Chapter 20 : Truth
Reese's Point of View
Continuation....
"Hindi ka na aasa ngayon" sambit ng isang pamilyar na tao sa microphone.
*tug dug tug dug tug dug*
"K-keizer" unti unti akong lumingon sa likuran ko at nakita ko ang taong hinihintay ko. Mukhang ka uuwi niya lang galing trabaho dahil naka business attire sya.
Para akong maiiyak sa nakikita ko ngayon. Ang gwapo niya sa suot niya. Kahit na 20 na sya mapag-kakamalan mo syang 17 or 18 dahil sa mukha niya. Unti unti naman syang bumaba sa stage at bawat habang niya ay parang slowmo.
Wala akong ibang naririnig kundi ang tunog ng kanyang sapatos. Papalapit sya sa akin habang ibinobutones niya ang coat niya. Nakangiti syang nalapit saakin ng mabagal. Ibinigay niya sa akin ang roses na hawak niya.
Inihawak niya ang kamay ko sa mag kabilang balikat niya at hinawakan naman niya ang bewang ko. Naiiyak ako pucha! Sumandal na lang ako sa dibdib niya at nag umpisa na ulit akong makarinig ng ibat ibang ingay.
Nasayaw na rin pala sila. Hindi lang kaming dalawa ni Keizer pati na rin ang mga kaibigan namin. Oo kaibigan. Simula ng mangyari ang paglipat nila sa section namin tinuring ko na silang kaybigan.
"May kaylangan kang malaman" aniya kaya napatingin ako sakanya. Kung ang nararamdaman niya para kay Rhea ito ayoko ng pagusapan. Halata naman na kay Rhea e.
"Hindi ko na kaylangan pang malaman na mahal mo sya" at ngumiti ako ng mapakla. Iniwan ko na sya doon hanggang sa maka punta ako sa kwarto ko sa veranda. Kita ko dito ang mga kaibigan ko na nag kakasiyahan.
Sabi ko ng gusto ko maging masaya ngayong araw ng birthday ko eh. Pero bakit ngayon pa naisipang sabihin ni Kei ito?
'Gaga! Wala pang sinasabi masyado ka kaseng atat ano namang alam mo sa sasabihin niya?'
Ayoko pa rin. Paano kung sabihin na niya na hanggang kaibigan lang ako? Edi mas masakit iyon?
Sabing wala ka pang ideya sa mga sasabihin niya! Ayan tama talaga si Ashley kayong mga babae side niyo lang pinakikinggan niyo!
At bakit naman napunta ang usapan kay Ashley? Teka! Bakit ko ba kinakausap ang utak ko? Atsaka hoi utak! Baka nakaka limutan mong utak babae ka den!
Gaga ka kase! Ikaw yung nananakit sa sarili mo hindi si Keizer!
Aba tangina—"Ree hear me out"
"Ayokong masaktan Kei gusto ko maging masaya ngayon" sambit ko pero nagulat na lang ako na nasa harapan ko na sya. Hawak hawak na niya ang kamay ko ngayon.
"Hindi ka masasaktan kung pakikinggan mo ang sasabihin ko, ang kaylangan mo lang gawin ay makinig sa akin" sambit niya pero umayaw pa rin ako.
Paano nga kase kung sasabihin niyang hindi niya ako mahal?—putangina paano mo malalaman kung hindi mo papakinggan? Hindi natin kaylangan lagi manguna! Hindi natin alam ang takbo ng tao kaya naman tumigil ka dyan!
A: Ayan nagalit na utak mo!
Ewan ko sayo author. Hays. Sige na nga pakikinggan ko na sya. "Speak"
"Uumpisahan ko sa simula... "
"Matagal na kitang gusto Ree simula pa lang ng mga bata tayo, crush na kita ang kaso lang ay hindi mo naman ako gusto"
Agad akong nagulat. Akala ko ako lang may gusto sakanya. Hays.
Gusto kita, alam yan ng puso ko...
"Kaya lagi kitang inaasar non para pansinin mo ako, ang kaso lagi mo naman akong sinusungitan... " napangiti sya na para bang inaalala ang mga nangyari noon sa amin.
"Nang mag highschool tayo liligawan na sana kita kaso nalaman ko na may boyfriend ka na hahaha" napatawa sya ng mapakla. "Ako yung bumugbog sakanya non, kami nila Keo nung mabalitaan niyo na nasa ospital sya kami may gawa non... Nagalit ako kase nag paraya ako ang kaso lang sinaktan ka rin naman niya"
Kaya pala! Tangina! Sila pala yung nanakit kay Jake. Yung ex ko.
"Kaya lagi kitang sinasamahan non tina try ko na baka kapag lagi kitang samahan lagi kitang tulungan at lagi kitang damayan mahuhulog ka sa akin at magugustuhan mo ako" sambit niya kaya naman napa luha ako. Pucha totoo nga yung sinabi ni Ashley sayang lang luha ko kapag iniyakan ko ang isang toh! Bat kase ngayon lang nag sabi?
"Kaso wala eh, hindi mo ako nagustuhan. Lahat na ginawa kong pag papapansin mapansin mo lang ako kaso lagi ka naman naiinis sa akin" sambit niya at tumawa.
"Ginawa kong dahilan ang kapatid mo para mapansin at masamahan mo ako.. Ang kaso lang nilalayo naman ako ng kapatid mo kaya naman ginamit ko na lang sya para pag selosin ka" tumawa na naman sya.
Tangina neto! Sobra syang nag tagumpay nagigil!
"Pero mukhang hindi ako nag tagumpay dahil wala ka namang pakielam dahil mas focus ka kay Cyrus psh" natawa naman ako. Selos ka ghourl?
"Kaya ko binili yung damit na gusto mo kase ibibigay ko sayo yun ngayong birthday mo, ako rin yung nag pa deliver ng ice cream dito nung sinabi mong crave na crave ka doon" sambit niya. Ibinigay niya sa akin yung paper bag at yun nga yung laman. Yung pinaka gusto kong dress sa lahat.
"Gusto ko din malaman mo, na kaya wala na si Cyrus sa section A dahil ipinalagay ko sya sa section B at isa pa...
"Hanggang ngayon gusto pa rin kita.... " niyakap ko na sya at hindi na pinag salita.
"Gusto rin kita" sambit ko. Nahalata ko na nagulat sya. Hindi sya naka respond sa yakap ko e. "Gusto rin kita matagal na"
"Nag simula ito nung nag break kaming dalawa ni Jake... Na realize ko nga lang ngayon lang" sambit ko at hinigpitan pa ang yakap sakanya. "Nag tagumpay ka sa lahat ng plano mo dahil nag selos ako, natuwa ako sa ice cream na dinala mo lalo na sa dress na pinaka paborito ko"
Hinarap ko sya. "Seryoso ka dyan?" tanong niya sa akin. "Bakit ngayon ka lang nag sabi?" tanong niya kaya naman ako natawa. Aba! Ako pa kaylangan una umamin hah? Malupit ka dong! "Pero ayus lang ikaw pa rin naman ang first kiss ko" sambit niya at hinalikan ako.
"Awww" tinig ng mga tao yun sa baba kaya napahiwalay kaming dalawa ni Kei sa isa't isa. Amputa! Kita nga pala kami mula rito.
Nagkatingingan kami. "Hahahahaha" buma ba na kami at saka naki party sa kanila. Nakita ko si Ash sa may upuan at pinapa tungan ng coat ni Kian.
Nakita ko naman si Milly at Kit na nag sasayaw sa gitna. Si Nics at Louie na ngayon ay magkayakapan na at sila Mike at Dawn na ayun nakain na naman. Sila Serina at Keo naman nakita ko na nag yayakapan at biglang nag halikan. Gash! Mga walang respeto!
*Hmp!*
Napasinghap na lang ako ng may yumakap at humalik sa akin. Ng makita ko na si Kei iyon ay hindi na ako umangal at tumugon na lang sa halik niya.
Best birthday ever!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top