Chapter 50

Thank you so much for reading. I know bitin ang final chapter na ito pero you know me... talagang bitin ang mga gawa ko. hehe. anyway... may epilogue pa. Hindi ko alam kelan ko ipopost.

-----------------------------------------------------

Chapter 50

Ang Paghaharap

Nang bumalik si Justice ay nakita kong pulang pula ang pisngi niya. Halos matumba pa siya pagkaupo niya.

"Dahan-dahan, Justice." Utas ni Jayden sa pinsan niyang muntikan ng mahulog.

Mas lalong pumula ang pisngi niya. Hinihintay ko ang sasabihin niya. Kami ata ng mga pinsan ko ang naghihintay. Ang mga tito at tita ko kasi ay abala parin sa pagtatalakan tungkol sa kung anu-anong issue sa lipunan.

"Ano daw?" Tanong ni Jayden.

"N-Nasa airport na sila."

"A-Anong sabi mo?" Tanong ni Jen.

"Sina mommy at daddy nasa airport. Pati na rin sina tito at tita, Jayden. Sila ata lahat." Umaliwalas ang kanyang mukha.

Ako naman ang dinalaw ng kaba. Sinong nasa airport? Ang pamilya ni Jayden? Para ano? Baka magkagulo lang?

"Susunduin ko sila." Aniya saka tumayo ulit.

"Sasama ako, Justice." Ani Jen.

"Let's go, Jayden." Sabi ko kay Jayden na nagulat ata sa nangyayari.

Napatalon siya sa sinabi ko, "Ilan ba sila?" Tanong niya kina Jen.

"Hindi ko alam, kuya. Silang lahat ata. Wala pa namang dalang sasakyan." Sabi ni Justice.

Tumango ako, "Cole, CJ, drive, please. Ako rin. Tsaka yung isang driver namin."

"Sure, couz." Agad tumayo si Cole.

Si CJ naman ay napapaawang ang bibig, ready na atang umangal pero tinakpan ni Erica ang bibig niya. "Shut up and drive." Humalakhak si Erica.

Nagsitayuan ang mga pinsan ko. Ako na mismo ang nagpaalam sa walang kamuwang-muwang kong mga tito at tita.

"Cole, where are you going?" Tanong ni tito sa anak niya.

"Tito, papasama lang po ako kay Cole sa Mactan. Susunduin po namin ang pamilya ni Jayden."

Napainom ng tubig si daddy sa narinig niya.

"Pamilya ni Jayden, Cha?" Tanong ni tita.

"Nasa airport po daw sila. Silang lahat. Marami po sila kaya magpapatulong po sana ako sa pagsundo."

"Sure, hijo." Sabi ni tito. "Pero pamilya mo? Akala ko ba ayaw nila kay Cha? Bakit sila nandito?"

"Oh no, Charity. Don't tell me sinundan talaga nila si Jayden dito para lang mabawi siya sayo?" Tumawa si mommy.

"Mom, we don't know. Kaya nga pupuntahan."

"Alright. You kids go. Saan niyo ba sila dadalhin pagkatapos?" Tanong ni mommy.

Natahimik ako. Hindi ko rin kasi alam. Depende pa kung ano ang gusto nilang mangyari.

"Pwedeng dito, Charity. Malaki naman itong bahay natin." Sabi ni mommy.

"Mom, they will probably not approve. Siguro sa isang hotel na lang."

"Ay? Ganun?" Panunuyang sinabi ni mommy.

Matalim ko siyang tinitigan.

"Kidding, Charity. Sige, puntahan niyo na ang mga iyon. CJ, yung mga-"

"Yes, tita." Pinutol ni CJ si mommy.

Umiling na lang si mommy at tumawa.

"Okay, you take care." Aniya.

Pagkalabas namin ng bahay at pagpunta namin sa garahe ay isa-isang nagtunugan ang mga alarm. Si Cole ang tumawag sa isang driver namin. Hindi kasi pwedeng pagsabayin lahat ng driver namin dahil nandito sina daddy, baka may biglaang importanteng lakad.

"Cha, don't drive. Yung sasakyan ko na lang ang gamitin natin."  Sabi ni Jayden sabay turo sa pulang Mitsubishi Strada niya.

Tumango ako.

Lima lahat ang dala naming sasakyan. Yung kay Jayden, kay Cole, kay Matteo, kay CJ at yung sa isang driver.

"Cej, since malaki ang Expi mo, paki sakay sina Justice diyan."

"What? Sakay ko na sina Erica. Ang lalaki ng mga pwet nito."

"Hoy excuse me, no!" Sigaw ni Erica. "Kay Cole ako sasakay. Bwiset. Maiihi ako sa sobrang bilis mong magdrive!"

"Fvck." Mura ni CJ habang padabog niyang binubuksan ang sasakyan niya.

Tumawa na lang ako.

"Uhm... Di ata kami welcome." Matabang na sabi ni Jen.

"Di, Jen. Sige na. Pumasok na kayo." Sabi ko sabay bukas sa pintuan ng sasakyan ni CJ.

"Uhm..." Napakamot sa ulo si Justice.

Nakalimutan ko na naman siyang pasakayin sa front seat ng sasakyan ni CJ! Hayun na kasi at umupo na si Jen doon. Shet! Ang hina ko talaga. Bad match maker.

"Let's go?" Nakaabang na si CJ sa labas ng sasakyan at naghihintay ng signal ko.

"Pwedeng kay uhm... Matteo na lang ako sumabay." Sabay turo sa tahimik kong pinsan.

"At bakit?" Nakakabiglang tanong ni CJ.

Napalingon si Justice kay CJ na ngayon ay masungit at mukhang puputok ang mga veins sa ulo.

"Ah? Ha? Kasi wala siyang sakay."

"Gusto mo ng walang sakay edi kay Mang Kaloy ka na lang." Malamig niyang sinabi kay Justice.

"Huy! Cej! Chill, man!" Sabi ni Lyka. "Highblood ito."

"Hindi... Ang ibig kong sabihin ay para naman-"

"Ah... Excuses." Pumasok na si CJ sa loob ng sasakyan at padabog itong sinarado.

Napatingin ang namumutlang si Justice sakin.

"Sorry." Iyon lang ang nasabi ko sa kanya.

"Justice..." Nahihiyang tawag ni Lyka sa kanya. "Doon ka na lang kay Matt. Sama ako. Tapos si Erica naman kay Cole."

Tumango si Justice at walang pag aalinlangang at agad ng sumakay.

Sumakay na kami sa mga sasakyan. Agad kong binuksan ang bintana at sinenyasan si CJ na tumigil. Binuksan niya rin yung bintana niya.

"Ha?" Tanong niya sakin.

"Sa huli ka na! Ipauna mo si Mang Kaloy. Ayaw kong mahighblood sa driving skills mo."

Umirap siya at sinunod ang sinabi ko.

Convoy ang nangyari papuntang Mactan. Nang nakarating kami ay naabutan namin ang buong pamilya ni Jayden na may dala-dalang mga maleta at malalaking bag sa may taxi waiting area.

Napalunok ako nang nag park na kami. Walang naglakas loob na lumabas sa kanila. Umurong ata ang guts ni Jen, Justice at Jude kaya kaming dalawa na mismo ni Jayden ang lumabas.

Agad kaming nakita ng mama at papa niya. Kumaway at tumawa ang papa niya nang natagpuan ang mga mata ko. Ang mama niya naman ay humalukipkip at tumalikod.

"Jayden!" Niyakap si Jayden ng kanyang mga tita at tito.

"Kakarating niyo lang po ba?" Tanong ni Jayden.

Binati pa siya ng lahat bago sinagot.

"Oo. Buti nalaman mo. Sinabi ko kasi kay Justice na wa'g ng sabihin sayo. Naabala ka pa tuloy. Asan ba sila?"

Nilingon ni Jayden ang sasakyan ni CJ na ngayon ay bumukas at lumabas si Jen at Jude. Sa sasakyan naman ni Matteo ay lumabas si Justice.

"Dad!" Sabay yakap ni Justice sa kay tito. "Nagpunta po kami kina Charity. Ang bait po ng pamilya niya."

Napatingin si tito sakin. Yumuko na lang ako.

"Mama," Dinig kong tawag ni Jayden sa kanyang ina. "Bakit po kayo nandito?" Tanong niya.

Bumaling ang mama ni Jayden. Agad kong nakita ang galit, panghihinayang at pagkainis sa mukha niya.

"Ganyan ba talaga ang tanong na isasalubong mo sa mama mo Jayden?" Tanong niya.

Umiling si Jayden, "Ma... Kasi naman, pakiramdam ko po pumunta kayo dito para guluhin kami ni Charity. I mean, noong isang araw, nasa Manila pa lang kami, galit na galit kayo. What do you want me to expect?"

Tumulo ang luha sa mga mata ng kanyang mama. Saka biglaang niyakap si Jayden.

"Pupunta ba ako dito para lang ganun? Syempre pumunta ako dito coz I'm giving up!" Aniya. "Hindi ko kayang mawala ka kahit na... ayaw ko sa mapapangasawa mo."

Nagtawanan ang ibang tito at tita ni Jayden. Yung iba naman ay masama parin ang tingin sa akin.

"Kung ganun po, mamamanhikan kayo?" Tanong ni Jayden. "Sasamahan niyo ako?"

Pinunasan ng kanyang mama ang mga luha sa mga mata, "Taga saan ba sila?" Ngayon ay nagbalik ang maarteng aura niya.

Napatingin siya sakin at wala siyang ginawa kundi irapan ako.

"Pumasok na lang kayo sa sasakyan. Ihahatid namin kayo diretso sa bahay nila."

"Ano? No. Way. Jayden. Nakabook kami sa Radisson Blu. Doon mo kami dalhin. Hindi sa bahay nila. Mag aayos muna kami bago kami pupunta doon." Aniya.

Tumango si Jayden.

Bakas sa mukha niya ang kasiyahan. Syempre, kahit di niya sinasabi sakin, mejo malungkot siya nitong mga nakaraang araw dahil sa mga nangyayari. At ngayong mejo maayos-ayos na ay masaya na siya.

Sa amin sumakay ang mama at papa ni Jayden. Ang iba niya namang tito at tita ay nagkalat sa mga sasakyan ng pinsan ko. Sa sobrang dami nila, narealize kong baka hindi lang pamamanhikan ang mangyari. Pwedeng diretso na ang kasalan para di na sila gumastos pa ng pamasahe pabalik dito next month.

"Ang init dito sa Cebu." Reklamo ng mama ni Jayden habang nag dadrive kami papuntang SM at papuntang Radisson Blu.

Di hamak ata na mas mainit sa Manila. Pero di na lang ako magkukumento.

"Ang traffic." Reklamo niya.

Leche. Mas traffic sa Manila!

"May skyscrappers in pala dito."

My gosh! What do you think? Lintek talaga pakiramdam ko kahit kailan ay di kami magkakasundo nito.

"Sa dinner na lang kami pupunta, Jayden." Utas ng mama niya samin pagkalabas nila ng sasakyan.

"Naku, buti pa ngayon na lang mismo. Magcheck in na lang tayo tapos diretso na agad." Sabi ng daddy niya.

"Ano? Hindi pwede... magbibihis pa ako." She insisted.

Pero para atang natanggalan na siya ng powers at mas nasunod ang papa ni Jayden. Naghintay lang kami ng labing limang minuto ay nakababa na sila sa hotel at nakapasok ulit sa sasakyan.

"Hay nako! Kung sana nakapag ayos lang ako edi mas maganda sana ang damit ko." Reklamo ng mama ni Jayden.

Nakapulang damit na siya at may mga gold na accessories.

"Maganda naman ho yung damit niyo." Singit ko.

Tahimik lang siya at hindi na nagsalita pagkatapos ko siyang puriin. Sumulyap si Jayden sakin at ngumiti. Hinaplos niya ang hita ko.

"Jayden, malayo pa ba?" Tanong ng mama niya.

Tinanggal ko agad ang kamay niya sa hita ko.

"Malapit na." Sagot niya.

Halos matawa na lang ako dahil ang laki ng ngisi ni Jayden. Nananadya pa ata ang isang ito. Nang sa wakas ay nakarating na kami sa bahay, naubusan ata ng reklamo ang mama niya.

"Ganyan dapat yung fountain natin sa bahay." Aniya sa papa ni Jayden.

Narinig ko yun, ah! Ngumisi ako pero di na nagreact.

"May swimming pool ba dito?" Tanong niya kay Jayden. "Mukhang wala." Dagdag niya.

"Nasa rooftop yung swimmingpool namin." Sabi ko.

Natahimik siya. Kaya naman tahimik din siya nung lumabas na kami sa sasakyan.

Yung mga tita at tito naman ni Jayden ay parehong tahimik din.

"Pasok po kayo." Anyaya ko sa kanila.

Nauna na kasi ang mga pinsan ko.

Nang binuksan ko ang double doors namin ay nagulat ako nang nandoon at kumpleto ang buong pamilya ko habang hinihintay sila. Nakatayo silang lahat. Si mommy lang ang nakaupo. Napatingin ako sa pamilya ni Jayden na ngayon ay pinasadahan ng tingin ang kabuuan ng aming bahay.

"Dad, Mom, eto po yung mga kamag anak ni Jayden. Eto po yung mama at papa niya." Nahihiya kong utas kay daddy at mommy.

Tumango silang dalawa. Humakbang si daddy palapit sa papa ni Jayden.

"Frederico Rama." Aniya sabay lahad ng kamay.

"Mayor." Tumawa ang papa ni Jayden. "William Corpuz. Eto ang asawa kong si Josephine Corpuz."

Ngumiti ang mama ni Jayden at naglahad din ng kamay kay daddy.

Nginitian din ito ni Daddy. Nakita kong tumaas ang kilay ni mommy. Tumayo siya at humakbang palapit sa mama at papa ni Jayden.

"Alexandria Rama." Naglahad siya ng kamay sa mama ni Jayden. "Ako ang mommy ni Charity." Ngumiti si mommy.

Nalaglag ang panga ng mama ni Jayden. Nihead to foot niya si mommy saka tinanggap ang kamay.

"So... When's the church wedding?" Tanong ng mama ni Jayden.

Nabunutan ako ng tinik. Thank God.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top