Chapter 06

Chapter Six
Delilah

Maaga pa lamang ay gising na kami ni Lance. Actually ay ako lamang dahil si Lance ay prenteng natutulog sa likuran ng sasakyan n Alisha. Ako naman ay pinagpa- pawisan kahit na todo-todo na ang aircon sa sasakyan.

"Ayos ka lang ba, bes?" tanong sa'kin ni Alisha nang isang beses na mapadako ang tingin niya sa'kin habang siya'y nagmamaneho.

Tumango ako. "O-Oo naman."

"Talaga? E, bakit nangangatog ka?" tanong niyang muli.

Ngumiwi ako. "Natatae?"

Tumaas ang kilay niya. "Oh? Bakit parang hindi ka sure?"

Wala na.

Tuluyan na akong napairap. "Alisha naman!" singhal ko sa kanya bago pinagkrus ang dalawa kong braso sa ibabaw ng aking dibdib.

Napasipol si Alisha at humigpit ang hawak niya sa steering wheel.

"Alam mo? Aminin mo na lang kasi na hindi ka pa handang makita ulit si Samson Mikael na 'yan! At ang masama pa ay 'yung kamong kapatid niya ang kasamang susundo sa'yo pagdating niyo ni Lance ng airport..."

Pumikit ako ng mariin. "Tumigil ka na nga, Alisha. Ayokong naririnig ang pangalan niya..."

Marahas itong napabuga ng hangin bago umirap. "Alam mo, takot kang harapin yung mga takot mo. Tapos na naman ata 'yung sa inyo ni Samson hindi ba? Ang sabi mo pa nga ay may bago na siya. E, bakit parang ikaw ay stuck pa rin sa nakaraan?"

Napailing ako. "Hindi ko rin talaga alam..." isang pag-buntong hininga na ang sumunod matapos non.

"Uso din kasi ang move on, 'te. Eight years na ang nakalipas, nandon pa rin 'yang puso mo. Maghanap ka na ng iba!" Alisha said at may kasama pang mga gestures ng kanyang kamay.

Kumunot ang noo ko. "H'wag ka ngang maingay. Baka magising si Lance, tumataas na ang boses mo..."

"Pasensya na..." ani Alisha bago iniliko ang daan. Tumingin ako sa relos ko at may isang oras pa ako bago ang aming flight.

"Pero takot akong makita siya ng harapan. H-Hindi ko alam ang gagawin ko kapag nangyari 'yon..."

"Mag-hi ka tas you should raise your middle finger. Tapos ngisian mo siya, ganon lang naman kadali 'yon!"

"Alisha naman, hindi ko naman magagawa 'yang mga pinagsasabi mo. Puro kalokohan lang naman..." pagre-reklamo ko pa.

She shook her head na laughed. "I've been through a lot of breakups, Delilah. Ikaw ang naka-witness non, that's not what you call 'kalokohan'."

"At kailan ka pa naging conyo?" tanong ko bago komportableng sumandal sa upuan.

"Ngayon ngayon lang. Kaka-imbyerna ka kasi!"

At nang makarating kami sa airport ay puro pangaral lamang ang ibinibigay sa'kin ni Alisha. About how should I face Samson in a proper and not so awkwardly way.

*

Matagal 'yung flight at talagang nakakaramdam pa ako ng jet lag pero hindi ko na lang muna 'yon inintindi. I was excited to be here as well. Kaya naman nang makatapak ako sa airport ng Pilipinas ay sila Kenneth at Hazel agad ang hinanap ng aking mga mata.

"Bruhilda ka!"

Nabigla ako nang makita si Kenneth na sumisigaw habang nandoon sa grupo ng mga taong naghihintay sa arrivals. Sumilay ang isang malapad na ngiti sa aking mga labi, ang ingay talaga ng bunganga ng baklang 'to.

Binuhat ko si Lance at hinila ang bagahe ko bago mabilis na lumapit kaynila Kenneth at Lance.

"Delilah! Grabe, na-miss talaga kita" malakas na tili ni Kenneth habang yakap-yakap ako. Si Lance naman ay hawak- hawak na agad ni Hazel.

Napatawa ako at mabilis na tinapik si Kenneth sa likod. "Na-miss din kita, Ken. Ang kaso lang ay ang ingay mo, nakakahiya ka..."

Narinig ko ang pagtawa ni Kenneth bago mabilis na ginulo ang buhok ko. Sinapo pa niya ang aking pisngi bago kinurot ang aking ilong.

"Grabe. Hindi naman halatang nanay ka na!" aniya bago hinawakan ang kamay ko at pinisil 'yon. "Alam niya ba 'yan?"

Kumunot ang noo ko. "Niya?"

"Ni Samson."

Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko bago bumulanghit sa isang malakas na tawa. Kumunot ang noo ni Kenneth at mabilis siyang napa-simangot. "Ano bang nakakatawa?"

Umiling ako at pinunasan ang luha sa gilid ng aking mata. Naiyak kasi talaga ako kakatawa. "Hindi naman kasi si Samson ang ama ni Lance..."

Unti-unting nanlaki ang mga mata ni Kenneth at napasinghap. Tinakpan ko na ang kanyang bibig at pinandilatan siya ng mga mata.

"Bago ka tumili? And bago mo pa itanong? It was because of a one night stand." bulong ko.

Sumulyap ako kay Lance na siya'y ngayong busy-ng-busy sa pakikipagusap kay Hazel. Mukhang aliw na aliw ang dalawa sa isa't-isa.

Tumango si Kenneth at inakbayan ako. "Tara na nga! May inihanda kami para sa'yo e."

Itatanong ko sana kung ano 'yon ngunit hinila na ako ni Kenneth papalabas ng airport habang sila Lance at Hazel naman ay nakasunod. Kenneth kept on talking and telling stories kaya naman hindi ko na naisingit ang kanina ko pa gustong itanong sa kanya.

Nang makarating sa tapat ng isang malaking bahay ay doon na ako kinabahan. This house is very familiar! Kumunot ang noo ko nang makita ang isang malaking puno sa gilid ng malaking bahay.

"Kenneth, bakit tayo nandito?" kinakabahan kong tanong sa kanya.

Hazel got out of the car, holding Lance's hands. "May inihanda kaming party para sa'yo, Ate Lilah. Miss na miss ka na kaya namin!"

Nagpeke ako ng ngiti. Marahil ay nahalata 'yon ni Hazel dahil mabilis siyang tumabi sa'kin, tuluyan nang ibinigay sa akin si Lance.

"H'wag kang mag-alala. Wala naman si Kuya Sam, nasa ibang bansa siya ngayon."

"S-Saan?"

"Brunei. May pinuntahan siya doon, importante daw pero ang alam ko ay para lang naman sa travelling vlog and blog niya iyon..."

Tahimik akong tumango, kumalma naman ang puso ko na akala ko'y nakikipagkarera sa mga kabayo dahil sa sobrang bilis ng tibok nito. Ganito pa rin pala ang epekto sa akin si Samson, paano ba ito aalisin?

"Tara na..."

Tuluyan na kaming pumasok sa loob. Bumungad sa'kin ang mga palamuti sa kisame pati na ang nagkalat na lobo sa sahig. A small smile crept on my lips, nakaka-miss pa rin pala talaga silang lahat.

Biglaang lumabas si Janella na dala-dala ang isang bowl ng macaroni salad na mukhang kalalabas lang sa refrigerator. Sinalubong niya ako ng isang matunog na halik sa aking pisngi.

"My gosh, I missed you, Lilah! Kamusta ka na? Buti umuwi ka na. Ang tagal mo kaya doon!"

Sabay-sabay na naglabasan ang iba pang mga kaklase ko noong kolehiyo. Nandoon si Drew, si Nia, si Sunshine at pati na si Dana. Meron pang iba na walang sawa ang ginawang pagbati sa'kin. Tanging tawa at pasasalamat lamang ang isinagot ko sa kanila.

Umupo ako sa isang couch doon bago kumain ng slice ng cake na ibinigay sa akin ni Kenneth. Hindi nila ako hinayaang kumilos sa dahilang paniguradong may jet lag daw ako at pagod na pagod ako mula sa flight. Hindi na rin naman ako kumontra dahil totoo naman at nage-enjoy din naman ako sa ginagawa nila para sa akin.

Si Lance naman ay umiyak kanina. Nairita siguro dahil sa sobrang init at dahil sa sobrang panggigigil sa kanya ng mga kaklase ko noon. Napatawa nga ako nang tumakbo sa'kin ang anak ko at yinakap ako ng mahigpit, pawis na pawis si Lance at basang-basa ng luha ang kanyang pisngi.

Matapos naman niyang umiyak ay bumalik din siya doon sa mga kaklase ko at patuloy na nakipaglaro, lalo na doon sa mga lalake! Paniwalang paniwala kasi siya na superheroes sila, nilagyan pa nila ang anak ko ng mahaba at pulang kapa para kunwari daw ay siya si Superman. Ang anak ko naman ay talagang tuwang-tuwa.

Kapag bata nga naman talaga.

"Ilang taon na si Lance?" tanong sa akin ni Kenneth bago matamis na ngumiti sa akin.

"He's five. Turning six this coming May..."

Tumango naman si Kenneth at pinagsiklop ang kanyang mga kamay. "Oh, saktong sakto! Pwede bang ako ang mamahala ng surprise?"

Napatawa ako. "Ang hilig mo talaga sa surprise, ano?"

"So ano nga? Pwede bang ako ang mamahala sa surprise birthday party ng anak mo?" Excited niyang tanong. Mas excited pa ata talaga kaysa sa'kin.

"Oo naman. Aasahan ko 'yan ha?" ani ko pagkatapos ay kumindat.

At ang inaasahan kong reaksyon mula kay Kenneth ay ang siyang nakita ko.

Nandidiri siya sa pagkindat ko.

*
Patuloy sa paghahanap ang mga mata ko kay Hazel. Kahit ano kasing gawin kong paglibot ng aking tingin sa'king paligid ay hindi ko siya makita. Kaya naman mabilis kong nilapitan si Rocco, ang kanyang boyfriend.

"Rocco, have you seen Hazel?" tanong ko sa kanya.

Mabilis na umiling si Rocco bago sumagot. "Pero ang alam ko, nasa garden siya..."

Tumango ako. "Thank you."

Mabilis akong nagtungo sa garden at sinubukang hanapin si Hazel. Napatigil ako sa kinatatayuan ko nang makarinig ako ng pamilyar na boses.

"Kuya, bakit nandito ka? Ang akala ko ba ay hindi ka magpapakita?"

"Hazel-"

"Kuya, natatakot 'yung tao na harapin ka..."

Kumunot ang aking noo. Ako ba ang pinag-uusapan nila? Mabilis akong lumabas at tinignan kung saan sila naroon. Nang makaapak ako ng isang maliit na sanga ay napaharap sila sa'kin - nakuha ko ang kanilang atensyon.

"A-Ate!"

Napunta ang tingin ko sa lalakeng nakatayo sa aking harapan ngayon.

Samson grew taller at mas malinis na tignan ang kanyang mukha ngayon. Wala na 'yung kakauting pimples na mayroon siya noon at wala na rin ang manipis na bigote na tinatamad siyang ahitin noon. Kumabog ng malakas ang aking dibdib.

Mas lalong gumwapo si Samson!

Gulat na napatingin sa'kin si Samson  at umawang ang kanyang bibig.

"S-Samson?"

Pero ang gulat sa kanyang mukha ay napalitan ng isang matamis na ngiti.

"Delilah..." pagbigkas niya sa pangalan ko.

***
a/n: sorry sa typos, sa PHONE LANG PO AKO NAGTA-TYPE. enjoy reading. Twitter: @jeweeelwrites

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top