Chapter 01

Chapter One
Lance

Nanliit ang mga mata ko dahil sa sinag ng araw na pumapasok at nanggagaling sa labas. I rubbed both of my eyes and yawned, bagong araw na naman ang sisimulan.

Same routine. Same things to do. Minsan ay nakakasawa na pero kailangan namang gawin lahat ng 'yon upang mabuhay ng maayos.

I leaned on the headboard bago ko dahan-dahang ni-stretch ang aking mga braso. Mabilis akong tumayo nang tuluyan nang tumunog ang alarm clock ko, mas nauna kasi akong nagising kaysa sa pagtunog ng alarm clock ko.

Pinaghiwalay ko ang mga kurtina bago tuluyang napangiti nang makita ko ang kabuuan ng New York. Ilang beses ko na 'tong ginagawa tuwing umaga pero hindi pa rin ako nagsasawa na pagmasdan ang mga magagandang makikita sa tuwing dumarating ang umaga sa New York.

I closed my eyes and sweetly smiled, kahit ba mag-isa ako at walang kasama ay gusto ko pa rin ang ngumingiti, kahit ba na mag-isa. It's really good to smile, kahit ba by force. Psychologists say that you'll eventually feel better when you force yourself to smile.

"This is gonna be a long and a very good day for me..." bulong ko sa aking sarili bago tumingin sa isang malaking frame na nakasabit sa ibabaw ng aking kama.

Mabilis akong pumunta ng kitchen at doon nagsimulang i-prepare ang aking breakfast. I toasted a bread bago ito nilagyan ng kaunting spread. Pumunta ako sa may refrigerator bago kinuha ang isang kahon ng gatas at naglagay sa baso.

I checked my phone if there were any text messages or new in coming e-mails at meron nga. At least fifteen to twenty five new e-mails. Isa-isa ko 'yung ni-check and most of them were from the company. Hindi naman masyadong mataas ang posisyon ko sa kompanyang iyon. Habang hindi pa ako nakakahanap ulit ng magandang paaralan para ako'y makapagturo, I settled on being a secretary. Dalawang taon na ako sa kompanyang 'yon and it's really better than just being unemployed sa dalawang taong nag-daan.

Kaoag nakahanap na ako ng magandang paaralan kung saan ako pu-pwedeng makapagturo ay doon na ako maga-apply. My boss knows it at payag naman siya sa na kapag sa oras na nakahanap na ako ng magandang school ay pwede na akong umalis sa pagiging sekretarya niya.

Ni-replyan ko lahat ng mga e-mails na 'yon. May iba na galing kay Sir. Peter. Binuksan ko ang laptop ko at doon ko napagdesisyunan muli na maghanap ng magandang eskwelahan na mapagtuturuan ko.

I've been here for years. Nang maka-graduate ako ng college ay naandito na ako. May iilang school na din akong napasukan at napagtrabahuhan. Nagtagal ako sa ilan pero sa iba din ay hindi. Ewan ko ba. Maarte man kung pakikinggan pero hindi ko pa nahahanap yung school o lugar na magtatagal talaga ako ng matagal na matagal! 'Yung tipong nandoon na 'yung puso ko.

Ewan ko ba. Ang gulo ko din lang talaga minsan.

Yung pakiramdam na magiging attached na attached ako sa trabaho, I never felt anything like that.

Nang marinig ko ang pagtunog ng doorbell ay agad kong binuksan ang pintuan. Bumungad sa akin si Alisha na nakabusangot ang mukha at kulang na lang ay maging triangle ang dalawa niyang kilay dahil sa pagiging sobrang magkasalubong ng mga ito.

"Problema mo?" agad kong tanong sa kanya. Wala na siyang paa-paalam na pumasok sa loob ng unit ko bago pabalibag na isinara ang pintuan. Napairap ako. "Pintuan pa rin 'yan ng bahay ko, Alisha. H'wag mo namang sirain."

She boringly looked at me bago nagtaas  ng kilay, "Alright..."

I crossed my arms over my chest and sat across her. "So, tell me what happened..." ani ko bago siya seryosong tinitigan sa kanyang mga mata.

She creased her forehead, her teeth gritting. "Huh? What are you talking about?"

I rolled my eyes at her and heaved a sigh. "Alam mo Alisha, best friend kita. So stop pretending that I don't know that you're in a bad mood. Spill the beans!" singhal ko sa kanya bago tumayo at binuksan ang kurtina ng malaking bintana sa sala.

She let out a breath and combed her hair using her fingers. Dahan-dahan niyang ibinuka ang kanyang bibig ngunit sumara ulit 'yon, mukhang hindi alam kung ano ang unang salitang sasabihin. I just stared at her, hinihintay siyang mag-kwento at magsalita. I observed her actions at siguro ay malala ang naging pag-aaway nila ni Nicko. Ganyan siya lagi.

"I caught him again." she spoke through gritted teeth, her hands balling into fists. Kumunot ang noo ko at hinintay siyang ipagpatuloy ang pagsasalita niya.

"I caught him again. He's cheating on me! With another girl!" anas ni Alisha bago kinagat ang kanyang pang-ibabang labi, her tears swelling up. 

Kaagad akong lumapit sa kanya at hinaplos siya sa kanyang braso. Alisha hugged me tight and I did the same, she needs comfort once again. Nanginginig ang mga balikat ni Alisha dahil sa pag-iyak at habang mas lalong tumatagal na nandoon siya sa ganoong lagay ay mas lalong lumalakas ang kanyang paghagulgol.

"Why don't you break up with him?" tanong ko sa kanya sa isang marahang paraan. Seryoso ko siyang tinignan, hindi inaalis ang titig ko sa kanya. I saw her gulped, hindi siya makatingin sa aking mga mata at hindi rin siya makasagot.

"Why Alisha?" ulit kong tanong habang matamang nakatitig pa rin sa kanya.

Dahan-dahang nag-angat ng tingin si Alisha hanggang magkasalubong ang aming mga mata. Unti- unti na namang nanubig ang kanyang mga mata at kinagat ang pang-ibabang labi. 

"I-I just love him. That's why..."

Napatungo ako at napailing.

That's the problem when people fall in love, when we fall in love. When we fall and when we love, we give the other people the chance to take power and to destroy us in any way they can. Wala tayong magagawa kahit sinasaktan tayo, wala tayong magagawa kasi ayaw natin silang iwan. At ayaw natin na iwan nila tayo. Kapag sumusobra, nagpapakatanga.

At kapag nagpapakatanga, lalong sumasakit.

Napapikit ako nang mariin ng may isang mapait na alaala ang pumasok sa aking isipan. Ang isang alaala kung saan ang lalakeng akala ko siya nang makakatuluyan ko hanggang sa huli ay... iniwan din ako.

Bumuntong hininga ako at napailing na lamang.

"Mahal na mahal mo ba talaga? I mean, five months pa lang kayo yet he's already cheating on you. For the second time, Alisha. For the second time." madiin kong sabi bago siya sinamaan ng tingin.

She slowly shrugged her shoulders and looked at me. "You know that moment when you feel something so strong yet something so destructive for that one specific person? Ganon 'yung nararamdaman ko kay Nicko, h-he's different..."

Kumunot ang noo ko at napakamot sa aking batok. "He's different? How come he's different? He's no different from your past relationships, Alisha! The guys you've been with always cheated on you!" hindi ko na napigilan ang mapasigaw dahil sa sobrang pagka-inis.

Napasinghap siya sa aking mga sinabi. Sunud-sunod na naman ang pagtulo ng kanyang mga luha. I bit my lower lip and closed my eyes, trying to calm myself. Alisha has always been like this, kapag nagmamahal siya ay siya lagi ang naloloko at ang nasasaktan and the worst part is - she just let those guys hurt him so bad! Mag-isa siyang nagmo-move on every time that they break up, hindi ko alam kung gaano katatag pero alam kong may limit din naman ang best friend ko.

"I'm not gonna say sorry, Alisha. I know I hurt your feelings pero 'yun ang totoo, ikaw lagi ang naloloko sa mga relasyon mo and it isn't something I have to say sorry about, it's the damn truth..." bulong ko bago kinuyom ang aking mga palad at muling ibinuka 'yon nang makahinga na ako ng malalim.

"I know..." dahan-dahan niyang pagtango. 

I sighed and didn't say anything after that. Alisha just cried her heart out hanggang siya na ang kusang makatulog sa sofa. I let her sleep, iiwan ko na lamang ang unit para sa kanya. She knows every part of my unit, halos memoryado na nga rin niya. Hindi rin naman masyadong malaki ang unit ko - medyo mura na nga ito compared sa ibang condo sa New York. 

I left the unit and headed straight to work. Nang makarating naman ako doon ay tambak tambak na trabaho ang naibigay sa'kin. From scheduling the appointments hanggang sa paga-arrange ng mga papers alphabetically. Masakit sa likod, oo pero at the end of the day I know it's worth it. Malaki-laki rin naman ang sweldo ko. 

I straightened my back and stretched my arms, isa-isa kong pinatunog ang mga daliri ko at marahang tinampal ng ilang beses ang magkabilang pisngi ko. 

Napatingin ako sa kabilang lamesa, twenty papers left to arrange. Kaya ko na 'to! Nang matapos ko ang isang set ng papers ay agad ko ng inayos ang natitira pang bente. Mabilis lang din naman akong natapos doon kaya inayos ko na kaagad ang mga gamit ko at inilagay 'yon sa bag para makauwi na ako.

Palabas ko ng opisina ay doon ko nakasalubong ang boss ko na si Sir. Pete.

"Good evening, Sir." bati ko saka matipid na ngumiti. "I have arranged all of your appointments and fit them into your schedule. I'm also done with arranging the other papers alphabetically, sir..."

Mabilis na tumango si Sir. Pete at tipid lamang akong nginitian. "Good, now go ahead. You can go home now."

"Thank you, sir."

Nang makasakay ako sa cab ay mabilis din naman akong nakarating ng condo. Walang masyadong traffic unlike in the Philippines. Mabilis at safe ang byahe. 

Pinindot ko ang doorbell upang malaman kung may magbubukas pa nito para malaman ko kung naandito pa rin si Alisha and I was right. Her makeup was already a mess, ang tagal niya naman atang nakatulog? Dere-deretsyo umaga  hanggang gabi.

"Kagigising mo lang?" I asked.

She shook his head, "Nope."

"Bakit ganyan ang itsura mo?"

"I tried experimenting for a new look...that's why...." anito bago nagkibit balikat na lamang at tuluyang isinara ang pintuan nang ako'y makapasok.

I frowned. "That's not a look. That's a curse, ayusin mo nga ang itsura mo, Alisha! At least look decent inside of my house..."

"This is not even a house..." bored na sabi nito bago pinagkrus ang kanyang mga binti at bumuntong hininga.

I raised a brow, "Well, I considered it as one. Kung hindi naman pala 'to bahay para sa'yo ay umalis ka na lang." masungit kong sabi. Minsan kasi ay pagod na ako sa trabaho kapag uuwi ako at dadagdag pa si Alisha sa pagkainis at pagkastress ko lalo na ngayon na ganito ang kanyang ugali.

"Joke lang, bes." anito bago humagikgik at yinakap ako ng mahigpit. 

I frowned nang may biglaan akong maamoy. "You smell like liquor..." ani ko bago pa siya inamoy muli. "You're drunk?"

She foolishly smiled and slowly nodded, "Yung Jack Daniels mo kasi sa kusina nakakalat lang."

"Oh, Alisha..." natatawa ko na lamang na sabi bago umiling. 

Dumeretsyo ako sa kusina at natagpuan na lamang ang Jack Daniels na ubos na ang laman. Itinapon ko na lamang 'yon. Napatigil ako nang pumasok sa isip ko kung ano na nga ba ang oras, mabilis akong tumingin sa orasan.

It's already eight!

Dederetsyo na sana ako sa sala nang makita na doon si Alisha na kausap ang bagong dating na si Lance. He was smiling wildly habang magiliw na nagke-kwento sa kanyang ninang. I smiled a bit at mabilis siyang nilapitan.

"Hi baby..." bati ko sa kanya bago siya mabilis na hinalikan sa kanyang noo.

"Hi mommy!" masiglang bati nito bago ako tinalon ng isang yakap.

Binuhat ko siya saka ko hinagod ang kanyang likod, "How's your day, Lance?"

And that's the time when he started telling stories... my son telling me stories of how his day went.

***

a/n: eto na para sa mga nag-aabang. sana ayos lang and sorry for the typos. 
twitter: jeweeelwrites

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top