Chapter 34
Chapter 34
Ang Bridal Shower
Agad kong inalala ang pag inom ko ng pills. I'm sure kahit na papakasalan na ako ni Jayden ay wala pa sa isip niya ang magkaroon ng pamilya. Natigil ako sa pag inom nang kinuha niya iyon pero nabawi ko rin naman kaya okay pa siguro.
Pagod na pagod kami nung gabing iyon. Ahi-hi-hi. Ako pa talaga yata ang unang nakatulog kasi wala na akong maalala pagkatapos ng pang limang round. Kinusot ko ang mata ko nang naramdaman ang liwanag galing sa glass window ko.
Umaga na pala.
Nilingon ko ang katabi kong si Jayden pero nakita kong wala na siya doon. Ang OA pero kinabahan agad ako. Was it all just a dream? Ilang araw ba akong nakatulog?
Gumalaw ako at naramdaman ko ang hapdi down there. Kinagat ko ang labi ko at dahan-dahang umupo. It was not a dream. Nakumpirma ko ito nang binuksan ni Jayden ang pintuan. Topless siya at naka jeans.
Ulam na agad! HAHA
Nakita kong may dala siyang tray.
"Breakfast in bed." Kumindat siya at nilapag iyon sa table malapit sa higaan ko.
"Good morning!" Bati niya sabay halik sa pisngi ko.
"Good morning..."
Tumaas ang kilay niya at humalakhak siya.
"Napagod ba kita kagabi?"
Uminit ang pisngi ko, "Mejo." Natawa rin ako.
Pinagtabi ko ang dalawang tuhod ko. Tumaas ang isang kilay niya at nakita kong ngumisi siya.
"Ayaw mo na? Or you're playing hard to get again?" He chuckled.
"Of course, gusto ko!" Agad kong sinabi.
He chuckled again. Tumindig ang balahibo ko nang tumabi siya sakin at kinuha ang isang plato na may bacon, rice at sunny side up egg.
"Kumain na tayo, pagkatapos nito, magtoothbrush tapos pumunta na agad tayo sa huwes."
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya, "Hindi man lang tayo maliligo o di kaya magbibihis?"
Ni head to foot niya ako at sumimangot siya.
"Of course, dapat kang mag bihis ng shorts o kahit ano, Cha. Hindi pwedeng magpapanty ka lang dun."
"Hindi talaga tayo maliligo?"
Umiling siya, "Nope. First things first. Kasal muna, pagbalik natin dito, sabay na tayong maligo." He winked.
Naramdaman ko agad ang init sa kalooblooban ko. Buti na lang at seryoso si Jayden sa sinasabi niyang pagmamadali namin papuntang huwes. Baka maantala ang kasal namin pag ako ang magdedesisyon. Parang mas feel kong manatili na lang sa condo at mag cuddle kasama siya. Cuddle na mauuwi sa make-out session. Make out session na mauuwi sa paliguan. Damn!
Naka short-shorts lang ako, floral top, gladiator sandals. Siya naman ay naka jeans lang, black v-neck t-shirt. He still so gorgeous! Sa bagay, kahit naman walang damit yan ay nakakapanlimot parin ng pangalan.
Napa head to foot ang huwes nang nagpunta na lang kaming bigla sa opisina niya.
Siniko ko si Jayden at ginapang ako ng kaba habang masusi niya kaming tinignan.
"Jayden, he's probably cancelling our wedding. I mean, wala tayong witnesses today, and also, I don't think shorts is a proper attire. Napirmahan na ba ni Daddy yung consent? Ni hindi pa tayo nakakapagseminar about sa mga chuchu? Yung about sa marraige, family planning at kung anu-ano pa-"
"Relax, Cha." Hinawakan niya ang baywang ko.
Nakita kong tumaas ang kilay ng huwes sabay tingin sakin.
"Jayden Corpuz, sir." Sabay lahad ng kamay ni Jayden sa kanya.
Tumango siya.
"I see you're marrying a Rama." He gave us a smug smile.
Tumango si Jayden at hinila ang ulo ko palapit sa labi niya saka ako hinalikan. "Yes, po."
Tumango ulit ang huwes at wala ng sinabi pa. Sinimulan niya na ang proseso, yung signing, agad-agad. Pero nasa utak ko parin ang mga witness, ang seminars at lahat lahat na.
"Did you pay for everything?" Tanong ko pagkatapos.
Parang walang nangyari. Pinirmahan ko lang ang dapat kong pirmahan at ganun din yung kanya.
"Of course!" Masungit niyang sinabi. "Kahit sa church wedding natin, ako lahat ang gagastos. I won't give your father a headache." Sabay halik niya ulit sakin.
"Hindi naman si Dad. Pwede naman nating paghatian. May naipon din naman ako-"
"No, Charity. You're my wife. You're the love of my life. And your husband is Jayden Corpuz, hindi ko hahayaang gumastos ka as long as kaya ko pa."
Ngumuso ako. I think I'm the luckiest girl.
Hinila niya ang kamay ko papasok sa sasakyan niya.
"Where are we going now?" Tanong ko.
"Sa bahay ninyo." Aniya.
Napalunok ako. Hindi ko alam kung anong meron but I can practically see my cousins laughing at me. Finally, Charity Rama will be choked to death because of a man. Yikes! But it's not like that with Jayden. Kahit na nakatali ako sa kanya, hindi ko nararamdamang wala akong freedom. I loved the feeling of being with him. At hindi ako kailanman magsasawa.
Kumunot ang noo niya, "Why are you so nervous?"
"Eh kasi... Nandyan na naman si daddy, si mommy, mga pinsan ko, marami pang iba."
Mas lalo siyang sumimangot.
"Ikinakahiya mo ba ako?" Tanong niya.
"What? NO!" Agad kong sinabi.
"Then why are you nervous?" Umirap siya.
Nagsusungit na naman. Ngumisi na lang ako ng palihim. Kahit na baliw na baliw ako sa kanya ay big deal parin sa kanya na baka ayaw ko sa kanya.
"FVCK IT! WALANG BRIDAL SHOWER? ANO BA YAN!" Sigaw sakin ni Lyka nang sinalubong kami sa double doors naming pintuan sa bahay.
Nandoon nga ang lahat. Mabilis akong nakapasok, si Jayden naman ay nagpahuli, dramatic entrance. Nagtitipon silang lahat at may nakita akong lechon sa mesang nasa sala na namin. Ang daming handa. But it was intimate. Just my family and some close friends.
"Ang possessive naman kasi... Baka hindi na pwedeng mag bar." Pabulong na sinabi ni Erica.
Tumawa ako nang pinalibutan ako nilang lahat. Nilingon ko si Jayden na sinalubong ni daddy, mommy at ng mga tito at tita ko.
"Hey, it's okay, I can loosen my grip." He chuckled.
Uminit ang pisngi ni Erica nang narealize na narinig ang sinabi niya ni Jayden.
"Pero dapat nandun ako." Mas lalong tumawa si Jayden bago bumaling ulit sa tito kong nagpapakilala.
Umirap na lang ako sa pagngiwi nila.
"No damn boys for you, Cha." Tumawa si CJ.
Nilapit ko ang mukha ko sa kanilang lahat at sinenyasan silang lumapit sakin.
"Pwede ko naman siyang kumbinsihin na lumabas tayo na tayo lang-" Bulong kong pinutol agad ni Lyka.
"Nahh... He'll just stalk."
"No! Mature si Jayden, he'll trust me." Kumindat ako.
Nakita ko ang pagdadalawang isip nila sa sinabi ko. Humalukipkip si Erica at pinagmasdan si Jayden ng mabuti.
"Mukha naman. I think he's mature enough to handle that. Okay. When and where? We should hire some... macho boys!"
"WHAT?" Laglag pangang tanong ni Lyka.
"Ano ka ba! Bawal pa virgin dito! It's a bridal shower for God's sake! Anong gagawin natin? Mag fi-field trip sa zoo?"
Agad akong naexcite sa plano ni Erica. I want that. Syempre, ang bonding ang gusto ko. Fun. Hinding hindi ako mag chi-cheat kay Jayden.
Nilingon ko si Jayden na ngayon ay masinsinang kinakausap na ni daddy.
"So when are you taking her to Manila?"
"Siguro po by Friday. Nakabook na po ako para saming dalawa. We'll be staying there for probably a week. Next month ko na naplano ang church wedding, dito sa Cebu."
"Okay lang ba sa pamilya mo na sa Cebu kayo magpakasal?"
"Opo. I don't think they'll mind. Dito kami nag kakilala, so I think mas magandang dito rin kami ikasal." Sumulyap si Jayden sakin at tinignan ako ng madilim.
Ngumuso ako. He's still in his mood swing. Ang sungit ng asawa ko. Pero kahit ganun siya at masungit siya ngayon, hindi ko parin matanggal ang ngisi ko.
"Oh! I heard that! Pupunta daw kami ng Manila sa Sabado para i meet ko ang parents ni Jayden."
WHAT? Did I just say that? Meet the parents? Nabunutan ako ng tinik at di na naipagpatuloy ang sinasabi ko dahil sa kaba.
"WHOA! Mukhang masaya 'to! Let's book a flight, too!" Sabay yugyog ni Erica kay Lyka. "It'll be a blast! Doon natin gawin ang bridal shower! Sa Manila!"
Ngumisi si Lyka.
"Good idea!"
Now we're all hyped up about the plans. I'm excited. Kinakabahan din dahil sa meet the parents part. But I'm pretty sure it's going to be okay. Jayden's with me... kaya okay ang lahat. Tinignan ko ang dalawang singsing sa kamay ko. Isang plane circlet at isang may diamond sa gitna. Magiging tatlo na ito sa church wedding namin. I can't wait!
"Isama natin sina Angel. Isa pa, nandoon si A. Kaya mas lalong gaganda." Sabi ni Lyka.
"Pati na rin mga kaibigan natin para mas masaya." Sabi ni CJ.
"Cha, chill ka lang diyan at kami ng bahala sa Bridal Shower na ito. Wa'g mo nang alalahanin."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top