Chapter 12 : Ideal Girlfriend
Reese's Point of View
Nang matapos linisin ng mga maid ang kalat ni Keizer, pinagpainit ko sila ng tubig at pinag luto ko naman sya ng sopas. Nang matapos ako sa niluluto ko nilagay ko yon sa isang maliit na bowl at nag dala rin ng tubig at gamot para gumaan ang loob niya.
"Yaya, paki-sunod na lang sa akin yung maligamgam na tubig at bimpo" tumango naman sya at umakyat na ako.
Pag-akyat ko naka-bukas ang veranda kaya naman inilapag ko muna ang dala dala ko sa study table niya. Napaka-tigas ng ulo niya, hindi man lang isipan ang kalagayan niyan. Kung sya hindi nag aalala ako alalang alala. Ang pula pula niya kanina. At bigla pa syang nawalan ng malay kaya mas lalo akong nag alala.
"Ano na naman ba sa tingin mo ang ginagawa mo?" inis na sigaw ko sakanya. Napa-tingin ako sa kamay niya na may hawak ng shot glasa na may alak. Kinuha ko sakanya yun at binato sa sahig na nag sanhi ng pagka-basag. "Alam mo naman na may sakit ka tapos nag aalak ka pa! Asan utak mo!?" inis na tanong ko sakanya sabay hatak sakanya papunta sa kama niya. "Mahiga at pumirmi ka dyan kundi lulumpuhin kita!" sigaw ko na naman sakanya.
*knock *knock
"Ma'am Reese ito na po yung pinakukuha niyo" sabi niya at pinatong din yon sa stidy table ni kampon. Lumapit ako sakanya at kinapa ang leeg niya.
"Mas lalong tumaas ang lagnat mo! napaka tigas talaga ng ulo mo, kaya na gagalit rin si Ash sayo e" sermon ko sakanya. "Humiga ka dyan! Wag mong hintaying patungan kita para lang humiga ka" sabi ko sakanya. Natatawa naman syang humiga. Kinuha ko yung malakong bowl na may maligamgam na tubig at sinawsaw don ang bimpo.
Pinunas ko sakanya yon, sa buong katawan niya. Matapos kong gawin yon ay pumunta ako sa closet niya. Naka-uniform pa rin kase sya. Kumuha lang ako ng shirt at short para sakanya.
"Kei, mag bihis ka na muna" sabi ko sakanya kaya naman unti unti syang sumadal sa kama niya. Kita ko na hirap na hirap sya kaya naman napa-isip ako. Kaya kaya neto mag palit? "Lalabas na muna ako" sabi ko at iniwan na ang damit sa gilid niya. Pero hindi pa ako nakakalabas ng makita kong hirap na hirap sya mag tanggal ng coat niya. Hindi na ako lumabas at ako na ang nag bihis sa kanya.
Tinanggal ko ang coat niya ang necktie niya at ang polo niya. Matapos non ay isinuot ko sakanya ang white t-shirt na kinuha ko. Tinanggal ko din ang sapatos at medyas niya. Matapos yon ay tumingin ako sakanya. "Kupal ka hindi na pwede yang short mag palit ka na ng short lalabas muna ako" sambit ko kaya naman lumabas na ako. Paglabas ko rinig ko ang asaran sa kabilang kwarto. Medyo naka awang yon kaya nakita ko si Kian at Ash na nag hahampasan ng unan.
Ang sweet nilang dalawa tignan. Ang cute din ni Ash tingnan dahil hindi sya demonyo ngayon dahil naka-ngiti at tawa sya ng tawa. "Ampanget mo!" sigaw ni Kian at hinampas ni Kian si Ashley kaya gumanti yung isa. "Mas panget girlfriend mo! Haha hahaha" tawa ng tawa si Ashley at napa higa sa kamay niya at gumulong gulong pabagsak ng kama kaya tinawanan sya ni Kian.
Ang sweet nila naol! Bago pa man ako tuluyang mainggit pumasok na ulit ako, at mali yata ang ginawa ko dahil naka boxer lang sya at nag susuot pa lang ng short!
"Sorry sorry!" at agad na isinara ang pintuan. Pucha! Bobo ka Reese di ka man lang kumatok! "Okay na!" sigaw niya kaya naman pumasok na ako. Kinuha ko na rin yung sopas para kumain na sya.
"Kumain ka na" sabi ko pero tumingin lang sya sa akin at ngumanga. "Aba wala kang kamay?" mataray na tanong ko sakanya.
"Ano ba yan, dali na" reklamo niya. Nang hihina ang boses niya pero piliy niyang inaayos para maka-sagot sa pang babara ko. Ngumanga ulit sya kaya naman sinubuan ko na sya.
"Ano ba yung girlfriend mo? Hindi ka man lang alagaan" inis na sambit ko pero bumuntong hininga lang sya. "Nandito sya kanina ah hindi ka inasikaso?" sambit ko at sinubuan ulit sya.
"Nagalet bakot hindi ko raw inaalagaan ang sarili ko" mapait syang napatawa at sinubo ang isusubo ko sakanya.
"Eh bat hindi ka niya alagaan?" inis na tanong ko at sinubuan na naman sya. Sinubo naman niya yun at nilunok. "Nakaka inis lang, sya yung girlfriend pero andun sya kasama mga kaibigan niya" sabi ko pero ngumiti lang sya sa akin.
Kita ko na nasasaktan sya kaya naman nanahimik na lang ako. Patuloy lang ako sa pag subo sakanya hanggang sa naubos na niya yon. Pinainom ko din sya ng gamot at pinainom ng tubig. Inihiga ko sya at kinumutan.
"Lambot sunget" tawag niya sa akin kaya naman nilapitan ko sya at umupo sa gilid ng kama niya. Naka harap na sya sa akin habang ginagawang unan ang dalawa niyang palad. "Anong Ideal man mo?" tanong niya sa akin. Napa-tingin naman ako sakanya. Napa-ngiti na lang ako at umiwas ng tingin. Tumingala ako at saka nag salita.
"Mapang-asar at yung kaya akong damayan sa lahat ng problema ko in different way, yung sa pang aasar niya napapangiti at napapasaya niya ako ng hindi niya alam. Yun yung Ideal man ko" ani ko at tumingin sakanya na parang nang gigigil na naman. "Ikaw anong Ideal girl mo?" tanong ko sakanya at tumingin naman sya sa akin.
"Ikaw... "
Speechless...
"Ikaw ang Ideal girlfriend ko... "
.......
June 20 2020
Hindi ako naka-tulog ng ayus dahil buma balik sa akin lahat ng sinasabi niya. Naka babaliw ang isang yon! Baliw na nga ako dinagdagan pa niya ng isipin na ganon? Adik ba yon? Siguro dala ng lagnat niya kaya sya ganyan. Pero inulit pa talaga niya yon kagabe eh. Arghh!! Aaminin ko na kinilig ako, pero di ko maiwasan na mapa isip, na bakot niya yun sinabe?
"Hoi! Ano na? Ayus ka pa?" tanong sa akin ni Dawn kaya bumalik ako sa reyalidad. Tumango lang ako at binalik ang pag iisip.
Hindi sya pumasok ngayon dahil sinabihan ko na kapag pumasok sya ay lulumpuhin ko talaga sya. Kaya ko talagang gawin yon noh! Di lang ako panay si salita! Gina gawa ko kaya nga kahapon inalagaan ko sya eh. Para pa akong tanga kahapon dahil naka sickling at sando lang ako. Na pansin niya nga yon at-
Flashbacks.....
Matapos niyang sabihin yon ay tahimik na kaming dalawa. Tumayo rin ako at pumunta muna ng veranda sandali para mag labas ng kilig. Pag balik ko naka-upo na sya at naka tingala sa kisame. Napa ngiti sya habang tinitingnan ako mula ulo hanggang paa.
"Ganon ka ba nag alala sa akin at ganyan lang ang suot mong pumunta dito?" tanong niya kaya naman inirapan ko sya.
Inilabas niya ang selpon niya at narinig ko ang pag tunog ng camera kaya naman agad akong lumapit sakanya. Nag agawan kami ng camera at nang mahawakan ko na yon ay hinatak niya kaya napa sama ako sa pag hatak niya at napa-higa ako sa taas niya pero ang tyan ko lang ang naka higa sakanya at naka tingin ako sa mukha niya.
Unti unting lumapit ang mukha niya sa akin, hinintay ko magkalapat ang mga labi namin, naramdaman ko na at bigla na lang bumukas ang pinto kaya nalaglag ako sa kama sa gulat.
End of flashbacks....
"Mukhang masaya ka ah! Share naman dyan!" sabi ni Serina pero hindi ko sya pinansin. Gusto ko muna mag isa ngayon dahil sa mga nangyayare sasabog na ang utak ko.
"Ewan ko sainyo, mauna na ako" sabi ko at tumayo na para pumunta sa 4th floor dahil doon ako tatambay at mag iisip ng maayos.
......
"Mukhang malalim ang iniisip mo ah?" ani ng kararating lang na si Cyrus. Tumabi sya sa akin at ngumiti. Ngumiti naman ako pabalik sakanya.
"Ayus na ako, nakapag isip na ako ng maayos at... mahal ko pala talaga sya" sabi ko kaya naman ngumiti sya sa akin. Hindi ngiting masaya pero may lungkot.
"Basta kapag kaylangan mo ng kadamay andito lang ako" paalala niya kaya naman ngumiti lang ako sakanya.
Nag kwentuhan pa kaming dalawa at naulit ng naulit yon ng mga sumunod na tatlong araw. Lagi akong natambay dito sa 4th floor kasama sya kaya naman close na kaming dalawa. Marami na rin akong alam sakanya. Pag nasa canteen naman ako ganon pa rin hindi pa rin nasama si Keizer sa amin kaya it ended up dito na lang ako nag l-lunch kasama si Cyrus.
May mga nalaman rin ako like may gf sya sa SLU sa pinag aaralan ni Ashley. And kaka-break lang daw nila kaya ayun moveon stage si tanga hahaha. Nakakatulong raw ako dahil kahit papaano nakakalimot sya sa mga problema niya.
I'm glad that I can help others.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top