Chapter 3

Chapter 3

Ang Ulam

Maagang maaga akong nagising sa sumunod na araw. Nakangisi akong pinapakinggan ang favorite song ko. Kumakanta at sumasayaw pa ako habang nag luluto ng sunny side up at hotdogs.

"Thank you for making my heart beat again, heart beat again, heart beat again..."

Kumembot at gumiling pa ako habang pinalalaruan ang buhok.

"No... I'm never letting this go, I'm stuck on you..."

Nag pose pa ako sa harap ng niluluto ko. Hindi naman talaga ako magaling na cook. Marunong akong pumrito ng breakfast. Pero useless kasi madalas, hindi ako nag bi-breakfast.

*Kriiiiing!*

"Hello, couz, brunch?" Dinig ko sa background ni CJ ang ibang pinsan ko. "Ihahatid namin si A ngayon sa Mactan pa Manila. Sama ka?"

"Ermm... I'm busy." Ngumisi ako.

Ilang sandali siyang natahimik.

"Huh? Kailan ka pa naging busy tuwing brunch? Diba lagi mong iniisip kung anong damit ang sosootin mo?"

"Hmmm, not this time, Ceej. I'm really busy. Bye."

Binabaan ko siya ng cellphone at nagpatuloy sa ginagawang pagluluto. Napangiti ako at sinulyapan yung t-shirt nung lalaki. Ano kaya ang pangalan niya? Hmmm.

"Luto na 'to." Sabi ko sa sarili ko.

Nilagay ko na ang mga iyon sa lalagyan. Ibibigay ko kasi ito kay Mr. Neighbor.

Hindi ko na nilabhan yung damit ni Mr. Neighbor. Alam niyo na, para ma preserve ang kung ano mang nilagay niya dun. Hindi ko iyon ibabalik sa kanya, no! Ilalagay ko lang yun dito para palamuti sa condo ko. Sarap pang amoy-amuyin. Itatanong ko rin dapat sa kanya kung ano yung perfume na ginagamit niya para mabili ko.

Kumatok ako sa unit niya at ngumisi. Dala-dala ko ngayon yung niluto ko. May kasamang french bread pa ito sa loob. Excited ako sa magiging reaksyon niya.

Medyo matagal niyang binuksan ang pintuan. Naka ilang katok pa ako. Siguro ay natutulog pa iyon.

"Yes?" Aniya pagkabukas niya sa pintuan.

Nalaglag ang panga ko nang nakitang naka boxers lang siya. Checkered navy blue boxers.

He snapped his hands at me.

"What do you want?"

Bumaling ako sa mga mata niyang nanliliit.

Ngumisi ako at ipinakita ang lalagyan ng breakfast niya, "Cooked you some breakfast, mister?"

Sumimangot siya, "I don't do breakfast, sorry." Umamba siyang isasarado ang pintuan pero pinigilan ko iyon.

"Kahit ngayong umaga lang." Mapilit kong sinabi kasama ang matamis na ngiti.

"No, Trisha, sorry."

Pinagsarhan niya agad ako ng pinto bago pa ako nakaangal. Pero imbes na panghinaan ako ng loob at hayaan siya sa kasupladuhan niya, mas lalong na challenge ako. Pinagtimpla ko rin siya ng kape.

Pagkatapos ko siyang pinagtimpla ay kumatok ulit ako sa condo niya. Ilang sandali ay binuksan niya ito. Ngayon ay nakatuwalya na siya at basang-basa. Kakagaling yata ng shower.

"What do you want, Trisha?" Suminghap siya nang nakitang ako ulit.

"May dala na akong kape. Pero dinala ko parin yung breakfast. Kahit ngayon lang. I just wanna thank you for saving me-"

"I didn't save you, Trisha. Ginawa ko lang yung tama. It's not something special." Tinignan niya ang mga dala ko.

Ngumiti ako at ipinakita pa ito lalo sa kanya.

"Sana sinoli mo na lang yung t-shirt ko instead of bringing me some tasteless coffee."

"This isn't tasteless. Gusto mong tikman? Mahilig yung daddy ko sa kape kaya magaling akong mag timpla. You might wanna try it. It tastes good. Promise!" Kumindat ako at humakbang papasok sa loob.

"Wait... what the..."

Dumiretso na ako sa dining table niya at nilapag doon ang mga dala ko.

"Ang ganda ng condo mo. Clean." Tumango ako at tinignan ang paligid.

Brown, white and black ang tema ng furniture niya. Kaya lang, wala masyadong decors.

Yung isang frame na kulay brown naka sabit sa taas ng flatscreen, isang kulay itim na TV table, kulay itim na sofa, kulay brown na throw pillows, kulay black din na dining table... Yun lang. Kulang sa arte. Haaay, men!

"You're tresspassing, Trisha." Malamig niyang sinabi sakin nang nakahalukipkip.

"No, I'm not. I own this city... this belongs to me." Ngumisi ako at nag peace sign, "Kidding."

Kumunot ang noo niya, "You're the mayor's daughter?"

Ngumuso ako, "Yup! Charity T. Rama. Chacha or Cha for short." Naglahad ako ng kamay.

Tinitigan niya ang kamay ko na parang nandidiri.

"I have no time for spoiled brats here, Trisha."

"I said, my name's Cha. Not Trisha."

"Tatawagin kita sa pangalang gusto kong itawag sayo. And besides, I'm not planning to communicate with you kaya maaring hindi ko na kailangang malaman ang buong pangalan mo." Naglahad siya ng kamay sa pintuan. "The door is open."

Ngumuso ako at humalukipkip.

"Why are you so mad at me? Bakit parang may nagawa ako sayong masama-"

"Don't think your special, Trisha. Ganito talaga ako magtrato ng babae. Buti pa, umalis ka na." Tinuro niya ulit ang pintuan.

Try me, baby. I won't wave the white flag.

"Are you gay or something?"

Mas lalong kumunot ang noo niya.

He's so damn gorgeous. Big loss kung gay siya. Pero kung gay siya, gagawin ko talaga siyang straight.

"WHAT? Please, just get out!"

Tumaas ang kilay ko.

"You're a closet gay, mister."

"No, I'm not."

"It's okay... Don't deny it. Marami akong kaibigang ganyan. I understand." Mas lalo kong tinaas ang kilay ko.

"No, I'm not."

"Gay." Ngumisi ako.

"Just get out, Trisha."

"From now on, you're name's Gay." Tumawa ako.

Sinugod niya ako sa sobrang galit niya at hinigit ako sa kinatatayuan ko.

"My name's Jayden, Trisha. Stop calling me Gay!"

Ohhh! Gotcha! That's the art, there... Nasabi niya ang pangalan niya dahil sa lame remark ko. Jayden. Beautiful name for a beautiful man.

"You're calling me Trisha. Kaya pwede rin kitang tawaging Gay."

Nag pumiglas ako sa pag higit niya kaya natagalan siyang ipalabas ako sa condo unit niya. Mas lalong humigpit ang pagkakahawak niya sa braso ko dahil sa sinabi ko.

"Gusto mong subukan, tignan natin kung Gay ba talaga ako?"

Nanlaki ang mga mata ko.

"You stupid girl!" Tinulak niya ako palabas ng condo niya.

Umiling siya nang hinawakan ko ang doorknob ng pintuan niya.

"Stop being such a temptation. Kung sisigaw at iiyak ka naman pala kung may pumilit sayo, then stop being so... like that and stop wearing clothes like that! At... isa pa, tumawag ka na ba sa mga abogado mo? Nireport mo na ba yung rapist? Mag fa-file ka ba ng kaso?" Itinuro niya ang short-shorts ko. "Anyway, nevermind, get out of my condo."

Padabog niyang sinarado ang pintuan.

Ilang sandali pa ako tumunganga sa labas ng pintuan niya. Buong buhay ko, wala pang nagsasabi saking hindi maganda yung mga sinusoot ko. Yes, I love dressing up. Siguro iyon ang dahilan kung bakit aprobado ng mga tao lahat ng sinusoot ko, pero ngayon lang talaga may sumita sa pagiging revealing ng mga damit ko.

Kahit masungit siya, he's concerned. Kahit lagi siyang naiinis sakin nararamdaman ko parin ang pagiging gentleman niya. Oh no! Am I going crazy? Anong problema ko at pursigido talaga ako kay Jayden?

Nidial ko agad ang numero ni CJ.

"Yes, hello, changed your mind?" Pambungad niyang tanong.

"Ceej, may kilala ka bang Jayden? May kapitbahay kasi ako ditong Jayden ang pangalan. Can you... investigate or something please?"

"Huh? Ano yan? Sino yan? Wait? Kapitbahay? May sinabi si Chase sakin tungkol sa kaibigan niyang galing Singapore. Bakit? Anong ginawa sayo?"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top