Chapter 14
Chapter 14
Ang Laro
Araw-araw kong nililinis ang kwarto ni Jayden sa pagbabakasakaling mahalikan niya ulit ako sa pagpapakabait ko. Dalawang linggo na ako dito, oo, wala pa akong planong umuwi kasi wala rin siyang plano. Para kasi akong insektong nahuhumaling sana liwanag. Hindi ko kayang lumayo sa kanya.
Busy siya at sa twing nakikita kong propesyunal siyang nakikitungo sa tatlong propesyunal ding supervisors. Pero hindi ko maiwasang manlait tuwing napapansin ko ang biruan nila sa isa't-isa.
Bumungisngis si Tina pagkatapos biniro si Jayden na dapat magpaparty minsan para ganahan ang mga nagtatrabaho.
"Marami ka namang pera, ikaw na ang sumagot!" Bumungisngis pa siya lalo.
"Anong mangyayari sa araw na yan, closed ba muna ang resort para sa party?" Tumawa din si Jayden.
Umubo ako, peke para maistorbo ko silang dalawa.
"Eto na nga pala yung files na hinihingi mo sa finance, Jayden." Sabay lapag sa harap ng dalawa yung files.
"Hindi naman kailangang lahat yung nagtatrabaho. Yung mga waiter, waitress, security guards muna. Yung mga malalaki yung rank, tsaka na." Sabi ni Tina. "Sila muna ang substitute sa mga nagpaparty."
"So you mean, tayo, hindi kasali?" Sabi ni Shiela kay Tina.
"Oo. Mahalaga talaga sakin yung pakikitungo sa workers, lalo na sa kanila, eh."
Ngumisi si Jayden at tumitig kay Tina. Ngumisi siya at dahan-dahang tumango.
"That's really adorable and professional." Sabi ni Jayden. "I like you."
Napalunok ako. He likes her. What about me?
Wala akong narinig kay Jayden kundi, 'I hate you... not just your clothes, I hate you...'
Napatingin ako sa damit kong akma sa mga gusto niyang sootin ko. Kahit nasa isla ako, hindi pa ako nakakapagswimming kasi alam naman nating lahat na ayaw nitong lalaking ito sa mga babaeng nagpapakita ng balat.
Madalas pa akong naka sneakers.
"Nice shoes." Iyon lang ang kanyang linya.
Dun! Tapos! He's cold. Insensitive. Hindi ko alam kung sakin lang ba o maging sa ibang babae. Pero ngayon, napagtanto kong mukhang sakin lang talaga yata. Like I'm some stupid ugly duckling trooping with swans.
Hindi naman sa nag daramdam ako, nagulat lang ako kasi madali niyang nasabi iyon sa isang babae. 'I like you'. Ganun ba kahirap akong magustuhan at bakit hanggang ngayon wala pa akong narinig na ganun galing sa kanya?
Ako yung kasama niya nung nasa Cebu pa lang kami, ah? Wala ba siyang adorable trait na nakita sakin para masabihan niya man lang ako ng kahit 'adorable'.
"Aww, Jayden, I like you, too. Pero ganun naman talaga dapat, diba?" Kumislap ang mga mata ni Tina kay Jayden.
Nanlisik ang mga mata ko. Tinitigan ko si Tina, baka sakaling makita niya yung galit ko sa sinabi niya pero walang nakatingin sakin.
"Wow! You two like each other." Panira kong sinabi nang nakangisi.
Ang bitter ko. I'm not usually like this.
"Oo nga!" Sabi ni Shiela at tinukso silang dalawa.
Nagtawanan si Jayden at Tina.
Parang yung sarcasm ko ay naging daan pa para matukso ang dalawa, ah?
*Kriiiiing*
Lecheng cellphone! Kung kailan marami pa akong gustong sabihin sa kanila. Napatingin si Jayden sakin. Napatingin din ako sa kanya. Kabadtrip kang hunk ka, ah? Tsaka mo lang talaga ako pinapansin pag ganito.
"Hello?" Sagot ko sa cellphone ko.
Tumalikod ako at umalis sa opisina ni Jayden.
"Alas singko na rin nga pala, pahinga na lang muna tayo. Pag iisipan ko yung sinabi mo, Tina."
"Talaga? Uy, sabay ka na saming mag dinner."
Natigilan ako sa harapan ng pintuan. Ako yung nagluluto ng dinner ni Jayden. Pag sasabay siya, ibig sabihin yung akin lang ang lulutuin ko?
"Sure! Seafoods trip tayo. Matagal na rin akong di nakakakain ng masarap."
Napalingon ako kay Jayden gamit ang naiinis na mga mata. Shet! Ibig sabihin talagang hindi masarap yung luto ko?
Padabog akong lumabas doon at padabog ko ring sinarado.
"What the? Cha! Mag ingat ka naman dyan, nabibingi ako dito sa ingay diyan." Untag ni CJ sa kabilang linya.
Humalakhak ako at hinawi ang buhok.
Lalabas ako ng hotel para manood ng sunset. Tutal wala naman akong lulutuin ngayong gabi.
"Bakit ka napatawag, Cej? Miss me?" Panunuya ko sa pinsan ko.
"No, crazy girl, guess what?"
Narinig ko ang bungisngis nina Lyka at Shaira - ang dalawa kong pinsan.
"WHAT? Nasa Pent kayo? Party na naman? May event ba? Oh come on, Cej, don't make me jealous!"
Sinapa-sipa ko ang puting buhangin sa inis ko. Kulay orange na ang langit dahil papalubog na ang araw.
"Ayoko na. That's enough. I'm living like a cavegirl here. Survivor ang peg ko dito. Survivor: Bantayan Islandssss." Tumawa ako.
Tumawa si CJ, "Kasama ko ngayon si Lyka, Shaira, Erica, at Jeremy."
"Okay, then?"
"Rendezvous at Sand and Booze?"
Nanlaki ang mga mata ko nang narealize ko kung anong ibig niyang sabihin.
"Oh my God! Oh my God!" Pinaypayan ko ang sarili ko.
Tumalon-talon ako sa sobrang saya ko.
"NASA BANTAYAN KAYO!? THAT'S WHY YOU'RE WITH JEREMY? NASA BANTAYAN KAYO?"
Natatawa si CJ sa reaksyon ko.
"Yes. Sa resort nila kami tutuloy. Ayaw namin diyan kasi nag titipid si Shaira. Dolyar kasi diyan eh. Tsaka libre kami dito sa resort nila." Humalakhak siya.
"Oh my gosh!" Halos mangiyak-ngiyak akong hinahawi ang buhok.
I can't believe it. Ngayon ko lang narealize kung gaano ko na miss ang mga pinsan at kaibigan ko.
"Anong oras?"
"10? 11? Syempre. Magpapahinga muna kami." Aniya.
"Alright, Cej. Kakain lang din muna ako at magmumukmok sa kwarto."
"Okay, Cha. Sige, see ya later."
Halos patalon-talon akong bumalik sa resort. Naaninaw ko pang kumukunot ang noo ni Christian sakin nang nakita ang kasiyahan ko.
Ayaw ni Jayden na lumalabas ako tuwing gabi. Alas diyez, chinicheck niya kung nasa kwarto ako. Ewan ko ba sa mokong na iyon. Wala rin namang problema sakin kasi mabilis akong inaantok these past few days. Ngayong gabi lang yata ako magkakaproblema. I want to go there! Pero ayaw kong malaman ni Jayden yun dahil malamang, didiligan na naman ng katotohanang iyon ang galit na nakatanim sa puso niya.
Alright, maybe I should trick him once in a while. Naka short-shorts ako at halter top na nagpapakita ng two-piece bra ko nang humiga ako sa kama. Agad kong tinabunan ang sarili ko ng kumot kahit hindi naman ako nagkukumot.
Kung sakaling makakatulog ako ngayon, nag alarm na ako ng 11pm para makagising din at makapunta kina CJ. Pero dahil sa pagiging excited ko, hindi ko nagawang antukin.
"Hello?" Naramdaman ko ang pag bukas at sarado ng pintuan ko. Wala na si Jayden!
Matutulog na yun! Nag hintay ako ng 15 minutes bago lumabas. At nang sa wakas ay nakalabas na ako... Para akong ibon na nakalabas sa hawla!
"Hello? Hello?" Nagmadali akong nidial ang number ni CJ.
"Cha, andito na kami. Lika na!" Sabi ni CJ.
Ang ingay ng background music niya. Trance. Oh how I missed them and the party, of course.
"Saan po ba patungong Sand and Booze?" Tanong ko sa security guard.
"Nasa dulo lang ng resort na ito." Sabay turo kung saan ako dapat magsimulang mag lakad.
"Okay, thanks!"
Nanggigigil ang mga paa ko sa paglalakad. Marami akong expats at mga party peaople na nakasalubong habang papunta ako doon. Maraming grill sa may seashore, maraming nag iinuman. Alive pala ang isla tuwing gabi. Hindi ko nga lang ito naabutan kasi natutulog na ako at hindi naman ako napapadpad dito.
Maingay at may mga banda pang tumutugtog. May nakita pa nga akong nagsasayawan sa tabing-dagat.
Naenjoy na ako, papunta pa lang akong Sand and Booze. At nang sa wakas ay nakita ko na ang neon lights ng bar na iyon, napatalon na ako sa tuwa.
"Sand and Booze."
Yung sahig ng bar ay buhangin. Tama lang itong soot ko sa mga tao sa loob ng bar. Mala-Penthouse din ang dating nito, yun nga lang, ang mga drinks ay pang isla, yung mga elements ng decoration ay pang isla. May nakita pa akong coconut tree sa loob. Naloka pa ako nang may nakita akong pool. May mga nakabikini pang lumalangoy sa pool.
Malaki ang bar na ito. Kung hindi ko tinawagan si CJ, hindi ko sila mahahanap. Nasa sofa pala sila katabi ang isa pang coconut tree.
"OH MY GOSH!"
Napatili ako nang nakita ko ang mga pinsan at mga kaibigan ko.
"Chaaa!" Sigaw ni Erica sabay yakap sakin.
"We missed you!" Sabi ni Lyka. "Ang boring mag party pag wala ka!"
"Syempre, life of the party yata 'to!" Tumawa ako.
Isa-isa ko silang niyakap.
"Oo nga, wala ng parang wild animal na sumasayaw sa gitna ng stage at kaibigan lahat ng DJ sa Club Alchology!" Tumawa si CJ.
"Kumusta na?" Tanong ni Shaira.
"Ugh! Pwedeng bukas niyo na ako kumustahin?" Sinuyod ko yung bar. "Sa ngayon, I just wanna have fun!"
Inabot ni Jeremy sakin ang isang shot ng tequila kasama ang lemon.
"Thanks!" Kinindatan ko siya at ininom iyon diretso at kinagat at sinipsip ko yung lemon. "Wala bang asin diyan?" Sigaw ko at binigay ulit sa kanya yung shot glass.
Nagtawanan kami at naghamon pa si Cj ng body shots.
"Kadiri, Cej! Paano pag tayo mag body shots! Yuck! Incest! Tsaka ayaw ko rin naman kay Jeremy."
Ngumisi si Jeremy. "Stranger body shots na lang?"
Ngumisi ako at agad ding sumimangot.
"Uy! Ayaw ko ng ganyan..."
"GOOO! GOOOO! Sige na! Come on, Cha!" Tumawa si Erica.
"Gusto mo ng sample?" Sabi ni Shaira.
Tumayo siya at binitbit ang tequila niya.
Nalaglag ang panga ko nang itinuro niya ang isang tahimik at gwapong korean na nakaupong mag isa. Agad niyang nilapitan ito at binulungan.
Umiling ang koreano at napaatras ng konti sa kanya. Lumingon siya samin atnagkibit balikat. Bumaling siya sa koreano at may binulong ulit. Huminga ng malalim ang koreano at tumango ng dahan-dahan.
Nilagay ni Shaira ang asin sa pisngi ng koreano.
"OH MY GOSH?" Sigaw ko at ganun din ang sigaw ni Lyka.
Napapalakpak si Jeremy at natawa si CJ.
Dinilaan niya yung asin sa pisngi ng koreano bago nilagok ang tequila at sinipsip yung lemon.
Tumatawa si Shaira pabalik sa sofa. Nicongrats siya nina CJ at Jeremy.
"Oh my gosh!" Pinaypayan niya ang sarili niya. "Sobrang miss kita, Cha, kaya ginagawa ko na ang mga gawain mo noon."
Tumawa ako, "Huy! Hindi ko pa yan nagagawa sa isang stranger no!" Sabi ko.
"Well, yes, kasi lagi mo namang nagiging kaibigan yung 'stranger'."
Tumawa si Shaira at umupo sa tabi ko.
"Cej, ikaw naman!" Aniya.
"Oh? Simple." Nagkibit balikat si CJ.
Ininom niya muna ang kanyang shot bago tumayo para maghanap ng biktima.
Naparami ang inom ko sa larong gusto ni Jeremy. Tapos na silang lahat nang mukhang natatamaan na ako sa iniinom naming tequila.
"Sige na, Cha. You're the last. Pagkatapos mo, sasayaw na tayo." Kumindat si Erica sakin.
"Ang Ba-Bad Influence niyo!" Sabi ko.
"Ikaw naman yung nagturo nito noon!" Tumawa si Erica.
Lumagok ako ng tatlo pang shots.
"Alright, Alright... Pero dapat mas lasing pa ako." Tumawa ako at lumagok pa ng isa bagoio tumayo.
Jayden's going to freak out! Freak out my ass, Charity. He doesn't care about you. He doesn't like you...
Kahit na halos magpakaalipin ka na at sinusunod mo na ang lahat, you are still nothing to him. Ikaw lang ang nagkukulong sa sarili mo sa kanya.
Lumapit ako sa isang maskuladong lalaking may mga kasamang kabarkada. Hinawi ko ang buhok ko. Paghawi ko pa lang ay napalingon na siya.
"Hi! I'm Cha. Kanina pa kita napapansin." I lied. "Parang may kamukha ka... Kamukha mo yung dad ko."
I smirked. If you only knew.
Nilapag niya ang beer niya at humarap sakin.
"So? Gwapo ba yung dad mo?"
"Well..." Sumimangot ako at nag isip.
"Well?"
"well, of course!" Kumindat ako. "Hindi naman siguro ako maganda kung pangit siya, diba?"
"Ibig mong sabihin gwapo ako?" Ngumisi siya.
"You're only a bit like my dad, but yes you're cute."
Mas lalo siyang sumimangot sakin.
"Kung sana mejo guluhin mo yung buhok mo tulad nito." Hinaplos ko ng marahan ang buhok niya at ginulo. "Then that's better."
Lumagkit ang tingin niya sakin dahil sa ginawa ko.
Ilalagay ko na sana yung asin sa kamay niya habang nagkakatitigan pa kami pero may humigit ng malakas sa braso ko. Yung tipong may galit ang pagkakahigit. Sa paraan at sakit pa lang ng pagkakahigit niya, kilalang kilala ko na agad kung sino.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top