Chapter 19 : Celeb. Prt. 2

Reese's Point of View



Continuation...







Sinasayaw na ako ng pang 13'th roses ko. Syempre si Mike yon. Ang pinaka-bata sa lahat ng gangster. Ang cute cute niya. Ang tangkad niya rin kahit sya ang pinaka bata sa kanila. Napabuntong hininga tuloy ako ng maalala kong hindi makakapunta si Kei.



"Wag ka mag alala dadating yon" hindi ko na sya natanong kung totoo ba ang sinasabi niya dahil ibinigay na niya ako kay Kit.



Ibinigay niya sa akin ang roses at ngumiti lang. Nginitian ko lang din naman sya. Maganda ang naging dulot ni Milly sakanya dahil hindi na sya ganon ka cold at ganon ka sunget. Naalala ko na naman tuloy ang pag susunget ko kay Kei noon.



"Wag ka mag alala dadating yon" sambit ni Kit kaya naman nabubuhayan na ako na baka dumating nga talaga sya. Ibinigay naman niya ako kay Kian.



"Ang panget mo pag malungkot! Hahaha hindi pupunta yon" sambit niya sa akin kaya naman binatukan ko sya. Ansama di manlang ako suportahan. "Joke lang ito naman wait ka lang may malaking pasabog" sambit niya kaya naman bigla akong kinabahan.



"Anong—"



"Yo Reesybabes!"



"Sumbong kaya kita kay Nics ang landi landi mo!" sambit ko pero umiwas lang sya ng tingin.



"Ang totoo niyan eh, hindi niya ako pinapansin" sambit niya kaya naman tinawanan ko sya. "Aish! Wag mo ako pag tawanan!" tinanguan ko naman sya na sign nang mag kwento sya. "Nagalit ata kase hindi ako naka respond umamin kase sya eh, natahimik ako natorpe ako kingina inalisan niya ako" tinawanan ko naman sya.



"Torpe kase eh! Basta kausapin mo mamaya si Nics chill na yon napatawa na ni Ash kanina eh" naalala ko tuloy si Kei. Kung umamin kaya ako sakanya una pa lang at hindi pinairal ang inis sakanya magigign kami kaya? Hays.



"Wag ka mag alala dadating yon" sambit niya at ibinigay na ako kay Keo. Ngumiti ako kay Keo nang ibigay niya sa akin ang rose.



Magka hawig na magkahawig silang dalawa ni Keizer. Hays! Bakit ba kanina ko pa sya na aalala? Pang 17th roses ko pala si Keo at pang 18 naman si Kei. Pero mukhang 17 guys lang ang mag sasayaw sa akin.



"Wag ka mag alala dadating yon" sambit ni Keo kaya naman napatitig ako sakanya. Seryoso ba sya? Sana naman totoo.



"Seryoso na ba yan? Baka umasa na naman ako—"



"Hindi ka na aasa ngayon" sambit ng isang pamilyar na tao sa microphone.



*tug dug tug dug tug dug*

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top