Chapter 29

Chapter 29

Ang Basted

"WHY?" Agad kong tanong pagkatapos niyang ibulalas sa harapan ko ang alok niya.

Yes, I love Jayden so much! Pero hindi ako basta-bastang sasagot niyan. I still feel unstable.

"You want assurance, right? Then I give you my name. I give you my world. I give you my heart." Aniya nang nakaluhod parin.

Nakita ko sa mga mata niya ang sinseridad. Gusto niyang mapawi ang insecurities ko kaya niya ito ginagawa. Hindi niya na ako niligawan. Mabilisan niya na lang na sinabi ito para agad ko siyang sagutin dahil alam niya kung anong isasagot ko rito. Madaya. Alam niyang mahal ko siya kaya pipikutin niya na lang ako basta-basta.

Binaba ko ang bouquet. Nakita kong namutla siya dahil sa ginawa ko. Kinagat ko ang labi ko. Ang lakas lakas ng pintig ng puso ko.

"This is ridiculous, Jayden. Why here?" Sabay turo ko sa place na pinangyarihan. "Wala man lang candles? Wala man lang magandang view? Just, why here? Basta-basta na lang ba ako? Bakit? Noong nanligaw ka kay Trisha, saan mo siya dinala? Na i-surpresa mo ba siya ng kahit ano-"

Mas lalo siyang namutla sa sinabi ko.

"S-Stop comparing yourself, Charity! Hindi ko siya niyayang magpakasal, ikaw lang! Can't you see, I'm serious!" Giit niya.

Yumuko ako at dahan-dahang umiling.

"No."

"What?"

"I said, no, Jayden, I'm not marrying you."

Pumihit ako at dumiretso sa pintuan. Iniwan ko siya doong nakaluhod at nakatunganga.

Agad kong pinagsisihan ang ginawa ko sa kanya. Damn it, Charity! Mahal mo yung tao pero tinanggihan mo? It's because, I just can't marry him kahit hindi pa nawawala ang issues naming dalawa.

Kaya imbis na makisalamuha kay Jayden ay binusog ko na lang ang sarili ko sa tanawin ng Bantayan. Nang gumabi ay dumiretso ako sa kwarto dahil alam kong nandoon pa siya sa opisina at maraming ginagawa.

Humiga ako sa kama at agad nag flashback sa utak ko ang lahat ng nangyari kanina. Jayden on bended knees habang ipinapakita sakin ang isang singsing na may diamond sa gitna. Kailan niya iyon inorder? Imposibleng kanina lang. Ibig sabihin, mejo matagal-tagal na? O baka naman sa Cebu niya pa iyon pinlano?

Baka napressure ko siya dahil sa mga sinabi ko sa kanya noong umaga? Mabilis akong nakatulog at nagising ako ng madaling araw.

Nilingon ko ang gilid ko at nakita kong wala parin si Jayden doon. He's still working? O baka naman sinasadya niyang hindi umuwi dito sakin?

Tumayo ako para puntahan siya sa opisina. Dahan-dahan ang lakad ko nang palapit na ako doon. Kumatok muna ako bago binuksan ang pinto.

Bumungad sakin ang nakasandal niyang batok sa swivel chair. Tulog na si Jayden.

Lumapit ako sa kanya. Kaharap niya parin ang kanyang laptop. Mukhang hindi niya pa ito napapatay. Siguro sa kalagitnaan ng pagtatrabaho niya ay nakatulog siya.

Ginalaw ko ang mouse para tignan kung anong ginawa niya kanina. Nanlaki ang mga mata ko nang nakita kong nakikipagchat siya doon.

Trisha Roncesvalles Salazar. Iyon ang pangalan ng ka-chat niya. Napalunok ako at sinulyapan ang mahimbing na dragong natutulog. Sapo ko ang dibdib ko habang ini-scroll ang mga pinag-usapan nila. He's still in contact with her. May communication. Alam ba ito ng asawa niya?

Hindi na ako humihinga habang pinagmamasdan iyon. Nakita ko ring background ng pag cha-chat nila ay ang profile ko sa Facebook. Ang tagal ko nang hindi nag oonline. Kaya naman outdated na ang mga pictures ko. Profile Picture ko pa iyong Status Party last March. Hindi ko pa nakikilala si Jayden niyan.

Iniscroll ko muli ang chat nilang dalawa.

Trisha: How was it?

Jayden: Basted.

Trisha: WHAT?

Jayden: On bended knees akong inalok siyang magpakasal, still, it didn't work.

Trisha: Sabi ko naman sayo, we girls are the same. Kahit na mahal ka niyan, gusto parin niya ng dahan-dahan. Gusto parin niyang ligawan mo muna siya.

Jayden: But I wanna marry her...

SHIT! Halos hampasin ko ang mesa sa harapan niya. Tinakpan ko na lang ang nakanganga kong bibig habang pinagpatuloy ang pagbabasa.

Trisha: Tinamaan ka talaga yata. Haha! Niligawan mo ako noon, hindi inalok ng kasal. Ang galing!

Jayden: I know. Minsan kasi masyado siyang nahuhumaling sa pagiging malaya. Wala siyang pakealam kung sinong masaktan niya, ang importante masaya siya at nagsasayaw sa bar. I hate it, Trish.

Trisha: Sabi ni Troy dapat daw yatang imbes na yayain mo siya mag pakasal, pikutin mo tsaka samahan mo na lang tuwing nag ba-bar. Haha!

Jayden: I'm doing that all the time.

Trisha: She's probably really hurt then. I'm sorry, Jayden.

Jayden: Kasalanan ko. Pero hindi ko siya mabitawan. Can't just let her go.

Trisha: Mahal mo, eh

Hindi na nakasagot si Jayden. Gumalaw siya ng bahagya kaya napatalon ako at halos tumakbo palabas ng opisina, pero bago ko iyon nagawa...

"Cha!" Malamig niyang utas.

Lumayo ako sa kanya. Ang lakas ng pintig ng puso ko. Kaya ayan at hindi ko siya matignan ng diretso.

Sumulyap siya sa laptop niyang pinakealaman ko.

"I-I'm just checking on you. H-Hindi ka kasi natulog sa suite."

Kinusot niya ang mga mata niya saka ako tinignan ng madilim.

"You don't want me there." He said a matter of factly.

Pinisil ko ang mga daliri ko.

"B-But it's your suite."

"It's yours now, too."

Sinulyapan niya ang laptop niya saka ako tinignang muli. Pinagsalikop niya ang mga daliri niya.

"So... Nakita mo yung mga ginagawa ko dito sa computer ko?"

"Hindi." I lied.

Suminghap siya at tumayo.

"Do you want me in our room?" Tanong niya.

Napaatras ako.

"Uhm..."

"If you want me in our room, then I'll sleep with you." Aniya.

"Bakit mo naman nasabing ayaw ko?"

"Binasted mo ang proposal ko. Bakit ko naman iisiping gusto mo ako?" Masungit niyang sinabi.

It's because I want to feel your love slowly. I want assurance bago kita sagutin.

"What do you want, Cha? How can I make you love me again? How can I make you marry me?"

Tumindig ang balahibo ko sa mga tanong niya. Hinaplos niya ang baba ko at itinaas ito para mahuli ang mata ko.

Napapikit ako sa lambot ng paghaplos niya sa pisngi ko.

"Coz I think this love is extreme, Charity. Kahit anong balikwas mo sa akin, pipilitin ko paring pumasok sa puso mo ulit.

Binigyan ko ng lakas ang nangangatog kong mga binti. Parang kulang na lang ay tumalon ako at hagkan siya. I just wanna hug him... Napawi lahat ng pagdududa ko. Napawi lahat ng insecurities ko. Ni hindi ko na maintindihan kung ano iyong rason ko kanina at tinanggihan ko siya. Nakalimutan ko lahat.

Cha, invest more on your self. Invest more on the people tht matter. You shouldn't settle with him, sinaktan ka niya at sasaktan ka pa niya kung may pagkakataon siya. Ikukulong ka niya sa mga palad niya, you won't have your freedom anymore. You will be jailed in his arms. Magiging miserable ka lang kasi masasaktan ka ng lalaking yan. He has that power. The power to ruin you... into more pieces you were ever broken.

I didn't like that.

Lagi akong in control sa feelings ko noon. Lagi kong napipigilan. Or maybe, wala lang talagang nakapagpatibok sa puso ko tulad ng ginagawa ng lalaking nasa harapan ko?

Napatingin ako sa mga mata niya. His eyes were sorrowful. Nahihirapan din siya. Alam kong hindi niya rin alam kung anong dapat niyang gawin. Natunaw lahat ng mga ipinangako ko sa sarili ko. Nabiyak ang lahat ng plano kong mag re-evaluate ng mga tao sa buhay ko. Because Jayden will be the only exception. Hindi ko na siya kailangang i-evaluate. Babalikan at babalikan ko siya kahit na ano man ang kasalanan niya. Kahit na nasaktan niya ako. He's my extreme love, too.

Humugot siya ng mas malalim na hininga at hinawakan ang kamay ko.

"Let's go to our room."

Marahan niya akong hinigit. Hindi ko na kayang pumiglas. Nagpatianod na lang ako sa paghila niya.

Nang nakarating na kami sa loob, umupo siya agad sa kama at binuksan ang mga butones ng polo niya.

Umupo din ako sa kama naming dalawa tsaka dahan dahang gumapang sa kama. Matitindi ang pagbubuntong-hininga niya. Para bang ang laki-laki ng pasan niyang problema.

"Ang sakit palang tanggihan sa alok na kasal." Aniya.

"Gusto kong ligawan mo ako, Jayden." Agad kong pinikit ang mga mata ko pagkatapos ko iyong sinabi.

Humiga siya sa kama. Ngayon, hindi niya na ako hinagkan tulad ng ginawa niya kahapon.

"Kahit na pakasalan mo ako, liligawan parin kita araw-araw. Do you think kakaligtaan sa oras na kasal na tayo? Hindi. I'll make sure you'll be obsessed with me."

SHIT! Meron pa ba akong i-oobsess nito? I think I'm already so obsessed with him... pakiramdam ko illegal na nga itong pagkakaobsess ko sa kanya.

"Pero, sige, since you want me to court you, then I will. Basta ipangako mo sakin hindi mo na ulit babanggitin si Trisha. Hindi ka na maiinsecure sa kanya. Sa oras na marinig ko ulit sa tono mo na naiinsecure ka sa kanya, magtatawag na ako ng huwes o pari para ipakasal tayo."

God, anong klaseng banta iyan?

"Remember the rules, Cha. You get jealous, I'll marry you. You kiss me or make me jealous, then I'll make love to you... and I'll remind you kung sino talaga ang nagmamay-ari sayo."

"Bakit? Sino bang nag ma-may ari sakin?" Nakangisi ako sa ilalim ng kumot.

DARN IT! The feels!

"You want to know?" Naramdaman kong gumapang ang kamay niya sa tiyan ko.

Halos ma electrify ako sa sobrang kilig.

"I think... I already know."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top