Chapter 40

Chapter 40

Ang Galit

Dahil masyado akong nacarried away sa mga sinasabi ng kanyang mommy ay hindi ko namalayang masyado na pala akong nakahilig sa isang malaking vase.

Saka ko lang iyon namalayan nang tumagingting ito dahil sa pagkakatumba at pagkakabasag ng bunganga.

"Shit!" Mura ko nang nakitang na detach ang ulo at handle nito.

"ANO YON?" Sigaw ng mommy niya galing sa kitchen.

Agad kong dinampot ang mga bubog ng basag na vase sa sahig. May lumapit na matandang katulong sakin, may dalang walis at dust pan. Kaya lang, sa sobrang panic ko ay marahas ko ng pinagdarampot ang mga bubog, resulta nito ay ang sugat sa mga palad ko.

Ang sakit! Dumugo ang isang daliri ko at maging ang palad ko.

"Charity?" Tawag ni Jayden.

Tinago ko ang kamay ko nang sa ganun ay hindi niya makita ang nangyari.

Pero bago niya ako madaluhan ay nasa likod niya na ang moomy niya, nakaawang ang bibig at ready nang manupalpal sakin.

"ANONG GINAWA MO?" Sigaw niya.

"MA!" Sigaw rin ni Jayden.

"JAYDEN!"

Nakita kong nagsipuntahan ang dalawa niyang kapatid sa amin.

"Ma, ano yan?" Tanong ni Jen sa ina.

"Itong... babae ng kuya mo! Binasag lang naman ang mamahaling vase natin!" Aniya sabay turo sakin.

Mahigpit na hinawakan ni Jayden ang kamay ko at nilagay ako sa likod niya.

"Stop pointing your finger at her, Ma!" Galit na sinabi ni Jayden.

Kinagat ko na lang ang labi ko. Sa pitong naging ex ko, lahat sila, nang pinakilala ako sa parents nila ay mabuti naman ang trato sakin. Ngayong sa asawa ko na, hindi pa ata ako tanggap. Aaminin ko, masama talaga ang naging unang pagkikita namin.

Tumikhim ang mama niya at tinalikuran kami. Umiling si Jayden at bumaling sakin. Hinaplos niya ang pisngi ko.

Ang mga kamay ko ay nasa likod ko nang sa ganun ay hindi niya nakita ang mga sugat noon.

"Aakyat lang muna ako sa taas, kakausapin ko si Papa tungkol sa asal ni mama sayo. I'm sorry."

Tumango ako.

"Okay lang, naiintindihan ko naman."

Humugot siya ng malalim na hininga at umiling. Alam kong namomroblema na rin siya ngayon kaya ngumiti ako at pinaalala sa kanya kung gaano ako ka determinadong klase ng babae.

"Kaya ko, Jayden." Sabi ko.

Tumango siya at umalis para puntahan ang papa niya. Ako naman ay abala sa panonood sa katulong na inaayos iyong vase. Hindi na iyon maayos pero sinusubukan niyang ayusin iyon. Nilingon ko ang mga kapatid ni Jayden na parehong bumalik sa taas.

Wala akong nagawa kundi umupo sa sofa at maghintay kay Jayden.

"Ayusin niyo yan!" Galit na utas ng kanyang mama. "Kung kailan marami tayong bisita! Kung alam ko lang na ganyang babae ang dadalhin niya dito ay sana hindi na lang ako nag imbita!"

Anong bisita? May bisita?

"Bukas! Pag dating ng mga bisita dito, kailangan maayos na yan!" Aniya.

Napatingin ako sa vase na nilalagyan ng mighty bond. Tsk. Kaya ba yan?

"At ikaw?" Tinuro ako ng mama ni Jayden.

Kumunot ang noo niya at ni head to foot ako.

"Anong tinutungatunganga mo diyan!? Tulungan mo!" Sigaw niya.

Napatayo ako at agad nang tumabi sa katulong na nag aayos.

"Opo." Sabi ko.

Panay ang lagaslas ng masasamang salita galing sa mama ni Jayden.

"Kung bakit pa kasi nagkamali sa pagpili. Kung sana si Trisha na lang. Kung sana bumalik na lang siya kay Olivia. Sa isang... haliparot pa napunta. Anong mangyayari sa success na tinatamasa niya? Hihigupin lang ng pagkahaliparot ng isang ito."

Kating kati na ang dila ko. Gusto kong sumagot. Hindi ako yung tipong nag papaapi na lang. Pero alam ko rin naman kung kailan sasagot at kailan hindi. I want to earn her respect, kaya wa'g na lang muna. Mananahimik na lang ako.

"Naku, hija, may sugat ka pala." Sabi ng katulong habang nilalagay ko ang mga bubog.

Damn, this is mission impossible.

"Ayos lang po ito-"

"AYUSIN NIYO YAN! MANANG! SIGE NA! HAYAAN MO SIYA DIYAN! DOON KA SA LABAS, IPAGPATULOY MO PAG AAYOS SA GARDEN!"

"Opo." Nilingon ako noong katulong at dumiretso na sa labas.

"TAGA SAN KA BA?" Pati ang tanong niya sakin ay ginamitan niya ng mataas na boses.

"T-Taga Cebu po." Pinagpatuloy ko ang ginagawa ko.

"Asus naku! Sabi na eh! Bakit pa kasi dun pa? Pwede namang dito sa Manila nang sa ganun ay mas maiintindihan ko. Sus, bakit kasi di si Trisha! Ang bait nun!"

Kinagat ko ulit ang nanginginig kong labi.

"May nangyari na ba sa inyo?"

Napatingin ako sa mama niya.

"Ay? Hindi ko na dapat tinanong iyon." Nakapamaywang na siya ngayon. "So... Are you pregnant?"

Umiling ako.

"Kung ganun bakit kayo nagpakasal ng maaga? Hindi na ba talaga maipagpapabukas yan? No... No... You're pregnant!" Aniya.

"Hindi po..." Sagot ko.

"Imposibleng magpakasal si Jayden sayo nang walang dahilan. Isa lang siguro. Nabuntis ka niya kaya napilitan siya!"

"Mama!" Sigaw ni Jayden na ngayon ay tumatakbo pababa ng hagdanan.

Umirap ang mama ni Jayden at tinalikuran ako.

"Dito na kayo mananghalian. Dito na rin kayo maghapunan. Dito kayo matulog-"

"Naka book po ako sa Le Marcelle..." Matalim na sagot ni Jayden.

"No... You are going to stay here for tonight." Aniya.

"Mama. Hindi na po ako bata-"

"Kung sana ay hindi ka rin naging childish sa mga desisyon mo ay sana hindi ako magkakaganito, Jayden. You two will stay here for tonight! Mahirap na, baka makabuo kayo." Sumulyap siya sakin at binawi agad ang tingin.

"Mama!" Napadaing si Jayden dahil sa sobrang pagkabigo.

Hinawakan ko ang braso ni Jayden. Napatingin siya sakin. Umiling ako at bumulong...

"Tama na... Okay lang. Dito na tayo."

Umalis ang mama ni Jayden at hinayaan kaming mag isa sa sala. Walang ginawa si Jayden kundi pabalikbalik na mag sorry sakin.

"Umuwi na lang kaya muna tayo ng Cebu?"

Napangiti ako sa sinabi niya. Actually, nahabag ako. First time kong maramdaman kung gaano ako ka importante sa kanya. Naramdaman ko naman noon pero ngayon lang talaga nayanig ang buong sistema ko.

UMUWI TAYO NG CEBU. CEBU IS HIS HOME NOW?

Kumunot ang noo niya, "Have you lost your mind?"

Umiling ako at ngumisi parin.

"Bakit ka ngisi lang nang ngisi diyan? Nagugustuhan mo ba ang asal ng mama ko sayo?"

Umiling parin ako at ngumisi.

Humalukipkip siya at madilim akong tinignan.

"Dito na lang muna tayo." Nainspire ako sa linya niya kaya naman ay pakiramdam ko ay kaya ko ang lahat.

Nang nagtanghalian ay nakilala ko ang papa niya. Kasing tanda ni daddy ang papa niya. Di hamak na mas maunawain ito at mas mabait kumpara sa mama niyang walang ginawa kundi mag taas ng kilay sa hapagkainan.

"Anong trabaho ng mama mo, Charity?"

"Businesswoman po si mommy." Sagot ko.

Hindi ako makasubo dahil tahimik silang lahat. Kaming dalawa lang ng papa ni Jayden ang nag uusap. Si Jayden naman ay pinapanood lang ako at ang reaksyon ng mama niya.

"How about your father?"

Napalunok ako, here goes nothing... "Uhm... Mayor po siya ng Cebu."

"Your dad is a politician?" Singit ng mama ni Jayden. "Aba't ilang milyon ang sinasayang niyo tuwing eleksyon para makapandaya-"

"Mama!"

THIS. I can't take.

"Hindi po ganun si Daddy. Mahal po siya ng mga tao."

Mataginting na umirit ang mama ni Jayden habang umiinom ng tubig. Nagpalpitate na ang kilay ko habang pinagmamasdan siyang umiinom ng tubig dahil mukhang nabilaukan sa kakatawa niya.

"Are you kidding me?"

Mabigat na binitiwan ni Jayden ang kutsara at tinidor niya saka galit na sinaway ang mama niya.

"MA-MA!" Narinig ko talaga ang bigat ng pagkakabanggit niya sa tawag niyo roon.

Tumigil ang mama niya at umayos.

"Can you please act right? Bakit ganito kayo? Kararating ko lang dito, ah? You want me to leave? Coz I will! Right now!"

Natahimik ang buong bahay. Hinaplos ko ang braso ni Jayden.

"Jayden, wa'g kang ganyan sa mama mo. Mama mo parin siya." Sabi ng papa niya.

"Wa'g rin siyang ganyan kay Charity. Dahil hindi niyo alam kung anong kaya kong gawin at anong kaya kong talikuran para sa kanya."

Mahigpit kong hinawakan ang braso ni Jayden sa sobrang bigla ko sa sinabi niya. Kumunot ang noo ng mama niya.

"Ma, stop it. Hayaan na lang natin ang mga bata." Sabi ng papa ni Jayden.

Nagkibit balikat ang mama niya. Sa mukha niya ngayon ay hindi ako siguradong tunay na tumitigil na siya.

Noon, palagi akong nakakatanggap ng puri... lahat... They all love me. Pero simula nang nakilala ko si Jayden, sinampal sa mukha ko na hindi lahat ng tao ay mamahalin ka... Some people will hate your for no apparent reason. Kahit na wala kang ginawang masama, hahanapan ka nila ng butas. They just simply hate you...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top