Chapter 24

Chapter 24

Ang Kwarto

Paalis pa lang kami ay nakatulog na agad si Jayden. Siguro matagal itong nakatulog kagabi dahil tulog na tulog siya ngayon.

Pinagmasdan ko siyang mabuti. Paano kaya nagawang ipagpalit ni Trisha si Jayden sa iba? Pakiramdam ko nga wala ng makakahigit sa kanya, eh. Pinagmasdan ko siyang mabuti hanggang sa hinilig niya ang ulo niya sa balikat ko.

Nanigas ako sa kinauupuan ko. Tinulak ko siya ng bahagya pero hindi ko siya tuluyang maialis sa balikat ko. Kaya tinodo ko ang pagkakatulak. Dahil doon, nagising siya...

Inaantok parin ang mga mata niya nang pinagmasdan ako.

"Uhm... Sa likod ka na lang matulog kung gusto mo." Sabi ko.

Nilingon niya ang bakanteng likuran at bumaling ulit sakin.

"Pahiram lang ng balikat saglit." Aniya.

"Huh? Pwede namang sa likod na lang-"

"Noon nga sa balikat kita natutulog, bakit ngayon hindi na pwedeng ako naman?"

"Noon yon. Iba na ngayon."

Kumunot ang noo niya, "Kung makapagsalita ka ng noon parang ilang dekada na talaga ang nakakaraan ah? Tatlong araw lang naman tayong nawala sa Bantayan."

"Whatever! Kung ayaw mo sa likod, edi ako doon!"

Tumayo ako at bahagyang yumuko para maglakad papunta sa likod ng van.

At linsyak, biglaang nag brake si manong driver kaya ayun at napaupo ako sa mga hita ni Jayden.

"Darn it!" Sigaw ko sabay tulak sa kanya.

Ang lakas ng kalabog ng puso ko. Hinawakan niya pa talaga ang magkabilang braso ko na para bang nagustuhan niya ang pagkakalagak ko sa katawan niya.

Nagsitindigan ang balahibo ko sa haplos niya. This is really really dangerous. Kaya naman agad akong tumayo at nagpatuloy sa paglalakad. Ramdam na ramdam ko ang pagsunod niya ng titig sakin.

Nang nakaupo na ako sa likod ay dinig na dinig ko naman ang malalakas na buntong hininga niya. Damn right? Frustration kills, Jayden. Ganyan yung ginagawa mo sakin noon. Pero ewan ko lang kung bakit ka frustrated, kung dahil ba mahal mo ako o dahil naapakan ko ang ego mo.

Malamig parin ang turing ko sa kanya pagkarating namin sa sakayan papuntang Bantayan.

Dinampot ko yung bag kong dinampot niya rin. Kaya nakapatong iyong kamay niya sa kamay ko. Nagkatinginan kami. Ako, matutulis ang titig ko sa kanya, siya naman nakangisi.

"Let me." Aniya.

Napalunok ako. Damn! Ang daya talaga! Kahit na galit ako sa kanya, gusto ko parin siya. Ito yung dapat kong baguhin sa sarili ko. Kung mag mamahal ako, hindi yung ibubuhos ko ang lahat. Noon, hindi naman ako nahihirapan sa mga relasyon kasi hindi ko siniseryoso. Kung baga, standards yung pinapairal ko noon. Ngayon, hindi na...

Mas lalong lumaki ang ngisi niya nang nakita ang mga kamay naming ganun parin ang posisyon.

"Ako na, Jayden. I'm a girl. I can handle this." Sabi ko.

"Ako na." Mariin niyang utas.

"I can handle, Jayden." Buntong hininga ko.

"I know... But you don't need to carry this when I'm here, Charity."

Kinilabutan ako sa sinabi niya kaya agad ko na lang binitiwan ang bag ko at hinayaan siyang bitbitin ito.

Hindi ako tumabi sa kanya sa barge kahit na naghihintay siyang tabihan ko. Tuwing sumasagi yung paningin ko sa kanya, nakikita kong nakatitig siya sakin at seryoso ang mukha. Hindi ko siya nginingitian at patuloy ako sa paglalakad-lakad sa barge.

Nang nakarating kami ng Bantayan, papasok na sana ako sa suite ko nang biglang...

"Ms Rama! Wa'g po!" Sabi ng tigalinis.

Kumunot ang noo ko at binuksan agad ang pintuan ng room ko. Nabigla ako nang may nakita akong matandang couple! Nakapatong yung lalaki sa babae at pareho silang nakahubad.

"OH MY SHIT! I'm sorry!" Sigaw ko sabay sarado sa kwarto ko.

Sinugod ko agad ang babaeng taga linis. Napakamot siya sa ulo habang ako naman ay galit na galit na humarap sa kanya.

"What the fvck? Bakit ganun?" Sigaw ko sa kanya.

"Ma'am p-pasensya na po... Hindi po ba sinasabi ni Sir Jayden?"

Fvck? Jayden again?

"Ang ano? I'm fired?" Sigaw ko.

Napayuko siya. Nandoon pa kasi si Jayden sa lintik niyang office. May inasikaso di umano. Kaya ako yung nauna sa kwarto ko pero bakit ganun ang eksenang tumambad sakin?

"Damn him!" Sabay gulo ko sa buhok ko.

"K-Kausapin niyo na lang po siya..." Sabi ng taga linis.

Nagmartsa agad ako papunta sa opisina niya. At syempre, dahil kakarating lang niya, tumambay doon ang tatlong babaeng supervisors dito sa Resort. Si Shiela, Nicole at Tina. Gaya ng dati, si Tina ang nakaupo sa pinakamalapit sa kanya.

Nagtatawanan silang apat nang dumating ako.

FLIRT!

Well, I don't care... I'm not his girlfriend anyway.

Dumiretso ako sa table niya. Nakita kong kumunot ang noo ni Tina nang nakita akong pumasok.

"Jayden! What is wrong with my suit? Bakit may... May nag se-sex na matatanda doon?" Nanginginig ang mga labi ko habang sinasabi iyon.

Tumaas ang kilay ni Jayden at naglahad ng kamay.

"Return the card, Cha."

Tinago ko ang card ko sa likod. Ito ang susi ko sa kwarto.

"Why?" Tinaas ko rin ang kilay ko.

"We are in short of rooms. For now, sa kwarto kita matutulog."

Para akong binagsakan ng kisame sa sinabi niya. Narinig ko agad ang pagbubulung-bulungan ni Nicole at Shiela sa gilid ko. Nilingon ko sila kaya parehong natigil sa pinag uusapan nila.

"Wait a minute, Jayden. Hindi mo ito binanggit, ah? We can compromise for that... Besides, I heard wala na kayo. Hindi ba mejo... mejo hindi magandang tignan iyon?" Sambit ni Tina.

For the first time in history, ngayon ko lang talaga pasasalamatan ng marami itong ka epalan ni Tina.

"Oo nga! Wala na tayo!"

Tumayo si Jayden at nilagay ang dalawang kamay sa mesa niya. Umatras ako ng bahagya kasi inilapit niya ang mukha niya sakin.

"In your dreams, Cha. In your dreams."

Halos umusok yung tainga at ilong ko sa sinabi niya. Padabog akong nagmartsa palabas ng opisina niya. Mabilis ang paghinga ko sa sobrang inis. Lahat ng nakikita ko, nakakapandilim ng paningin.

"Kala mo ah?" Sabi ko sa sarili ko.

I'll take your challenge. Hindi na ako magpapaapekto sayo. I will categorize you as non existent. Like I said, you can just die in front of me and I can just step on your face. Non-existent ka.

"Yung card nga sa kwarto ni Jayden." Masungit kong hiningi sa front desk.

Binigay agad sakin. Mukhang na orient na yata ang lahat dito na mag iisa na kami ng kwarto.

Lintek, ng pumasok ako, daan-daang alaala ang naalala ko. Yung mesa, yung kama... lahat. DARN IT!

Hindi ka magpapaapekto, Charity. Hindi ka niya mahal... Naapakan lang talaga yung ego niya. See his desperation? Hindi naman siya ganun noon, ah? Halos isuka niya nga ako? Kung pwedeng itanggi ako, noon niya pa tinanggi. Pero ngayong hindi ko na siya pinapatulan, tsaka naman siya aastang ganito.

Nag arrange ako ng gamit ko sa mga cabinet niya.

"Bahala siya! Akala niya maapektuhan ako! Mukha niya! God! Nababaliw na yata ako kasi nagsasalita na ako mag isa."

Nidial ko agad ang numero ni Chase Martin pagkatapos kong mag arrange ng gamit.

"Chase Martin Castillo!" Pambungad ko sa kanya.

"Hmmm?" Mukhang kakagising lang ng mokong.

Anyare? Tanghali na ah? Well... married life. We can't tell.

"BAKIT KAMI MAG IISA NG KWARTO NI JAYDEN?" Tanong ko.

Humalakhak siya, "He asked for it, Cha. Besides, we're in short of rooms. Kailangan ko yatang bilisan yung pagbi-build ng kabilang hotel."

"Goodness!" Sabi ko sabay gulo sa buhok ko.

"Sige na. I have some work to do. Enjoy diyan. Wa'g kang magbabalak mag resign. Baka pakasalan ka niyan kung mag reresign ka."

"ANO?"

Pero wala na... Putol na ang linya.

Kinagat ko ang labi ko. Darn it! Talagang kinikilabutan ako.

"I'm here!" Ani Jayden nang pumasok sa kwarto.

Napatalon ako at nag kunwaring nag aarrange ulit ng gamit. Tinalikuran ko siya at agad binuksan yung sliding door ng terrace.

Ang sikip ng kwartong ito para saming dalawa.

"Hindi ka pa ba ginugutom?" Tanong niya sakin.

Nagkibit-balikat ako at kinuha yung wallet sa table.

Umupo siya sa kama at tinanggal ang kanyang sapatos. Darn it! Tumitindig talaga ang balahibo ko.

"Kakain lang ako sa labas-"

"Sabay na tayo!" Utos niya.

Nilingon ko siya at diretsong tinignan. Binuksan ko ang pinto para lumabas na sa kwarto niya.

"Look, Jayden. That's enough. We're done. Wa'g mo nang pilitin. Tama na."

Natigilan siya sa sinabi ko. Agad kong kinagat ang labi ko at padabog na sinarado ang pintuan.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top