Chapter 07

Chapter Seven
Hi and Hellos

"Delilah..."

Kumabog ang dibdib ko na para bang tinatambol ito. Mistulang nadikit din ang mga paa ko sa lupa dahil pakiramdam ko ay hindi ako makagalaw, para akong nabato na lamang sa kinatatayuan ko dahil sa kanya.

"H-Hi." maiksing pagbati ko sa kanya bago hinawi ang ilang hibla ng buhok ko na nalaglag sa harapan ng aking mukha.

Narinig ko ang pagbuntong hininga ni Hazel bago ako hinawakan sa braso. "Halika na ate Lilah, pumasok na lang tayo sa loob..."

Parang ayokong sumama kay Hazel sa loob. Parang mas gusto ko ang manatili na lamang dito sa garden at sa harapan ni Samson para siya'y pagmasdan.

"No. Wait Hazel, I wanna talk to her." pag-pigil ni Samson sa kanyang kapatid.

Hindi ko alam kung napansin ba nila o hindi pero may isang maliit na ngiti ang mabilis na lumitaw sa aking labi, mabilis rin naman itong nawala.

"Ate Lilah..."

Pilit akong ngumiti. "I'm alright..."

Bumuntong hininga muli si Hazel bago dahan-dahang tumango at iniwan kaming dalawa doon ni Samson sa garden.

Inilagay ko ang aking kamay sa aking likuran bago bumuntong hininga. Samson breathed a sigh and combed his hair using his fingers, he looked at me why smiling.

"Bakit ka ba nakangiti?" naiilang kong tanong sa kanya.

Samson chuckled and stared at me. "I just missed you..."

Nanlaki ang aking mga mata at parang may mga paru-paro sa aking tiyan. Para akong teenager na kinikilig sa kanyang high school crush.

For pete's sake I'm already twenty-six years old!

"H-Ha?"

He scratched the back of his head and gave me a lopsided smile. "Ah, I mean I'm glad you're here. So, kamusta ang New York?" He asked me comfortably na para bang wala siyang sinabi kanina.

I smiled a bit before answering, "Ayos lang. M-Masaya..." pero mas masaya sana kung kasama kita. "Ikaw? Kamusta?"

He smiled and kept his hands inside his pockets, "I'm fine. Contented, happy and in love..." halos pabulong niya na lamang na sinabi ang salitang 'in love'.

Ewan ko ba. Hindi ko alam kung ako lamang ba 'yon o talaga in- emphasize niya ang word na 'yon kahit ba mahina na lang ang pagkakasabi niya.

"Wow, congrats. S-Sana mas maging masaya ka pa." buong puso kong sabi sa kanya.

Dahil totoo naman. Lalo na't nandito ako, mas gugustuhin ko pang makita si Samson na masaya at mas lalo pang sumaya. Masakit para sa'kin na hindi na niya na ako mahal, oo, inaamin ko pero wala naman akong ginagawa.

Kahit na may mahal na siyang iba ay ayos lang. Ganoon naman talaga ang pag-ibig hindi ba? Lalo na't kapag hindi naman talaga kayo ang para sa isa't-isa.

Napatungo ako nang hindi siya magsalita. I played with my own fingers and sighed, hindi ko na napigilan ang sarili ko mula sa pagbuntong hininga.

"Lalo akong sasaya ngayon lalo na't..." ani Samson kaya naman napatingin ako sa kanya. Sinalubong niya ang tingin ko ng kanyang seryosong mga titig ngunit hindi niya pa rin itinuloy ang kanyang sasabihin.

"Lalo na't?" tanong ko sa kanya.

Makahulugang ngumiti si Samson. "Lalo na't umuwi na naman ang isa sa mga kaibigan ko noong kolehiyo ako..."

Parang may kumurot sa puso ko dahil sa narinig ko mula sa kanya. Kaibigan? Kolehiyo? Sarkastiko akong napatawa pero hindi na lamang ako nagsalita at nag-react pa tungkol sa kanyang sinabi, ayoko ng i-open up ang past naming dalawa kung siya na mismo ang nananadya na ipamukha sa'kin na naka- move on na talaga siya.

"Yeah. Masaya rin ako na makikita ko na ulit ang mga kaibigan ko sa Pinas. Its been eight years, right? Ah, ang tagal na rin pala..." ani ko bago pumikit at pinakiramdaman ang hampas ng hangin mula sa labas.

"Yeah. Matagal na rin talaga..." bulong ni Samson.

Halos mapatalon ako sa gulat nang biglaan niya akong hawakan sa aking braso. Nanlaki ang mga mata kong tinitigan siya, he only smiled at me.

"Tara na sa loob?" biglaang pagyaya niya sa'kin. Ang tanging nagawa ko na lamang ay ang tumango, bakit pa ba kasi ako mananatili sa isang lugar kung wala na siya roon diba? Kung wala na akong kasama.

Parang siya, nag-move-on na dahil wala ako.

Ipiniling ko ang aking ulo bago huminga ng malalim. Napatigil naman sa paglalakad si Samson at sinilip ako. "You alright?" tanong sa akin nito.

Pilit lamang akong ngumiti, "Ah, yeah..."

Tahimik lang siyang tumango bago nauna ng maglakad. Tsk, akala ko pa naman aalalayan niya ako. Kumunot ang noo ko, bakit niya ako aalalayan? Wala naman akong sakit. Hay nako, Delilah! Mga pinag-iisip mo talaga! Pag-kausap ko pa sa sarili ko.

"Sure ka bang ayos ka lang?" tanong muli sa akin ni Samson bago niya inirolyo ang sleeves niya hanggang sa kanyang siko. Bahagyang umawang ang aking bibig nang makita ang kanyang braso at kamay, nakikita ko 'yung ugat!

Ang laki na talaga ng pinagbago ni Samson, e sa'kin? Anong nagbago? Pati nga ata pagmamahal ko sa kanya ay hindi talaga nawala kahit walong taon na naman ang lumipas.

"Ayos lang talaga ako, Sam..." nakagat ko ang pang-ibabang labi ko at madaliang tumingin sa kanya. "I mean Samson..."

Napatawa siya at nakangiti ang mga matang tinignan ako, "Ano ka ba, its alright, Lilah. Its all in the past now, pwede mo pa rin naman akong tawaging Sam..."

Napatungo ako at pinaglaruan ang aking mga daliri. Naiilang na lang ako sa kanya bigla na may kahalong inis. Ewan ko ba, bakit kasi parang napakadali lang sa kanya na tumawa at harapin ako? Bakit ako? Bakit hindi ko 'yon magawa?

"Just like the way your comfortably calling me Lilah now?" direkta kong tanong sa kanya.

Napansin kong natigilan siya and he looked at me - it was like he was amused or something pero hindi ko ma-figure out kung ano ba talagang ekpresyon ang nakapinta sa mukha niya at ang nakikita ko sa kanyang mukha. 

"I-I mean, we're friends, right? Kaya ka komportable sa'kin!" I smiled wildly, pilit na pilit na para bang nagpipigil ako ng kung anong lalabas sa'kin ano mang oras.

He smirked, "E, bakit ikaw? Parang 'di ka komportable sa'kin?" tanong niya saka unti- unting tumaas ang kanan niyang kilay.

Napahinga naman ako ng malalim bago  malakas na tumawa. Nabibwiset ako, halatang halata na ako! Malakas ko siyang hinampas sa braso bago tumawang muli, para na akong loka loka niyo. Punyetang 'yan.

"Ano ka ba? Komportableng komportable kaya ako sa'yo, Samson! Ito talaga, kung anu-ano pinagsasabi mo. Mapagbiro ka pa rin pala, 'no?" tanong ko habang malawak ang ngiti sa aking mga labi.

Kumunot pa ang kanyang noo bago hinimas ang braso niya na hinampas ko. I laughed nervously, dahan-dahan niyang ibinuka ang kanyang bibig pero walang lumabas na mga salita mula roon. He just closed it again at pinaglapat ang mga 'yon - his lips forming a thin line.

"Sorry, napalakas ba?"

He smiled, chuckled and shook his head. "Its alright."

Hindi na ako umimik. Nagpaalam na lamang ako sa kanya na magc-cr ako kaya naman pinayagan niya na ako. Pumunta ako sa loob at humarap sa salamin. Huminga ako ng malalim at pinaypayan ang aking sarili, sigurado akong mukha akong tanga kanina sa harapan niya. Ano ng iisipin sa'kin ni Samson ngayon?

Kusa akong napatigil at tinitigan ang sarili ko. Bakit ba parang bumabalik ako sa dati? I'm not a teenager anymore! At bakit ba kailangan ko pang isipin kung ano ang maiisip sa'kin ni Samson? As if naman na pumapasok pa ako sa isipan niya, e may girlfriend na nga. 

Inayos ko ang aking buhok at tinignan ang sarili kong mukha. Medyo maputla pero ayos lang naman, may kulay pa rin naman ang mukha ko. Mukha pa rin namang tao.

Huminga ako ng malalim ng isa pang beses bago tuluyan ng lumabas ng banyo. Pinagpag ko ang damit ko at dumeretsyo sa sala. Doon ko nakita si Lance na nakaupo sa sahig at mayroon nang mga bagong laruan. Kumunot ang aking noo.

"Kanino galing 'yan, Lance?" tanong ko agad sa kanya pagkalapit na pagkalapit ko pa lang.

Nag-angat ng tingin ang anak ko bago ako nginitian ng malapad. "Galing po sa kanila. They're so kind, mommy! They bought me a lot of toys po agad..."

I smiled, "Talaga? You said thank you naman, hindi ba?" tanong ko sa aking anak bago tumabi ng pagkakaupo sa kanya.

He smiled at me and nodded, "Of course mommy. You taught me, right? Ang sabi niyo po kapag someone gave you a gift, you should always say thank you in return at h'wag na h'wag magre-refuse or mag-complain..." 

I patted his head and quickly kissed his cheek, "Good 'yan anak. May gift ka rin sa'kin mamaya..."

Parang kumislap ang kanyang mga mata mula sa narinig sa'kin. I chuckled and nodded dahil tinanong niya kung talagang meron ba. Of course, and that's my family. Baka kasi mamaya ay umuwi na rin ako para surpresahin ang mga magulang ko, hindi ko rin naman kasi sinabi sa kanila na uuwi na ako ng Pinas.

"Girl," tawag sa'kin ni Kenneth nang makaupo siya sa sofa. Nasa sahig pa rin ako at kasama si Lance na naglalaro. 

"Hmm?" Hindi ako tumingin sa kanya at nanatili lamang ang atensyon ko sa aking anak.

"May sasabihin ako sa'yo..."

Doon na ako napatingin sa kanya. "Ano 'yon?"

Umiling siya at inginuso si Lance. Doon pa lamang ay naintindihan ko na kung ano ang gusto niyang iparating. Muli kong hinalikan si Lance sa pisngi at nagpaalam na lalabas lang muna ako kasama ang Tita Kenneth niya. Tita ba naman? 

'Yun kasi ang sinabi ni Kenneth sa anak ko na itawag sa kanya.

"Ano ba 'yung sasabihin mo, Ken?"

Ngumuso siya at pinagkrus ang dalawang braso sa ibabaw ng kanyang dibdib. "Wala ka na bang nararamdaman sa ungas na 'yon?"

Kumunot ang aking noo, "Anong sabi mo? Ungas?"

Ginusot ni Kenneth ang kanyang ilong at parang bored na bored na tumingin sa'kin. "Aba, bakit? Hindi ba? Binitawan ka kaya sa ere ng lalakeng 'yon. Dapat don wala ng talong e, di niya deserve magkaroon ng talong girl. Sinaktan niya kaibigan ko..."

Napatawa naman ako at marahan siyang hinampas sa braso. "Ikaw talaga..." Bago napunta ang tingin ko sa 'di kalayuan. Napabuntong hininga na lamang ako at tumungo sabay sagot sa kanyang tinanong kanina. "Mayroon pa..."

Narinig ko ang pagsinghap at 'di na ako tumingin sa eskpresyon ni Kenneth. Alam ko namang gulat na gulat siya. "After eight years, meron pa din? Magiging tatlo na ba ang paring martyr?" 'di makapaniwalang tanong niya sa'kin.

"Anong magagawa ko? E, si Samson naman ang first love ko. Siya na nga rin ata ang huli? Ah, ewan..." ngumuso ako. "Hoy, hindi naman ako lalaki para mabilang sa tatlong paring martyr."

"Pero martyr ka."

"Nagmamahal lang naman."

"Mahal ka ba?"

Naningkit ang mga mata ko bago hinagip ang kanyang buhok. "Salbahe ka, Kenneth!" at puro tawa na lamang mula sa kanya ang aking narinig. 

I guess some things never really change. 

*

Pagkarating ko sa pamilya ko ay sobrang init na ng pagsalubong nila sa'kin. It's somewhere here in Cavite kaya naman bumyahe pa kami ni Lance. Sa Cavite lang din naman kami kahapon pero ngayon ay  nasa Imus kami. 

Naging masaya kagabi. Nag-enjoy rin si Lance na kasama ang mga kapatid at pinsan ko kahit na ang iba ay hirap na hirap intindihin ang pagi-ingles niya. Minsan nga ay natatawa na lamang ako, ang cu-cute lang talaga nilang tignan kagabi!

Mabilis akong lumabas ng bahay at sa kotse ng papa ko. Matagal na 'tong kotse na ito sa kanya pero hindi na rin naman siya ang nakakapagmaneho, minsan kasi ay dito na lang talaga siya sa bahay nag-stay. Nagpaalam na naman ako kanina at pinayagan niya ako basta ipasyal ko daw silang lahat mamaya. 

Balikbayan daw kasi ako.

Napangiti na lang ako at napailing nang maalala ang nangyari kagabi, sobrang na-miss ko talaga sila. Ngayon ko lang na-realize na grabe pala talaga ang pangungulila ko sa kanila, iba pa rin talaga kapag kasama mo ang pamilya mo. Iba 'yung pakiramdam, sobrang gaan, sobrang saya. 

Dumeretsyo ako sa isang coffee shop dahil doon ako bibili ng pagkain. Hindi na ako nakakain sa bahay dahil nagmamadali talaga ako, mamaya na 'yung job interview ko at gusto ko na mas maaga akong makapunta roon. Kahit one hour ahead ako ay ayos lang, I should really leave a good impression hindi ba?

Pagkababa ko ay hindi sinasadyang nalaglag ko pa ang susi ng sasakyan ni papa. Saktong nasa may entrance pa ako ng coffee shop. Pinulot ko 'yon at sa pag-aangat ko ng tingin ay hindi ko inaasahang makikita ko ang lalakeng ito.

"Samson?"

He smiled at me. "Oh, nandito ka pala..."

I nodded and smiled a bit. "Ah, yes. Bakit ka nandito?"

"Maga-apply kasi ako sa bagong trabaho. Just dropped by here..."

"Ah."

There was a minute of silence between the two of us. Pero biglaan siyang nagsalita.

"Ah, alis na ako a. Bye Lilah." he smiled at me and waved goodbye.

Ganon na lamang din ang aking ginawa.

***

a/n: sorry for the typos! hope you enjoyed reading c: follow me on twitter : jeweeelwrites 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top