Chapter 3 : Selos Factor

Reese's Point of View

June 16 2020

Ngayong araw na toh ang start ng pag hihirap-este pag tulong kay Chance. Ngayong araw susunduin niya si Rhea kaya naman ako kakausapin ang bruha kong stepsister. Mas matanda sya ng isang taon sa akin pero I DON'T CARE! pumasok ako sa kwarto nya ng walang katok katok. Sa lahat na naman kase ng pwedeng magustuhan ng kutong lupa na yon yung ate ko pa!? Ayus lang parehas naman silang demonyo tsk.

"Bilisan mo mag ayus ka na dadating yu g crush mo, psh" sabi ko at isinara na ang pintuan niya. Narinig ko pa syang nag titili kaya mas lalo akong nainis.

Ultimate crush niya si Chance, isang beses nag patulong sya sa akin kaso wrong timing di kami nag papansinan non kase nga nag away kami. Pero sure namab ako na nalulunod na sa tuwa yung step sister ko dahil sa nalaman niya na dadating ang crush niya. Habang hinihintay ko sila Serina nag bukas muna ako ng facebook ko.

*Ting*

"Tsk" pumunta ka agad ako sa kwarto ni Rhea at sumigaw. "Bilisan mo nandyan na yung manliligaw mo sa baba!" sigaw ko.

Nag chat kase si Chance sa akin.

Sineen ko na lang siya at bumalik na sa pag-f-facebook ng pumasok sya. Derederetso sya sa tabi ko at naupo. Hindi ko naman sya pinansin at ginawa lang ang pinag kaka-abalahan ko.

*Ting*

Yawni: Girl lumabas ka na at naiinip na talaga ako.

Kanina ka pa dyan?

Yawni: No kadarating ko lang.

Gaga talaga ang isang toh, kadarating lang pala kala ko naman kanina pa. Tiningnan ko si Chance. "Aalis na ako, ikaw na bahala sa bitch kong kapatid" at ina lisan sya.

"Ang tagal, kaninong sasakyan toh?" She asked. Lumabas naman si Milly sa back seat.

"It's Keizer's car susunduin ang nililigawan niya na si Rhea" she said at sumang ayon naman ako. Wala ako sa mood mag salita ngayon naiinis ako.

"Hindi ka nag seselos?" biglang labas ni Serina sa front seat at naka ngiti ng malapad.

"At bakit naman ako mag seselos?" tanong ko na naiinis. "Mag sama sila kung mag sama sila I don't care" sabi ko at umupo na sa back seat katabi si Janica na ka-video call sila Louie Mike at Kit.

Hindi ko na silang lahat pinansin para naman hindi ako mainis ng sobra sobra. Inisandal ko na lang ang ulo ko sa bintana at ipinikit.

Keizer's Point of View

Pag alis ni Reese sya namang pag labas ni Rhea. Ang ganda niya talaga. Hindi ko napigilan ngumiti. Kahit na mas matanda sya sa akin titigan mo lang sya masasabi mo talagang bata pa sya. Isang taon lang naman agwat namen, pero syempre hindi mapipigilan na kantyawan.

"Hi" sabi niya na ikinangiti ko. Hindi rin makapal mukha niya at napaka-mahiyain di katulad ng kapatid niya napaka kapal ng mukha.

"Tara na" sabi ko at ngumiti naman sya. Naka hawak sya sa braso ko at sabay kaming lumabas ng bahay nila.

Serina's Point of View

Kanina pa tahimik at wala sa mood si Reese kaya antahimik naming lima. Sya kase ang may pinaka-nakaka-tuwang vibe dito dahil nga sa pagiging bitch niya. Sya rin ang maingay sa amin at kahit na hindi sya nag papatawa, napapatawa niya kami sa way ng pananalita niya.

"Girls, is she fucking okay?" Janica asked.

Mukha bang ayus yang gaga na yan? Mukha syang pinag-sakluban ng langit at lupa, para syang namatayan dahil sa sobrang tamlay niya. Hindi naman sya ganyan. Kanina pa sya tahimik dito sa classroom, dalawang subject teacher na namin ang wala and as usual nalabas kame pero kanina nang ayain namin sya tumangi sya.

"I don't think so Nics, hindi ganyan si Reese kaya siguro may problema yan" sabi ni Milly at sumabg ayon naman ako.

Pero na-ka-ka-pag-taka, kapag ka may problema sya saakin agad sya nalapit o nag sasabi dahil alam niyang matutulungan ko sya, pero bat ngayon ni isang chat wala sya.

"Goodmorning class" tumayo naman kami at syempre maliban na lang dun sa apat. Tiningnan ko sila ng masama kaya naman tumayo sila pero syempre hindi talaga nag patinag ang Reese. May kasama rin si Maa-

Omo! Bakit andito yan? Seryoso ba sya? Classmate na ni Reese ang crush niya noong second year sya. Tiningnan ko sya at nakita ko na malaki ang mga mata niyang napa-tayo ng dahan dahan. Gulat lang sya, walang kilig na nadarama. Pero laking gulat ko ng umupo ulit sya at parang walang nangyari.

"So class sya ang bago niyong classmate, well dati na sya dito but nag stop sya for some private reason" paliwanag ni Maam Erlinda.

"Well I'm Cyrus Vergara nice to meet you all" sabi niya at umupo na sa nakita niyang gusto niyang spot which is sa harap ni Reese.

Tahimik pa rin si Reese at wala kang makikotang emosyon sa kanya. Nanahimik na lang kami-Ako at si Dawn lang pala ang ingay ingay nila Milly at Janica at panay pa ang mura kaya napa-galitan. Ang mga bitch naman walang mga naririnig. Hinayaan ko na lang sila at tiningnan si Reese. Malungkot ang mga mata niya.

"Reese okay ka lang?" tanong ko pero tumayo lang sya at derederetsong lumabas.

What's up with her?

Reese's Point Of View

Hindi ko alam kung bakit ako nag kaka ganito. Bago kase kami maka alis kanina ng bahay badtrip na ako, tas mas nabadtrip pa ako ng makita ko sila sa entrance ng gate nang makita kong naka angkla ang kamay ni Rhea sa braso ni Chance.

Flashbacks....

Nauna kaming makarating dito sa school kesa sa dalawang mahilig mag lampungan. Well hindi naman sa ganon dahil ngayon palang nila gagawin pero in advance na ren duhh. Nakaramdam naman ako ng tawag ng kalikasan yung number wan lang kaya lumabas ako ng room.

'Sila na kaya?'

'Hindi pa ang alam ko nga sila ni Ate Reese e'

'Ang landi naman ni Rhea'

'Pero alam ko kapatid ni Ate Reese si Rhea e'

'Nakakadiri sila tignan'

'Nas sweet pa sila ate reese at keizer dyan e'

Napatingin ako sa tinitignan ng mga junior high at nakita ko sa gate ang mga malalanding nilalang na magka angklan sa isa't isa. Napaka harot agang aga! Nakaka inis ansakit sa mata! Padabog akong pumunta ng restroom at nag hilos ng nag hilamos ng mabawasan man lang ang init ng ulo ko.

End of flashback...

"Bwiset na alala ko na naman" inis na sambit ko at humiga sa upuan dito sa fourth floor.

Buti na lang at may mga tambak ng upuan dito na pwede kong higaan para makapag relax ako at di maisip ang dalawang yon-

"You look so jealous"

I know her voice-It's Serina. "Jealous? For what?"

Ako mag seselos at bakit naman? Hindi ko naman gusto si Chance hindi ko rin naman gusto si Rhea kaya walang dahilan para mag selos ako.

"Iniisip mo na ngayon kung bakit ka nag seselos right?" tanong niya at tumawa.

Kilalang-kilala niya talaga ako. "Kanina when you saw Rhea and Keizer on that gesture ano ano naramdaman mo?"

"Nainis ako! Inis na inis! Ampanget panget tignan na ganon yung galawa nilang dalawa. Lalo pa akong nairita ng makita kong naka-ngiti si Keizer parang tanga. Pa ngiti ngiti pang nalalaman, kanina hinihiling ko talaga na sana mabungi sya yung tipong walang matitira sa ngipin niya dahil nga sa panget ng dahilan ng pag ngiti niya. Yung sa isa naman ang harot harot ng galaw! Halos hindi na sila mapag hiwalay parang mga linta na mamatay pag napa hiwalay sa isat isa, hindi na ako mag tataka kung mamamatay na yang stepsister ko kapag ka natapos na yang lahat ng nasa kanila ni Chance! May pa tulong tulong pang nalalaman ang gago kaya naman pala niyang landiin ng wala ako."

"See selos" sabi niya na para bang nanalo sya.

"Anong bang sinasabi mo? Edi naman ako nagsasabi ng kung ano sayo" sabi ko kaya mas lalo syang natawa.

"Nainis ako! Inis na inis! Ampanget panget tignan na ganon yung galawa nilang dalawa. Lalo pa akong nairita ng makita kong naka-ngiti si Keizer parang tanga. Pa ngiti ngiti pang nalalaman, kanina hinihiling ko talaga na sana mabungi sya yung tipong walang matitira sa ngipin niya dahil nga sa panget ng dahilan ng pag ngiti niya. Yung sa isa naman ang harot harot ng galaw! Halos hindi na sila mapag hiwalay parang mga linta na mamatay pag napa hiwalay sa isat isa, hindi na ako mag tataka kung mamamatay na yang stepsister ko kapag ka natapos na yang lahat ng nasa kanila ni Chance! May pa tulong tulong pang nalalaman ang gago kaya naman pala niyang landiin ng wala ako."

dO_ob

What the heck?!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top