Chapter 16
Chapter 16
Ang Selos
Nagising ako sa amoy ng kape. Napangiti ako nang naalala ko ang nangyari kagabi. Panaginip ba iyon o hindi? Tinignan ko sa ilalim ng kumot ang sarili ko. Naka t-shirt ako ni Jayden! Hindi ko matandaang sinoot ko ito kagabi. Siguro ay siya yung nagsoot sakin!
Bumangon ako para hanapin si Jayden. Nakita ko siyang nakatitig sa tanawin sa labas. Nakabukas ang malaking slide up door ng terrace at umiihip ang hanging galing sa labas, nililipad nito ang puting kurtina.
"Good morning!" Niyakap ko siya galing sa likuran.
Natigilan siya sa pag inom ng kape. Hinawakan niya ang kamay ko.
"Mornin'." Aniya.
Napangisi ako sa napapaos niyang boses. Hinarap niya ako at napailing siya nang nakitang ginawa kong damit ang kumot niya.
"Gusto mo ng kape?" Alok niya pero yung titig niya ay nasa katawan ko parin.
"Sure..." Kinuha ko ang kape niya at uminom ng konti.
Umiling siya sa ginawa ko. Nagkatitigan kaming dalawa. Naka ilang boyfriends na ako. Minsan, long term, pero mas madalas yung isang buwan lang, break na agad.
Hindi naman sa madali akong nagsasawa, nagkakamali lang talaga ako. Nakikilala ko yung mga lalaki as mature at ma experience sa relationship, hindi clingy. Pero kalaunan, hindi ko nagugustuhan. Kailangan may text oras-oras.
"Nasaan ka ngayon?"
"Sinong kasama mo?"
"Bakit ang tagal mong mag reply?"
"May ginagawa ka ba?"
"May kasama ka bang iba? May kabit ka?"
God, it was suffocating! Hindi naman ako palaging may lakad, madalas nasa bahay ako, sa condo o di kaya sa bahay ng pinsan ko. Bakit parang laging dapat nakaabang sila? I want freedom. Ayaw ko ng nilalagay ako sa hawla. Pero ngayon, nagbago na ang pananaw ko. Pakiramdam ko, kahit na tanungin ako ni Jayden oras-oras tungkol sa whereabouts ko, okay lang. Mas gugustuhin ko sigurong makapiling siya kesa magbarhop kasama ang mga pinsan ko.
Hinawakan niya ang braso ko.
"Bakit ka lumalabas dito sa terrace na ganyan ang soot mo. You should wear your clothes." Kinaladkad niya ako papasok sa loob at papunta ulit sa kama niya.
Nakita kong nandoon lang pala sa gilid ng kama yung mga damit ko.
"May t-shirt mo naman ako, ah?"
Kumunot ang noo ni Jayden.
"I can see your nipples from here, Charity. You should wear your undies."
"Yes, po." Biro ko kay Jayden.
Tumalikod agad siya nang nakitang dinampot ko na yung panty at shorts ko. You are really a gentleman. Kahit anong gawin mong pagpapakipot at pagiging masungit sakin, nangingibabaw parin yung pagiging gentleman mo.
"Mag sho-shower lang ako." Sabi ko sabay suklay sa buhok ko gamit ang mga daliri ko.
Pinulupot ko ang braso ko sa leeg niya at hinalikan siya ng mariin sa labi. AH! YES! I can kiss him anytime I want now...
Napaawang ang bibig niya sa ginawa ko.
"See you later." Kinindatan ko siya at umalis na sa kwarto niya.
Pagkapasok ko naman sa kwarto ko, halos mapatalon ako sa tuwa. Jayden is in love with me!
Masaya akong nagshower. Hindi ko inakalang ganun ang kakahinatnan ng gabing iyon. Ang saya-saya ko! Gusto kong pasalamatan ang mga pinsan kong nagpunta dito. Malamang nandito pa rin sila ngayon.
Basa pa yung buhok ko nang lumabas ako ng kwarto para tignan ulit si Jayden sa kanyang kwarto. Kaya lang, yung janitor ang naabutan ko sa loob.
"Manong, nasan ho si Jayden?" Tanong ko sa nag mo-mop na janitor.
"Ay, ma'am, nasa opisina daw po. Bilin niya na pag pumunta ka dito, puntahan mo na lang daw siya sa office."
Tumango ako at binigyan siya ng matamis na ngiti, "Okay po. Thanks!"
Masaya akong nagmartsa papuntang office. Hindi na ako kakatok. Boyfriend ko naman si Jayden, eh.
Pagkabukas ko ng pintuan ay naaninag ko yung cleavage ni Tina. Nasa tabi siya ni Jayden at may itinuturo siya sa laptop sa harap. Alam ko namang walang nangyayaring masama pero hindi ko nagustuhan ang pambungad na cleavage!
"Jayden!" Sigaw ko.
Napatingin silang dalawa sakin. Napatayo ng maayos si Tina kaya hindi ko na ulit naaninag ang cleavage niya. Hindi ko alam pero unti-unting gumapang ang init na galing sa leeg ko papuntang mukha ko. Bumilis din ang paghinga ko.
Tumaas ang kilay ni Jayden nang nakita akong ganoon ang reaksyon.
"Good morning, Charity!" Sabi ni Tina.
Hindi ko magawang ngumiti. Kahapon pa silang dalawa naglalandian, ah? Ah! Hindi! Si Tina lang yung nilalandi si Jayden.
"What are you doing here?" Mainit kong sinabi kay Tina habang naglalakad ako ng marahan papunta sa kanya.
"Who? Me?" Sabay turo niya sa kanyang sarili. "Ano pa, syempre, nagtatrabaho." Natatawa niyang sinabi.
Kahit na confident ang tono ng boses niya, nakita ko parin ang pamumutla niya dahil sa tanong ko.
"Nag paplano kami para sa break ng mga nagtatrabaho dito-"
Tumayo si Jayden para salubungin ako. Pinisil pisil ni Tina ang daliri niya, para bang defense mechanism niya ito pag kinakabahan siya o nagsisinungaling siya.
"Pinaplano o naglalandi?" Tanong kong galit kay Tina.
Nung isang araw pa siya, ah? Last week, palagi din niyang hang out dito sa office ni Jayden. Ba't di na lang siya tumambay sa office niya? Sa may pool since supervisor naman siya doon?
"Charity, that's enough!" Marahang utos ni Jayden.
Hinawakan niya ang braso ko.
"Everything's changed now. I'm your girlfriend." Sabi ko.
Tinakpan ni Tina ang nakangangang bibig niya. Nabigla siya sa sinabi ko. Hindi sinabi ni Jayden sa kanya na kami na? Okay, I get it! Hindi naman iyon importante kasi katrabaho niya lang naman si Tina.
"I-I'm sorry..." Bumaling si Tina kay Jayden.
Suminghap si Jayden at bumaling din sakin.
"We're just working, Cha." Sabi ni Jayden.
"I know. Pero may iba diyang may ibang sadya." Naningkit ang mata ko kay Tina na ngayon ay dahan-dahang naglalakad palabas.
"I-I'm sorry, Jayden." Aniya.
Sinundan ko siya ng titig hanggang sa tuluyan na siyang nakalabas.
"What's your problem, Charity?" Untag ni Jayden.
"She's seducing you, Jayden!"
"Seducing?" Umiling siya at pinasadahan ng palad ang kanyang buhok.
"Oo! Last week ko pa siya napapansin no. Wala lang akong magawa kasi wala naman akong karapatan! Pero ngayon, meron na kaya patay siya sakin!"
"We are planning for the event. Paanong nang seseduce siya?"
"She was... She was showing her boobs! Nakikita ko na yung cleavage niya! My goodness! Halos makain mo na kasi nasa gilid na ng ulo mo yung boobs niya!"
Natatawang umiiling si Jayden sa sinasabi ko.
"I bet, kung di ko dumating ipinatong niya na yung boobs niya sa mukha mo-"
Natigilan ako kasi nilapat niya ng marahan ang labi niya sa labi ko. Isang halik niya lang, nalulusaw na ang galit ko. Nakakalimutan ko na kung anong pinaghuhuramentado ko. Maging ang pangalan ko, nakakalimutan ka na.
"You're just jealous..." Aniya.
Uminit ang pisngi ko, "Yes, I'm jealous." Sirit ko.
I want to kiss him again. Kaya lang, umatras siya at hinawakan ang kamay ko. Darn, Jayden, I want your freaking kiss!
"Kumain muna tayo. Para lumamig yang ulo mo." Humalakhak siya.
Tumango na lang ako at sumunod sa kanya. Ang sarap sa pakiramdam na ka holding hands siya. Maraming nagtatrabaho ang nakatingin saming dalawa. I'm pretty sure, mabilis itong kakalat.
Pero nang nakarating kami sa seafood restaurant ay agad niyang kinalas ang pagkakahawak sakin. Dumungaw ako sa kamay niya at kamay ko. Sinubukan kong hawakan ang kamay niya para makapagholding hands ulit kami pero...
"Maraming tao, let's not be PDA, okay?"
Ayaw niya pala sa PDA. Ayaw ko rin naman pero gusto ko kasing hawakan yung kamay niya. Bakit parang nag iiba na ang ugali ko? Iba na yung mga gusto ko?
"Okay." Kinalas ko ang pagkakahawak ko.
Kumislap ang mga mata ko nang nakita ko ang mga pinsan ko. Kinawayan nila ako at tinuro ang isang table sa katabi nila. Nakita ko pang nalalaglag ang panga ni Lyka at Jeremy habang tinitignan na nasa likod ko si Jayden at sumusunod sakin.
"Hi!" Bati ko nang dumating kami ni Jayden sa table na itinuturo ni Shaira kanina.
"Hello!" Sabay-sabay nilang awkward na sinabi.
"Oh? Akala ko ba kina Marcus na resort kayo magpapalipas oras, bakit nandito kayo?" Tanong ko at umupo na.
Umupo din si Jayden sa harap ko at nagsenyas ng menu sa waiter. Ngumunguso naman si Erica kay Jayden. Ngumisi na lang ako.
"Kasi naman..." Tinuro ni CJ ang jetski. "Nag jetski kami at napadpad dito. Ayun, tumambay muna." Sabay turo sa beer sa table nila.
"Ahhh!"
Binalot kami ng matinding katahimikan. Nakatingin lang silang lahat kay Jayden.
"Ah! Nga pala... Na meet niyo na si Jayden diba?"
Bumaling si Jayden sa kanila at binigyan sila ng ngiti. Tumango naman si Shaira sakin.
"Eto nga pala si Jayden, boyfriend ko..." Humalakhak ako.
Nakita kong nagkatinginan sila gamit ang nakakamatay nilang malalaking mata.
"B-B-Boyfriend?" Nauutal na sinabi ni Lyka.
"Yes..." Sabi ko.
"Kelan lang?" Tumaas ang kilay ni CJ sakin.
Sinimangutan ko siya, "Kagabi... Jayden, this is CJ, Shaira, Erica, Lyka and Jeremy..."
Tumango si Jayden sa kanila.
"Kayo ba ang mga pinsan ni Cha?" Tanong niya.
Tinuro ni Jayden si Lyka, Erica at ang kanyang sarili. "Kami."
"Sorry kagabi, kinuha ko siya sa inyo."
"It's okay, though..." Sabi ni CJ. "Baka kung di mo kinuha, she'll end up dancing like a horndog-"
"Cej!" Sigaw ko sa pinsan kong walang preno.
Tumawa si CJ sa reaksyon ko, "Now, I get why she's acting strange lately... Strangely formal." Aniya kay Erica.
Mapapahiya yata ako kay Jayden nito kung masyadong maingay ang mga pinsan ko.
Tumaas ang kilay ni Jayden sakin. Kinagat ko na lang ang ibabang labi ko.
"You're formal?" Tanong niya.
Ngumuso ako.
Mejo... Ni ayaw ko nga sa laru naman kagabi. Napilitan lang ako.
Kumain kami ni Jayden. Tahimik lang kasi yung nasa tabi ko ay maiingay na nag iinuman.
"Hey, Cha, gusto niyo mag jetski? Pwede kong isakay si Erica sa jetski ko para kaying dalawa ang sumakay sa isa."
Napatingin ako kay Jayden sa alok ni Jeremy.
"Sige na, Jayden!" Sabi ko.
"Alright." He sighed.
Kaya pagkatapos naming kumain, lumapit na agad kami sa jetski. Kailangang maghubad ng damit at mag two-piece. Naiinggit ako kina Erica kasi nagagawa iyon.
Umaamba pa lang akong huhubarin na yung t-shirt ko ay binababa na agad ni Jayden.
"No..." Umiling siya.
"Bakit?"
"No. I don't like my girlfriend to show too much skin. Kaya... that's a no for you."
OO BA! NO LANG PALA EH! NO NA KUNG NO! AYAW KO RIN NAMAN EH! KUNG PWEDE LANG MAG JACKET NA AKO MATAWAG MO LANG ULIT AKONG GIRLFRIEND!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top