Chapter 48
Chapter 48
Ang Pamilya
Sa sumunod na araw, agad na akong ginapangan ng kaba. Nanghihingi ng update sina daddy at mommy samin. Pupuntahan namin sila ngayon sa bahay namin.
"Cha, I won't help you this time." Sabi ni CJ sakin nang tinawagan ko siya.
"Ano ka ba. Alam ko. Hindi naman ako tumawag para magpatulong. I just want to ask if mom or dad's in a good mood?" Tanong ko.
Suminghap si CJ bago ako sinagot.
"Well, they are? Want to ruin their moods?" Tumawa siya.
Nandoon na kasi ang ibang pinsan, tito at tita ko. Pinagpapawisan tuloy ako ng marami. Hindi naman ako ang first born sa mga Rama pero para narin silang nabunutan ng tinik nang nalamang nagpakasal na ako. Syempre, ako ang nakakapagpa-highblood sa kanila kaya ganun sila makareact.
Naghihintay na si Jayden sakin sa sofa. Ako naman ay di na mapakali.
"Jayden, what if magalit ang parents ko? What if magalit sila sayo?"
Tumikhim siya at tinitigan ako.
"I don't blame them..."
"Jayden, paano kung magalit sila sayo at aayaw na sila sayo? Anong gagawin natin?"
Tinitigan niya lang ako. I know... Kung aayaw sila kay Jayden, ipaglalaban ko siya. Pero I can't walk away from my family like what he did. Hindi ko kaya. A Rama will always be a Rama. We treasure our families so much.
Nakita ko sa mga mata niya ang aking mga pangarap. I won't let Jayden down. I can't. Mahal na mahal ko siya.
"I'm not asking you to leave them for me, Cha." Mariin niyang sinabi.
Parang pinipiga ang puso ko sa sinabi niya.
"H-Hindi naman iyon ang ibig kong sabihin."
Tumayo siya at lumapit sakin. Pareho kaming nakabihis na para sa brunch namin kasama ang buong pamilya ko sa bahay. Ito na rin ang araw na magpaplano na kami sa kasal. Kung saan gaganapin, exact date, at kung anu-ano pa.
"Cha, desisyon ko iyong nangyari sa Manila. I know you feel guilty about it."
Kinagat ko ang labi ko.
"You don't need to do the same."
Tumango ako.
Yes, I feel so guilty. Lagi kong naaalala ang pag iyak ng mama niya sa harapan naming dalawa. Talagang ayaw niya lang sakin kaya niya iyon nagawa kay Jayden. Hindi niya naman siguro inakalang ako ang pipiliin ni Jayden. Maligaya akong ako ang pinili ni Jayden, pero nasasaktan ako para sa pamilya niya.
Yinugyog ni Jayden ang balikat ko. Ngayon ko lang narealize na natulala na pala ako sa dami ng iniisip ko.
"Charity!" Tawag niya.
Agad akong tumingin sa mga mata niya. Pinipiga ang puso ko tuwing nakikita ko ito. Ang dami niyang sinakripisyo para sakin.
"Listen... It's a no alright? Kung iniisip mong pakawalan na lang ako para makabalik na ako sa pamilya ko... It's a no... Okay? Wa'g kang mag isip ng ganyan."
Mas lalo lang piniga ang puso ko. Litong-lito na ako. Hindi ko na namalayan ang pagbuhos ng luha ko.
"J-Jayden... I love my family. At hindi ko talaga kayang isipin na nakaya mong iwan sila para sakin."
Umiling siya, "Like I said, hindi ko sila tinalikuran, Cha. Sila ang tumalikod sakin. Don't feel guilty. Kung magalit man ang pamilya mo sakin, tatanggapin ko ang galit nila. Just..."
Humikbi ako. Pinunasan niya ang luha ko gamit ang daliri niya.
"Just... don't leave me. Alright?"
Tumango ako at humikbi ulit.
Mainit akong niyakap ni Jayden. I won't. Kahit na gulong-gulo na ang isipan ko, siya parin ang nangingibabaw sa puso ko.
Kaya nang nakarating na kami sa bahay at nakita ko na ang nakakunot na noo ni Erica, Lyka, at CJ nang nakita kaming nagho-holding hands ni Jayden papasok sa bahay.
"Charity!!! Blooming!!!" Tumaas ang kilay ng tita ko nang hinalikan niya ang magkabilang pisngi ko.
Ngumisi na lang ako sa kanila. Isa-isa akong nagmano sa mga tita ko at sumulyap kay CJ na ngayon ay nakakunot ang noo.
Si Jayden naman ay kilala na ng ibang tito ko. Pinakilala naman siya sa hindi niya pa kilala. Welcome na welcome siya dito samin. Taliwas sakin sa pamilya niya.
Nasa mahabang table kami ng dining room namin. Kasya kami ng buong extended family namin dito sa sobrang haba.
"How was the trip, Charity?" Tanong ng tito kong daddy ni CJ.
"Okay lang po." Hinigpitan ko ang hawak ko sa kamay ni Jayden.
Umupo kami at nilapag na ng mga katulong ang mga pagkain.
"Kamusta, Jayden?" Tanong ng mommy ko.
Napatingin ako kay Jayden na ngayon ay diretso ang tingin sa mommy ko.
"Okay naman po. Pumunta po kami sa bahay." Aniya.
Tumango si mommy, "Hindi ba isang linggo ang balak niyong mag stay doon? Bakit apat na araw lang?"
Kinabahan ako. Padarag na nahulog ang kutsara at tinidor ni Lyka. Napatingin si mommy sa nangyari kay Lyka. Ngumisi lang si Lyka kay mommy saka bumaling ulit si mommy kay Jayden. Santisima, aatakihin na ata ako sa puso.
"Kasi po..." Sabi oo agad. "Miss na miss ko na po ang Cebu-"
"Cha..." Pinigilan ako ni Jayden na pagtakpan ang nangyari. "Umalis po kami sa bahay." Aniya sa mommy ko. "Hindi po kami magkaunawaan ng mama ko."
Tumango si mommy at natigilan sa pag inom niyang tubig, "Why?"
Ngayon ay maging ang mga tita at tito ko ay inaabangan na ang sagot ni Jayden.
"Ayaw niya ba sa anak ko?" Diretsong tanong ni daddy.
Napanganga ako. Nakita kong nabasa ni daddy ang reaksyon ko kaya't nakumpirma niya ito. Nakakabinging katahimikan ang natamo namin ni Jayden galing sa kanila. Ilang sandali pa ang lumipas bago sila nakapagsalita muli.
"Bakit? What's with Cha?" Tanong ni tita.
"Why would they hate a Rama?" Tanong ng tito ko.
"Bakit, Jayden? My daughter is a bit liberated pero pinalaki namin siya ng maayos? I mean... this is stupid. Bakit ko sinasabi ito na parang kinukumbinsi ka na pinalaki ko siya ng maayos?" Nakita ko sa mukha ni mommy at narinig ko rin sa kanyang boses ang pagpapanic.
Hinawakan na ni daddy ang kamay niya para kumalma ito.
"I don't understand it, Fred. Hindi pwedeng ganito-"
"I'm sorry po. I tried to convince them. Gusto ko nga po sanang baguhin ang mga iniisip nila habang nandoon kami. Kaso hindi ko po kayang nahihirapan si Charity."
"NAHIHIRAPAN?" Mariing binanggit ni mommy ang bawat pantig ng salitang ito. "Anong klaseng paghihirap, Cha?" Bumaling siya sakin.
"Ma, don't be OA. Wala naman." Sabi ko.
"Pinapili po ako ng mama ko kung si Charity ba o ang pamilya ko. Ayaw niya po kay Cha para sakin. And I'm sorry kung ganun sila."
"At sinong pinili mo?" Tanong ni mommy sa gitna ng katahimikan.
"Isn't it obvious, ma? Kung hindi po ako ang pinili ni Jayden, wala siya dito."
Natahimik sila.
"I'm sorry po, tito, tita." Sabi ni Jayden. "Gusto ko po sanang subukan ulit namin ni Cha na kumbinsihin sila. Pero ayaw ko pong mahirapan siya. Mas mabuti na pong nandito kami sa Cebu-"
"It's my fault." Sumulyap ako kay Jayden kasi pinutol ko siya.
Ayaw kong ilagay ang lahat ng blame sa pamilya niya. May problema din ako.
"Mom, mejo pangit po ang unang impression nila sakin. Tsaka nadagdagan pa ang pagpapakita ni Jake sa family gathering nila. May video kami ni Jake sa Facebook na sumasayaw."
"I've seen that one, couz." Singit ng pinsan kong si Cole.
"Nangyari po yun nung unang gabi namin sa Manila. Bridal Shower ko. Hindi ko inakalang kakalat iyon. Nakita po yun ng pinsan niyang girlfriend ni Jake. Naghiwalay sila at syempre nalaman iyon ng buong angkan nila. Hindi na po maganda ang simula ko sa pamilya niya, mas lalo lang pong nadungisan ang tingin nila sakin. Hindi po sa kanila lahat ng kasalanan. May kasalanan din po ako."
Tumango si mommy at tinignan si daddy na ngayon ay nakangiti at nakatitig sakin.
"Still, you don't hate a Rama." Kumbinsidong sinabi ng tita ko.
"Yes coz you married a Rama." Tumawa si tito sa kanyang asawa.
Ngumuso ako sa reaksyon nila. Buong akala ko ay ipagtatabuyan nila si Jayden nang nalaman nila ito pero hindi... This is why I love my family. Hindi sila mapanghusga. Natural silang mababait at walang arte.
"Damn I love your family." Bulong ni Jayden sa akin.
Ngumisi ako at bumaling ulit sa nakangisi kong ama. Pinunasan niya ang kanyang luha sa likod ng kanyang salamin.
"Dad? What?" Tanong ko.
Hindi ko maintindihan. Bakit siya ngumingisi at naiiyak at the same time.
"Pakiramdam ko nagkamali ako sa pamimressure sayong magpakasal na. Hindi ko inakalang you were capable of being a mature woman, Cha." Nabasag ang boses ni daddy.
Nanlaki ang mga mata ko at naramdaman ko ang pilit na pagsikip ng dibdib ko. Nanginig ang labi ko saka ko naramdamang tumulo ang maiinit na luha galing sa mga mata ko. Niyakap agad ako ni Jayden nang nakita niya iyon.
"Tito, don't say that. Hindi rin po ako papayag na babawiin niyo siya sakin."
Pumikit na lang ako at umiyak sa balikat ni Jayden. Yakap-yakap niya ako. I can't help but cry. Syempre, daddy ko na iyong nagsalita. Ewan ko ba kung bakit nahabag ako sa sinabi niya.
"She's stubborn. Ayaw kong nakikita siyang nag paparty gabi-gabi, pinagsasabihan ko pero hindi nakikinig. Walang makakakontrol sa kanya. Kahit kaming mga magulang niya. Kahit anong disiplina, may mga paraan siya. Kaya gustong gusto kong mahulog ang loob niya sa isang mabuting lalaki para umayos na siya. At ngayong nakita kong nag mamature na siya, sorry Jayden pero nagkamali ako. I want her back. I want my hard headed girl back. I can't watch her go with you..."
Mas lalong kinurot ang puso ko nang narinig na humagulhol ang ama ko. Wala na. Pakiramdam ko hindi na mauubos ang luha ko. Hindi na ito titigil sa pag iyak.
Nagsitayuan ang mga tito at tita ko para daluhan si daddy. Ako naman ay nandoon parin at nakapikit sa balikat ni Jayden habang pinipigilan ang pagbuhos ng luha ko.
"It's too late now, tito." Sabi ni Jayden.
Hinampas ko siya.
"Ang lakas talaga ng loob mo, no?" Sabi ko kahit na basag na basag ang boses ko.
Tumawa ang mga tito ko sa sinabi ni Jayden.
"Sa apo mo na lang ibuhos yang pakiramdam mo, Fred. Wa'g na dito kay Charity. Ayan, may iba ng nagmamay-ari." Tumawa ang daddy ni CJ.
"Now, now, nag da-dramahan na ata kayo dito." Tumawa si Cole. "Planuhin na lang ang kasal?"
"Paano yan, Jayden? Sinong pupunta sa kasal?" Tanong ni mommy. "I mean, yung family mo? Pwede naman sigurong ipagpaliban na lang muna."
"Hindi po. Gusto ko pong magpakasal next month. Wa'g na po nating ipagpaliban. It's my original plan."
"Isiwalat mo na lang yan sa buong Cebu, Jayden, baka ideklara pa ng mayor na single si Charity para lang masaya na siya." Tumawa si CJ.
Mejo humupa na ang pag iyak ko kaya dumilat ako at pinunasan ang sarili kong luha. Hinaplos ni Jayden ang likod ko.
"Hush, Charity..." Bulong niya.
Nakita kong may lumapit na katulong kay CJ at may binulong sa kanya. Maingay na sa table kasi panay ang tawanan ng mga tito at tita ko sa paligid ni daddy at mommy. Nagtatalakan na rin ang mga pinsan ko. Si CJ lang ata ang tahimik at nakakunot ang noo.
"Bro, may naghahanap sa labas. Corpuz daw. Tatlo. Dalawang babae, isang lalaki."
Umayos ako at nakitang tumayo si CJ.
"Pupuntahan ko lang."
Kumunot ang noo ni Jayden at bumaling sakin.
"Sasama ako." Aniya.
Tumango ako at tumayo na rin. "Sasama din ako." Pinunasan ko ang pisngi ko mejo basa parin dahil sa luha.
Sinong Corpuz kaya ang mga iyon?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top