Chapter 02

Chapter Two
Aplikante

Nagising ang diwa ko dahil sa pakiramdam ko'y punung-puno na ng laway ang aking mukha. Dahan-dahan akong bumangon mula sa pagkakatulog at doon nakita si Lance na pinapaliguan pala ng halik ang aking mukha.

"Good morning, baby..." ani ko bago siya mabilis na kinabig sa isang yakap at hinalikan ang kanyang noo.

"Good morning mommy! Si daddy po ay nasa kusina at naghahanda ng almusal nating dalawa!" masigla niyang sabi at agad na tumayo upang magtatalon sa ibabaw ng kama.

Napahawak ako sa bed sheet. Iba na ang kulay nito. Awtomatikong sumilay ang isang matamis na ngiti sa aking labi bago napatingin sa kabuuan ng kwarto hanggang sa may narinig akong tumawag sa pangalan naming dalawa ni Lance.

"Lance, gising na ba ang mommy mo?" sigaw nito mula sa ibaba.

Mistulang lumundag ang puso ko at malapad na napangiti nang marinig kong muli ang kanyang boses. How I missed him.

"Mommy..."

Kumunot ang noo ko nang may naramdaman akong umaalog sa'kin. Dahan-dahan kong idinilat ang aking mga mata at doon ko nakita si Lance na nagtatakang nakatingin sa'kin.

"Mommy, what happened? You keep on smiling while you're asleep. It's creeping me out po..."

The way he said the word 'po' was really really cute!

Nalaglag ang aking mga balikat nang ma-realize kong panaginip lamang pala lahat ng nangyari kanina. I grasped my bed sheet and its the same color as before, I looked around the room and realized na nasa condo unit ko pa rin ako.

I wasn't with him all this time, isa na namang panaginip ang nangyari.

"Ha? It's nothing anak. I'm alright. Sorry if mommy was creeping you our, 'kay?" malambing kong sabi bago hinaplos ang kanyang pisngi.

Lance quickly nodded and wildly smiled at me. "Mommy, do you have work today?" tanong niya sa'kin habang hindi pa rin binibitawan ang laruan niyang kotse.

Pinaglapat ko ang dalawang labi ko at tumingin sa may bintana. Wala akong pasok at wala rin naman akong lakad. So I guess pwede kaming mamasyal ng anak ko ngayon?

"I don't have work today, Lance. But I need to apply and pass forms to different companies online. Can you wait for mommy, baby?" saka ko dahan-dahang pinisil ang kanyang kaliwang pisngi.

Mahina siyang natawa at tumango. "Of course, mommy!" mabilis niya akong yinakap bago pinudpod ng halik ang aking mukha. Napapikit ako at malakas na napatawa.

Lance is so sweet!

"Mommy, I'll just play and I'll wait for you too..." magalang nitong sabi sa'kin bago mabilis na bumaba sa aking kama at hinalikan akong muli sa pisngi.

Tahimik akong tumango habang matamis na nakangiti.

Lance is a very kind-hearted child. Napakamasunurin din at magalang, hindi ko alam kung ano ang ginawa ko noong past life ko para bigyan ako ng anak na kagaya niya. I consider myself lucky because of him, si Lance ang tanging kayamanan ko.

I've been raising him for five years...alone. At kahit naman ganoon ay ayos lang, nasanay na rin ako na ako ang tumatayong nanay at tatay sa kanya. Lagi rin siyang nagtatanong sa'kin tungkol sa tatay niya at hindi na rin naman ako nagsisinungaling, my son deserves to know the truth.

Sa mga tanong ni Lance sa'kin tungkol sa kanyang ama ay hindi ako nagsinungaling ni isang beses. Ayoko namang lumaki siya na unti-unting nalalaman ang totoo. Ayoko ng ganoon, ayokong magsinungaling sa kanya dahil na rin walang lihim na hindi natutuklasan.

Tumayo ako at inayos ang sapin sa aking kama. Inayos ang pagkakalatag ng kumot at pinagpag ko ang aking mga unan. Dumeretsyo ako sa banyo para ayusin ang aking sarili. It took thirty minutes for me to take a bath and dry my hair pati na rin ang pagse-sepilyo ng aking mga ngipin.

I opened my wardrobe and chose some clothes na pwede kong suutin para sa pagba-bonding naming dalawa ng anak ko. Simpleng pantalon, long sleeved black and white striped polo at puting sapatos na lamang ang aking napili. Kinuha ko ang laptop ko bago iyon binuksan.

Mabilis ko rin na kinuha ang charger bago ako dumeretsyo sa living room. Doon ko ni-charge ang laptop para nakikita ko rin si Lance sa parehas na pagkakataon.

"Mommy!" ani Lance pagkakita niya sa'kin na lumabas ng kwarto. Lumapad ang ngiti ko at tinawag ang kanyang pangalan.

"Lance!" pang-gagaya ko sa tono ng kanyang boses.

Humagikgik siya bago bumalik sa paglalaro. Ako naman ay umupo sa sofa at nagsimulang magtipa sa aking laptop. Naghahanap ako ng mga pwedeng trabaho ko na mapasukan.

Sir. Pete is going to migrate. Aalis na siya rito sa New York at babalik na sa Sweden para balikan ang kanyang pamilya pati na rin ang babaeng pakakasalan niya. He said sorry to all of his employees, including me.

Unfortunately, wala rin naman kaming magagawa upang pigilan siya. It's his choice and we have our own too. At napili kong maghanap na agad ng trabahong pwedeng mapasukan kapag umalis na si Sir. Pete.

Ang daming lumabas sa google na job offers. I kept on opening tabs pero wala akong napili dahil ang iba ay halatang tapos na at 'yung iba naman ay halatang 'di ganon kaseryoso, alam mo 'yung tipong nanloloko lang sila ng tao? Parang mga scam, ganon.

May isang nahagip ang aking mata. Job offer kung saan nangangailangan daw ng teacher ang isang private school sa.. Pilipinas.

Philippines.

Kailan ba simula nang huling makatapak ako doon? It's been years, I know. Si Lance nga ay hindi ko man lang nadala sa Pilipinas kahit isang beses para maipakita sa mga magulang at kamag-anak ko dahil na rin sa pagiging busy sa trabaho.

At dahil sa kanya.

Napailing na lamang ako at bumuntong hininga. Hindi ko na dapat siya inaalala, he ended things between us years ago. Matagal nang tapos 'yon, di ko na dapat isinisiksik pa sa isipan ko. Wala ng saysay kung patuloy ko pang iisipin 'yon.

Hindi rin naman kami magkakabalikan kung patuloy ko pa siyang iisipin. Hindi rin naman kami ang para sa isa't-isa.

Pinindot ko ang link na 'yon bago ako nag-message doon sa taong namamahala ng school na 'yon. Its somewhere in Cavite and saktong may mga kamag-anak ako doon. I could stay there and rent a house, pwede na rin 'yon kung sakaling matanggap ako sa eskwelahan na 'to.

Kumunot ang noo ko. Why am I even having high hopes with this job? Hindi pa nga ako nakakapagpasa ng form! Mabilis kong in-attach ang file mula sa MS word. 'Yun ang resume ko. Bago ko tuluyang ini-send ang file sa pangalan ng taong nakalagay sa description. Siya ang nagbabasa ng mga resume ng mga naga-apply.

Sinarado ko ang laptop ko at napatingin sa aking anak. Why am I feeling excited? Pakiramdam ko ay magkakaron ako ng dahilan para umuwi ng Pilipinas.

Isang beses na naman para maramdaman kong isa akong aplikante.

Itinago ko ang laptop ko bago mabilis na tinawag si Lance. He immediately stood up at tumakbo papalapit sa'kin.

"Where do you wanna go, baby?" tanong ko habang hawak-hawak ang kanyang kamay.

"Kain po tayo, mommy!"

And the way he speaks tagalog still amuses me.

***
a/n: so yeah. Maikli lang. sorry for the typos! Twitter: @jeweeelwrites

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top