Chapter 08

Chapter Eight
Trabaho

Tumuloy ako sa loob ng coffee shop bago mabilis na um-order. Nang maibigay sa'kin ang order ko ay dumeretsyo na ako sa labas, hindi rin naman ako pwedeng mag-stay sa loob. May ibang lugar pa akong kailangang puntahan at ibang mga bagay na dapat asikasuhin maliban sa pagkain ko.

Sumakay ako sa sasakyan ko pagkatapos ay ini-start ang makina nito. Napatingin ako sa katabing upuan dahil nandoon ang cellphone ko, bigla kasi itong tumunog. Kumunot ang noo ko at tinignan kung sino ang natawag. Si Alisha pala!

Mabilis ko 'yong sinagot.

"Alisha!" bungad ko sa kanya saka hinawakan ang steering wheel at doon tuluyang pinaandar ang sasakyan. Dere-deretsyo lamang ako at lumiko sa kanan. Mga isang oras pa siguro bago ako makarating sa eskwelahan na pupuntahan ko.

[ "Bes! Ngayon lang ako nakatawag, pasensya na! Kamusta ka diyan? Ano, masaya ba?" ]

Napangiti ako at tumango kahit alam ko namang hindi ako nakikita ng best friend ko dahil nasa malayo siya, obviously.

"Okay lang naman. Yeah, masaya. Naghanda pala 'yung mga malalapit na kaibigan ko sa college ng party para sa'kin, pasimuno si Hazel at Kenneth and nasa Cavite na ako. Kasama ko na family ko..." pagke-kwento ko pa sa kanya pero nakatutok pa rin naman ang atensyon ko sa kalsada.

[ "Hm. Nasan ka ngayon? Bakit parang ang ingay?" ]

Napatingin ako sa radyo sa sasakyan at dahan-dahang hininaan ang volume non.

"Nasa sasakyan ako. Papunta ako don sa ina-apply-an kong trabaho..." ani ko bago nakahinga ng maluwag dahil sa wakas ay makakainom na ako nung kape na binili ko mula sa coffee shop kanina. Kahit na ang pagiging stuck sa traffic ay may advantage pa rin naman pala, pwede kang makakain kapag gutom na gutom ka na.

[ "Oh. Good luck diyan, bes! Kaya mo 'yan ha? 'Wag kang kabahan! Galing mo kaya magturo, hahaha. Sige na pala, kinamusta lang talaga kita. I miss you na! Bye na, tinatawag na ko ng boss ko!" ] Kasabay non ang paghagikgik ni Alisha. Nako, mukhang may kalokohan na namang ginawa ang babaeng 'to!

Pinaglapat ko ang mga labi ko bago tuluyang sumagot. "Okay, mag-iingat ka. And ingatan mo sarili mo kasi baka dito na ako magstay for good..."

Nagpaalam na lamang ulit si Alisha matapos non. Ang sabi niya ay tatawagan niya na lang daw ulit ako para mapag-usapan 'yung sinabi ko kanina.

Actually, while driving my way to the coffee shop doon lang talaga tuluyang pumasok sa isipan ko ang ideyang 'yon. Dito na kaya ulit ako mag-stay for good? Kaya lang naman naipagpatuloy ko ang buhay ko sa New York ay nagtulung-tulong ang mga magulang ko pati na ang tita ko na gustung-gusto akong makarating sa ibang bansa. Wala naman akong reklamo doon noon, isa lang 'yung hiniling ko.

Na hintayin niya na magbalik ako. Ang kaso naman wala na.

Siguro kung magi-stay na ako ngayon dito ay mas maganda. Ako din ang magbe-benefit. Kasama ko na ang pamilya ko at si Lance - mas magiging masaya siya dito. Nandito ang mga pinsan niya na simula pagkabata niya ay hindi niya man lang nakita o nakasalamuha, ni hindi nga siya nito maintindihan. English kasi siya ng english, e mga limang taon lamang din naman ang mga kausap siya. Natatawa na lang kami.

Iba daw talaga ang tao kapag lumaki sa ibang bansa. Lalong- lalo na sa Amerika, kahit ano pang edad nito.

And isa pa, nami-miss ko na din ang Pilipinas. I've been away for eight years, oras na siguro talaga para bumalik ako dito at makasama ang mga taong naunang naging nandiyaan para sa'kin. Hindi ko naman sinasabi na dapat ay iwanan ko doon si Alisha pero gusto ko na rin talagang makasama ang pamilya ko dito. Plus, Alisha is a filipina too. Pwede naman siyang umuwi dito at kung for good na din siya dito - 'yon na rin ang kanyang choice.

Bumuntong hininga ako at pinaandar ulit ang sasakyan nang nagtuluy- tuloy na ang daloy ng sasakyan. Hinanap ko ang school sa paligid, palinga linga ako habang nagda-drive. At nang makita ko na ito ay awtomatikong lumabas ang isang matamis na ngiti sa aking labi, ayan na ang school!

Mabilis akong humanap ng mapa- parking-an ng sasakyan. Nang matapos ay bumaba ako at agad na pumunta sa harapan ng school, doon naghihintay ang isang matandang guard. Matanda na ito pero hindi naman masyadong kulubot ang balat. Hindi bagay na tawagin siyang kuya guard, manong guard siguro ay pwede ba. Siguro ay mga nasa late forty's niya na ito.

"Manong..." pag-pukaw ko sa kanyang atensyon. Parang may binabasa kasi siya na kung ano sa maliit na lamesa kung saan nakapatong ang isang malaki at makapal na notebook, records ata ang mga iyon.

Nag-angat ito ng tingin sa'kin bago madaliang ngumiti. "Oh, hija? Anong pakay mo dito sa school na 'to?" tanong niya sa'kin habang hindi naaalis ang ngiti sa kanyang mga labi.

"Ah, maga-apply po sana ng trabaho. Pwede po bang pumasok kahit na wala pang identification card?" tanong ko bago tipid na ngumiti.

"Ah. Maga-apply ka? Nako, magandang choice ang ginawa mo. Maganda 'tong school na ito, hija. Karamihan sa mga estudyante rito ay talagang nakaka-graduate ng matino at walang problema. Swerte ka dito, malaki rin ata ang sahod kahit na pribado." ani manong guard na parang bubulong-bulong bago napangisi.

'Yung tanong ko ho manong. Gusto ko sanang sabihin iyon. Ang kaso lang ay nagpatuloy si manong guard sa pagke-kwento tungkol sa paaralan. Hindi ko na napigilan ang bibig niya mula sa pagsasalita, mukhang wala rin naman siyang planong tumigil. Nang tumigil siya sa pagsasalita saglit para humugot ata ng hininga ay doon ko na kinuha ang tyempo ko.

"Manong, ano ho bang pangalan niyo?" tanong ko bago ngumiti.

"Gregorio."

Tumango ako, makaluma 'yung pangalan. Napangiwi ako, wow parang 'yung akin hindi. Kinamot ko na lang ang aking batok bago sinubukang magtanong ulit. "Pwede na ho bang pumasok kahit walang identification card?"

Tumango ito at tumawa, "Oo naman. Basta ilista mo lang dito ang pangalan mo at pirmahan. Hahanapin ko ulit 'yun dito kapag pumunta ka. Halos saulo ko na nga lahat ng naandito!" natatawa  niya pang pagke-kwento sa'kin.

Tumawa na lamang rin ako, madali siguro talagang makagaanan ng loob 'yung mga taong ma-kwento. Pero syempre, dapat nag-iingat. 'Yung ibang taong ma-kwento naman kasi ay iba ang pakay sa'yo, dapat talagang alam mo kung anong klaseng tao ang kinakausap mo.

"Salamat Manong Gregorio..." ani ko pagkatapos kong isulat ang aking pangalan at pumirma sa gilid non.

Pinapasok na ako ni Mang Gregorio sa gate at halos mapuknat na talaga ang labi ko nang makita ang kabuuan ang school. Malaki ito at napakaaliwalas, malinis din at halatang maganda ang pamamahala. Sana maganda din ang loob.

Nag-dasal ako sa isipan ko bago tipid na ngumiti. Alam ko namang gagabayan ako ng Diyos sa lahat ng gagawin ko, lalo na ngayon. Lalo na dito. Kasi hindi naman Niya ako dadalhin dito kung walang magiging purpose ang bagay na ito para sa'kin at sa buhay ko.

Nang makapasok ako ay hinanap ko na kaagad ang office. Kumatok muna ako doon at may narinig naman akong nagsalita at sinabing pwede na raw akong pumasok. Dahan-dahan kong binuksan ang pintuan at bumungad sa'kin ang tatlong babae na mukhang maga-apply rin para sa trabaho ng pagiging teacher.

Umupo ako sa dulong upuan at inayos ang envelope sa hita ko. Inilabas ko doon ang ilang mga importanteng papeles bago ko ulit inilagay sa loob ng envelope, inayos ko lang naman para mapagsunud-sunod. Panget naman kasi kung hindi. Baka mamaya ay may itanong sila at kailangan kong maipakita ang papeles - nakakahiya kung sa harapan pa nila ako maghahalungkat ng mga kailangan kong ipakita sa kanila.

Napatingin ako sa babaeng nasa harap ko. Magkakaharap kasi ang mga upuan pero may espasyo naman. Dalawang upuan na nga lang ang natitira, isa sa kaliwa at isa sa kanan. 'Yung bakanteng upuan ay sa tabi ko bago sa pwesto ko. Dulo kasi ako. Titig na titig sa'kin 'yung babae na para bang may malaki akong kasalanan sa kanya at isa akong kriminal. Medyo nailang na nga rin ako kaya hinawi ko na lamang ang buhok ko at sinuklay iyon ng dahan-dahan gamit ang aking kamay at mga daliri.

Nang mapunta ang tingin ko sa kanya ay nanatili pa rin ang pagtitig niya sa'kin. Kumunot ang noo ko, bakit ba siya ganyan? Mahina akong tumikhim at tinaasan siya ng kilay, ano bang problema niya? Sa pagtaas ko ng kilay sa kanya ay doon siya umiwas ng tingin. Ano ba kasing gusto niya at titig na titig siya sa'kin? May kung ano ba akong dumi sa mukha?

Umayos at tumuwid na lamang ako ng upo. Napatingin ako sa isang babae na nasa kaparehas na linya ko ng upuan. Maputi ito at mukhang mahinhin, hindi nga siya gumagalaw sa pagkaka-upo niya. Lumingon-lingon lang siya, ganon. Napakatahimik niya!

Nagtitingin-tingin ako sa loob ng opisina nang mapunta ang tingin ko sa pintuan dahil biglaan iyong bumukas. Iniluwa non ang isang matangkad at maputing lalake. Nanlaki ang aking mga mata, bakit naandito siya?

"Steve?" halos pabulong ko na lang na sabi. Hindi naman kasi talaga akong pwedeng mag-ingay!

Napunta ang tingin siya sa'kin. Ilang segundo ang lumipas at dahan-dahang tumaas ang gilid ng kanyang mga labi, ngumisi sa akin. Kumaway pa siya bago ako kinindatan, napailing na lamang ako. Mabilis siyang tumabi sa'kin at nagbigay ng isang biscuit.

"Skyflakes?" tanong ko.

"Oo. Diba ang nasa commercial non kapag walang baon, mag-skyflakes? Here." kinuha niya ang kamay ko at iniabot sa'kin ang biscuit. Napatawa ako ng mahina at sumagot na lamang, "Salamat."

Umiling si Steve bago nagkibit balikat. "No worries, I have one too." saka niya ipinakita sa'kin ang isa pang skyflakes.

Nang tinawag ang pangalan ko ay mabilis akong tumayo. Bumulong pa si Steve sa akin ng good luck. Tahimik na lamang akong tumango matapos non. Nang pumasok ako sa opisina ay agad akong pinaupo ng babae at doon na nagsimula ang job interview.

Isang oras ang lumipas dahil hinintay ko pa si Steve. Ewan ko ba, hindi na lang ako umuwi agad. Gusto kong may maka-kwentuhan matapos 'yung nakaka-pressure na job interview.

Pagkalabas niya ay nagulat pa siya sa'kin dahil nandoon pa ako. Ang sabi kasi nung babae ay ie-e-mail na lang daw kung tanggap o hindi. Umaasa ako dahil maayos naman ang pagsagot ko sa lahat ng tanong at alam ko naman talaga na may potential ako!

Sabay kaming lumabas ng opisina. Steve was laughing dahil may isa daw siyang maling nasagot. I didn't know na education din pala ang kinuha niya and we even went to the same college in New York. Siguro malaki lang talaga ang school kaya hindi nagkrus ang landas namin at nagkakilanlan.

"Bakit ka umuwi ng Pinas?"

He smiled, "For this job."

Tumango ako, "Parehas pala tayo ng napasahan ng resume and forms, ano?" nakangiti kong tanong sa kanya.

Steve chuckled and trace his lower lip using his thumb bago ngumisi sa akin. "Yes and I think it's not a coincidence, Delilah. Lalo na't parehas din pala tayo ng pinasukang college when we were in New York."

Tumango ako at sumang-ayon na lamang.

Kumunot ang noo ko, "Pero teka, hindi ba ay attorney ka? Meaning you went to a law school pagkatapos pa non?"

Umiling si Steve, "No. Law na din naman ang kinukuha ko when we were in college, naghanap lang talaga ako ng law school para mas maging proper..."

Napatango ako pero di pa rin maiwasan ang magtaka. "Bakit teacher? Malaki ang sahod sa pagiging abogado!"

Tumango ito. "I still am. May pinapagawa akong office dito pero siguro matatagalan pang masimulan. That's why, naisipan kong mag-guro na lang muna. Makakatanggap din ako ng sweldo..."

"Wise." Pag-ngiti ko pa.

Muli akong lumingon sa kanya, "Pero teka? Hindi ba't may pera ka naman galing sa pagiging abogado mo? Bakit hindi na lang 'yon ang gamitin mo?"

Umiling si Steve bago tinapik ang aking ulo, "I'm using that para sa pamilya ko dito. Isang dahilan rin naman 'yon kaya umuwi ako, my parents wanted to see me. Baka dito rin ako mag-stay... Kaya as much as possible, ang matatanggap kong pera sa pagtuturo ang gagamitin ko. I'll build my office, little by little..."

"Ang bait mo naman pala."

Ngumisi si Steve bago pabirong natawa, "Don't mention it..."

"Alam ba ng school ang sitwasyon mo?"

"I explained already at pumayag naman sila basta sa oras na bago ako umalis, dapat ay mahanap na akong kapalit ko..."

"Are you staying here for good?" tanong niya sa'kin.

Nagkibit balikat ako, "I still don't know pero may possibility. How about you?"

Tipid siyang ngumiti. "Ewan ko ba. Siguro..."

"Bakit 'di ka sure?"

Makahulugan lamang siyang ngumiti sa akin bago nag-iwas ng tingin. Tahimik lamang kaming nag-lakad palabas ng school hanggang sa magtanong na naman siya.

"Anyway, uuwi rin ba si Alisha?"

Ngumuso ako. "Maybe. I don't know, why?"

He chuckled. "Wala. Akala ko kasi 'di kayo pwedeng magkahiwalay."

Natawa naman ako sa sinabi niya. Inaya ako ni Steve sa isang malapit na cafe, kinamusta niya rin si Lance sa'kin. Ganon din ang ginawa ko, nagtanong ako patungkol sa pamangkin niya na si Alessandra.

"By the way, if ever, anong subject ang ituturo mo?" tanong ko sa kanya.

Nagkibit balikat siya, "Maybe science and mathematics."

Tumango ako. Tama nga ang hinala ko, mukhang matalino itong si Steve.

Before we separated ways, Steve asked for my number at wala naman akong kontra na ibinigay ko ito sa kanya. He's kind and he's already my friend. Nang makarating ako sa bahay ay bubuksan ko pa lang sana ang gate ay nandoon na agad si Lance. Noong tuluyan akong makapasok ay nilundag niya ako para sa isang yakap.

"Mommy! Tito Mikael came here!"

Nanlaki ang mga mata ko.

Mikael?

Samson Mikael?

***

a/n: sorry for the typos.
Twitter: jeweeelwrites

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top