Chapter 04

Chapter Four
Uuwi

Steve entered the elevator with his hands kept in the pocket of his pants. Matamis ang ngiti na ibinigay niya sa akin, ganoon din naman ang aking ginawa.

He stood beside me bago niya muling pinindot ang mga buttons sa gilid ng elevator. He sighed and combed hair using his fingers. Dahan-dahan siyang umayos ng tayo, kasabay ang kanyang pag-aayos sa kanyang coat.

"Didn't expect that I will see you here..." ani Steve kaya naman napunta ang atensyon ko sa kanya.

I smiled a bit and nodded. "Oo nga e. Are you living here too?" tanong ko sa kanya, medyo nag-aalangan pa nga.

Mabilis siyang umiling. "No. I just visited someone here..." ani Steve bago itinago muli ang isang kamay sa bulsa ng kanyang pantalon.

Tumango ako. "Your girlfriend?"

May kakaibang ekspresyon sa kanyang mukha sa pagkakarinig sa binitawan kong tanong. It was somehow amused or he's stopping himself from laughing, doon lang nagsink-in sa'kin kung anong klaseng tanong ang itinanong ko sa kanya.

Kay Steve, na kakakilala ko lang... kahapon.

"I-I'm sorry. Hindi mo naman kailangan sagutin 'yon, pasensya na." nahihiya kong sabi bago tumungo at pasimpleng hinampas ang aking sarili sa noo.

"No, its alright." sagot niya bago mahinang natawa. "I went here to see my little sister, dito kasi ang unit niya."

Tahimik na lamang akong tumango pero siya naman itong nagsalita.

"By the way, diyan lang ako sa kabilang condominium nakatira. 'Yung katapat nito..." pagke-kwento niya pa.

Ngumiti ako sa kanya. "Ah. Malapit ka lang pala sa'kin..."

Tumango ito. "Yes, I think I might go here more often..."

Kumunot ang aking noo. He looked at me and his smile quickly faded bago siya mabilis na tumikhim.

"I mean, pupunta ako dito ng mas madalas para sa kapatid ko. S-she misses me a lot, you know..." pagpapatuloy niya.

Pinaglapat ko ang labi ko bago tumango na lamang. "Ganon talaga kapag magkapatid, iba yung bond..." wika ko saka ngumiti sa kanya.

Hindi na siya sumagot dahil saktong bumukas na ang elevator. Sabay kaming nagpunta sa parking lot at nang magkakahiwalay na sana kami ay mabilis niya akong tinawag.

"Delilah..."

Dahilan para mapaharap ako sa kanya. Agad akong ngumiti sa kanya. "Bakit?"

"S-Saan ka pupunta?"

Kumunot ang noo ko pero agad ko din iyong ibinalik sa dati dahil baka mapansin niya, madalas ata siyang nagst- stutter ngayon. I crossed my arms over my chest and spoke, "Sa bar. Nandoon kasi ang kaibigan ko..."

Dahan-dahan siyang tumango at hindi na sumagot pero hindi rin siya umalis sa kinatatayuan niya. I faked a smile and quickly nodded.

"Uh huh..." tinuro ko ang kotse ko at tumunog naman ang susi na hawak-hawak ko. "I'll be going, kanina niya pa ako hinihintay actually..."

Tumango na siya. Tumalikod ako na nakakunot ang noo, something's weird with Steve at hindi ko alam kung ano 'yon. He seemed tensed.

"No, I mean..."

Narinig ko ang boses ni Steve dahil biglaan siyang nagsalita. Dahan-dahan naman akong humarap sa kanya.

"I'll give you a ride. Although you have a car, mas makakatipid ka sa gas and... Gusto ko sanang may makakwentuhan habang nasa biyahe..."

It took me five excuses para hindi ako makasabay sa kanya dahil unang-una nakakahiya at kakakilala lang namin kahapon. I have my own car too but the fact that he has a point na makakatipid ako sa gas - 'yun na lamang ang inisip ko.

Isang color black na kotse ang mayroon si Steve. He even opened the door for me - things the gentlemen do. Nagpasalamat na lamang ako at tahimik na umupo sa shotgun seat.

"What's the name of the bar? Maraming bar downtown..." wika ni Steve habang pinapaandar ang makina ng sasakyan.

Sinabi ko sa kanya ang isang sikat na bar. Tamang tama nga naman daw at doon rin ang daan niya papuntang trabaho.

"What's your work, Steve?" curious kong tanong sa kanya. He smiled pero nakatutok pa rin sa kalsada ang kanyang atensyon at paningin.

"I work at a law firm here in New York. Although kakasimula ko pa lang because I quit the first one..."

So he's an attorney. Kusa akong napangiti at nagtanong pa. Tinanong ko kung bakit siya nag-quit sa kanyang trabaho and he honestly answered it. Wala daw kasing konswelo ang ibang empleyado lalo na ang namamahala ng firm, hindi importante ang kalagayan ng nagta-trabaho para sa kanila and he doesn't want that.

"Ikaw? Ilang taon ka na rito sa New York?" tanong niya bago lumiko. Mukhang malapit na kami sa bar.

"Eight years na ako rito..." His eyes widened in amusement pero agad din iyong bumalik sa dati but his smile didn't fade.

"Mas matagal ka na pala dito kaysa sa akin..." he said.

Tumingin ako sa kanya at ngumisi. "Ilang taon ka na ba rito?"

"Magfo- four years pa lang..."

My mouth formed an 'O' shape and we both laughed at that. Masyado ata kaming namamangha sa isa't-isa.

"How old is Lance?" biglaang tanong niya.

I smiled a little. "He's five. He'll be turning six this May..." he quietly nodded at sakto naman na na-stuck kami sa traffic kaya naman ako na lamang ang nagtanong. "How about Alessandra?"

"She just turned six yesterday..."

"Kaya ba kayo nandoon sa Mall kahapon?"

"Yes." He breathed. "Wala kasi ang parents niya at parehas nasa business trips. My little sister was in school, ako na lamang ang kasama niyang mag-celebrate..."

Kumunot ang noo ko. "Hey!"

"What?"

"Alessandra was with Lance!"

At doon kami nagkatawanan dalawa. May isa pa siyang tinanong matapos non.

Tumango ako at ang tanging pinag-usapan na lamang namin ay ang dalawang bata. Steve didn't even ask about Lance's father - siguro ay nakaramdam na masyadong sensitive ang issue kung pag-uusapan pa. Such a gentleman.

Nang makarating kami sa tapat ng bar ay mabilis akong nagpasalamat sa kanya at agad na bumaba.

"Sasamahan na kita sa loob, Delilah..."

Hindi na rin ako nag-reklamo pa. Dahil mas mabilis naming mahahanap si Alisha sa bar kung saan napakaraming tao kapag dalawa kami ni Steve.

May nakita akong isang pamilyar na pigura sa sulok at doon ko nakita si Alisha na sinusungitan ang mga lalakeng nakapalibot sa kanya habang inaambahan ito ng babasaging bote ng alak.

"I said stop! Don't talk to me you a-holes! Mga gago lang kayo e, sinabi ng layuan niyo ko! Mga walang utak ang puta!"

Nanlaki ang mga mata ko sa kanyang sinabi. Mga lalakeng may ibang lahi ang nakapalibot sa kanya pero may kasama rin na pinoy, naku po Alisha!

"Alisha!"

Napunta ang atensyon nila sa'ming dalawa ni Steve. He was behind me at ako naman ang malakas na tumawag sa pangalan ng best friend ko. Marahas ko siyang hinigit mula sa grupo ng mga lalakeng 'yon.

Alisha was already drunk! Napahilot na lamang ako sa sentido ko at narinig ko ang bulung-bulongan ng mga lalakeng 'yon. Mukhang malaking gulo 'to.

"I'll talk to these guys, Delilah. Ilabas mo na muna ang best friend mo..."

Isang beses akong tumango bago inalalayan ang best friend ko na pagewang-gewang na kung maglakad. I rolled my eyes and held her tighter, ang tigas tigas talaga ng ulo mo, Alisha!

"I was waiting for you, bes! Kanina pa, pati ba naman ikaw paghihintayin ako?" nakanguso niyang tanong at nakaupo na siya sa sahig habang nasa labas kami ng bar.

Pinilit ko siyang patayuin mula sa pagkakaupo doon sa lupa pero ayaw niya. Naglulupasay siya na parang batang inatake ng tantrums.

"Alisha, tumayo ka nga riyan! You look like a mess!"

Natawa siya ng malakas bago dahan-dahang itinuro ang kanyang sarili. "I'm a mess!"

Hinawakan ko siya sa magkabilang balikat at napailing. "Hindi kita makakausap ng matino ngayon, lagot ka talaga sa'kin bukas, Alisha Romualdez!"

Napatawa siya bago ako yinakap. Maya-maya ay lumabas si Steve at sinabi sa akin kung ano ang nangyari. He caught Alisha's attention dahilan para lumapit ito sa kanya.

"Hey handsome..."

Napapikit ako ng mariin.

"Shit!"

Pagdilat ko ay tama nga ang hinala ko.

Nasukahan lang naman ni Alisha si Steve sa damit nito. Nakakahiya!

*
"Thank you nga pala sa paghatid..." napatingin ako sa orasan sa loob at kumunot ang aking noo. Ibinalik ko ang tingin ko kay Steve. "Late ka na pupunta sa trabaho mo kanina diba? Tutuloy ka pa ba?"

"Hindi na." Kasabay non ay ang kanyang pag-iling.

Napatungo ako. "I'm really sorry for the hassle, Steve..."

He chuckled and tapped my right shoulder. "It's alright. At least I was able to help a friend."

Napangiti ako. A friend?

"I'll be going now, Delilah..."

"Lilah na lang ang itawag mo sa'kin, Steve..."

Tumango siya. "Sure." Saka siya tumalikod at muling nagpaalam.

Isinarado ko ang pintuan at pinagmasdan si Alisha na nakahiga sa kama ko nang makapasok ako sa kuwarto. I sighed, she's really devastated.

Kinuha ko na lamang ang laptop ko at doon binuksan ang isang e-mail. Galing iyon sa pinasahan ko ng form!

Dear Miss Delilah,

You are one of our potential/future employees. We have read your resume and glad to tell you that you left a good impression. We just need you to come back to the Philippines for your job interview.

Nanlaki ang aking mga mata.

Kailangan kong umuwi sa Pilipinas?

***
a/n; lame. sorry doon sa e-mail kung saan sinasabing natanggap siya, gawa gawa ko lang 'yon lol. sorry for the typos!
twitter: @jeweeelwrites

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top