Chapter 17 : Motibo
Reese's Point of View
August 10 2020
Naging maayos naman ang lahat. Nung mga araw na hindi ko sila pinapansin at pinupuntahan nila ako, Ashley made me realize na wala naman talagang kasalanan ang mga kaibigan ko. Pinag bigyan niya lang ako sa gusto ko kahapon na ayaw ko muna silang kausapin.
"Ash, ayus ka lang?" tanong ni Kian habang magkatabi silang dalawa.
Agad ko namang nakita ang pagka taranta ni Ashley kaya natawa ako. Gusto nga talaga niya si Kian. Hindi sya mapakali kapag nasa paligid ang isang toh eh.
By the way mag kakasama na nga pala ulit kami. Kanina lang kinausap ko na sila at nagka-patawaran na. Hindi na naman nasama sa amin si Cyrus at si Keizer naman balik sa dati. Inaasar na naman ako na parang walang nangyari.
"Lambot sunget" sambit niya pero hindi ko sya pinapansin at kumakain lang ng oreo.
"Ang unique ng tawag mo kay Reese ah hahaha bakit lambot sunget?" tanong ni Louie kaya naman agad akong napa lingon kay Kei.
Hinawakan ko sya sa braso at nag mama kaawa na wag niyang sabihin.
Lumapit sya sa akin at bumulong. "Kiss muna ako" abay gago! Hinampas ko naman ka agad sya. Bakit ba ganito toh? Umaasa tuloy ako na gusto din niya ako.
"Tigilan mo nga ako Kei" inis na sambit ko kahit kinikilig na talaga ako.
"Okay, Louie alam mo kaya lambot sunget kase h—"
"Oo na mamayang uwian mamaya mamaya mamaya!" sambit ko at tinakpan ang bibig niya.
Tinanggal niya iyon "Okay! Usapan yan hah" sambit niya kaya naman naka hinga ako ng maluwag. "Gusto ko matagal ha? hahahaha" amputa yan! Hihihi kinikilig ako putcha!
"Ewan ko sayo"
......
Sya nga pala, lumipat na ng section B si Cyrus kaya naman nakakahinga at nakaka galaw ako ng maayos ngayon. Marami na rin nangyayari. Hindi ko alam pero mas ayus na yung ganito hindi kaming dalawa nag kikita. Masaktan na naman niya ako.
"Lambot sunget dito ka sa tabi ko" aniya pero hindi ko sya pinansin. "Ahh ayaw mo okay, Louie—"
"Eto na lilipat na wait" sambit ko at tumawa naman sya. Tagumpay ang loko nakakainis!
Habang nag didiscuss si Sir hindi ko alam pero nakikinig talaga ako. Nakikinig sa utak ko na matulog na lang HAHAHAHAHA!
Unti unting bumabagsak ang ulo ko. Hindi ko alam pero sa sobrang antok ko hindi ko na alam kung saan bumagsak ang ulo ko at nakatulog na ako ng tuluyan.
Serina's Point of View
"Hoy picturan niyo yung dalawa ang sweet oh natutulog pareho!"
"Wahhh mas bagay silang dalawa hahaha"
"Dalian niyooo kuhanan niyo na"
"Ang cute nilang dalawa!"
"Class bakit ang ingay niyo?" tanong ni Sir ngunit imbis na awatin niya ay nakikuha na rin sya ng picture.
"Sigurado ba kayong si Reese lang may gusto kay Kei?" tanong ni Dawn. Tumawa naman si Love.
"Kay Ash kayo mag tanong mas open si Ash at Kuya sa isa't isa e" sambit ni Keo kaya naman ngumiti ako. Super close silang tatlo pero hindi talaga sya pinag sasabihan ng sikreto ng dalawa dahil maingay ang bunganga.
"They are fucking bagay!" hayop talaga toh si Nics. "And we're too" bulong niya pero narinig ko.
Nako! Nahulog na rin ang gaga sa kaaway niya hahaha! Hindi ko maimagine na magiging ganito ang dalawang ito haha!
"Nics may sinasabi ka?" tanong ni Louie pero umirap lang si Nics. Nako! Pakipot pa eh gusto naman nila isa't isa.
"Wala ng mas s-sweet pa sa titigan nilang dalawa ngayon" sambit ni Milly na naka titig lang kayna Ree at Kei na nag titigan na ngayon.
Tumawa naman kaming dalawa ni Keovie dahil sa sinabi niya. Ang sama ng titigan nilang dalawa at parang nag sisisihan bakit sila napag tripan na kuhanan ng mga litrato.
Reese's Point of View
"Kasalanan mo toh" sambit ko sakanya at tinaasan naman niya ako ng kilay at tumawa ng hindi makapaniwala. Kanina pa kaming dalawa dito magkatitigan simula ng magising kaming dalawa.
"Dahil sayo! Tutulog tulog ka dyan hah tapos ako pa sisisihin mo?" inis na sambit niya. Ano kaya ang pwedeng pang blackmail dito?—Ahh! Pero gagana ba yon? Malay ko pero try na naten! Hahaha!
"Okay ako na may kasalanan wala kang kiss" sambit ko na kaagad naman nag pabawi ng pagtaas niya ng kilay.
"Lika na dito matulog ka na ulit sa balikat ko" sambit niya kaya naman natawa ako. Bahala ka dyan! Panis gumana yon hahahahaha!
Ang pinag tataka ko lang, bakit? Bakit gumana sakanya yon? Unless gusto niya akong mahalikan? Erase erase! Eh bakit naman gusto niya akong halikan? Pamigay motibo ang gago?
"Okay class dismiss"
*evil grined*
Napatingin ako sa katabi ko ng bigla na lang syang mag grin. Amputa uwian na nga pala. Kaya pala tuwang tuwa tong isang toh. Pero bakit ba kase sya natutuwa? Hindi ko maintindihan. Ayoko umasa at mas lalong ayokong mag assume.
Hinatak niya ako patayo. "May usapan tayo hah!" sambit niya at hindi na ako pinag salita. Bago kami lumabas ng pinto sumigaw muna sya—"Akin na muna kaibigan niyo hah! Balik ko na lang bukas" at tuluyan na kaming dalawa lumabas.
Maraming nakatingin sa amin dahil magka hawak kaming dalawa ng kamay. Nakaka gigil naman ang isang toh! Katatapos lang nila ng kapatid kong timer ako naman ngayon!
Isinandal niya ako sa kotse niya. Andito na pala kaming dalawa. Hindi ko napansin na nandito na kami.
Halos wala ng kotse dito sa parking lot ng school. Madilim na rin dahil anong oras na. Hindi ko mapigilang hindi tumitig sa mga mata niya. Nakakaakit. Unti unti niya akong binuhat nang nakaharap sa akin at iniupo ako sa harapan ng kotse niya.
Katulad ng pwesto namin noon sa kusina ganon din naman ang ginawa nya sa pag upo sa akin dito sa harapan ng kotse. Nasa pagitan sya ng mga binti ko at naka hawak ako sa batok niya.
"Nag aadik ka ba—"
Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng hawakan niya ang bewang ko at halikan ako. Tumugon naman ako. Gusto ko lagi kaming dalawa ganito. Nauubusan na ako ng hininga kaya naman humiwalay na ako sa kanya.
Hahalikan na sana ulit niya ako ng pigilan ko sya. "Hindi ka ba hinihinga—"
"Hindi" at hinalikan na naman niya ako. Syempre tutugon ako ako pa ba? Dakilang marupok ako ano!
"Ehem" napatigil kami ng may marinig kaming nag hahagikhikan at nag ehem pa ang isa sa kanila.
"Nako kaya pala, sinosolo" sabi ni Kian at nag tatatawa. Epal!
"Tabi nga" sambit ko kay Kei at inilayo sya sa harap ko. Aalis na sana ako ng bigla na naman sya akong hatakin.
"Aalis tayo" sambit niya at isinakay ako sa kotse.
"Adik ka kase! Ayan nakita pa nila tingnan mo oh tawa ng tawa sina Dawn sa akin nakakagigil ka!" sambit ko sakanya na ikinatawa nya.
"Parang hindi ka naman tumugon—"
"Hasushh! Tahimik!"
"Tumugon! Nakayakap ka pa nga sa batok ko—"
"Bahala ka dyan di ka na makakaulit—"
dO_Ob
Ano ba tong mga sinasabi ko? Mababaliw na ako! Bakit ba kapag kasama ko ang isang toh kung ano ano na lang ang nalabas sa bibig ko?
"Ikaw hah.... Sige tatahimik na ako para may kiss pa rin ako"
Anak ng!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top