Chapter 03

Chapter Three
Steve

Lance and I ate in a restaurant. Doon sa paborito niya, saulo niya na nga halos ang pangalan ng mga pagkain lagi naming ino-order doon dahil sa tuwing lalabas kaming dalawa ay dito siya nag-yayaya.

"Finish your food, Lance. We'll be going the mall..." anas ko bago tinapos ang aking pagkain. Nakita kong mistulang kumislap ang mga mata ni Lance dahil sa aking sinabi.

"Are we going to watch a movie, mommy?" excited niyang tanong kahit na may pagkain pa sa kanyang bibig. I laughed and shook my head bago pinunasan ang gilid ng kanyang bibig.

"Don't talk when your mouth is full, Lance. That's bad..." sabi ko saka sumandal sa upuan.

Mabilis na nginuya ni Lance ang kanyang pagkain bago nagsalita.

"I'm sorry mommy, I was just excited..."

Napangiti ako at tumango. "It's alright. And yes, we're gonna watch a movie. Anong movie ba ang gusto mo?" tanong ko sa kanya.

Isang malapad na ngiti ang sumilay sa kanyang mga labi bago napapalakpak, saktong ubos na rin ang pagkain niya. Tumingin siya sa labas ng restaurant at pinagkrus ang dalawang braso sa ibabaw ng kanyang dibdib.

"Hindi ko po alam kung ano ang magandang panoorin, mommy..." nakanguso niyang sambit saka mabilis na sumimangot.

Biglaang may isang bagong palabas na pumasok sa aking isipan. Magsasalita na sana ako nang biglaang lumapit sa'min ang waiter at sinabi kung magkano ang bill. I paid it at mabilis kaming lumabas ni Lance sa restaurant matapos non.

Nang makapunta kami sa sinehan ay excited na excited na umupo si Lance sa kanyang pwesto.

"Mommy, we're going to watch Moana right? Right?" paulit-ulit niyang tanong sa'kin.

Oh Lance, you're so adorable!

I pinched his right cheek and nodded. "Yes. Gusto mo ba ang Moana?" tanong ko naman sa kanya.

Tumango na lamang si Lance. Napunta lahat ng kanyang atensyon sa malaking screen, simula na kasi ang movie. Every time Moana will sing - magha- hum si Lance at iindayog ang kanyang ulo. He would also clap kapag nakikita niyang nagiging ibong muli si Maui.

Napapatawa na lang ako sa tuwing sisimangot siya at magagalit sa tuwing makikita ang mga kaaway ni Moana upang matapos nito ang kanyang misyon. He would really frown na para bang napakabigat ng kanyang problema.

Ang saya ko lang talaga kapag kasama ko si Lance. Kapag kasama ko ang anak ko.

Halos 'di na nga rin talaga ako nakapanood, dahil the whole time ay nasa anak ko lamang ang atensyon ko.

Matapos ang movie ay lumabas na kami ni Lance ng sinehan. Naglibot kami, I bought him clothes and a pair of shoes. Ang lagi kong napapansin kay Lance ay ang pagpili niya sa damit na puro may kulay pula at asul, 'yun na ata ang paborito niyang kulay ngayon.

"Do you like the shoes, Lance? Comfortable ka ba?" tanong ko at tumungo upang makita siya. Sabay kasi kaming naglalakad habang hawak- hawak ko ang kanyang kamay.

Tumingala siya sa'kin at malapad na ngumiti. "Opo, mommy! It feels good. Ito na po ang favorite shoes ko!"

Kumunot ang noo ko. "Ha? Paano naman 'yung binili ni Tito Seven para sa'yo?"

Bumungisngis ito at itinaas ang kanyang mga kamay. Nagsasabi ma buhatin ko siya. Mabilis ko namang ginawa 'yon at tinitigan siya sa kanyang mga mata. Lance kept on laughing.

Kinurot ko ang kanyang ilong. "Why are you laughing, baby?" curious kong tanong sa kanya.

"Ito na po ang favorite kong shoes because you bought it for me..."

Lumamlam ang mga mata ko at hinalikan siya sa kanyang pisngi. Mukhang 'di pa kami makakauwi, I want to treat and bring Lance to different places today, gusto ko pa din makasama ng mas matagal ang aking anak.

"Mommy, mag-cr lang po ako..." ani Lance bago hinila ang dulo ng aking damit. Mabilis akong tumingin sa kanya.

"Okay. Sasamahan na kita..." ani ko bago siya bubuhatin sana pero mabilis siyang umiling at ngumiti.

"I'm a big boy now, mommy! Just wait for me here...po." I smiled at him and nodded once. The way he said po and nang idugtong niya 'yon sa mga sinabi niyang ingles ay nakakatuwa. Lance really respect me.

Sana sa paglaki ni Lance ay manatili siyang ganoon. Bubbly, respectful and thoughtful.

Naghintay lang ako sa kanya sa labas nang biglaang tumunog ang aking cellphone. Mabilis ko 'yong kinuha, tumatawag pala si Alisha!

"Alisha?" ani ko sa kabilang linya.

"L-Lilah..." basag ang kanyang boses at nauutal niyang pagbigkas sa aking pangalan.

Kumunot ang aking noo, "Hey. Are you alright?" nag-aalala kong tanong sa kanya.

May sinabi siya ngunit hindi ko maintindihan. Pumunta ako sa ibang pwesto ko ngunit ganon pa din, mahina pa din ang signal! Mabilis akong naglakad patungo sa may escalator bago siya doon narinig ng maayos.

"Sorry. Ano ulit ang sinabi mo? Hindi kita maintindihan kanina, ang hina ng signal..."

She sniffed bago sumagot. "H-He broke up with me..."

Imbes na maging malungkot ako dahil sa nangyari kay Alisha ay mas naging masaya pa ako. I rolled my eyes and sighed. "Buti naman, kailan siya nakipag-break sa'yo?"

"Delilah!"

Napatawa ako at napailing bago seryosong nagsalita. "Okay. Okay, I'm sorry. H'wag ka ng magmukmok diyan, 'di naman kawalan ang walanghiyang 'yon, Alisha!"

Narinig ko pa rin ang pag-iyak niya mula sa kabilang linya pero 'di na lamang ako nagsalita. She kept on saying things like baka hindi na siya magmahal ulit at kung anu-ano pa dahil sa sobrang sakit ng kanyang nararamdaman.

"Oh please, Alisha! Ilang beses mo na din na sinabi 'yan. At lahat ng 'yan ay sinasabi mo kapag nagbe-break kayo ng karelasyon mo..."

"Delilah naman! Why are you so bitter?" maluha-luha niyang sabi mula sa kabilang linya.

Napailing na lamang ako at ngumiwi dahil sa lakas ng boses niya na nagmumula sa kabilang linya. "Mamaya na lang, Alisha. Pumunta ka sa bahay if you want. I'll talk to you there, kasama ko kasi si Lance."

Alam kong napairap ito kasabay ng pagkakarinig ko sa kanyang pagbuntong hininga.

"Fine. Such a good best friend, Delilah..."

Napangisi ako, "I know and thank you..."

Pagkabalik ko doon sa malapit sa CR ay naghintay ako para sa paglabas ni Lance. Kumunot ang noo ko nang may makitang bracelet sa sahig. Kasabay non ang panlalamig ng aking kamay at ang panlalaki ng aking mga mata.

Nakalabas na si Lance? But where is he?

Mabilis akong umalis doon at nilibot ang parteng iyon ng mall. Kahit saan ako tumingin ay hindi ko nakikita si Lance. I bit my trembling lower lip and closed my eyes bago 'yon binuksang muli - umaasang makikita na si Lance sa aking pagdilat.

"Lance. Anak, where are you?" mahina kong bulong bago itinago ang bracelet sa bulsa ng aking pantalon.

Paano na lang kung hindi ko 'yon nakita sa sahig? Baka akalain kong naandoon pa rin si Lance!

Patuloy ang paglilibot ko nang makita ang pamilyar na pigura. It was Lance! Suut-suot ng bata ang isang orange na damit at blue na shorts at 'yung sapatos na 'yon ay ang binili ko para sa kanya.

Mabilis akong lumapit sa batang 'yon. At nang mapunta ako sa kanyang harapan ay tama nga ako. It's Lance! Mabilis ko siyang kinabig sa isang yakap at hinalikan sa noo.

"Anak, are you alright?" tanong ko sa kanya.

He smiled at me, "Opo mommy..." then he frowned bago hinaplos ang aking pisngi. "Ikaw, mommy? Why are you sweating? E ang lamig lamig po dito..." puna niya sa'kin.

I shook my head and sighed, "I thought I lost you..."

Mahinang humagikgik ang anak ko bago ako yinakap pabalik. "Nandito lang naman po ako sa mall, mommy..."

I closed my eyes and smiled a bit, kahit kailan talaga si Lance - napakalakas ng loob. He patted my back and quickly kissed my forehead bago muling hinaplos ang aking pisngi.

"Sorry mommy. I'm sorry if I made you worried..." anito bago ako yinakap muli.

I sighed. "Just don't do it again, okay?"

Tumango ito at mabilis na ngumiti. Hihilahin ko na sana siya paalis ang kaso ay pinigilan niya ako. My forehead creased, "Why, baby?" taka kong tanong sa kanya.

Tumingin siya sa kanyang tagiliran kaya naman napatingin na rin ako. Napasinghap ako nang makakita pa ako ng isang bata na halos kasinglaki at kasing-edad lamang ni Lance. Napatingin ako sa aking anak at ngumuso siya sa'kin.

"I helped her mommy. She said she was lost..."

My mouth formed a bewildered 'O'. My son just helped a kid? Umupo ako sa pagitan nila at kinausap ang batang babae.

"Hey, what's your name?" marahan kong tanong sa kanya.

Dahan-dahan itong tumingin sa'kin at naluluha-luhang sumagot habang nangangatog pa. Mukhang takot na takot ito, kailan pa ba ito nawawala?

"Alessandra po..."

Oh, she's a Filipina. Tumango ako at hinawakan ang kanyang kamay. "Stop crying na. Saan mo ba huling nakita ang papa mo-"

"Alessandra! Thank God, you're here!"

Naging agaw-atensyon ang sigaw ng isang lalake. Mabilis na napunta ang tingin ko sa kanya, he must be the dad. Tumayo ako at inalalayan si Alessandra.

"Uncle!" ani Alessandra saka tinakbo ang distansya nila ng lalake bago ito yinakap ng mahigpit.

Oh. So tito niya lang pala ang lalakeng 'to?

Yinakap ng lalake si Alessandra saka napunta ang atensyon sa'kin. Saglit pa siyang natulala sa'kin bago tuluyang nakapagsalita.

"I-Ikaw ba ang nakakita sa pamangkin ko?" marahan niyang tanong sa akin.

I smiled a bit. "Ah, no. It was my son actually..." kinuha ko ang kamay ni Lance bago iyon hinawakan.

Naoatingin siya sa anak ko bago dahan-dahang napangiti. "Oh..."

Tumango ako at pinaglapat ang aking mga labi. Naging tahimik kaming dalawa ng lalake bago tuluyang nagsalita si Alessandra.

"Lance, salamat sa pag-sama sa akin..."

Umiling si Lance at ngumiti. "No problem..."

Napatawa ako. Kung mag-usap ang dalawang 'to ay parang matatanda na.

"Uhm, thanks for... Thanks for..."

Napatawa ako. "Walang problema." tutal pinoy naman ang lalakeng ito ay magtatagalog na lamang ako.

Inilahad niya ang kanyang kamay bago ngumiti at nagsalita.

"I'm Steve..."

Tumango ako at inilahad din ang aking kamay.

"I'm Delilah."

*
Mabilis akong lumabas sa bahay nang tuluyan nang mapatulog si Lance. I locked the door of my unit bago ako tuluyang umalis.

Hindi na pumunta si Alisha at sinabing magkita na lamang kami sa isang bar downtown.

I pressed the button at doon bumukas ang elevator. Mabilis akong sumakay doon bago ito nagsara, nang nasa fifth floor na ay bumukas na naman ito.

And there I saw a familiar guy standing in front of me.

He smiled. "Hi Delilah."

I smiled, "Steve..."

***
a/n: sorry sa typos sa phone lang kasi ako nagta-type e. hope you enjoyed reading.
twitter: @jeweeelwrites

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top