Chapter 24 : Alive
Keizer's Point of View
Kaming tatlo lang ang nandito ngayon sa ospital. Nag-paiwan si Keo at si Ash para bantayan ako. Nasa iisang kama lang din kami ngayon at nasa gitna naming dalawa si Ashley na mahimbing ang tulog.
"Kuya... " napalingon ako kay Keo. Naka yakap si Ash sakanya habang naka higa naman si Ash sa braso ko.
"Hmm?" angit ko.
"Magiging maayos kaya ang lahat?" tanong niya. Kahit ako iniisip ko rin kung magiging ayus ba ang lahat. Wala rin akong ideya sa mangyayari. Bumuntong hininga ako.
"I don't know Keo, pagdasal na lang natin na hindi magalit si Ash sa ating lahat" sambit ko. Tumango naman sya at niyakap na rin si Ash. Yumakap na rin ako sakanila at natulog na.
..
Naka-ramdam ako ng kamay na naka hawak sa kamay ko. Pamilyar ang lambot nito at ang init ng palad niya. Hindi ako pwedeng mag kamali, kamay ito ni Mommy.
Unti unti kong minulat ang mga mata ko at tama nga ang nakikita ko. "Kei.. " aniya at nag mabilisbis ang pag laglag ng luha niya. Dahan dahan akong gumalaw upang hindi magising si Ash at Keo.
"Mom... " hindi ko na rin napigilan na umiyak kaya namab ay niyakap niya ako. Tahimik kaming naiyak ng biglang na lang—"Kuyaaaa!!!!" sigaw ng isang pamilyar na boses. L-lukey...
Agad niya akong niyakap. Medyo kumirot yung sugat ko kaya medyo umurong sya sa akin. "Kuya! I miss you!" hindi na sya ganon ka bulol. 6 years old na sya ngayon nakakatuwa.
"I miss you too lil brother" sabi ko at niyakap sya. Nagulat na lang ako ng bigla niyang upuan si Ashley kaya nagising ito. Yari kang bata ka!
"Arghhh!! What the he—" napatigil sya habang si Luke naman ay natawa dahil nakita niya ang ate niya. Unti unti syang umiyak hanggang sa yakapin niya si Luke. "Totoo ba toh? hindi ito panaginip?"
"Ate Keit, why are you crying?" tanong sa kanya ni Luke. Umiyak na ng tuluyan si Ash at niyakap ng mahigpit si Luke.
"Anak" ani Daddy at niyakap kaming tatlo. Nagising na rin pala si Keovie at nililikot na rin ni Luke. Ang saya saya na naming tingnan.
Hindi ko na alam ang nangyayari, panay saya na lang ang nararamdaman ko ngayon. Kala ko tatagal pa ang pag papakita nila sa amin. Hindi ako makapaniwala na wala manlang miski isang salita si Ash. Paano kung malaman niya na tinago namin ni Keo sakanya to ng halos dalawang buwan?
"Kuya... " naramdaman ko na lang na hinawakan ni Ash ang kamay ko. "Alam ko na, matagal na... nahuli ko kayo ni Kuya Keo na nag uusap at alam ko kung ano ang dahilan" sambit niya. Hinalikan ko na lang sya sa noo at nginitian. Kahit na malditah yang batang yan mahal na mahal ko yan.
*knock *knock
Pinag buksan sya ni Mommy at ganon na lang ang gulat ni Reese ng makita ang mga magulang ko. "Mom.. It's Reese my girlfriend" sambit ko kaya naman pina pasok na sya ni Mommy. Hindi naman naka ligtas si Reese sa mapang-asar na ugali ni Ash.
"Look at her Luke, girlfriend sya ni Kuya Kei natin. Ang pangit noh?" at nag hagikhikan silang dalawa. Kita ko ang sama ng mukha ni Reese kaya naman pinalapit ko sya sa akin at hinawakan ang kamay. Baka sabunutan niya bigla yung mag kapatid hahaha.
Reese's Point of View
"So ija, ilang taon ka na?" tanong sa akin ng Mommy ni Keizer. Ang alam ko patay na sila Tita Anna at Tito Kent pero bakit andito sila? "The last time I saw you 17 ka lang but look at you know" sambit ni Tita kaya ngumiti ako.
"Mommy ka-edad mo lang yan" pang aasar ni Keo kaya sinamaan ko sya ng tingin. "Kaya nga Ma, hahahaha" pang gagatong naman ni Ashley.
Nako! Buong angkan talaga ng Red mapapatay ko! Walanghiya talaga ang mag kakapatid na ito. "Wala pa ring nag babago sa inyong lima lagi pa rin kayo nag aaway" sambit ni Tito Kent kaya naman napa-tingin ako sakanya. Gwapo pa rin sya, at matipuno pa rin ang katawan. Parang hindi sya tumanda argh!!
"Tito, lagi akong inaaway ng mga yan lalo na si Ash" sumbong ko. Tumawa naman si Tito at binaling ko ang tingin ko kay Tita. "20 na po ako nung nakaraan lang po kase umamin yung isa dyan" ani ko at humagikhik kaming dalawa ni Tita.
Actually, bata pa lang ay mag kakakilala na kami dahil sa mga magulang namin. Mag totropa sila back then kaya siguro pati kami ay naging mag totropa na kahit na laging nag aaway away.
"I heard you" may banta sa boses ni Kei pero hindi ko sya pinansin. "So Reese ano naman ang ginawa nitong anak ko at napa-amin ka?" singit ni Tito. "Mortal kayong mag kaaway anong nangyari?"
Ngumiti naman ako. "Ewan ko din tito eh, ginayuma ata ako... " sambit ko at ngumiti. "Nagka-boyfriend po kase ako noon, then nung nag break kami si Kei ang laging andyan. Dinedeny ko pa noon na di ko sya gusto, sya naman ang torpe kaya ngayon lang ho naging kami" ani ko at tumingin kay Keizer na ngayon ay naka ngiti.
"Well, I know since childhood gusto ka na ni Keizer" sambit ni Tito. "But I'm happy to the both of you" sambit ni Tito.
"Since... twenty ka na ija and malapit na kayo grumadute, pag usapan na natin ang kasal"
"Mom!" sambit ni Keizer at tumawa naman sila Keo. "Labasbas kami Mommy pangit daw kase yung asawa ni Kuya Kei hahaha"
Ewan ko kung makyukyutan ako sa batang toh o papatayin ko na lang mamaya kapag naka-alis na sila Tita at Tito eh.
"Sige na anak, lumabas na muna kayo pag uusapan namin ang kasal" ani Tito kaya lumabas na sila Keo Ash at Luke.
"So ija, gusto mo na ba?" tanong ni Tito sa akin. "Kung ayaw mo pa ayus lang naman" umiling ako kay Tito.
Pagka-tapos rin naman ng school year ko ngayon ay ihahanap ako ni Mommy ng mapapangasawa, dahil yun daw ang gusto ni Daddy. Ayokong magkaroon ng ibang asawa kaya naman papayag na ako.
Atsaka, pag tapos ko dito mag t-trabaho na ka agad ako sa company namin kaya bat pa tatanggi? "I love Kei at doon rin naman kami patungo tatanggi pa ba ako?" sagot ko kaya naman napangiti silang dalawa. "And besides tito and tita ayoko mag asawa ng iba"
"Sa tingin mo papayag ako na mag asawa ka ng iba?" tanong ni Kei kaya naman natawa ako. "And besides ako lang naman ang gusto mo diba?" may pag mamalaki sa boses niya at bigla na lang tumawa. Natawa na lang kami nila Tito sakanya.
"Alam naman ng media tito na buhay pa kayo? I mean malaking usapan ang naganap ng mabalitaan na nawawala ang owner ng Perfume El Red at ang owner ng Saint Luke's University at Saint Mary's University" sambit ko pero ngumiti lang sila.
"Matagal ng alam ng lahat na buhay pa kami, ang kaso lang hindi namin ma alala ang company. Tangin ang mga anak lang namin ang na aalala namin. May kumupkop sa amin at ang sekretary ni Kent yon. Pinaalala niya sa amin ang lahat and it end up na bumalik ang memorya namin but it took so long dahil halos tatlong taon rin kami nawala" paliwanag ni Tito.
"Gusto ko ulit makita si Raisyo at si Ofren, gusto ko mag pasalamat dahil kahit papaano at inalagaan nila kayo pati narin si Kaith at si Dominic" sambit ni Tita kaya agad naman akong tumawag kila Mommy.
..
Conversation between Keo, Kei, Anna, and Kent.
"Mommy natatandaan niyo po ba kaming dalawa?" tanong ni Kei sa nanay niya ng maka-skype niya ang mga ito.
Tumawag ang sekretarya ng Daddy niya sa kanila at sinabi ang kalagayan ng mga magulang nila.
"Na aalala na namin ang lahat anak, pasensya na kung ngayong lang kami nag pakita... gusto kase namin ay matulungan kayo sa kumpanya dahil alam naming masyadong malaking pasanin sa iyo iyon dahil nag aaral pa kayo" ani ng ina niyang si Anna.
"Hindi na po ba kayo babalik?" tanong ni Keo sa kanyang ama. "Malapit na kaming bumalik, kaonting tiis na lang. Nakiki usap ako na sana hindi muna malaman ni Ash ito dahil alam kong pupuntahan at pupuntahan niya kami rito... may nag tatangka sa buhay namin kaya kami na aksidente mabuti na yung nag iingat tayo maliwanag?" tumango naman ang dalawa at pinatay na ang laptop matapos nilang mag ama at mag ina na magusap.
End of conversation.
"Tita bukas daw po dinner tayong lahat sa same spot daw po, sa Mama's Walker House daw po" sambit ko ng sabihin ni Mommy na bukas daw mag kikitakita.
"Sige ija, mauna na kami sa paguwi kukuha kami ng gamit, babalik kami rito" sabi ni Tita tumango ako. "Anak, mag pahinga muna babalik kami" at hinalikan si Keizer sa noo.
Tumingin ako kay Kei. "Asawa ko"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top