Chapter 10 : Ice Cream
Reese's Point of View
Nag lalakad na ako pabalik sa classroom. Nakaka-diri na kase sa clinic, nag lalandian na yung dalawang kampon ng kadiliman sa loob ng clinic. Grr iw! Hindi ko na lang pinansin, at hindi rin ako iiyak syempre dahil sabi nga ni Ashley sayang lang yung luha ko kapag iniyakan ko yung gunggong na yon.
Habang nag lalakad ako, may mga lalaki na nag bubulungan. As usual ngayon hindi dahil sa maganda ako, kundi dahil lutang na lutang at ang gulo ng postura ko. Kaya naman naisipan ko muna na dumiretso sa banyo bago ako pumunta sa classroom. Nag ayus ako at syempre sinuklayan na rin yung buhok ko. Tss, mukha na pala talaga akong adik sa itsura ko.
Kasalanan tong lahat ni Keizer eh! Kung di niya ako chinat hindi ako magugutom at hindi ako lalabas ng madaling araw grr!
Nasa classroom na ako at nag hiyawan naman sila. Hindi ko alam kung baket pero na nahimik na lang ako. Alangan naman na maki hiyaw ako eh hindi ko naman alam dahilan nila. Nanahimik lang ako hanggang sa—naaamoy ko sya—
"Bakit andito yan?" tanong ko sa sarili ko ng makita ko si Keizer na kasunod ng subject teacher namin. "Di kaya tulog pa rin ako?"
"Sis gising ka na totoo yang nakikita mo" si Dawn may sabi.
"So kung nag tataka kayo kung bakit andito si Keizer yun ay dahil pina-transfer sya dito sa higher section ng Dean hindi lang dahil sa gusto ng Dean dahil din tumaas ang grades nila" paliwanag ni Sir Cadrigal ang History teacher namin.
Nila? So ibig sabihin marame si—Sunod sunod na pumasok ang mga ugok kaya nagulat ako. Si Keovie naman kumindat kay Serina at kinilig naman itong isa. Si Nics naman napa-mura na lang ng sumigaw ng—"Janicababy!" si Louie sakanya. Hindi mag kaka-klase sila Louie, Kit, Kian, Kei, Keo at mike dahil yung tatlo 4th year highschool pa lang samantalang kami ay Senior na.
"Pwede sir ilipat niyo na rin dito si Kit Vargas?" suggestion ni Milly na nakapag pa tawa sa buong classroom.
"Hahaha tama na ang kalokohan, mag si upo na kayong tatlo" sabi ni Sir at ginawa naman ng mga kupal. Umupo si Louie sa harap ni Nics, si Keo naman sa tabing upuan ni Serina pina-alis pa ang naka upo don at si Kei naman sa tabi ni Cyrus na nasa harapan ko.
Bakit dyan ka pumwesto? Baka buong klase di na lang ako makinig at titigan ka na lang ng titigan.
Napaka! Napaka landi ko hah! Hahaha Pero seryoso wala na akong ibang magagawa kundi tumitig na lang sakanya.
"Crush mo na naman ako" nagulat ako ng magsalit sya. Gago naka titig na pala ako tanga! Agad akong umiwas ng tingin pero bago yon inirapan ko muna sya.
"Mandiri ka nga" inis na sambit ko pero ang totoo kinikilig talaga ako. Haha!
"Lambot sunget" sabi niya kaya naman nag taka ako. Sya naman ay tumawa lang. Huh? Lambot sunget? Lambot sunget? Lambot—putangina! Nanlalaki ang matang tumingin ako sakanya.
"Pakyu ka shatap" sabi ko at tumawa naman sya sabay hawak sa labi niya kaya napa-iwas ako ng tingin.
"Hoi nag kaka-developan na kayong dalawa dyan hah!" sabi ni Serina kaya sina maan ko sya ng tingin. "Ito na nga eh tata himik na" sambit niya at humarap na lang kay Keo at nakipag-landian.
"Janica my loves kiss" rinig ko naman na angit ni Louie at inilapit ang mukha kay Nics. Nandidiri naman tong tumingin sa kanya.
"You're so fucking unbelievable!" sigaw niya at di alintana na may teacher sa harap.
d-_-b
Kadiri! Hinalikan ni Louie si Nics at nang hampas naman si Nics sa kung saan at tawa lang ng tawa si Louie. Si Milly naman tahimik lang na nakikipag-video call sa boo niya, mukha silang boo-ngol. Si Dawn naman nag babasa lang pero kita ko na tawag ng tawag si Mike sakanya. Grabe! Sana ol may mga bebe! Putcha napag iiwanan kaming dalawa ni Kian ah—ay kay Ashley pala yon putangina napag iiwanan ako.
"Ligawan mo na kase ako ng hindi ka na iingit sa mga kupal na yan" sabi ni Keizer kaya inirapan ko lang sya. Gago! Pag ikaw niligawan ko tingnan mo!
'Pag ikaw niligawan ko tingnan mo" sabi ko sakanya kaya naman tumawa sya.
"Panay lang si banta! Di naman ginagawa nako weak ka talaga" sabi niya kaya sina maan ko sya ng tingin. Parang sya hindi ah! Tulog na tulog nga sya psh.
"Ikaw rin naman kupal ka! Weak ka" sabi ko kaya tumawa lang sya sa akin.
"Aba sino kaya ang hindi kayang mag puyat hah?" tanong niya kaya nag cross arms at tinaasan ko sya ng kilay. Ginaya naman niya ako. Arghhh!!!
"Ululen ka! Puyat ako ah!" sabi ko kaya naman natawa sya lalo.
"Hindi ka mapupuyat kundi kita pinuyat! Hahahaha" sabi niya kaya napa tingin sina Louie sa akin. "Puyat ka by yourself lambot sunget!" sabi niya kaya inismiran ko lang sya.
"Oi kaya pala kayo tulog na tulog kanina dahil pinuyat niyo isa't isa!" angit ni Louie na may nakakalokong tingin sa amin.
"Oo pre! Puyat na puyat kame!" ani Kei sabay tawanan nila ni Louie at Keovie. Mga kupal pinag tutulungan ako!
Hindi ko na sila pinansin at nag lagay na lang ng earphones at nag patugtog sa ipod ko. Nang matapos ang klase ay agad akong nag ayus ng gamit at nag lakad palabas kasama yung mga kupal at sila Milly. Kanina pa sila nag v-video call ng bebe niya arghhh!!
"Boo!" sigaw ni Kit kay Milly malamang tss. Nakita ko na palapit na si Mike at Kit sa amin pero parang kulang sila.
"Yawnibabesss!!" sigaw ni Mike at akmang yayakap ng halikan sya sa pisngi ni Dawn. Wahhh! Sana all! Pakshet! "Hehehehe" aniya at tumabi na lang kay Dawn.
"Asan si Kian?" tanong ni Keizer kaya naman napatingin din ako sa pinag tanungan niya.
"Sa sobrang himbing ng tulog niyong dalawa kanina ni Ree hindi niyo alam na may eksena, ayun umuwi si Kian'ng luhaan si Ashley na brutal at si Addi na sugatan hahahaha" masiglang sambit ni Mike pero naka tingin pa rin kay Dawn.
"Sinaktan ni Ash si Addison?" tanong ko. Hindi na ako mag tataka kung sinaktan niya nga bespren ni Ash yon e.
"Oo pero through words ngayon hindi pisikal siguro nasaktan din sya" sambit ni Milly kaya napatingin ako sakanya.
Pero sana ol may bebe talaga! "Ice Cream tayo guys! Sagot ko!" suggest ni Kit sa amin. Tumango naman kami. Meron kasi silang Ice cream parlor don sa mall sikat ang ice creaman nila at marami ng branch ang Kit-Kat Ice Cream Parlor noh!
Sumakay na ako sa kotse ko at pumunta na, doon na lang daw kami mag kita kita.
......
"Grabe! Nakaka busog!" sabi ko ng maubos ko na ang pangatlong lalagyan. Huhu gusto ko pa. Cookies and cream ulit. Nakita ko si Mike na nang hihingi kay Kei pero hindi sya binibigyan. "Kit isa paaaa" hingi ko pero tumawa lang sila at napaka mot sa batok.
"Sorry Ree pero ubos na eh, ubos na yung stock namin hapon na kase kaya nag kanda ubusan" sabi niya kaya naman halos maiyak ako. Huhuhu! Cookies and cream!
......
Umuwi akong luhaan kaya naman wala akong gana na mag laro gumalaw o kung ano man huhuhu wala talaga akong gana! Gusto ko oa ng tatlong ice cream yung 1 liter huhuhu!
"Anak! Umorder ka ba ng ice cream? Tingnan mo sayo lang nakapangalan toh" sabi ni Mommy at ibinigay sa akin ang plastic ng ice cream.
Omayghad! May tatlong one liter ng cookies and cream hihihi buo na ulit ang araw ko!
"Wahhhh!! Kung sino man nag bigay nito aylabyu naaa!!" pumasok ako sa kwarto ko at agad na nilantakan ang ice cream.
Kung sino ka man po aylabyu na!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top