Chapter 14 : Ligawan Session

Reese's Point of View


"Sure ka ba dyan?" tanong ko sa kanya. Hindi ko kase maiwasang mag alala, paano kung dumating sa point na pinayagan ko syang manligaw, tapos pag sa araw na magtatanong na sya masasabi ko si Keizer pa rin? Paano na sya?




"I'll take the risk. Just for you" sabi niya at hinawakan ng mahigpit ang mga kamay ko. "So pumapayag ka na na ligawan kita ganon ba?" naka ngiting saad niya sa akin.



"Pano kapag tumagal at si Keizer pa rin Cy? paano ka? ayokong dumating sa point na makakasakit ako ng tao" saad ko ngunit ngumiti lang sya.




"Mahal kita, kung saan ka sasaya doon ako. Kung ngayon si Kei parin malay mo sa mga oras na kasama mo ako mahulog ka na rin sa akin? Diba at maka limutan mo na sya" sambit niya.




Tama nga naman sya. Hindi ako makaka pag patuloy kung parati na lang akong mag f-focus sakanya. Mas maganda kung aliwin ko rin naman ang sarili ko sa iba. That way baka maka limutan ko din sya. Pero sana lang hindi ko sya masaktan. Sana lang.




"Pumapayag na ako" sambit ko sakanya at kita ko naman ang ligaya sa mga ngiti niya. Nakakahawa ang ngiti niya. Hindi ko alam kung tama ba ang ginawa ko, maaari kaseng lumabas na ginagamit ko syang panakip butas.



......




"Bye Ree! I love you" sambit niya kaya naman ngumiti ako. Hindi naman masama na mag respond diba? dahil mahal ko rin naman sya—bilang kaibigan nga lang.




"I love you too" sagot ko at kita ko naman ang pagka-bigla niya sa akin. Di nag tagal ngumiti na lang sya at umalis na. Pag harap ko sa gate, isang tao ang nakita ko. Ang bwiset kong kapatid.




"So you're with Keizer earlier" inis na sambit niya sa akin. Ano ba ang ikina gagalit ng isang toh? Eh sya nga itong dapat kagalitan ko dahil niloloko niya yung taong mahal ko. "Meron ka ng Keizer meron ka pang Cyrus" sambit niya kaya naman napatawa ako.




"Wag ka mag salita na parang alam mo ang lahat, kala mo hindi ko alam na tina timer mo lang si Kei?" inis na saad ko at napa tahimik naman sya. "Kung ayaw mo na lumabas at kumalat yung balitang yon sa buong University lubayan mo ako" ani ko at nialayasan sya.




Yung tipong ang ganda ganda ng araw ko tapos ganito ang mangyayare? Isang tao lang ang naka-usap ko hah pero sirang sira na yung mood ko. Agad naman akong nag bukas ng account ko. Ngayon lang lumabas sa akin yung trending na pic nila Kian at Ashley sa akin. Sobrang nag viral yung titigan session nila hahahaha.




Author's Note: Nasa isa ko pong story yung sinasabi ni Reese na titigan session. Hehehehe. Crazy Inlove With My Bestfriend.




"Bagay naman pala sila" sambit ko at nag out na.




......

June 24 2020




"Hi Ree" sambit ng isang estudyante pag pasok ko sa gate. Binigyan din niya ako ng roses na may naka dikit na note sa petals nito.




'Hindi ako makapasok ngayon, but don't forget to smile'




Napangiti naman ako sa nabasa ko. Kay Cy toh panigurado. Hindi pa ako nakaka layo ng may lumapit pa ulit sa akin mula sa field na lalaki ulit binigyan ako ng roses na ganon din.




'Ayan ngumiti ka na! Ang ganda mo talaga kapag naka-ngiti ka, just makin it clear hindi sa school'




Saan naman papasok toh ngayon? Hindi raw sa school e. Hindi pa ako nakaka alis sa kinatatayuan ko eh may tumawag na sa akin sa may gymanasium kaya naman nag taka ako. Dahan dahan akong lumapit at binigyan na naman niya ako ng roses. Ibang lalaki na toh hehe.




'Look around'




Ganon na lang ang gulat ko ng makita ko si Cyrus na nasa taas ng bleachers at nag kakakaway sa akin. May hawak hawak syang bouquet of flowers. Lumapit na ako sa kanya at ngiting ngiti namang syang hinalikan ako sa noo.




"Para saan toh?" tanong ko at kinuha na ang bulaklak na iniabot niya sa akin. Hindi sya sumagot pero ngumiti lang sya.




I feel comfortable with him. Hindi ko alam pero kumportable ako sakanya at parang ayus lang sa akin ang presence niya.




"Having a girl like you is like a dream come true Ree, ewan ko kung bakit hindi ka nagustuhan ni Kei" napangiti naman ako ng mapakla sa sinabi niya. Totoo nga naman.




Nag bago ako ng dahil kay Kei. Masyado akong masama ng mga panahong panay lang kami si away pero nung malaman at marealize ko na gusto ko sya? Naging malambot ako. Hindi na rin ako gaano nakikipag away, hindi na rin ako ganon na bastos sa guro. Mas malala pa don nahing iyakin na ako ng dahil sa kanya.




"Ewan ko ba dun, hayaan na yon" saad ko at ngumiti na lang sakanya. Ngumiti rin sya at sabay kaming lumabas sa gym at dumiretso na sa classroon namin.




Nakita ko si Keizer na naka pikit at naka tingala sa upuan niya. Sila Keo at Serina na nag uusap ganon din naman yung isa pang kopol na si Nics at Louie charot hahaha. Nag aaway lang sila samantalang ang dalawang babae naman ay kausap ata ang mga babae nila. Dumiretso ako sa likod at inilagay ang bulaklak sa locker ko.



"Uy! Ano yan? May ligawan session na sainyong dalawa ni Cyrus?" tanong ni Milly na mukhang kinikilig pa.



"Ewan ko sayo adik" sambit ko at naupo na sa upuan ko. Hindi na ako umimik pa hanggang sa mag uwian na. Wala na akong ibang ginawa kaya naman ng matapos ang last subject ay nag ayus na lang ako ng gamit ko at lumabas na kasama sila Serina.



"Loveeee!!" bwiset! Ayan na naman yang lintik na love na yan! Nakakainis. Hindi ko na lang pinansin. Halata pa rin naman na inis ako kaya hinawakan ni Cyrus ang kamay ko.



"Ayieee!! Ano yan hah?" tanong ni Mike na ka dadating lang. Sinundot sundot pa ang kamay naming dalawa ni Cyrus na mag ka hawak ang kamay kaya napukaw ang atensyon ng iba.



"Nakows! Na chansing ka na Cy hah!" saad ni Louie na may pa apir apir pang nalalaman. Lumapit rin naman ang iba at kinanstawan kaming dalawa. Wala kaming ibang ginawa kundi ang tumawa na lang. Napatingin ako kay Keizer na ansama ng timpla ng mukha.



Anyare don?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top