Chapter 15 : Reject

Reese's Point of View

August 1 2020





Halos isang buwan na rin ang naka lipas ng panliligaw sa akin ni Cyrus. Paulit ulit lang sa araw araw at walang ibang magandang nangyayari. Lumipat na rin ang bunso nila Kei na si Ash dito sa Saint Mary's dahil may ginawang kabalastugan ang gaga'ng si Addison kaya napa talsik si Ash. Hindi ko nga alam bakit napa-alis si Ash eh kung kanila naman ang paaralang pinapasukan niya.





But then, wala pa ring nag babago. Hindi ko maintindihan sya pa rin ang gusto ko. Hindi ko naman din mapigilan sasabog na ang utak ko. Hindi ko alam kung pano pa titigilin si Cyrus dahil ayaw ko ng patagalin pa. Masasaktan lang sya lalo kapag pa tuloy ko pang hinayaan syang manligaw. Sa mga bawat araw na sya ang kasama ko, naaalala ko yung mga kulitan at asaran naming dalawa ni Keizer. Hindi ko tuloy maiwasang maguilty.





Sya yung kasama ko pero iba naman ang nasa isip ko. Nahihiya na rin ako dahil mayaman naman kame pero panay sya lang ang nagastos sa date namin. May mga bagay rin syang nireregalo sa akin at syempre hindi naman ako maka tanggi. Hindi ko alam kung pano sisimulan.





Kasalanan toh lahat ng puso ko eh. Kung di lang sana nahulog kay Keizer hindi sana ako nag iisip kung paano pa titigilin yung taong andyan para sakin kahit alam naman niya na si Keizer ang mahal ko. Alam ko naman na hindi rin ako magugustuhan ng isang yon eh. Bakit pa ako aasa?





Nandito ako ngayon sa garden namin, kanina pa occupied ang utak ko. Hindi pa ako nakain ng umagahan at tanghalian anong oras na. Hindi ko rin alam kung sasama pa ba ako kay Cyrus sa alis niya mamaya. Mas mabuti na sigurong sabihin ko sakanya na masama ang pakiramdaman ko kaya hindi ako maka kasama.





Totoo naman, masama talaga ang pakiramdam ko. Sa isiping palang iiwan ko ang taong mahal ako at ipag papalit ko sa taong hindi ako mahal ay nalulungkot na ako. Gulong gulo na ako. Bakit ba kase tayo nabuhulog sa isang tao?





Ps: Naguguluhan talaga si Author sa mga may alam Why Do People Fall pa answer hehehe comment here ------->





Ang alam ko naiinis ako sakanya galit ako sakanya buwisit ako sakanya pero bakit ako nahulog sakanya?




Siguro there's no really exact reason kung bakit natin na gugustuhan or bakit tayo na huhulog sa isang tao. Siguro masyado lang talaga tayong na-a-attach so parang ang nangyayari napapalapit tayo sa taong yon and dun nag uumpisa mabuo yung feelings mo para sa taong yon.




Pero, that's only my opinion. Kapag mahal mo kase hindi ka mag hahanap ng dahilan para mahalin mo sya, dahil kung mahal mo sya kaylangan mo sya dahil sya ay sya.




Pumasok na ako sa loob at dumiretso sa kusina. Nadaanan ko pa yung dalawa na nag lalandian. Nakita ata ako ng evil sister ko na padating kaya umupo sya sa harap ni Keizer at inis-smackan ng halik. Pilit kong tinatanggal ang tingin ko sakanila pero wala talaga. Nakikita at di ko mapigilan na hindi sila tignan....



Nag seselos ako.



Dumiretso na lang ako sa kusina at kukuha na sana ako ng pagkain ng may—"Wahhhh!!!!" agad akong nag tata takbo at sa bilis ng pangyayari nakita ko na lang ang sarili ko na buhat buhat ako ni Kei habang yakap na yakap ako sakanya at ang binti ko ay naka-pulupot sa bewang niya. "Patayin niyo yung ipisss!!!" naiiyak na sigaw ko.



Hindi ako nabitaw sakanya hanggang sa unti unti kong naramdaman ang pag yakap niya sa akin. Nagulat ako ng una pero hindi ko pinahalata at nag kunwaring natatakot pa rin. Gusto ko kahit dito lang mayakap niya ako. Mas hinigpitan ko pa ang pagyakap sakanya at nag sisisigaw. Unti unti naman syang nag lakad papunta sa dinning table at ibinaba ako don. Naka-upo ako doon habang sya naman ay naka-tayo sa pagitan ng binti ko at titig na titig sa mga mata ko.



Naka-hawak parin ako sa batok niya at sya nama'y naka-hawak sa bewang ko.



Sana ganito na lang kami. Nakatitig lang ako sakanya at naka-focus lang ako sa mga mata niya. Hindi ko maialis ang pani ngin ko sakanya lalo na nang titigan niya ang labi ko at unti unting ilapit niya ang mukha niya sa labi ko. Napapikit na lang ako kasunod ng pagdampi ng labi namin sa isa't isa. Nag umpisa syang halikan ako kaya naman tinugunan ko yon ng buong puso. Marahan niya akong siniil ng halik at yun ang ikinatuwa ko. Alam kong pina paasa ko lang ang sarili ko kaya naman ako na mismo ang humiwalay sa pag hahalikan naming dalawa at umalis sa kinauupuan ko.



"S-sorry" sambit ko at lumabas na ng kusina. Habang paakyat pinupukpok ko ang ulo ko.



Gaga ka talaga Reese! Boyfie ng ate mong malantod iyang kinakalantari mo mahiya ka naman! Pero masama ba na pigilan ko ang nararamdaman ko para sakanya? Hindi ko talaga napigilan kanina kaya naman tumugon ako sa mga halik niya. Napangiti ako sa isiping iyon. Hinalikan niya ako. Hindi iyon sadya kundi kusa. Napa-ngiti na lang ako. Ang saya sa paki ramdam pero masakit din at the same time kase di ko alam kung bakit niya ako nagawang halikan.



Napa-higa na lang ako sa kama ko matapos kong pumasok sa kwarto ko. Hindi ko namalayan na tunog pala ng tunog ang iPhone ko kaya naman ng makuha ko ay sinagot ko na. Natawag si Cyrus.




"Hello Cy?"



[Hello Ree labas tayo]



"Anong meron? Hahaha"



[Wala namiss lang kita]



Medyo na-guilty ako don. Hindi ko alam kung mali ba itong ginagawa ko. Mahal ko pa rin si Keizer pero hinahayaan ko si Cyrus manligaw para kahit papaano ma kalimutan ko si Keizer. Pero sinabi ko na naman sa kanya yun e, una pa lang. Sinabi ko na kung seryoso ba sya dahil baka ma saktan sya pero wala seryoso talaga sya sa mga sinasabi niya.



"Sigee mag bibihis lang ako" sambit ko sakanya.



[Sige. Bye. I love you]



Napa buntong hininga ako. "Bye. I love you too" asambit ko at binabaan na sya ng tawag.



Hindi ko rin alam kung tama ba na mag bitaw ako ng salitang I love you too sa kanya. Pero hindi naman masama yon diba? Gaya ng sabi ko mahal ko sya bilang kaibigan hanggang doon na lang yon. Pero paano kung mamis understand sya sa pag response ko? Ahh! Ang gulo!



Agad akong pumasok sa closet ko at nag hanao ng masusuot. Off shoulder lang ang sinuot ko at high waisted pants.

Agad naman akong natapos at lumabas na ng kwarto ko. Nag dala lang ako ng lagi kong gamit na sling bag at syempre ang iPhone at wallet ko.



Pag baba ko wala na si Keizer sa sala kaya naman agad syang hinanap ng mga mata ko. Nakita ko silang dalawa sa may garden. Naka-ngiti sya pero may lungkot sa mata niya. Habang si Rhea naka-talikod sa akin at mukhang kwento sya ng kwento kay Keizer.



Hindi ko na lang sila pinansin. Kung papan sinin ko lang sila mag seselos at mag sese los lang ako. Sasaktan ko pa sarili ko. Agad akong lumabas at nakita ko si Cyrus sa labas. Naka-white polo shirt at pants lang sya pero ang lakas na ng dating niya.



"Ang ganda talaga" sambit niya at ngumiti sa akin. Ngumiti rin ako sakanya kasabay ng pag tawa. Mukha kase syang intsik na naka ngiti. Hindi na kita ang mga mata niya hahaha.



......



Nandito kami ngayon sa isang restaurant. Mukhang sarado pa nga dahil walang laman ang loob. Kaso pag pasok namin ay may dalawang upuan na naka-assemble and I think para sa aming dalawa iyon. Hindi nga ako nag kamali inalalayan niya akong maka upo at umupo rin sya sa harap ko.



"Alam ko na naman ang sagot dito pero gusto ko pa rin mag tanong" at sa saad niyang iyon ay naka-ramdam ako ng kaba. Mukhang alam ko na ang tanong niya. "Ree will you be my girlfriend?" tanong niya habang hawak hawak ang kamay ko. Unti unti ko namang kinuha sa kanya yon pabalik at napa-tawa na naman sya ng parang hindi makapaniwala.



"C-cy s-sorry"



"Bakit hindi mo sya makalimutan? Hindi ka naman niya mahal diba? Bakit pinag pipilitan mo ang sarili mo sa kanya?" aniya. Natahimik ako sa sinabi niya. Bakit ganyan sya nag salita?diba sya naman ang may gusto nito? Sinabihan ko na sya una pa lang pero may pasabe sabe pa syang 'I'll take the risk' daw.



"Cy, una pa lang binalaan na kita diba? Una pa lang tinanong ko kung seryoso ka, sabi mo oo and you're taking the risk for me because you love me" sambit ko at pinunasan ang luha ko. "Pero bakit kasala nan ko pa ngayon kung bakit hindi kita mahal" sambit ko pa.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top