Chapter 27

Chapter 27

Ang Kama

Napaawang ang bibig ko. Ang dami kong gustong sabihin pero mukhang ayaw yatang lumabas ng boses ko.

Tinulak ko na lang siya at agad na tumakbo palabas ng kwarto.

This is impossible. Just so impossible! Paano niya nalaman? Malalaman ba iyon?

Well, yes, totoo yung sinabi ni Jayden. Maaga akong nagkafirst kiss, pero hanggang doon na lang iyon. Imbes na ikama ako ay pinaiikot ko yung mga pinag uusapan namin at binibitin ko ng bongga ang mga naging boyfriend ko. Simply because I just didn't like it. Kumbaga, hindi ko sila ganoon ka mahal para ibigay ang lahat.

Nung kami naman ni Jayden, naging masyado ko ata siyang mahal kaya ganun. DARN! At alam niya? Paano?

"Hey, Cha!" Kumaway si Christian sakin.

Napatalon ako. Kumunot ang kanyang noo nang nakita ang gulat na gulat na reaksyon ko.

"May problema ka ba?" Tanong niya.

Lumingon ako sa likod ko. Hindi naman ako sinusundan ni Jayden. Kumalabog ng mabilis at malakas ang puso ko. What is wrong with you, heart?

"W-Wala." Nauutal kong sagot.

Ngumisi si Christian at itinuro sakin ang makakasama namin ngayong gabi.

Nakita ko si Nicole at isang morenong malaki ang katawan na si Wesley. Pareho silang ngumiti kahit na kitang-kita ang pahapyaw na pagbusangot ni Nicole.

"Really? o sige, tayo na." Aniya at naglakad na siya sa direksyon ng Sand and Booze.

Syempre, sumunod din ako kahit na praning ako at panay ang lingon ko sa likod. Pakiramdam ko kasi susundan kami ni Jayden.

Nagtatawanan sina Wesley, Nicole at Christian. Hindi ko na alam kung anong pinag uusapan nila. Masyado na akong napapraning sa kay Jayden.

Damn that guy! Ano kayang iniisip niya tungkol sakin ngayon? Lalo na nung sinabi ko sa kanyang marami na akong nakapiling na mga lalaki? At alam niyang hindi iyon totoo... Niloloko ko siya, oo, kasi alam ko namang iyon talaga ang iniisip ng mga tao tungkol sakin. Pero I just can't believe it! Nalaman niya yung pagiging V ko!

"Cha?" Naaninag ko ang nakakunot na noo ni Christian. "Are you really okay?"

"O-Oo."

"Talaga? Parang ang weird kasi hindi ka nagsasalita." Aniya.

Tumawa ako ng hilaw, "May iniisip lang ako."

Nanliit ang mga mata niya saka inakbayan ako. Napatingin tuloy ako sa kamay niyang nasa balikat ko.

"Lika na nga! Malapit na tayo sa Sand and Booze, oh!" Sabay turo niya sa bar sa tapat namin.

He's right! The bar was jam-packed with guests. Hindi ko alam kung makakakuha pa ba kami ng table o sa stage na lang agad kami.

Nakita ko sa harap kong inakbayan na rin ni Wesley si Nicole na mukhang tuwang-tuwa sa ginagawa nito. Double date ba ito?

Nawindang ako nang nakahanap agad ng table sina Wesley at Nicole.

"Pinareserve namin." Malaking ngiti ni Christian sakin.

Ngayon ko lang narealize na malapit pala iyong mukha niya sa mukha ko kaya iniwas ko ito sa kanya.

Umupo na agad ako sa highchair. Nag siupuan din sila at agad nag order ng hard drinks. Bacardi at Rhum Cola.

Pinagmasdan ko ang buong bar, ang daming sumasayaw at mukhang lasing na. Hindi na rin kami magkarinigan nina Wesley, Nicole, at Christian. Kaya tuwing may sasabihin si Christian ay inilalapit niya sa tainga ko ang bibig niya.

"Saya talaga dito pero iba parin ang Cebu." Aniya.

Tumango na lang ako para di ko na kailangang lumapit sa tainga niya.

Syempre, nag inuman kami. Less talks since hindi naman kami magkarinigan.

Matindi ang trance music dito, halo yung modern tsaka beach music. Parang gusto kong tumayo at sumayaw na rin.

Hindi ko na namalayan ang oras, basta ang alam ko na lang ay paubos na ang bacardi at mejo mapupungay na ang mga mata ni Nicole at Wesley. Magka holding hands na silang dalawa at nagkakatitigan. Blurred lines.

There's a thin line between tipsy and drunk. Tuwing malalasing ka, magkakaroon din ng thin blurred lines ang friendship niyo ng kasama mo. Well, as for me, bihasa ako dito. Although, nararamdaman ko ang pag alon ng sahig dahil sa alak, hindi ko parin kayang mawalan ng ulirat. I've been a party girl for years, nainkwentro ko na lahat ng ganito noon.

Sinundan ko ng tingin si Nicole at Wesley na magkaholding hands na umalis.

"Sasayaw yata." Nabigla ako sa mainit na hininga ni Christian sa tainga ko.

Naglahad siya ng kamay bago pa ako makalayo.

"Sayaw din tayo? Let's finish what we started sa Life Dance?" Aniya.

Ngumisi ako at nilagay ang kamay ko sa ibabaw ng kamay niya. I love dancing. At dahil mejo tipsy na ako, mawawala ng pagsasayaw ang bisa ng alak.

Pumikit ako nang nasa dancefloor na kami. Inaaalala ko lahat ng mga pagba-bar ko sa Cebu. Sa sobrang dalas ko sa bar, tanyag na ako doon. Ngayon, nawawalan na ako ng ganang pumunta sa mga ganito. I'm here pero yung isipan ko ay lumilipad sa apat na pader na kwarto namin ni Jayden.

Darn! I'm in love with him. At natatakot akong ako lang yung in love dito. Sana lang ay kung may nararamdaman siya para sakin, hindi iyon para lang ma tabunan iyong nararamdaman niyang sakit kay Trisha. I hope I'm not a rebound. I wish I'm his extreme love. Sana ako yung hindi niya magawang iwan, at babalik-balikan niya. How will I know that kung agad akong bibigay sa kanya? I need to make sure, this time. Kasi hanggang ngayon, ramdam ko parin yung sakit ng sampal ni Trisha sa harap niya.

Kumirot ang puso ko.

Naramdaman ko ang kamay sa baywang ko kaya napadilat ako.

Nakita kong malapit na si Christian sa mukha ko. Nakangisi siya at papapikit na ang mga mata.

"You're just so effing sexy, Cha." Aniya sabay tulak pa sakin palapit sa katawan niya.

"I know, Christian." Pero hindi ka makakascore.

Lumayo ako ng bahagya. Nakawala ako pero lumapit siya at mas lalong hinigpitan pa ang pagkakahawak sa baywang ko.

"And you are such a tease." Dagdag niya.

"Just a tease for you, man." Narinig ko ang tawa ng isang lalaki sa gilid ko.

Pero bago ako makalingon ay hinila niya na ang braso ko. Si Jayden! Gamit ang kanyang nakabusangot at gwapong mukha ay tinitigan niya si Christian. Napalingon-lingon si Christian saming dalawa.

"Oh? Ano? Hindi mo naman siya girlfriend, ah? Bakit mo siya hinihila palayo sakin?" Tanong ni Christian sabay hawak na rin sa braso ko.

GOD! Why? Silang dalawa iyong nakahawak ng mahigpit sa braso ko. Para bang hindi nila namamalayang ang hirap ng sitwasyon ko.

"Hey!" Tatanggalin ko sana iyong braso ko pero parehong humigpit ang pagkakahawak nila. "WHAT THE?"

"Bitiwan mo siya, Christian." Mainit na sinabi ni Jayden.

Pumiglas ako sa pagkakahawak ni Jayden pero hindi siya nagpatinag sakin.

"Bitiwan mo, or I'll fire you!" Galit niyang sigaw kay Christian.

"No, Christian!" Sabi ko.

Kahit na nababanas ako kay Christian, hindi ko rin nagustuhan ang panggagamit ni Jayden sa pagiging GM niya dito. Kaya lang, binitiwan ako ni Christian at galit na umiling kay Jayden.

"May araw ka rin sakin!" Banta niya.

Tinalikuran siya ni Jayden at lumabas siya ng bar na kinakaladkad ako.

"ANO BA? GANITO BA LAGI ANG EKSENA PAG NASA BAR AKO? Lagi akong nakakaladkad mo?" Sigaw ko nang nasa labas na kami at nabawi ko na ang braso ko.

Hinaplos ko ang braso kong pumula na yata sa higpit ng pagkakahawak niya.

"Ano, Cha? You're dirty dancing with that guy! Tingin mo okay lang iyon sakin? Why are you doing this to me?" Aniya na parang ang tanga ko lang kasi ganun ang ginawa ko.

"Ano naman ngayon kung hindi iyon okay sayo? What's it to me? I don't need your freaking approval to do things on my own. May freedom ako dito, Jayden." Sabi ko.

Lumapit siya sakin. Agad tumakbo na parang kabayo ang puso ko. mabilis at mabigat ang hininga niya at diretso ang tingin niya sa mga mata ko, tumagos pa sa puso.

"You don't have, Cha."

Tumindig ang balahibo ko at napaatras ako. Hindi ko alam kung bakit parang may mga paru-paru sa tiyan ko. Kung noon ito, sinampal ko na siya, kasi ayaw na ayaw ko iyong pinagkakaitan ako ng freedom. Ngayon, bakit ganito ang nararamdaman ko.

Suminghap ako at umirap saka ko siya nilagpasan at umalis.

"Yes, I give you your freedom, Charity. But not to be with anyone else. You are bound to me."

Halos tumakbo ako nang narinig ko iyon sa kanya. DARN! Half running akong dumating sa hotel. Ang lakas ng kabog ng puso ko. Parang gusto ko siyang lingunin at halikan. OH MY GOD!

WHY?

Padabog kong sinarado ang pintuan. Agad niya itong binuksan.

"Matutulog na ako!" Sabi ko sabay hila sa kumot ng kamay niya.

"Yes, right here, Cha. Dito ka lang. Hindi ka makakawala."

FOR GOD'S SAKE, WILL YOU STOP THIS JAYDEN? Uminit yung pisngi ko kaya tinabunan ko na lang ang buong katawan ko ng comforter. Ang tanging naririnig ko ay ang puso ko at ang mga footsteps niyang palapit sa kama. SHIT!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top