Chapter 1
Chapter 1
Ang Pangalan.
"Damn it, Cha! Will you stop flaunting your... your everything? We get it! You have the boobs and the butt... so will you stop wearing ultra mini dresses?" Umirap ang pinsan ko.
"Sorry, babe. Will you stop being too nosy? Kakalipat ko lang ng condo unit. At ayaw kong halughugin ang bawat box ng damit ko para maghanap ng matinong damit. Balik ka na lang ng Manila..." Umirap ako sa pinsan kong si A.
"Stop it, you two. Nandito tayo para magsaya, hindi para mag away." Sabi ng isa ko pang pinsan.
Of course! Binuksan ko ang sunroof ng sasakyan ni CJ. Tumawa siya nang ginawa ko yun at nilakasan pa ang music sa sasakyan niya.
Ramdam ko agad ang hangin sa mukha ko. Nililipad nito ang buhok ko. Kitang-kita ko ang bawat skyscrappers ng Cebu.
"PARTYYY ON, BABY! WOHOOOOOOO!" Sigaw ko at tinaas ang dalawa kong kamay.
"Mayor Frederico Rama's daughter getting wild. Bukas, laman yan ng Sunstar Daily kaya tumigil ka sa kakasigaw diyan at baka makasuhan kita ng public disturbance!" Nagtataray na naman si A.
Tumawa na lang ang mga pinsan ko sa likod. Uuwi na siyang Manila bukas. Nagagalit ito sakin dahil di ako sasama.
"Oh, A." Sabay upo ko pabalik sa sasakyan. Sinarado ko ang sunroof ni CJ at bumaling ulit sa pinsan ko. "Hindi talaga ako makakasama sa Manila. I hate it there... Walang freedom. Dito lang ako." Ngumisi ako.
Nag park agad si CJ sa tapat ng Penthouse.
"Bakit kaya papasok pa lang tayo sa bar ay parang tipsy ka na, Cha? May iniinom ka ba bago pumasok?" CJ chuckled.
"Uh. Tubig?"
"She's always like that, Cej. Hindi mo ba napapansin? Kahit pumasok sa school parang laging tipsy." Nagtawanan ang mga pinsan ko.
Kahit palagi akong inaasar ng mga ito, mahal na mahal nila ako. Palagi yang nakapila para pagtakpan ako sa mga kabulastugan ko. Yes, I'm not hiding my crazy nature. Marami na akong nagawang kabulastugan dahil sa pagiging uhaw ko sa freedom.
"So tell me again, couz. Bakit ka nga ba lumipat?" Tanong ni CJ nang papasok na kami sa Penthouse.
I don't really want to talk about this. Lalo na pag papasok kami ng bar. I just want to have fun. Hindi naman sa naiiyak at nawawasak ang puso ko tuwing naaalala ko kung bakit. Hindi... NO FREAKING WAY! I could laugh my ass off if that's the reason.
"Some obsessed guy, Cej. Neighbor ko sa condo-"
"See, Cej? She's really hiding it! What 'some obsessed-guy', Cha? He's your ex boyfriend!" Sabat ng isa kong pinsan.
"Oh please..." Umirap ako at humiwalay na sa kanila.
Kaya kong mawala at malunod sa crowd na ito. Late na kaming pumasok kaya marami ng tao. The party's at its peak. Kaya gustong-gusto ko. Yun nga lang, natatakot akong baka nandito yung obsessed school mate ko noon or worst yung ex neighbor ko sa dating apartment. Nakakainis yung mga iyon, huh? Ang problema sa kanila, sa simula laging cool at no nonsense, pagkalaunan ay nagiging posessive and jealous. Yun pa naman ang ayaw ko sa lahat. Nasasakal ako kaya iniiwan ko. Naiinis ako lalo na pag nagmamakaawa na sila. Yung tipong mamamatay na sila pag wala ako.
Excuse me, I can live without you so you better do the same. Masyadong high maintainance. Daig pa ang mga babae. Hindi naman sa masyado akong harsh, nadidiscourage lang talaga ako sa mga possessive. I have my own life. Kung gusto mong tumatag ang relasyon natin, you should let me have my own space, diba? Hindi yung iikot ang mundo mo sakin dahil 'mahal' mo ako. What kind of love is that? Ni hindi nga ako matali ng mga magulang ko, ibang tao pa kaya?
Nilagok ko yung mga nakalatag na tequila at sumayaw na sa stage.
Passion ko ang pagsasayaw. Masarap sumayaw kasi free ka. Yung mga taong hindi marunong sumayaw, hindi free. I mean, kung hindi ka marunong, dapat sumayaw ka parin. It's a way to express yourself. To feel your freedom.
Binigyan ako ng spot light at na mention ng DJ. Tinaas ko ang kamay ko at kinawayan sila.
"WOHOOOOO!" Sigaw ng marami.
Lumapit ako sa DJ. Tumatawa siya. Nagpapicture kaming dalawa. Ilang camera din ang tumutok sakin habang nagsasayaw ako o umiinom ng shot.
Maingay at puno na ng usok ang Penthouse. Naiinitan na rin ako. Nasaan na kaya ang mga pinsan ko?
Lumayo ako sa dancefloor para maghanap sa bawat sofa at table. Sigurado akong nasa VIP room na naman sila.
"Hey, baby, what's your name?" Hinarangan ako ng nakangiting expat.
Hinawi ko ang buhok ko at kinuha ang inumin niya. I need time... to think about my name. Last night... ako si Anne. Tonight... I'm gonna be...
"Trisha." Kumindat ako sa kanya at binagay pabalik ang ubos ng shot.
"That's a really nice name. I'm Michael. Do you mind?" Naglahad siya ng kamay at tinuro ang dancefloor.
"Sure!" Hinigit niya ako pabalik ng dancefloor.
FORGET ABOUT THE COUSINS!
Pagkatapos ng 15 minutes na pagbababad sa dancefloor kasama si Michael (na manyak pala) ay umalis na ako.
"Sorry, Michael, I'm really tired." Excuse ko para sa kanya.
Nung una, ayaw niya akong pakawalan. Pero kalaunan ay tinalikuran ko na siya at hindi na nagpapigil.
Damn, boys! Kaya ayaw ko sa mga ka-age ko. Hinawi ko ang buhok ko at nagpatuloy sa paghahanap sa mga pinsan ko. Where are they? Habang naglalakad ko, naramdaman ko ang tama ng alak sakin. Ano kaya yung laman ng shot ni Michael at bakit umaalon na ang sahig sa paningin ko?
"Cigar?" May nag offer sakin ng isang stick.
Kumulog ang tiyan ko at naramdaman kong nag contract ito at pilit na lumalabas sa lalamunan ko.
"Oh gosh! Don't tell me I'm gonna puke."
Tumigil ako sa paglalakad, pumikit at tinakpan ang bibig ko.
"Hey!" Tinawag ko yung nagbibentang waiter. "1 Cigar, please."
I don't smoke. Pero sa panahong nasusuka ako, kailangan. Ayokong masuka. Pag susuka ako, mas lalo akong sumusuka. Ayaw ko naman sa feeling na sumusuka ako. Kaya pinipigilan ko sa kahit anong paraan.
Nanginig ang kamay ko nang hinawakan ko ang lighter at sinundihan ang sigarilyong nasa bibig ko.
Umupo ako sa pinakamalapit na high chair ng bar.
Seryoso? Nasusuka ako? Ilang shots pa lang naman yun, ah? Siguro dahil sa inumin ni Michael. Ang swerte ko talaga.
Binuga ko ang smoke ng sigarilyo at pinikit ang mga mata. Nakaka wala talaga ng suka ang anghang ng sigarilyo. But I don't like smoking... Ayokong na aadik sa kahit anong bagay. Addiction means no freedom. Bawat actions mo palaging anchored sa kinaaadikan mo. Kaya ayokong maging adik sa kahit anong bagay.
Habang nakapikit ako at dinarama ang mint ng sigarilyo ay may biglang humablot nito. Dumilat ako at nakita ang durog kong sigarilyo sa ash tray.
"You shouldn't smoke, girl." Masungit na sinabi ng isang lalaki.
Maamo ang mukha niya, clean cut ang buhok, perpekto at assymetric ang mukha, almost 90 degrees ang angle ng jaw line at higit sa lahat, mabango...
"What's your problem? I'll smoke if I want to." Taray ko sa kanya.
Binalingan niya ako at tinitigan gamit ang galit na galit na mga mata.
"Nakakababa ka ng tingin. Trisha pa naman ang pangalan mo."
"What?" Hindi ko naintindihan ang sinabi niya.
"Kung makasayaw ka kanina para kang prostitute. At kung makapanigarilyo ka para kang addict. Wala ka bang matinong nagagawa?"
"WHAT?" Nanlaki na ang mga mata ko. "Wa'g mo nga akong pagsabihan na parang kilala mo ako?" Tumayo ako para sumbatan siya.
Ang gwapo mo pero nakakainis ka, huh?
"Forget it... Wala akong time para makipag usap sayo." Tinalikuran niya ako.
"WHAT THE HECK!? Ikaw itong lumapit sakin tapos ganyan ka makaasta?"
Unti-unti siyang lumingon sakin. Kahit maingay ay narinig ko parin ang sinabi niya.
"Sorry, miss. Concerned lang ako sayo kaya ganito. Forget it." Malungkot ang mga mata niya nang sinabi niya yun.
Tinignan niya ako head to foot.
"I hate your dress."
Napatingin ako sa damit kong maiksi.
"I hate your attitude. You should change it. It doesn't suit you."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top