Chapter 5 : First Kiss
Keizer's Point Of View
Ang takaw takaw niya talaga. Nakakatuawa syang panoorin. Hindi ko ma pigilang matawa at mapangiti sa itsura niya habang nakain. Iniabot ko pa sakanya yung isang fries at sundae na para talaga saakin. Nahiya naman kase yung tyan ko sa tyan niya. Mukhang marami pa ang space. Para syang si Ashley parehas silang masama ang ugali pero nabait kapag may pagkain.
"Crush mo na naman ako" sabi niya kaya natawa ako.
"Tss. Gaya gaya ka" sabi ko at ngumiti lang naman sa akin. Hindi pilit totoo totoong ngiti na ngayon ko lang nakita.
"Tss. Inlove ka na naman sa akin, nangiti ka mag isa iniisip mo na naman ako" sabi niya kaya mas lalo pa akong natawa.
"Lapit dito" sabi niya kaya inilapit ko ang mukha ko sakanya kahit na nalilito. May tinanggal sya sa mukha ko, mag t-thank you na sana ako at lalayo na ng biglang may mag salita.
"Ang sweet" sabay kaming napatingin don at sabay ring humarap-wrong move! Baka magalit sya!
Reese's Point of View
Putangina! Hindi ko alam kung kinikilig ako o naiinis o natutuwa o nandidiri. Ang lakas ng tibok ng puso ko at parang gusto ng lumuwa. Mukhang nagulat di sya sa nangyare kaya hindi sya maka galaw. Naka dikit parin ang labi namin sa isa't isa kaya bago pa man may iba pang makakita maliban sa bwiset na si Kian eh lumayo na ako.
"Ang sweet niyo hah" sabi ni Kian at tumawa.
"Par dun tay-Oi! Ano yan hah? Gf mo tong panget na toh Kuya?" gigil kong tinignan si Ashley at sinamaan sya ng tingin.
"Ikaw wag kang epal dyan! Mas panget ka sa aken remember?" sabi ko pero tumawa lang sya.
"Ano ako salamin? Para makita yang panget mong mukha saken duhh" sabi niya kaya kinuha ko yung tinidor ko. Nag make face naman sya saakin.
"Ilayo mo saken yang bestfriend mo Kian sasaksakin ko yan ng tinidor" tatawa tawang nilayo ni Kian si Ashley sa amin.
Walang hiya talaga ang babaeng yon. Nakaka panginig buto sa inis katulad ng Kuya niya! Tiningnan ko si Keizer at sinamaan sya ng tingin.
"Bakit ka lumingon?!" hasik ko sakanya.
"Aba! Kasalanan ko pa!?" sambit niya hindi sya naiinis, parang nag pipigil. Ewan ko kung anong pigil ginagawa neto!
"Umuwi na nga tayo! Papatayin talaga kita e!" sabi ko at nagpamauna akong lumakad sakanya. Sya naman daw mag babayad hehehe.
Mabalis akong nakapunta sa parking lot ng mall kaya naman hinanap ko na agad yung kotse nung kupal na si Keizer. Hindi naman ako nagkamali at nahanap ko rin yon.
Matagal pa yon dahil kukuhanin pa niya yung mga binili namen. Tss bahala sya don mag buhat para naman yon sa bebe niya. Tinulungan ko na sya mag hanap at pumili ng gusto ng babaeng yun kaya goods na ako don.
*Smile*
Napahawak ako sa labi ko at hindi napigilan mas lumawak ang ngiti. Napapa isip ako, ano kayang nasa isip niya ng mga oras na magka dikit ang labi namin. Napa pikit na lang ako at napasandal sa bintana ng kotse.
......
*poink*
*toink*
*poink*
Nagising na lang ako ng may nasundot sa pisngi ko. Unti unti akonf dumilat at nasa isang kotse ako.
"Gising na sunget andito ka na sainyo" aniya.
Napatingin naman ako sa labaa at nandito na nga kami. Lumabas sya at pinag-buksan ako. May isa lang lalagyan na sa tingin ko andoon naka lagay ang regalo niya kay Rhea. Nawalan na naman ako sa mood at bagsak ang balikat na bumaba. Wala na naman ako sa mood dahil sa parehas na dahilan. Parang ambilis naman non? Gusto ko na ka agad sya?
"Andito na po ako" sabi ko at kasunod ko na pumasok si Keizer.
"Kasama mo sya?" hindi maka paniwalang tanong niya.
Napaka dumi ng utak neto lage kaya nakakainis! "Wala kang dapat i-pag alala hindi ko aagawin sayo yan" sabi ko at umakyat na sa kwarto ko.
"Hoi! Reese! Kinakausap pa kita!" sigaw niya at nag wawala na sa baba.
"Hanapin mo pake ko" sagaw ko at sinarado na ang pinto.
Napahiga na lang ako sa kama ng hindi hinuhubad ang bag ko. Napapa isip ako kaylan kaya nag umpisa tong nararamdaman ko? Parang biglaan kase toh. Hindi ko naman alam kung paano o kaylan nag umpisa. Hindi ko rin alam kung paano lutasan. Nakakabaliw, at hindi kapa nipaniwala. Biruin niyo sa loob ng apat na taon ko sa highschool sya ang pinaka kinaiinisan kong tao sa buhay ko. Tas makakaramdam ako ng ganito? Ngayon lang naman kase sya nag karoon ng ganito-di kaya naging ganito lang ako dahil ngayon lang sya nag kaganyan sa babae?
Sa mga bawat araw na mag kasama kami, hindi lang naman talaga inis ang nararamdaman ko sakanya. Natutuwa ako kase kahit na papaano nung mga araw na malungkot ako andyan sya para patawanin at inisin ako. In that way, naka-kalimutan ko mga problema ko kaya minsan may gusto ko syang kaaway kesa kabati. Kapag magkabati kase kami hindi kami nag papansinan, tamang usap lang pero walang tawanan.
Napangiti na lang ako.
Na alala ko non, nag away kami ni Daddy dahil ayaw ko pa umuwi sa Singapore.
Flashbacks...
"Naka busangot na naman yung masunget na panget oh" sabi na naman ng kampon ng kadiliman na si Keizer at naupo sa tabi ko. Nag tawanan naman sila Nics kasama yung mga tropa neto ni Keizer. "Problema mo?"
"Bwiset kase papagalitan na naman ako ni Daddy dahil sinagot ko sya tss" inis na sambit ko at napahilamos sa mukha.
"Edi pagalitan mo rin HAHAHAHA"
End of flashbacks.....
*knock *knock
"Pasok" sabi ko at iniluwa naman nito si Mommy na may daladalang gatas at may fried potato.
Goshhh!!! Ansarappp!!!
"Thanks" sambit ko at kumuha ng isa at kinagatan. Uminom rin ako ng gatas at inilapag iyon sa lalagyanan ulit.
"Anak alam ko may problema ka" aniya. Napatingin ako kay Mommy at ngumiti lang sa kanya.
"Kaya ko na toh Ma" sabi ko at kumuha ng isa pang fried potato. Tiningnan niya ako ng masama kaya tumigil ako sa pag nguya "Fine... Kase may impaktong nagulo sa utak ko, hindi ko alam kung kaylan ko sya nagustuhan, hindi ko rin alam kung pa ano eh bwiset na bwiset ako sakanya" ani ko at humiga sa kama. "Paano ko sya ma gugustuhan kung sya ang pinaka na kaka inis na nilalang sa buhay ko? Pano ko rin masisigurado kung totoo tong nararam daman ko" sambit ko.
"Alam mo anak, matagal ng alam nito na gusto mo yung taong yon" at tinuro ni Mommy yung puso ko. "Pero simula't sapul
tinatanggi neto" at tinuro niya ang utak ko. "Ikaw lang makakasagot ng tanong mo na yan dahil ikaw ang nakakaramdam, andyan lang ang mga kaibigan mo, ako para mag bigay ng opinyon pero at the end of the day ikaw lang ang makakapag sabi kung mahal mo ba talaga yung taong yon" niyakap niya ako at hinalikan sa bunbunan. "Mag palit ka na at ubusin yang pagkain mo para maka tulog ka na" sabi niya at lumabas na ng kwarto ko.
"Wahhhh!!!! Ang gandaaa!!!" rinig ko bago pa maisara ni Mommy ang pinto.
Tss. Bwiset! Nakakairita talaga yung boses ng kapatid ko arghhhh!!!
Matapos kong kumain dumiretso ako sa banyo para mag half bath. Habang ninanam nam ang lamig ng tubig na nadaloy sa katawan ko ay bigla na lang bumalik sa akin ang mga sinasabi ni Mommy.
"Alam mo anak, matagal ng alam nito na gusto mo yung taong yon" at tinuro ni Mommy yung puso ko. "Pero simula't sapul
tinatanggi neto" at tinuro niya ang utak ko.
"Ikaw lang makakasagot ng tanong mo na yan dahil ikaw ang nakakaramdam, andyan lang ang mga kaibigan mo, ako para mag bigay ng opinyon pero at the end of the day ikaw lang ang makakapag sabi kung mahal mo ba talaga yung taong yon"
Siguro nga oras na para mag ayus at ayusin ko ang mga bagay na kaylangan ko ayusin. Kaylangan ko na rin buuin ang sarili ko dahil walang ibang gagawa sa akin nito kundi sarili ko lang. Kung mag papalamon ako sa inis hindi ko maaayos ang problema kong ito. Tama! Lumabas na ako ng cr matapos ko mag banlaw at agad na nag bihis.
*Ting*
Nag chat na naman ang buset na toh-wag magalit! Nag reply naman ako sakanya. Hindi ko alam pero napa back read ako sa mga usapan namin. Karamihan dito panay lang sya si pang aasar hindi ko tuloy maiwasang hindi ngumiti dahil sa nababasa ko. Nang mag reply ulit sya ay parang gusto ko na namang pumatay.
Pwede na ba ulit pumatay? Pwede na ulit? Kahit ngayon lang pwede?
"Ikaw lang makakasagot sa tanong mo na yan dahil ikaw ang nakakaramdam"
Ako lang makaka alam. Ako lang ang nakakaalam. Siguro nga iti natanggi ko lang na hindi ko sya mahal pero puso ko sya lang sinisigaw. Hindinko alam kung kelan nag umpisa. Pero yan ang sunod nating aalamin.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top