Chapter 43

Chapter 43

Ang Ex

Kinaumagahan, masaya ang gising ko. Unang nagising si Jayden. Pero hindi siya lumabas ng kwarto, hinitay niya ang pag gising ko.

"Good morning, Mrs. Corpuz." Sabay halik sa akin.

Ngumisi ako at umupo sa kama.

"Good morning." Sabi ko at kinusot ang mga mata.

Hinagip niya ang baywang ko saka binalot ako sa mainit na yakap. Wala siyang pa siyang t-shirt. Napangiti ako. Ugh! Sana nasa Cebu ulit kami... nasa Condo... O di kaya nasa Bantayan na lang. I hate it here. Pero dito siya lumaki kaya hahayaan ko na.

Busy ang buong bahay nina Jayden. Abala sa paglilinis ang mga katulong nila. Panay naman ang datingan ng mga inorder na pagkain. Mukha atang nagpacater sila. Intimate ang okasyon pero bongga parin ang handa. Parang engagement party lang... He-he. Kung malaman ng mama niya ang tungkol sa iniisip kong engagement party baka masupalpal ako nun.

Wala siyang imik sakin tuwing nag kakasalubong kaming dalawa.

Nang malapit ng mag tanghalian at dumating na ang unang mga bisita (na mukhang gmga Corpuz) ay nagbihis na kami ni Jayden. Syempre, excited ang lahat na makilala ako dahil iyon naman talaga ang rason ng party na ito.

Pagkatapos naming magbihis ay dumiretso na kami sa garden kung saan naroon ang mga bisita. Agad kaming dinumog.

"Jayden!!! Talagang Corpuz na Corpuz ang dating! Ang gwapo gwapo mo!" Sabi ng isang tita niya.

Nasa likod lang ako ni Jayden at kinakabahan ng bongga dahil sa dami ng matang nakapasada saming dalawa.

"Dahil yan may dugong Sy siya, noh!" Umirap ang isang intsik sa nagsalita.

Dinumog pa siya lalo ng mga pinsan niya.

"Ah, eto nga pala si Charity Rama." Sabay pakita niya sakin. "Corpuz." Kinindatan niya ang nagtawanang tita, tito at mga pinsan niya.

"Ang bilis talaga! Hindi mo man lag kami inimbita!" Anila.

"Next month magpapakasal ulit kami sa Cebu." Sumulyap si Jayden sakin at ngumisi.

Isa-isa ko rin silang nginitian.

"Ang ganda naman nitong girlfriend mo, Kuya." Sabi ng isang bata.

"Wife, Althea." Pagtatama ni Jayden sa bata.

Nakita kong pumula ang pisngi nung bata at tinitigan ako. Nginitian ko siya at kinawayan. Halos tumakbo siya sa hiya sakin. Hindi ko naman alam kung bakit.

"Saan ka nag college, Charity?" Tanong ng ka-edad ni Jen na pinsan ni Jayden sakin.

"Sa University of San Carlos." Sabi ko.

Tumango siya at ngumisi, "Dyan nag aaral ang crush ko noon. Baka kilala mo?"

"Hmmm... Malaki yung USC, eh. Kaya hindi ako sigurado."

"Ay? Ganun. Kasi ang alam ko sikat yun... Uhmm... Ilang taon ka na nga ba?"

"Twenty-one." Sagot ko.

"Kung ganoon, ka-batch mo talaga." Aniya.

"Ano bang pangalan?" Tanong ko.

"Chancellor Jory..." Nag isip siya.

Nanliit ang mga mata ko.

Wala ng iba. I'm sure of that.

"Rama."

Napatingin siya sakin nang nakaawang ang bibig, "Kilala mo?"

"Pinsan ko." Mas lalong nanliit ang mga mata ko.

CJ Rama. Umabot dito ang kamandag ng lalaking iyon.

Pumula ng parang kamatis ang pisngi ng pinsan ni Jayden.

"Ano nga palang pangalan mo?" Tanong ko.

Umiling-iling siya, "Hindi niya ako kilala. Please, don't tell him he's my crush!" Aniya. Defensive.

Tumawa ako.

"I won't..." Add you on his list. Masyadong matayog ang ego nun, pakiramdam nun na lahat ay nagkakagusto sa kanya kaya wa'g na nating dagdagan.

Naglahad siya ng kamay sakin at, "I'm Justice Corpuz."

Tumango ako at ngumisi. That's a secret I'll never tell. X-O-X-O.

Nilingon ko si Jayden na akto ring tumitingin sakin nang nakangisi. Busy siya sa pakikihalubilo sa kanyang mga tito at tita. Sinenyasan pa niya akong pumunta doon.

"Excuse me." Ngumiti ako kay Justice at dumiretso kay Jayden.

Hindi ko na makuha kung sino-sino sila at kung ano ang mga relasyon nila kay Jayden dahil masyado silang marami. Syempre, may ilan din sa mga Sy ang may ayaw sa akin. Halatang na brainwash ng mama niya ang ibang tita niya.

"Bakit ba kasi nagmamadali? Marami pang opportunities abroad, Jayden. Pag nagkapamilya ka, mahirap ng iwan." Inirapan ako ng tita niya.

"Hindi ko naman iiwan, dadalhin ko." Tumawa si Jayden pero seryoso parin ang tita niya sa sinabi niya.

Ilang sandali ay kumain na kami. Busy rin sa pakikipag kwentuhan ang mama niya sa ibang mga relatives. Mukha pa silang nagpapabonggahan ng mga damit at alahas sa mga Corpuz. Buti na lang at mukhang mga kalmado ang mga Corpuz at hindi pinapatulan ang mga Sy.

"Weird family, huh?" Ani Jayden sakin nang nagkaroon kami ng oras sa isa't-isa.

Pero hindi nagtagal ay dinaluhan naman kami ng ilang tito at tita niya.

"Jayden, kumusta yung offer sayo ng tito mo sa Taj Palace ng Dubai? Tinanggap mo ba?"

TAJ PALACE NG DUBAI? That's one big hotel!

"Hindi po."

"ANO?" Sabay sabay na nagsalita ang dalawang tita niya.

"Hindi niya tinanggap. Sayang nga at General Manager position iyon." Sabi naman ng tito niya.

Pinisil ko ang braso niya.

"Kailan?" Tanong ko.

Hindi sumagot si Jayden. Nakita kong kumuyom ang panga niya kaya bumaling ako sa tito niya.

"Next month." Umiling ang tito niya at tinignan ako.

"Talaga?" Napalingon ako kay Jayden.

Malungkot niya akong tinignan.

"Don't worry about that, Cha."

"That's a big offer." Sabi ko.

Parang kinurot ang puso ko sa offer na tinanggihan niya. Iyon lang naman ang isa sa pinakamalaki at tanyag na Taj dito sa mundo. Bakit hindi niya iyong tinanggap?

"We're getting married next month." Simple niyang sinabi.

"P-Pwede namang walang church wedding-"

"No, Cha." Giit niya.

"How about after the wedding?" His jaw clenched again.

"No... That's our honeymoon."

Napatingin ako sa mga tito at tita niyang umiiling sa disappointment. I can't believe he's letting this go. Kahit na ayaw ko at gusto kong dito lang siya sa tabi ko ay nanghihinayang ako sa opportunity na ito.

"Pwede naman kitang isama. Pero saka na... Just let me enjoy our couple life, first." Hinagkan niya ako sa harap ng kanyang tito at tita.

Uminit ang pisngi ko. Kasabay noon ay ang pagngiwi ng mama niya sa malayo. Agad kong kinalas ang mga kamay niyang nakapulupot sakin. Kumunot ang noo niya pero hinayaan ko na lang. Maiintindihan rin naman niya siguro kung bakit ko iyon ginagawa. I'm trying to win her mother, kahit hindi na naman kailangan.

Habang nag uusap kami ni Jayden ay nakita kong may pinagkakaguluhan si Jen at si Justice sa iPad. Mabilis ang hininga ni Jen habang pinapanood ito. Si Justice naman ay tulala lang.

Binitiwan ni Justice ang iPad at umalis. Sinundan siya ng tingin ni Jen at nakita kong lumapit si Justice sa gate. Binuksan niya ito at halos malaglag ako sa upuan ko nang nakita kung sino ang nandoon sa labas, may dalang bouquet.

"Shit." Hindi ko mapigilan ang pagmumura.

Nakita kong malamig na pinapasok ni Jen ang bisita. Halatang nag aaway ang dalawa.

"Oh, nandyan na pala si Jake." Sabi ng isang tita ni Jayden.

Napatingin narin si Jayden sa kakarating na bisita. Nalaglag ang kanyang panga nang nakita kung sino ang pumasok.

"Why is he here?" Mejo napalakas ang tono ng boses ni Jayden kaya napatingin ang mga tito at tita niya sa kanya.

"Ah, oo nga pala, hindi mo siya kilala. SIya si Jake yung boyfriend ni Justice."

WHAT THE? Binitiwan ni Jayden ang kamay ko at dumiretso kay Jake. Uh-oh!

"Jayden!" I called.

Buti na lang at hinarangan siya ni Jen. Hinawi ni Jayden si Jen pero nagpumilit si Jen na ipakita ang kanyang iPad.

"What's wrong?" Narinig kong tanong ng mama ni Jayden.

Mas lalong naging obvious ang pangyayari nang biglang sinampal ni Justice si Jake.

"Justice? Oh my God!" Napalingon silang lahat sa kanila.

Yung iba ay lumapit pa sa kay Justice. Nahagip ni Jake ang tingin ko. Nagkatinginan kaming dalawa. Si Justice naman ay nag walk out.

Nilingon ko si Jayden at nakita kong sinilip nila ang iPad ni Jen. Katabi niya ang kanyang mama habang nanonood ng kung ano doon.

"Ate Charity," Napatalon ako sa kumalabit sakin.

Nakita ko si Jude, malungkot ang mga mata.

"Curious si Ate Jen sayo kaya tinignan niya ang profile mo sa Facebook. May nag post doon ng video mo, kasayaw si Kuya Jake. Kaya ganun."

WHAT? Bumaling ako kay Jayden at nakita ko ang nag aalab na galit sa mga mata niya. Nangatog ang binti ko. Lalong lalo na nang nakita kong umiilim ang mama niya sakin. Oh, this is enough.

I'VE HAD ENOUGH!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top