Chapter 25 : Intrams!
Reese's Point of View
Nag hahanda na kami nila Mommy ngayon dahil maya maya lang ay dadating na ang sundo namin. Susunduin kasi kami nila Kei at sabay na sa pag punta ng Mama's Walker House.
Simple lang naman ang suot ko, dinner lang naman daw so hindi kaylangan maging formal. Simpleng white dress lang ang isinuot ko at hinalf bun ko lang ang buhok ko.
A: Nasa media yung itsura ^_^
"Anak, andyan na sila" sambit ni Daddy kaya naman sumunod na ako sa kanila.
"Hi Tita Raisy! Hi Tito Ofren!" sambit ni Ash na sumilip pa sa may van. Bigla naman syang hinatak ni Luke kaya naman natawa sila Mommy. Ang kulit kase nila.
"Hello ija, and hello my friend" nakipag kamay si Daddy at Tito Kent sa isa't isa nag beso naman si Mommy at Tita Anna.
"Asawa ko" napalingon ako sa gilid ko dahil andoon na si Keizer. Ayan na naman tayo sa asawa ko na yan! Feeling ko nataas na lahat ng dugo ko at nalipat na sa pisnge.
"Ano ba ang topak mo at ganyan ang tawag mo sa akin?" kunwaring inis ko pero nagulat ako ng...
Halikan niya ako sa harap nila mommy ommmmooo!!!
"Hmm mukhang kaylangan na talaga nila mag-pakasal" sambit ni Daddy at nag tawanan silang apat. Sinamaan ko ng tingin si Keizer pero tumawa lang sya at hinawakan ang kamay ko.
"Arat na! Nag hihintay na sila par doon kaka-text lang hinahanap na tayo" ani Ash.
"Tayo ba talaga o ikaw lang?" sambit ni Tita Anna kaya nandiri naman bigla ang mukha ni Ash.
"Diri diri ka pa dyan hahaha" sambit ni Tito. "Eh kayo rin naman ikakasal" pa habol pa ni Tito kaya sumama ang mukha ni Ash.
Nako, indenial pa sya. Halata naman na gusto sya ni Kian eh at ganon din si Kian sa kanya. "Yak kayo" sambit niya at yumakap kay Luke.
Ang cute naman nila, sana ganyan din kami ng kapatid ko ano? Nga pala hindi sumama si Rhea sa amin dahil andoon sya sa Mommy niya. Remember mag step sis kami? Magkaiba ang nanay namin but parehas kami ng tatay. Actually mag step sis kami and cousin at the same time.
Kapatid kase ni Mommy ang naanakan ni Daddy. Hindi sya inadopt. I was just lying that time ng sabihin ko na adopted sya. Na kakahiya kase kapag nalaman na ganon ang takbo ng family namin. Pero dito naman si Daddy nauwi sa amin dahil kabit lang talaga ang kapatid ni Mommy na si Tita Realin.
Pumasok na kami at andoon kami sa pinaka likod ni Keizer. Katabi ko ying bintana at yung katabi ko naman sa kaliwa ay si Keizer sabay si Ash at si Luke. Nasa harap si Keo katabi si Tita Anna at sila Mommy.
..
"Kumare!" tili ni Tita Kaith. Nakangiti naman si Tito Dom na nakipag kamay din kila Tito Kent at Daddy.
Agad na yumakap si Kian kay Ash at pina galitan. Pano ba naman, naka spaghetti strap na crop top sya at highwaist na pants. Ngayon ko lang toh sasabihin pero naiinggit talaga ako kay Ash, wala kase syang bilbil at flat na flat ang tyan niya pero may dede sya.
Ako kase, flat nga tyan, flat din naman dede ko. Hays. Hello sa mga flat out there! Hahaha flat is the new blackboard charot hahahaha!
"Kei" tawag ko sakanya. May nakita kase akong Icecream Parlor at bigla na lang akong nag crave sa cookies and cream.
"Yes [私の妻] watashi no tsuma?" sambit niya kaya naman nalito ako.
"Ha? watashi nu chuma?" tanong ko pero tumawa lang sya at niyakap ako.
"Mom... bibili lang kami ni Reese susunod kami" sambit ni Keizer atsaka ako hinatak papunta sa icecream parlor.
Hindi parin mawala sa isip ko yun eh. Baka naman minumura na ako ng isang toh hah! "Hoi ano yung sinabe mo?" ani ko at hinawakan ang braso niya.
"Asawa ko ibig sabihin non, sa japanese okay na?" sambit niya kaya naman namula na naman ako. Takte naman Keizer oh!
"E-edi wow!" sambit ko at umiwas ng tingin. Hinintay ko lang na makuha yung inorder niya at inubos yun don.
"You're beautiful" sambit niya na nag pa basag sa katahimikan. Ang sweet talaga ng iaang toh. Nginitian ko sya at nilapit ang mukha ko sa leeg niga at hinalikan yung jaw niya.
"Gusto ko sa lips" sambit niya kaya naman natawa ako.
"Hmm" sambit ko at hinalikan sya sa labi. Ang gwapo niya talaga kapag naka ngiti.
"Balik na tayo don—" nagulat kami ng sa di kalayuan ay nakikipag-bugbugan si Kian at Ashley. "A-ahh Kei tutulungan mo ba sil—"
Keizer chuckled. "They don't need any help from me, higit pa sa anim na tao na ngayon ang kaya nilang patumbahin na hindi manlang nasusugatan" pagmama yabang niya kaya nagulat ako.
Gangster din ba ang mga toh? Katulad ni Nics? Nakita ko kase na meron si Janica na code card ba yon? tas may nakalagay doon na Daredevil Amazons.
"Gangsters ba?" tanong ko at tumango naman sya sa akin. "Hindi ba iyan delikado Kei?" nag aalalang tanong ko habang pabalik kami sa resto. "Pano kung maulit yung nangyare sayo?" tanong ko pa ulit. "Paano kung mawala—"
Tumigil kami at hinawakan niya ako sa mag kabilang balikat. "Walang mawawala kung merong mawawala edi sana wala na ako and... look" iniharap niya ako kila Kian at Ash na natawa pa at pabalik na sa resto nila. "Kaya wag mong sasabihin na merong mawawala okay? ligtas kami ligtas... " sambit niya at niyakap ako at hinalikan ang noo ko.
"Tara na watashi no tsuma" agad naman akong napangiti. Asawa ko...
"Andito na sila!" sigaw ni Mommy at ni Tita Anna, sama niyo na si Tita Kaith sabay sabay sila. Kasunod namin sila Kian na pumasok.
"So, napag usapan na namin ang lahat ang baby, shower, honeymoon place yung gown mo at pati na rin ang reception! kayo na lang ang hinihintay namin" sabi ni Tita Anna nagkatinginan kaming dalawa ni Keizer at sabay na natawa.
"So what do you say?" tanong ni Tita Kaith. "Any suggestions?" tanong naman ni Mommy.
"I'm fine as long as watashi no tsuma is okay with it" tumili naman sila Tita at Mommy, sila tito naman ay ngumiti at natawa sa mga asawa nila. Para silang teen ager.
"It's fine. [私の夫] watashi no otto is fine so it's for me too" ani ko. Akala niya sya lang ang marunong mag hapon hah!
"Oh, asawa ko, my husband malupet sana ol" pang aasar ni Ashley sa amin.
"Wifey na iinggit ka ba—aray!" sigaw ni Kian ng batukan sya ni Ash at pasakan ng cake sa bunganga.
"Tigil tigilan mo ako sa kaka-wifey mo Kian hah! tigil tigilan mo!" inis na sambit nito kaya natawa kaming dalawa ni Keizer.
"Bakit wifey kinikilig ka?" sambit ni Kian ng matapos niya ang pag nguya niya. Nag tawanan naman sila Mommy at sila Daddy ng umirap na lang si Ashley.
Marami rami pang pinag usapan hanggang sa umuwi na kaming lahat. Nagpaiwan naman si Luke at Ashley kila Kian mag oovernight daw sila doon dahil makikipag laro si Luke kila Kairon at Kendy.
..
"So next week na ang intrams day, may naka-assign na booth sa atin so kaylangan ayusin niyo ang classroom simula ngayon okay ba yon hvrjafah"
Kanina pa nag papaliwanag si Sir sa harapan para sa mangyayaring intrams day. Inaabangan ko lang naman this year ay ang pageant. Kanina pa ako natutulog sa balikat ni Keizer.
"Mr. Red Keizer and Keovie, and Mr. Lamperouge kalaban ninyo ang Saint Paul kaya mag handa kayo for futsal and basketball understood and by the way Mr. Keizer Red ikaw ang sa Mr. Campus" tumango lang si Keizer ganon din naman si Keo at Louie.
"Ms. Doblon, Ms. Orchestra, Ms. Cane, Ms. Dawn and Ms. Osi kayo naman ang bahala sa volleyball and Ms. Osi ikaw ang sa Ms. Campus" nag si ayiehan naman ang lahat at kaming dalawa naman ay tahimik lang. Go ingay lang kayo.
"Sir! Hindi na yan Osi she's Red now! Mrs. Red! Hahahaha" sambit ni Serina kaya naman nag ayiehan pa lalo ang mga kaklase namin.
Nagkatinginan na lang kami. Well, malapit lapit na rin akong maging Mrs. Red onting kembot na lang at asawa ko na itong katabi ko ngayon hihihihi.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top