Chapter 9

Chapter 9

Ang Tsinelas

Nanghihina ako nang tumuloy ako sa front seat ng sasakyan niya. Hindi ko maintindihan. Kung ibang lalaki talaga ang nagsalita sakin ng ganun, baka nabigwasan ko na. Hindi ako sanay na may naiinis o naiirita sakin.

Wala naman akong masakit na nagawa sa kanya, bakit kaya ganyan na lang siya kung makatrato sakin?

Tahimik ako buong byahe. Tahimik din siya pero naramdaman ko ang pagsulyap niya halos kada limang segundo sakin. Ngumuso ako at diretso parin ang tingin sa kalsada.

Like it or not, you will like me, Jayden.

Hindi ko man lang siya sinulyapan pagkatapos niyang mag park. Panay ang tingin ko sa salamin at inaayos ang sarili ko. Nilagyan ko ng powder ang ilong at noo ko. Kitang kita ko sa gilid ng mga mata ko ang pagtitig niya sakin.

Lumabas ako ng sasakyan niya at sumunod rin siya. Naglakad kami papuntang Ayala at sumunod rin siya ng walang imik.

"Charity!" Sigaw ng kilala ko noong college. "OH MY GOSH! NA MISS KITA!" Nanggigigil na bati ni Angel sakin.

"Oh my, Angel! Nakauwi ka na pala! Hindi ka man lang nagsabi!"

"Of course! Surprise!" Tumawa siya at sumulyap sa nasa likod ko.

Nakita ko ang pagkislap ng mga mata. Humagikhik siya at siniko ako ng palihim.

"Boyfriend mo?"

Napatalon ako sa tanong ni Angel.

"Di, neighbor. Ito nga pala si Jayden." Hindi ako sumulyap kay Jayden. "This is Angel."

"Hi, Jayden! Kamusta si Cha as neighbor?" Ngumisi si Angel.

"Okay lang." Narinig ko ang malambing na pag halakhak ni Jayden.

Napakunot ang noo ko. Ang lambing niya sa ibang babae pero sakin ang harsh!

"Kumusta ba siya as a friend?" Humalakhak ulit ng malambing si Jayden.

Hindi ko na naiwasan ang pagtingin sa kanya. Matagal ang titigan namin kahit si Angel naman talaga ang kausap niya. Nakangiti siya pero alam kong di iyon para sakin.

"Naku! Mabait itong si Charity! Paborito ko nga ito eh. Miss congeniality. Maramig kaibigan simula pa nung college kami."

Tumawa ako.

"I don't know if that's a good thing, though."

Nagkatinginan ulit kami ni Jayden. Napawi ang tawa ko at napalunok na lang ako ng limang beses. Damn it! Is that a bad thing?

"Uy! Masaya kaya! Masaya siyang kasama kaya syempre maraming gusto siyang maging kaibigan."

Tumango si Jayden sa sinabi ni Angel.

"Oh! Anyway, sige na, maiwan ko na kayo. Imemeet ko pa yung mga pinsan ko. Cha! Party, alright?"

"When?" Agad kong tanong.

"Itetext lang kita! Ugh! I miss you so much!" Sabay yakap niya sakin. "Nakuha ko yung number mo kay CJ. Itetext lang talaga kita, alright!" Kumaway siya at kinindatan si Jayden.

"Alright! Hihintayin ko." Nakangisi kong sinabi sa kanya.

Umalis din naman siya kaya nagpatuloy ako sa paglalakad para pumunta sa mga paborito kong boutique kaya lang meron atang tuliro at hindi mapakali sa nangyari.

"Who's CJ?"

"What?" Napalingon ako kay Jayden.

"CJ? Sino yun? Nabanggit nung kaibigan mo na nakuha niya ang numero mo kay CJ-"

"He's my cousin. Not... not some of the flings you are talking about."

"Magpaparty ka na naman? Pupunta na tayong Bantayan bukas. Paano na yan?"

Natigilan ako. I almost forgot! Hay nako! Imbyerna!

Nagkibit-balikat na lang ako. Hindi naman kasi ako uhaw sa mga party. Uhaw akong makasama ang mga kaibigan ko... hindi yung party ang pupuntahan ko. Pero marami namang next time. Paninindigan ko na talaga itong trabahong binigay ni Chase sakin. Maybe it's time to grow up... kahit konti lang.

"Hindi na lang ako sasama."

"That's better." He sighed.

Napalingon ako sa kanya. Nanliit ang mga mata ko.

"Pag ipagpapatuloy ko ba ito, magugustuhan mo na ako?"

Naging seryoso ang ekspresyon niya. Brace yourself, Charity. Another harsh blow from your prince hunk charming!

Halos mapapapikit ako sa pag hihintay ng isasagot niya pero binalewala niya ako. Nagpatuloy siya sa paglalakad kahit na natigilan na ako. Pumihit siya at bumaling sakin.

"Saan ka ba namimili?"

My heart skipped a beat. Abnormal na ba ako? Bakit ganito ako maka react kahit na wala naman siyang sinasabing maganda o nakakatunganga?

Itinuro ko ang Topshop at iba pang mga suki kong boutique dito sa Ayala. Tumango siya at nagsimulang maglakad. Sumunod ako sa likuran niya ng sobrang excited.

Namili kami ng mga damit doon. Mahirap talaga pag taste mo na ang pinag uusapan. I want carefree and comfortable clothes, yung mga cropped tops, aztec tops, high-wasted shorts, or yung mga maiiksing shorts na ang ipapares ay yung mga mejo formal tops at blazers. Kung jeans naman ay mahilig ako sa mga may butas-butas o faded. Pero minsan lang talaga akong nag papantalon. Most of the time, shorts tsaka dresses ang trip ko.

Mabuti na lang at nagkasundo kami ni Jayden sa dresses. Pero hindi naman pwedeng buong buhay akong mag di-dress kaya napangiwi ako nang bigyan niya ako ng dark blue jeans.

"Para saan 'to? Sa isla tayo maninirahan for the mean time. I can't wear this-"

"I'll buy it. Wa'g kang mag alala. Just try it out!"

"But I don't like it-" Nanghina ang boses ko at kinuha ko na lang sa kamay niya ang jeans na iyon.

Pumasok ako sa fitting room at sinubukan. Not bad. Pero hindi ko talaga trip ito.

May pinasoot pa siya saking sneakers. True, I love aztec things but I hate sneakers. WTF? I'm not a teenager! At hindi ako patweetums!

"What? Gagayahin ko ba si Taylor Swift dito?" Umirap ako habang naglalakad gamit ang sneaks na pinasoot niya.

"Looks good on you."

"That's because I have long legs. Lahat naman talaga babagay. Pero hindi ibig sabihin na kung bagay sakin, gusto ko na."

Tumunganga siya sakin gamit ang seryosong mga mata. Mukha na naman siyang bombang sasabog anytime kaya bago ko pa matrigger ang button...

"Alright! I'll take this, miss." Sabay irap ko sa malas na tindera.

"I'll take that." Sabay bigay niya ng cold cash sa swerte palang tindera.

Nilagay nung tindera ang buhok niya sa tainga bago kinuha sa kamay ni Jayden ang cash.

"Ok po, Sir." Sabay ngiti.

Kumindat ang hunk. Masyadong pa-fall. SA LAHAT NG BABAE! Pero sakin? Ako ang chosen one! Chosen one na pinagdiskitahan niyang i-hate!

"Tsss." Sabi ko nang umalis yung babae.

Marami na siyang dalang damit na pinamili ng sariling pera niya. Akin lahat. Wala siyang binili para sa sarili niya. Hindi ako gumastos ng kahit isang kusing. Hindi naman sa pinapagastos ako ng mga ex ko tuwing nag di-date pero ngayon lang talaga yata ako napag shopping ng ganito ka gara. I guess that's the perks of having a mature, professional and earning BOYFRIEND! Oh ha! Secret lang yan kasi di niya alam!

"I need to buy slippers." Sabi ko at pinagmasdan ang reaksyon niya.

Wala namang kaluluwang makikita sa paa ko kaya maghuhuramentado na talaga ako pag ayawan niya ito.

"Alright!"

Dumiretso kami sa Havaianas at Ipanema para maghanap ng gusto ko. Nang sa wakas ay nakakita ako ng all black na flipflops, umupo na agad ako sa upuan doon para sukatin ito.

But darn it!!! Umamba akong tatanggalin na yung sapatos ko pero bigla siyang lumuhod sa harapan ko. Dahilan kung bakit tumili ang mga tao sa loob ng tindahan at nagkaroon ng commotion dahil sa pag ti-take ng pictures at video.

I was like, "What the?"

"OMG! Charity Rama! Finally engaged!?" Narinig ko ang isang babaeng di magkandaugaga sa pagvivideo.

Bumaling si Jayden sa kanya at ngumisi, "Not so fast, missy. Tsinelas pa lang isosoot ko ngayon, hindi pa singsing." Kumindat siya at halos mamatay ang babaeng nag vivideo.

Mukha silang na petrify sa sinabi ni Jayden. Humalakhak si Jayden at bumaling sakin.

My gosh! Sigurado akong di normal ang paglakas ng pintig ng puso ko. It's not the alcohol, Charity... I know it's not. He's making me fall, hard, deep-rooted. Unti-unti ring kumirot ang puso ko. Cuz I know, he hates me so damn much... Ang tanong, kaya ko kaya siyang paibigin?

And if you want me to change, I will.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top