Chapter 26 : Crowd
Keizer's Point of View
Nakain kami ngayon dahil kaylangan namin pumunta ng school, it's our last training ngayong umaga dahil mamaya na ang laro namin. Kanina pa naka-busangot si Ash dahil binawasan ni Mommy ang pagkain niya, matutuwa raw syang kumain ng kaunti dahil baka sya raw ay tumaba.
"Mom.. balik mo na kay Keit iiyak na sya oh, at hindi sya tataba" sambit ni Keo na hinihimas na ang likod ni Ash ngayon dahil naluluha na. Tumatawa naman si Luke sa tabi ko kaya natawa din ako.
"And how would you know?" maotoridad na tanong ni Daddy kaya tumawa kaming dalawa ni Keo. Inilabas niya ang phone niya at may pinanood sakanila.
Yun yung compilations kung gaano katakaw si Ash pero hanggang ngayon ay slim pa rin sya at matangkad pa rin. Mas bumagay nga sakanya ang suot niyang Jersey na pang volleyball ngayon na silk ang tela at color blue and white. Kaso lang ang ikli kaya naiirita ako.
Nagkaroon ng katahimikan hanggang sa tumawa sila Mommy kaya nahawa na kami. Tatawa tawang ibinalik ni Mommy ang kinuha nya kay Ash at kumain na. Bigla naman ulit umaliwalas ang mukha ni Ash kaya natawa pa kami lalo.
*ding *dong
"Yaya paki-buksan" utos ko sa maid na naka-tingin sa amin habang nakain kaming lahat. Yumuko naman sya sa akin atsaka ginawa ang utos ko.
"Hi Tito! Hi Tita!" sambit lang ng kaka pasok lang na si Kian. Bigla naman tumayo si Ash at "Mommy aalis na po ako babye" humalik sya sa pisngi ni Mommy at Daddy niyakap ni si Luke at ganon din ang ginawa niya sa amin ni Keo.
Anyare don? Bakit sya umalis? Narinig ko na lang ang pagharurot ng sasakyan niya na ikinagulat ko. Hindi niya ginagamit ang kotse niya maliban na lang kung si Kian ang mag dadrive—nag away kaya sila? O inaway ni Kian?
"Inaway mo si Ash?/ Inaway mo si Keit?" sabay na tanong naming dalawa ni Keo na may nakapukol na masamang tingin sa kanya. Agad naman syang napa atras. Nag pabuhat si Luke sakanya, bumuntong hininga sya.
"Ayaw akong pansinin kahapon pa, hindi naman kami nag away iniiwasan lang ako ng iniiwasan kaya naman pinuntahan ko ngayon. Kaso lang iniwasan na naman ako" bakas ang lungkot sa mukha ng mokong kaya naman may isa akong nahalata.
"Gusto mo ba si Keit?" mukhang pati si Daddy ay nahalata. Ngumiti naman sya ng mapakla. "Kahit naman ho gusto ko si Ash hindi niya ako gusto hahaha" nag peke sya ng tawa at ibinaba si Luke matapos niyang halikan sa pisngi. "Una na ho ako susundan ko na lang po si Ash hanggang sa mag bati kami, bye tito bye tita.. una nako men" tumango lang kami ni Keo at umalis na sya.
"Sabi na eh, gutso niya ni Ate Keit!" bulol na sambit ni Luke kaya nag tawanan kaming lahat. May kinuha si Mommy sa likod ng pintuan na may damit. Iaang pulang box.
"I want you to propose to her, ikaw na bahala mag plano basta ngayon dapat ay engaged na kayo" sambit ni Daddy matapos ibigay ni Mommy sa akin ang pulang box.
I smiled. "My pleasure" I'm yours now my wife.
Reese's Point of View
Nandito ako ngayon sa volleyball court. Kasama ko si Ashley na wala ngayon sa sarili. Humahangos sya ng dumating sya dito at sinabi sa amin na wag daw mag papapasok ng boys, kaya ginwa na lang namin. Chombagin pa kami ng isang toh mahirap na.
Nilapitan ko sya. "Ash... " binigyan ko sya ng bottle water at tinaggap naman niya iyon. "Ayus ka lang?" tanong ko sakanya. Ngumiti lang naman sya ng mapakla.
"I don't think so, iniiwasan ko sya without knowing kung bakit" sambit niya kaya alam ko na kung sino ang topic namin ngayon—It's Kian.
Sabi na gusto niya yung bestfriend niya eh. So ayun ako naman ngayon ang mag bibigay ng advice sakanya. "Do you like him?" tumingin sya sa akin at parang nag dadalawang isip pa.
"H-hm" maikling sagot niya at umiwas ng tingin sa akin. Nagulat ako ng bigla syang tumayo at nag tago sa isa sa mga bleachers. Saka ko lang na-gets na nag tatago pala sya, to the rescue muna tayo okay!?
"Where's Ashley?" tanong ni Kian sa nag aalalang boses. He likes her. I can feel it and I can see it in his eyes. "Reese where's Ashley?" tanong niya kaya naman nag kibit balikat ako.
"I don't know whereshe is, pero better stop finding her muna sa ngayon Kian, pag nakita ko sya kakausapin ko na lang sya for you" sambit ko kaya naman bumuntong hininga sya.
"Thanks Reese, pasabi kung may nagawa man akong mali mag usap kami. Maba baliw ako kaiisip bakit niya ako iniiwasan" tumango lang naman ako at sya naman pag alis niya. Nang tuluyan ng maka-labas ng court si Kian ay lumabas na si Ash.
"What am I supposed to do now?" she asked. Frustrated na sya. Hinawakan ko ang kamay niya at ngumiti.
"Be honest with your feelings" sambit ko at iniwan na sya doon. Bumaba ako sa mga bleachers at nag training na. Hinayaan ko muna si Ashley makapag-isip para naman mamaya maayos syang makapag-laro.
"Mine!" nagulat na lang akong ng nasa baba na sya at sya na ang sumalo ng bola. Napangiti ako nang ngitian niya ako. Nice.
..
"Marynians! Are you ready now? the event must go on after this ceremony. Leaders come forward" sabi ni Miss Tiglao.
Agad na pumunta ang leaders ng sayaw, at ng ceremony sa stage at nag umpisa na ang ceremony. Matapos mag panatang makabayan, kumanta ng SMU hymn at mag excersice ay bumalik na kami sa kanya kanya naming classroom. Ang iba naman ay pagala gala. Ang iba naman ay nasa iba't ibang section. Nandito sa classroom ngayon si Kian at kausap nila Keizer ng makapasok ako.
Agad naman akong lumapit kay Kei at humalik naman sya sa pisngi ko. Kasunod ko na pumasok si Ashley, pero ng makita niya si Kian ay lumabas ulit sya. Susundan sana ni Kian ng hawakan ko sya sa kamay.
"Just let her be" sambit ko at bumitaw sa pag kakahawak. Nag punas ako ng pawis ko at tinulungan naman ako ni Keizer doon habang nag uusap sila ni Kian. Hindi ko naman maintindihan mga pinag sasabi nila dahil naka-earphones ako.
"I love her bro, ewan ko ba hindi pa naman ako naamin eh. Bakit iniiwasan na niya ka agad ako?" rinig ko ng tanggalin ko ang earphones at humiga sa balikat ni Kian.
"Pag lumamig na ang ulo ni Keit saka mo na lang sya kausapin" suggestion ni Keo sakanya. "May napapansin din ako kay Keit this past few days... panay sya si iyak t'wing gabi" sambit ni Keo pa.
"Me either, kinausap ko sya pero sinabi lang niya ay gusto niya lang pumunta sa concert ng astro kaya sya na iiyak kase wala syang kasama" sambit naman ni Keizer. Napangiti ako. Kahit na ang angas ni Ash hindi pa rin talaga babago na babae talaga sya dahil super fun girl sya ng Astro.
"You know, dahilan lang yon ni Ash dahil ayaw niya na malaman ng mga kuya niya ang totoong dahilan ng pag iyak niya. Alam niya kase ang kaya ninyong gawin kapag may nanakit sakanya" ani Serina na kanina pa nakikipag usap sa mga toh.
"Lahat ay pinapapunta na sa court dahil mag uumpisa na ang basketball tournament." sabi ng SBO sa speaker sa hall. Agad naman kaming pumunta doon at kinuha ang mga gamit.
Naiwan na lang kaming dalawa ni Keizer at ngumiti ako sakanya. "Goodluck kiss ko sayo" at hinalikan sya, smack lang. Bitin pa ata ang mokong dahil hinawakan ako sa bewan at hinalikan. Mga three seconds ganon.
Nang mag hiwalay ang mga labi namin ay lumabas na kaming dalawa na mag kahawak kami. Nang makapunta kami sa court pumunta sya sa backroom dahil hindi pa sila pwedeng mag pakita. Nag babye lang ako at umupo na sa bleachers katabi sila Ashley at Serina.
..
"Goooo asawa kooo!!! wuhhh—yesssss ang galing mo!!! I love youuuhhh!!" sigaw ko ng maka shoot aya ng three points. Nag didribble na sya ng bigla niyang tanguan ang referee at bigla syang banggain ng kalaban niya. Napatayo ako at napa baba kaagad ng makita kong namimilipit sya sa sakit.
"Kei! A-ayus ka lang?" tanong ko na nag papanic na. Ang iba naman ay naki usyoso na din. Dumapa na sya at feeling ko sa sobrang sakit yun. Iniabot ni Keovie ang kamay niya kay Keizer, parang may something sa kamay ni Keo. Pero di na mahalaga iyon. Tumulong ako sa pag tayao sakanya at ganon na lang ang gulat ko ng lumuhod sya sa harap ko.
Nakangiti sya sa akin at biglang may nilabas na pulang box. Binuksan niya iyon at ganon na lang ang gulat ko ng makitang singsing ang nasa loob non.
"Reese... " huminga sya. "Will you marry me?"
"YES!"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top