Chapter 30
Chapter 30
Ang Chocolates
Mahimbing ang tulog ni Jayden sa gabing iyon. Ako naman, puyat na puyat dahil sa kamay niyang nakapatong sa tiyan ko.
Kaya naman, kinaumagahan ay tanghali na ako gumising. Nilingon ko agad ang katabi ko at nakitang wala na siya roon. Busy talaga siya. Mamaya na rin kasi iyong party ng staff. Tapos may bukas pa.
Dahan-dahan akong bumangon saka hinawi ang buhok ko nang biglang bumukas ang pintuan ng kwarto.
"Gising ka na pala." Bumuntong hininga siya at nagmadaling pumasok sa loob.
Naka longsleeve na puti siyang ni-fold niya hanggang siko. Napatingin ako sa relo at nakita kong alas diyez na pala ng umaga.
"B-Ba't di mo ako ginising?" Tanong ko.
"I want you to rest." Aniya habang hinahalungkat ang mga kubyertos sa kitchen.
Kumunot ang noo ko at tumayo sa pagkakaupo sa kama.
"Tapos na akong mag breakfast kaya magbreakfast ka na rin." Aniya habang nilalapag ang mga pagkain sa mesa.
"B-Bakit mo ako pinaghahanda?" Tanong ko at nilapitan ang mesa.
Nagkasalubong ang kilay niya at tinitigan ako ng matalim, "Masama ba?"
"Pero may trabaho ka pa. Naiinitindihan ko naman kung hindi mo ako mapapakain."
"Hindi ko maiintindihan iyon. Kung mahal ko, pagsisilbihan ko. Walang trabahong mauuna." Malamig niyang sinabi.
Ngumuso ako. Bakit kahit malamig ang tono niya ay napapangiti ako sa mga sinabi niya?
"Okay." Sabi ko sabay upo sa upuan at hinarap ang mga pagkain.
"Eat well. Balik lang ako sa trabaho." Aniya. "And... magtrabaho ka na rin. Nakakaantok mag isa sa opisina." Ngumisi siya sakin.
"Alright." Sabi ko nang nag iiwas ng tingin.
I still don't know how to react when he's being sweet.
Kaya pagkatapos kong kumain, maligo at magbihis ay dumiretso na ako sa opisina niya. Hindi naman pala siya mag isa dito, andito ang mga supervisors, si Christian, si Wesley at marami pang iba.
Nagmemeeting ata sila. Bahagya siyang natigilan sa pagsasalita noong pumasok ako. Hinawi ko ang buhok ko saka dumiretso na lang sa table ko. Hindi ko na lang sila pinansin.
Umupo ako sa swivel chair ko saka tinignan ang mga files na nakatambak sa mesa ko.
"Okay, meeting adjourned." Biglang sabi ni Jayden sa mga kasama niya.
"Pero sir... Talaga bang wala ka tomorrow?" Tanong ni Tina.
"Yep."
Napatingin ako sa kanya. Wala siya bukas?
"Uuwi kami ni Cha sa Cebu City. Kayo na muna bahala dito."
"But why?"
Ngumisi si Jayden, "May pag uusapan lang kami ni Mayor Rama."
Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya. Nagtindigan ang balahibo ko nang seryoso niya akong tinignan.
"WHOA? Sir, totohanan na ba yan?" May narinig akong nagsabi noon.
Nagsunod-sunod ang bulung-bulungan ng mga tao. Nakita ko ring lumingon si Christian at umiiling sakin. Hindi na ako nagbigay ng comment. Mas lalo ko na lang inilubog ang sarili ko sa swivel chair at hinarap ang maraming papeles.
"Wow, Cha! Ang swerte mo!" Dinig kong sinabi ni Nicole.
Hinintay kong maubos silang lahat doon bago ko binalingan ng matatalim na titig si Jayden.
"What did you just say?" Tanong ko.
Bumuntong-hininga siya, "I'll meet your dad, Cha."
"WHY?" Agad kong tanong.
"Of course, hihingin ko ang kamay mo- I mean, manliligaw ako sayo!"
Kahit kailan, wala pang na meet si daddy sa mga naging boyfriend ko. I just didn't like it. Mayroong gusto siyang ma meet pero hindi ko pinapayagan. Meron ding kilala niya pero hindi kailanman nakatapak sa bahay para ipakilala ang sarili niya as boyfriend ko. Si Jayden pa lang!
Napalunok ako sa sinabi niya.
Dad will think that I'm getting serious this time... Kinakabahan ako. Hindi dahil natatakot ako kundi dahil sa sobrang excitement.
"Sana magpakasal ka na lang sa isang matinong lalaki kesa mag party ka gabi-gabi." This has always been his line.
Ayaw niya akong lumalabas gabi-gabi. Ayaw niya sa freedom na binigay niya sakin. Ayaw niya sa pagiging uhaw ko sa freedom. Gusto niyang matali na lang ako nang sa ganun ay wala na siyang aalahanin.
At ngayong may matinong lalaking haharap sa kanya. I know he'll be more than happy na ipamigay ako.
"Kailangan pa bang humarap kay Dad? Pwede naman sigurong saka na." Sabi ko.
Umiling siya, "Napostpone niya na yung mga meeting niya para bukas ng dinner."
Nanlaki ang mga ata ko sa sinabi niya.
"How come? W-What?"
"Nag pa set ako ng appointment sa secretary niya."
"Hindi siya basta-basta nag se-set ng appointments. He's the mayor. He's busy. Sobrang busy. Paano mo nagawa iyon?"
"I told him I'll marry his daughter so I need to see him as soon as possible. Kaya siya ang nag set ng date bukas."
"WHAAAT?"
Halos mapunit na siguro ang mukha ni Daddy sa kakangisi ngayon. Finally, his Charity will have a man!
Halos malaglag ako sa upuan ko nang tinitigan ko ang seryosong mukha ni Jayden.
"Ayaw mo ba talagang pakasalan ako?" Tanong niya nang nanliliit ang mga mata.
May dinampot pa siya sa ilalim ng mesa niya at nakita ko ang isang malaking box ng tanyag na chocolate: Ferrero Rocher.
Tumayo siya at lumapit sa table ko dala-dala iyon.
"Niyayaya mo na naman ba ako?" Tanong ko.
"Hindi. Kasi kung niyaya kita ulit, hindi ganyan ang isasagot mo." Umirap siya.
Ang sungit talaga ng isang ito.
"By the way, eat all of these ah?"
Napatingin ako sa mga chocolate. Ito na yata yung pinakamalaking box ng Ferrero.
"Huh? Ayoko nga. I'll get fat. Ayokong tumaba."
Nagdilim ang titig niya, "Bakit? Sino pa bang pinapasexyhan mo eh wala na naman, ah? Mahal na kita kahit anong mangyari kaya tumaba ka man, wala akong pakealam."
"Anong sasabihin ng iba? Magmumukha na lang akong balyena bigla? Ayoko nga. I'm the sexy Charity Rama, I just can'r give this image up just because of these chocolates."
"You're giving up your image because of me."
Ngumuso ako, "You don't love me for me, Jayden. Hindi mo ba talaga matatanggap ang buong pagkatao ko?"
"Tanggap ko, Cha. I just need to know that I'm part of you. I need to feel it... I need your name marked mine. I want you to include me in your image, in your life." Aniya sabay tulak sa chocolates.
"Kailangan ba talagang tumaba ako?" Tanong ko.
"You won't get fat with me, Charity."
"Hindi? Eh pinaghahanda mo ako araw-araw, 3 times a day, tapos pinapakain pa ng chocolates na ganito ka rami? I'm not bulimic, Jayden. Buti sana kung pagkatapos kong kumain ay isusuka kong lahat ng ito."
"No... You still won't get fat."
Ngumisi siya. Yung tipong ngisi na nararamdaman kong may masamang binabalak. Kahit ganun ay mas lalo ko tuloy siyang gustong hagkan. WHY? Why, Jayden? Why are you so handsome?
"Pagpapawisan ka gabi-gabi kaya mababawi mo rin yan. So if I were you, bibilisan ko na ang pagsagot sa suitor kong si Jayden Corpuz, para hindi na tumaba at laging pagpawisan twing gabi."
Nag iwas ako ng tingin. Narinig ko ang halakhak niya.
"God, Jayden. What are you talking about?" Nag iwas ako ng tingin.
Alam ko. Noon ay hindi naman talaga ako uncomfortable pag pinag uusapan ang mga ganito, pero ngayong siya na ang nagsasalita ay nahihiya na ako. Pakiramdam ko may makakarinig.
Hindi natanggal sa utak ko ang mga sinabi niya. Hanggang sa nag party na ang staff.
Maraming single kaya madalas na game ay by pairs. Ang saya. Hindi mapawi ang ngiti at tawa ko sa banana eating contest, hanapan ng pin, at marami pang pair games. Pero kahit kailan ay hindi ako nasasali. Nakakabanas nga, eh, kasi muntik na akong masali pero palagi akong tinatanggihan ng emcee.
Nakasalikop ang kamay ni Jayden sa presidential table, katabi si Chase Martin at Eliana habang nanonood ng game.
"Damn, I really want to join the banana eating contest." Bulong ko sa sarili ko.
"Hmm? Mukha atang hindi ka pinapasali ng possessive mong Manager." Sabi ni Christian sakin.
"Huh?"
"Kanina pa nga ako tinitignan niyan. Kaya hindi kita yayayain. Katabi pa naman niya si Mr. Castillo, mamaya masibak pa ako dito. Kailangan ko pa naman ang experience dito para matanggap sa Resorts World."
Tumayo ako nang nakita ang mga matang lawin ni Jayden na nakatitig kay Christian habang nakikipag usap kay Chase.
"I want to join!" Sabi ko sa emcee sabay kuha ng saging.
Natatawang pinag agawan ako ng tatlong staff na lalaki. Pumili ako ng mejo presentable ang mukha. Nagkantyawan pa sila sa isa't-isa at pinuri ang pinili ko.
"Go na!" Sabi ko dahil nakikita kong nakatayo si Jayden at umaambang pipigilan ako.
"O-Okay! Ready participants? Ang mananalo nito ay makakatanggap ng blender each!"
FOR THE BLENDER, CHARITY! Halos humagalpak ako sa tawa nang nalaman ko kung anong prize.
"Ready, gooooo!" Umalingawngaw ang boses ng emcee at agad ko ng binuksan ang saging gamit ang bibig ko.
"Hey, hey, hey!" Mas lalong umalingawngaw ang boses ni Jayden.
Napalingon ako sa kanya at nakita kong nakangisi si Tina sa gilid niya. Pinagmamasdan nito ang mga kamay nila ni Jayden na magkahawak at papalapit sakin.
"Oh? Nakahanap na ba siya ng iba? O baka naman pagseselosin niya ako through Tina?" Bulong ko sa sarili ko.
Pero nagkamali ako.
Tinabi niya si Tina sakin. Umalingawngaw ang tawa at palakpak ni Chase sa presidential table sa harap.
"You want the blender? I'll give you dozens, Cha. Just don't join the damn game! Tina!"
"Sir?" Mabilisang sagot ni Tina.
"Sub kay Charity."
Hinila niya ang saging na kinagatan ko na at tinitigan ang lalaking kapares ko.
"Wa'g ka ngang mag skandalo." Sabi ko sabay tulak kay Jayden.
Imbes na hawiin niya ang kamay ko ay hinawakan niya ito.
"Continue the game without her."
Kinagat niya ang saging na may kagat ko na.
"And you really are making me too damn jealous, Charity. You know what will happen next right?" Bulong niya sa tainga ko.
Yes, I know... OMG! Mukhang tunay yatang mababawi ko yung kinain kong chocolate kanina.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top