni Ate Mona sa'kin bago siya sumubo ng pagkain.
Napunta ang tingin ko sa kanya, kahit na sila kuya. "It was fine. Maayos naman and I finished college kaya hindi ako mahihirapang maghanap ng trabaho rito..."
Tumango na lamang si Ate Mona at nanahimik. Hindi ko alam kung bakit parang may mali pero kung mayroon man ay ayoko ng malaman 'yon.
*
"Delilah!"
Napalingon ako sa tumawag sa'kin matapos kong lumabas ng school. When they e-mailed me that I was hired, agad agad naman akong pumunta roon at nagpasalamat. I even asked kung kailan ba ako magstart ng demo teaching. I'm excited.
Natulala ako nang makita siyang papalapit sa'kin. Kumunot ang noo ko, anong ginagawa niya rito.
"You applied here?" nakangiti niyang tanong.
I nodded, "Yeah. Ikaw?"
"Sa tapat lang na school..." ani niya bago ngumiti.
At napatingin ako sa katapat na school ng eskwelahan na in-apply-an ako. I creased my forehead, isa pa 'to sa magagandang school.
Bakit magkatapat? Malaking competition 'to for both schools! At bakit diyaan pa siya nag-apply? Does it mean na mapapalapit na naman siya sa'kin?
"Hey, are you alright?"
Napatingin ako sa kanya ng bahagyang nakaawang ang aking bibig. "H-Ha?" naguguluhan kong tanong.
Samson chuckled and ruffled my hair. The feeling of his hands against my head is so good. Napatingin ako sa kanya, direkta sa kanyang mga mata. He stared at mine too, ni hindi ko nga alam kung bakit biglaang nangyari 'yon.
Napaiwas na kaagad ako ng tingin, "U-Uhm..."
He took a step back and sighed. Tumungo ba siya bago kinagat ang kanyang pang-ibabang labi. I was about to go and say goodbye pero mabilis siyang nagsalita.
"Uh.. coffee?"
***
a/n: sorry for the typos. this is a lame chapter i know, pasensya na. babawi ako sa susunod!
Twitter: jeweeelwrites
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top