Chapter 37
Chapter 37
Ang Macho Dancer
Nilagyan nila ako ng piring pagkatapos kong iblow ang candle. Ang mga walang hiya, pinicturan pa akong kinakagat iyong dulo ng cake na dinala nila! Pero, sige, pagbigyan natin kasi pinaghandaan nila ito.
Hindi na ako makapag isip ng mabuti dahil sa sobrang tequila na pinaglalagok ko kanina. Inayos ko ang piring. Sobrang dilim. Syempre nga, nakapiring na ako.
Tumatawa sila sa background. Naranig ko ring bumakas ang pintuan at tumawa na naman sila.
"Uy, ano yan?" Tanong ko.
"Bawal magtanong!" Agad na sabi ni Erica.
Kinagat ko ang labi ko saka dinig na dinig ko na ang maingay kong puso. Anong meron? Mga macho dancer ba? Bigla silang natahimik.
"Uy, ano na?" Tanong ko.
I feel so helpless and blind. Litrerally blind. May nagplay na isang erotic na sound.
"WHOA? Really?" Humagalpak ako sa tawa nang narinig ko ang saxophone sa background.
Humalukipkip ako. Nakaupo parin ako sa sofa.
"Anong pakulo 'to? May macho dancer ba?" Tanong ko.
Narinig kong may humalakhak sa malayo.
OMG! Baka ako na lang mag isa dito sa sofa? Tumayo agad ako at lumingon-lingon kahit alam kong wala rin naman akong makikita sa piring ko. Mas lalong lumakas ang background na sax. Sa puntong ito, hinaplos ko na ang sarili kong mga balikat dahil nagtindigan na ang balahibo ko. This is just too erotic.
"Hoy ano ba?" May naramdaman akong mabangong daliri na lumapat sa labi ko.
Natahimik ako at mas lalong tumindig ang balahibo ko.
"Oh my gosh, Jayden will be really furious!" Sabi ko hanggang sa naramdaman kong diniin ng macho dancer ang sarili niya sakin.
Humagalpak sa tawa ang mga panira kong pinsan. Hindi na ako nakapagsalita. Topless ang macho dancer kasi naramdaman ko ang init ng katawan niya.
Umikot siya nang nagsasayaw parin ng slow horny waves sa akin. Bawat haplos ng katawan niya sa katawan ko ay napapatikhim ako.
SINO BA ITO? GOODNESS! Ano na?
"Come on, Cha! Do something!" Sigaw ni Angel.
"MGA WALANG HIYA!" Sigaw ko.
"Ibang klase din talaga ang kamandag ni Jayden, ah? Nawawala na ang pagiging manyak mo. Ano yan? Ginayuma ka ata nun!" Nagtawanan sila.
Umiling na lang ako. Nalaglag ang panga ko nang mas lalo niyang idiniin ang sarili niya sakin. To the point na naramdaman ko na ang kanya sa akin.
Malulutong na mura ang ginawa ko. Lumipad ang kamay ko sa bibig ko para takpan iyon. Kinuha niya ang dalawang kamay ko at nilagay iyon sa mga biyak ng kanyang abs. Hindi ko na mapigilan ang mga mura ko.
Binaba niya ang kamay ko. Ginagawa niya ito habang umaalon-alon ang katawan niya sa pagsasayaw.
Habang ang mga kamay ko ay nasa abs niya ay kinakalas niya ang piring ko. At nang nakalas na ito ng tuluyan. Nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko... It was Jayden!
Naka faded at punit-punit na jeans siya habang nagsasayaw. May maskara siya pero kitang kita ko ang mga mata niya. Ito ang unang pagkakataong nakita ko siyang nagsayaw. Ngumisi siya at kumindat sakin. Kinagat niya ang kanyang labi. Hindi ko mapigilang ngumiti. Napailing iling ako habang inaalis niya ang kanyang sinturon.
"OH MY GOSH! OH MY GOSH!" Sabi ko.
Napatingin ako s amga pinsan kong nasa kabilang pader at panay ang video sa nangyayari.
"SHIT!" Mabilis niyang binaba ang pants niya at doon ay naka boxers lang siya.
Mas lalong nanlaki ang mga mata ko. Uminit na ng todo ang pisngi ko. Ayaw ko ng isipin kung anong kulay na meron ito ngayon.
Idiniin niya ang sarili niya sakin. Kinuha niya ang kamay ko at nilagay iyon sa abs niya pababa. Napapikit ako sa ginawa niya. Humalakhak si Jayden.
"You want PDA, Cha? I'll give you more."
AYAW KO NA! HAHA! Maghahyperventilate na yata ako sa pag sasayaw niya sakin.
"You can't dry hump on me Jayden!" Sabi ko.
"Sinong nagsabing hindi pwede?" Bulong niya sakin.
Hindi ko kinakaya ang pagpapatuloy niya. At boxers lang talaga ang soot niya. Hindi ko inakalang kaya niyang gawin ito.
Hinalikan niya ang labi ko.
Narinig kong naghiyawan ang mga pinsan ko.
"I told you, Cha. There's no chance to cheat here. Sakin ang buong atensyon mo, alright?" Aniya sabay ngisi.
"Damn, I won't ever cheat, Jayden. Kung alam mo lang." Sabi ko at napapikit sa mga halik niya sa gitna ng leeg at tainga ko.
Nakakalimutan ko ng pinapalibutan nga pala kami ng mga pinsan ko. Hinawakan niya ang naka expose kong mga hita at diniin iyon sa kanya.
"Whoa whoa whoa! Mamaya na yan, okay?" Sabi ni A.
Pero wala... Ayaw niyang magpaawat. Bumalik siya sa paghalik sakin sa labi at mas lalo itong pumupusok.
"This is super ultra PDA. Mamaya magkakaroon na kami dito ng live show ah? Tama na yan."
Tumigil si Jayden at tumawa.
"Hoy! Tumalikod nga kayo!" Saway ko sa mga pinsan ko. "Naka boxers pa siya oh!"
"Weh? Kanina pa kami nanonood dito... At in fairness, Cha... Mala adonis!" Tumawa si Shaira.
Sinimangutan ko sila. Tumawa rin si Jayden at naglakad para kunin ang jeans niya. Hindi ko mapigilang punahin ang pagiging confident niya sa paglalakad ng nakaboxers lang.
"Jayden! Bilisan mo sa CR!" Sabi ko nang nakitang pagkadampot niya ng jeans ay bumalik pa siya sakin.
Tumawa siya nang nakita akong nakasimangot na nakatitig sa kanya.
Sumipol ang mga pinsan ko, "Jayden, panu yung performance mo samin?"
Tumawa ulit si Jayden. Nilingon ko ang mga pinsan ko at tinignan ng matatalim.
"Bilis na!" Sabi ko sabay tulak sa kanya sa CR.
Hinalikan niya ako ng malagkit at mapusok na halik bago pumasok sa CR nang tumatawa.
"What the fvck, A?" Umirap ako.
Nagtawanan silang lahat.
"It was his idea! Nanghingi lang naman ako ng permiso kung pwede ba akong mag hire ng macho dancer. Sabi ko sasayawan ka lang naman. Bawal ang hawakan at halikan. Hanggang nood lang tayo at maging ang macho dancer. But he's just too possessive, Cha. You are freaking right!"
Bumungisngis sila.
"Ako na ang sasayaw! Ako na ang magiging macho dancer! He offered, Cha!" Tumawa si Lyka.
Nakasimangot parin ako pero hindi ko na mapigilan ang pagngiti. Sinasabi ko na nga ba. Alam kong hindi niya kayang ipaubaya ako sa bar.
Pagkatapos magbihis ni Jayden sa kanyang jeans at isang grey t-shirt ay umupo na siya sa sofa at pinanood ang games ng mga bangag kong pinsan.
"Treasure hunt!" Anila.
May mga obstacle tulad na lang ng pag inom ng isang tequila, pagkain ng saging nang hindi hinahawakan, pagputok ng balloon at pagsoot ng t-back.
Walang katapusang katatawanan ang inabot ko. Yung premyo ay isang box ng condom.
"Hindi na kailangan yan!" Sabi ni Jayden. "Bubuntisin ko rin yang pinsan ninyo." Tumawa siya.
Wala akong nagawa kundi ngumanga sa sinabi niya. Nagkatinginan kami at kinindatan niya ako.
Pagkatapos ng mga bangag na laro ay nagkaroon ng huling pakulo ang mga pinsan ko.
"Gift giving."
Oo, gift giving na nauwi sa green giving.
"Ito ay para sa mga gabing tulad ngayon." Hindi matapos tapos ni A ang sinasabi niya dahil sa pagtawa niya. "Ayoko na!" Aniya at humagalpak na. "Naaalala ko yung mukha nung cashier pagkabili ko nito!" Tumawa siya.
Sex lubricant! Parang nasa isang bote ng lotion iyon. Pinagkaguluhan nilang lahat.
"Ako naman!" Winagayway ni Erica ang regalo niyang nasa loob ng box. "Buksan mo na."
Binuksan ko naman at nakita kong condom rin ito.
"Condom yan, but wait, there's more, may vibrator sa loob!"
Nagtawanan ulit kami. Maging si Jayden ay natawa na rin sa mga regalo nila. May lingerie, may posas pa... Para saan yung posas? I can only imagine!
Natapos iyon nang inubos na namin ang Patron, Bacardi at Schnapps na inorder ni CJ para samin. Kaya ang resulta, lasing na lasing ako buong magdamag.
Pagkalabas pa namin sa VIP room ay nag inuman na naman kami ng Black Label na galing parin kay CJ. Ito na yata ang isa sa mga gabing iyon. Mabuti na lang at nandyan si Jayden at inaalalayan ako. Hindi niya ako pinipigilan sa pag inom. Dahil alam ko rin namang pinagbibigyan niya lang ako. Just this one night, hahayaan niya akong uminom ng marami. Basta nandyan siya.
Tumatawa ako at humihilig sa dibdib ni Jayden.
"Hey, Cha, ipakilala mo naman ang last love mo sa first love mo, oh?" Lasing na linyang sinabi ni Jake.
Napatalon ako at napatingin sa kanya. Inaawat na siya nina Jeremy. Pulang pula ang kanyang mukha sabay turo-turo kay Jayden na para bang may malaking atraso si Jayden sa kanya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top