Chapter 7 : Cry Out Loud
Reese's Point of View
June 17 2020
Nasa canteen kaming dalawa ngayon ni Cyrus. Nag uusap lang naman ako with matching nakaka ilang na topic. Nag ta tanong sya bakit ko daw sya naging crush. Ampogi niya kase! Kamukha niya yung crush ko na si Jimin hehe yung sa bts. Pero ngayon hindi na dahil si Moonbin na yung sa astro hehe.
"So back tayo dun sa problema mo" sabi niya kaya bumuntong hininga ako.
Kanina pa namin pinag uusapan yon. Medyo komportable na ako sakanya kaya naman simula sa una kinuwento ko sakanya, pati yung mga bagay na nag papagulo sa buhay ko, kinuwento ko rin yung mga nararamdaman ko kapag sya yung kasama ko pati yung mga weird na ginagawa ko kapag kasama ko sya or kaya naman mga weird things na nangyayare saken like pag ba-back read sa usapan naming dalawa.
"Alam mo, baka it's time na para sumuko ka na" sabay nguso sa likod ko. Tumingin ako doon at halos matumba ako sa kinauupuan ko ng makita kong naka yakap si Rhea kay Keizer.
Putcha! Nag uumpisa pa lang ako pero ngayon naman eto ang nakikita ko? Hindi ko na nga alam yung gagawin ko netong mga nakaraang araw dahil sa pag iisip ko kung paano ko sya nagustuhan, tas ngayon nasasaktan ako sa nakikita ko. Nakakainis! Hindi ko na napigilan na maluha. Pero ng mapansin ko yung ay pinunasan ko ka agad at hinawakan ang kamay ni Cyrus para umalis na. Napa daan pa kami sa likod nila at kita ko ang pag ngiti ni Rhea na para bang nanalo na sya.
Wag ka mag alala panalo ka na. Siguro umpisa pa lang talo ba talaga ako hahaha wala akong laban. Nakakainis lang kase nag uumpisa pa lang ang lahat, pero talo na ka agad ako. Ano kaya yung wala ako na meron si Rhea? Hahaha kung sa pagiging malandi talo talaga ako wala na akong laban don. This is not the first time, hahaha hindi pa kami non pero may nakalat na, ginagawa niya lang akong pam palipas oras. Pero hindi ako nakinig sakanila non.
First five months namin nahuli ko sya pero hinayaan ko, naulit na naman hindi pa nakaka dalawang buwan pero hinayaan ko. Hinayaan kong lokohin niya ako ng lokohin pero hindi ko sya sinumbatan. Ganon talaga pag mahal mo e, kahit nasasaktan ka na mag bubulag bulagan ka na lang para hindi ka niya hiwalayan. Napaka-desperada ko noon. Habol ako ng habol sakanya, pero one day I realize meron pang iba tao dyan. Si Keizer yung kausap ko ng mga araw na nasasaktan ako.
Kahit pa nakaka bwiset sya mag advice naka tulong yon dahil yung mga sinasabi niya kahit pabiro may matututunan ka talaga. Then dun ko lang naisipan na pakawalan na ang gago kong boyfriend. Pinag palit niya ako sa ex girlfriend niya na mahal pa pala niya. Ang galing! Dapat kase kapag mahal niyo yung isang tao gumawa kayo ng paraan para mag work yang relationship niyo. Hindi yung porket wala na yung kilig, excitement, at saya kapag mag kasama kayo eh ibig sabihin non wala na kayong nararamdaman sa isa't isa.
Hahanap agad ng iba tapos pagka sumaya na don sa bago babalik sa ex sasabihin mahal pa pala nila. Mga gago! Isang malaking kalokohan! Hindi ko alam pero totoo naman. Totoo na ganyan dapat. Ako noon kahit hindi na ako natutuwa at panay sakit na lang ang nararamdaman ko sa relasyon namin pinilit ko na bumangon kahit durog na durog na ako.
Pero kahit anong bangon ang gawin mo kung wala ka naman kakapitan mapapa bitaw at mapapa bitaw ka na lang sa pagod.
Saka ko lang napansin na nasa classroom na pala kami. Iyak lang din pala ako ng iyak habang naka-ikot sila Serina, Milly, Nics, Dawn, Cyrus at si Aaron. Tumigil lang ako sa pag iyak ng marealize ko nasa harap ako ng mga classmates ko. Pero laking gulat ko ng tumingin ako sa buong classroom wala sila.
"Nasa function hall, pinag papraktis ko don't worry" sabi ni Aa (Si Pres) kaya naman napa hagulgol na naman ako ng iyak.
Pucha! Mas masaket pa toh sa una hah! Mas masakit talaga toh dahil wala naman kami. Pucha! One sided love pre! Putang ama! Hindi ko na nga alam gagawin ko tapos ganito pa yung nangyare! Hindi ko na nga alam kung gusto niya ako makikita ko pa silang ganon. Hindi naman sya naka yakap pabalik kay Rhea non pero masakit pa rin yon! Nakaka tangina!!!!
"Arghhhh!!!huhuhu" at humagulgol na naman. Panay naman ang himas nila sa likod ko. "Nag uumpisa pa lang ako pero mukhang talo na agad ako!" sigaw ko kaya naman natahimik sila. "Pucha! One sided love pa ata toh pre pucha!" sigaw ko na natatawa pero alam naman nila na nasasaktan ako ng sobra ngayon.
Tumayo ako at tumingin sakanila na parang walang nangyari. Pinunasan ko ang luha ko at lumabas ng classroom. Dumiretso ako sa cr at kung mamalasin ka andon pa ang asawa ng kampon ng ka diliman.
Napalingon sya ng nakangiti. "Aww sissy bakit namamaga yan mata mo?" tanong niya pero hindi ko sya pinansin at nag hilamos na lang. Lalabas na sana ako ng napatigil ako sa sinabi niya...
"By the way sissy kami na"
......
Wala akong pakielam kung napaka ingay ko dito sa park basta iyak lang ako ng iyak. Hindi ko alam pero dito ako dineretso ng mga paa ko. Hindi ko na alam gagawin ko.. Nakaka baliw pala mainlove ano? Pigang piga ka! Pati sarili mo pigang piga. Hirap ka na kase sa kakaiyak hirap ka pa sa kakaisip bakit ka pa nasasaktan eh wala naman namamagitan sa aming dalawa. We're just enemy na minsan magkaibigan. Depende sa amin.
"Yapapa baru babwa yapapa baru babwa nega nai katuwang ow.... " Astro song breathless. Napatingin ako sa paparating na tao at mas lalong kumulo ang ulo ko.
"What's up Ree!" bati ni Kian na kasama na naman ang best friend niyang tukmol. "Oh bakit ka naiyak?" tanong niya sa akin.
"Tanongin mo yung leader niyo" bulong ko kaya nag taka sya.
"Ano?" tanong niya pero umiling lang ako sakanya. "Alam mo mahal ka non" at nag tawanan silang dalawa.
"Alam niyo kung wala kayong ibang magandang ibibigay na advice mag silayas ka kayo" sabi ko at tinaasan naman ako ng kilay nitong si Ashley.
"Paano ka naman namin bibigyan ng advice kung di ka nag sasabi ng problema gaga talaga tong gf ni Kuya" sabi niya sabay subo ng fries niya na may ice cream. "Okay ganito, ceasefire muna tayong dalawa ngayon bukas na ulit tayo mag away" sabi niya kaya sumang ayon naman ako.
"Start na makikinig kami" sabi naman ni Kian na naupo sa tabi ni Ashley na naka tabi din sa akin.
Minsan napapaisip ako, etong babaeng to kaya ang laging pinag aawayan ni Kian at Addison haha! "Kase may lalaki akong gusto, sya ang pinaka kinaiinisan ko sa buong mundo maliban sayo... " tinuro ko sya at sasapukin na sana ako ng pigilan siya ni Kian.
"Ceasefire kayo par" paalala ni Kian kaya umayos si Ashley. "Hindi ko akalain na ma gugustuhan ko sya, nung una nag hahanap lang ako ng tiyempo para sabihin ang nararamdaman ko pero mukhang umpisa pa lang talo na ako" sabi ko at napa iyak na naman. "Sila na ng babaeng gusto niya, wala na akong laban don gusto niya yung babaeng yon ka away niya lang ako" sabi ko at napa hagulgol na ng iyak.
"Oh hunyango tahan na" Ashley said at binigay sa akin ang panyo niya. "Alam mo feeling ko si Kuya iniiyakan nito" sabi ni Ashley kaya natawa ako.
"Pano mo nahulaan?" sarcastic na tanong ko pero tumawa lang sya.
"Alam mo! Wag kang umiyak hahaha kung alam mo lang! Eto lang masasabi ko sayo mag hintay ka lang!" sabi ni Ashley at tinapik ang balikat ko. "Cry out loud now pero bukas wag na, mag sisisi ka kapag nag sayang ka pa ng luha promise!" sabi niya kaya naman nag taka ako. "Par tara na yayariin ka na ng bebe mo, mauna na kami Reese! Hahahaha" tawa pa rin sya ng tawa.
Tangina ng isang yon! Pero may punto naman sya mag sisisi lang ako kapag ka iniyakan ko ng iniyakan ang kupal na yon. Hindi ko na lang pinansin ang nasa paligid at kumain sa malapit na kainan. Matapos ko kumain sumakay na ako sa kotse ko at umuwi na.
......
Pag pasok ko sa kwarto ko nakita ko ka agad na may nag chat sa akin. Yung laptop kase yung binuksan ko lowbat na kase yung iPhone ko kaya chinarge ko muna. Halos lumundag ang puso ko ng makita ko ang message niya. What the fuck! Ano na irereply ko dito? Nakaka baliw HAHAHAHHAHA KINIKILIG AKO GAGO HAHAHAHAHA!!!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top