Chapter 7

Chapter 7

Sirin

Nanlulumo akong napatingin sa salamin habang inaayusan ako ng hired make-up artist ng pamilya ni Camilla. Tears began streaming my cheeks at wala na lang nagawa ang baklang naglalagay ng make-up sa akin kundi ang sumimangot. He couldn't cuss or shout at me because he knows I'm the maid of honor and that I may be the closest one to the bride.

"It's okay. Pwede kang magreklamo. Gusto kong may pag-usapan," naibulalas ko na lamang nang makitang parang sagad na sagad na ang pagkakairita ng make-up artist. Inirapan lang ako ng bakla. I'm sure he's not buying what I said. Tumitig na lang ako sa mukha kong dinaig pa ang bride sa kakaiyak. "You know, the groom is my ex and the bride WAS my best friend." Natulala ang bakla at hindi makapaniwalang tumitig sa akin. "It hurts to see them happy, you know but this is life. We can't have everything we want and I'm sure na mas sasaya pa si Humbert sa kanya kaysa sa akin." Tumawa ako nang mapakla. "I mean, I can't make anyone happy except myself. I'm that selfish. I'm that self-centered."

I give up. Yep, I already gave up.

Noong isang araw lang, gusto ko silang paghiwalayin pero nagbago 'yon lahat matapos kong mariyalisa na mas mabuti pang huwag nang masangkot pa si Humbert sa akin.

For years, he has been with me while helping me go through life. He helped me moved on. He gave me time. Too much time and I think that's one of the reasons why he's marrying Camilla now. Ako ang naging sentro ng relasyon namin. Kung ano ang gusto ko, 'yon ang masusunod. Humbert looked so happy all those years but I just realized why. He was busy pleasing me and he didn't give away himself to me. He controlled his behavior for me. Ni hindi nga nito kayang magalit sa akin. Ni hindi kami nag-away.

Napapikit ako sa kapaitan. 3 years. 3 years na palang sunud-sunuran si Humbert sa gusto ko. I was so dominating. I was so hard on him and if it wasn't for the way he smiled at Camilla, I wouldn't even know the difference between his feelings for her and for me.

He loves her. He pities me. That's the difference.

"Ehem," pagtikhim ng make-up artist kaya napatingin ako sa repleksyon niya sa salamin. He was frowning. "I don't exactly know your story, girl but you have to move on. There are so many men out there! Maganda ka naman at sexy! Marami kang mabibingwit na mga papabels kahit saan!"

Hindi ko mapigilang matawa. Sinimulan kong punasan ang mga luha ko at napangiti.

"I've decided to become an old maid." Napanganga ito sa sinabi ko. "And I'll stay away from men starting now." May isang lalaking biglang pumasok sa isipan ko na agad ko ring binalewala. "Men are not worth going to my grave."

May sasabihin pa sana ang make-up artist pero natigilan ito nang may sumigaw mula sa labas.

"Lynch! Nasaan ka na?! Gago 'to ah!" anang isang pamilyar na galit na boses. "Putragis ka talagang gago ka! Saan ka na naman nagsususuot?!"

The make-up artist cussed and I heard him groan before he hastily apologized to me then ran off.

Gulat akong napalingon kung saan tumakbo ang bakla. Ang nahagip na lang ng paningin ko ay ang dulo ng mahaba niyang pulang buhok. Just now, he looked familiar but I'm not sure. His voice also sounded familiar. Oh well.

Napabuntong-hininga na lang ako habang inaayos ang aking buhok. Tumayo na ako at naglakad palabas para pumunta sa venue ng kasal.

After all, I have a wedding to attend.

Naalala ko noong isang gabing tila baliw akong pumunta sa suite nina Camilla at Humbert dito sa resort.

Bam! Bam!

"H-Humbert! Open the door! H-Humbert!" suminok ako at napahagulgol. "Open the door!" sigaw ko at malakas pang pinihit ang doorknob ng kwarto. "Talk to me, p-please! H-Humbert!"

Ilang segundo lang at bumukas ang pinto. Umiiyak na hinila ko si Humbert na parang kakagaling lang sa kama at halatang gulat na gulat na makita ako. Kumalas ito sa yakap ko at tumitig sa akin nang maigi,  gulong-gulo.

"What the heck are you doing here in the middle of the night, Sirin?!" Napatingin ito sa dress kong may mahabang punit sa magkabilang gilid. "A-Anong nangyari sa'yo?" Napahagulgol ako at nangininginig na napayuko. Naramdaman ko ang mga kamay niya sa mga balikat ko at dahan-dahan niya akong pinapasok sa loob. "Ssh, ssh. Tahan na. It's going to be all right, okay? Hmm?"

Wala sa sarili akong napatango at napasinok.

Pinaupo ako ni Humbert sa couch bago nagpaalam na gigisingin niya raw si Camilla at wala na akong nasabi roon. I guess, she's really part of him now, huh? Nalulungkot kong naalala noong mga oras na masaya pa kami ni Humbert. Wala lang ba talaga ang lahat ng 'yon?

After a minute, Camilla emerged from their room and was so shocked to see me. Hindi pa nasusuklay ang maikli nitong itim na buhok at gusot-gusot ang suot na night gown. Nag-aalala itong dumalo sa akin at napasinghap nang makita ang suot ko

"Bessssss? What the heck happened to you, you brat?!" nanggigigil na aniya at hinawakan ang magkabila kong braso, sinisipat ito nang maigi habang hindi nawawala ang pag-aalala sa mga mga niya. "May masakit ba sa'yo? Ano ba kasing nangyari?! Were you hurt? Should we report to the police?!"

I intently looked at Camilla's face. She was always genuine to me. Always. Bakit ko ba naisip na pigilan ang kasal nila ni Humbert? Dahil inakit niya ito?

I laughed. I could've known better. Alam kong iba na talaga ang titigan nilang dalawa ni Humbert mula noon pang una pa kaming nagkakilala tatlo. Ako lang 'tong ilusyunada na umasa.

"Hey!" pagtawag ni Camilla sa akin habang inalog-inalog ako. Napasabunot ako sa buhok ko habang tumatawa nang malakas. "Stop it! Sirin! Stop it!" Hinawakan nito ang magkabila kong kamay at sinubukan akong pigilan pero mabilis akong lumayo sa kanya at napasigaw.

"Get away from me! Get away!" I screeched. "I'm sorry! I-I'm sorry!" Humalakhak ako ulit habang humihikbi. I tried to think straight and held my head when it began hurting. "I need to talk to him. I-I need to talk to Humbert. Please, let me. Please. H-Hindi ko na k-kayo gugulihin ni H-Humbert. J-Just please, let me t-talk to him! P-Please..."

Nakita kong unti-unti nang naiyak si Camilla habang napahawak sa kanyang dibdib.

"I hate seeing you like this. I-I hate seeing you like this, S-Sirin. Y-You're my best friend, my bessssss." Napahikbi na rin ito. "But I-I love him, Sirin! I-I do. I have to fight for our baby!" Napahawak ito sa tiyan. "But I-I hate seeing you broken too."

Biglaang sumulpot si Humbert na nag-aalalang napatitig kay Camilla bago itinuon ang naguguluhang mga mata nito sa kanya.

"What's happening?" sabi nito at nagkatinginan ulit sila ni Camilla. It was as if they were communicating through telepathy. Malungkot akong napangiti nang nariyalisang kahit kailan, hindi kami nagkaintindihan ni Humbert gamit ang tinginan lang. "Wait inside the room, darling. You have to rest," sabi niya at inalalayan muna si Camilla papunta sa room habang inaalo ito.

I stood there and stared at the two of them.

They really look good together.

Ilang segundo lang ay nakabalik na si Humbert. Umupo ito sa couch at sinenyasan akong maupo rin. Tahimik akong sumunod sa kanya at tinitigan siya nang mabuti, pilit hinahanap ang lalaking inakala kong nagmahal sa akin.

He was gone.

"I'm sorry." Iyon ang unang nasabi ni Humbert sa akin kaya napangiti na lamang ako. "I love her, Sirin. I love Camilla since the first time I met her," anito at napayuko. "I'm sorry. I-I'm really sorry, Sirin. I really tried, you know. I-I tried loving you but I j-just can't love you more than a l-little sister."

"I know." Mabilis na tumingin sa akin si Humbert na tila naguguluhan. "I know you love her all these years, Humbert."

"W-What?" gulat nitong tanong.

Tumango ako at natawa bahagya.

"I know you only pity me because of what happened before."

"Sirin—"

"Don't make me feel better, Humbert. Alam ko ang sasabihin mo. I accepted your apology already. Just like what yoi said, you tried but you can't change your feelings that easily, you know." Napasandal ako sa couch at napatingala, tinititigan ang liwanag ng ilaw sa taas. "I lied to myself for so long. Sinasabi ko sa sarili ko na mahal mo ako, that you mean every I love you that you tell me." I shook my head. "But I'm just fooling myself. I was sorry for forcing you to follow me wherever I go. I was just paranoid because I know that you don't love me as a woman. Alam kong may mamahalin kang iba. I tried to control you but I ended up breaking you. You were never your true self around me, are you?" Tumingin ako kay Humbert na ngayon ay sinasapo na ang noo. "What do you feel when you're with her, Humbert? Answer me honestly."

Napapikit ang mga mata nito bago napatingin sa kawalan.

"Free. Real. Happy."

"You really love her, don't you?" gumaralgal ang boses na sabi ko bago ako napatikhim. "Don't answer that. Baka may marinig pa akong kakornihan mula sa'yo." I tried to laugh but I ended up crying. Napatayo ako at ngumingiting napatingin kay Humbert. "May tanong lang ako sa'yo."

"What is it?" he managed to say, his eyes glassy.

"Can someone love me?"

He looked taken aback but he laughed and then smiled.

"You'll never believe me even if I tell you yes, you know." Tumayo ito at nilapitan ako. He hugged me for a while before he stared at me. "Be happy, Sirin."

I laughed.

"Thank you, Humbert. Be happy, too." Tumitig ako sa pinto kung saan pumasok si Camilla kanina. "The both of you." Pinunasan ko ang luhang tumulo mula sa mata ko. "I-I have to go."

Nang-uunawang tumango si Humbert at iginiya ako papunta sa pinto papalabas. He opened the door so I stepped outside and looked at him.

"See you when I see you," sabi ko at kumindat. Natawa na lamang si Humbert at ginulo ang buhok ko.

"You'll be okay, right?" tanong nito, tila hindi pa rin sigurado.

Ngumisi na lamang ako at pinitik ang kanyang noo.

"I'll live." Ngumiwi si Humbert at umiling na lamang. Tinitigan ko ang mga labi niyang ang sarap halikan.

Tila napansin nito ang pananahimik ko at napabuntong-hininga.

"Don't even think about it."

I rolled my eyes and pouted.

"Isa lang naman," pagmamaktol ko at sumimangot. "Para isa lang. Ipinagdadamot mo pa." Sumilip ako sa loob at nakita si Camilla na kakalabas lang ng kwarto. She was smiling at me. I smiled back and waved enthusiastically. "Can I have your prince's kiss?"

Napahalakhak ito at binigyan ako ng isang tango at nakakalokong tingin.

"Knock 'em out, you brat," sabi pa ni Camilla habang tinaas-baba ang kanyang kilay. "Sulitin mo na dahil sa susunod, lalagariin kita kung hahawakan mo kahit bulbol niyang si Humbert! Hahaha!"

"Hoy! Ang savage mong buntis ka! Baka magmana 'yang anak mo!" Tinaas nito ang gitnang daliri bago natatawang umalis. "That snake. I missed her." Hindi ko mapigilang matawa. "Ninang ako ha?" baling ko sa ex kong ngayo'y maluha-luha.

Nagulat ako nang biglaan akong niyakap ni Humbert nang napakahigpit.

"Welcome back, Sirin," sabi nito paglayo.

I grinned and gave him a long dry kiss on the lips. Amusement danced in his eyes after I did that. I tiptoed and whispered in his ears.

"Who's your best man?" bulong ko.

"My half-brother, why?" He chuckled. "Why are you even interested? Did you meet him?"

"Who knows?" natatawa kong sabi paglayo at muli siyang hinalikan. This time, I licked his lips and grinned. Nanlaki ang mga mata nito pero nang makabawi ay napahalakhak.

"You really are something, Sirin."

Nagkibit-balikat na lamang ako at patalikod na kumaway bago nagmamadaling umalis. May tumulo na naman kasing luha pagtalikod ko.

The next thing I know, I'm already sitting in the reception hall while staring at Kursk. Kanina pa ito hindi tumitingin sa akin simula ng seremonyas ng kasal. Oh well. Puh-lease lang. Nagpapalamig pa rin ako matapos marinig ang sinabi niya.

What a crazy slut? Tsk.

Ang baliw ay 'yang slut na kanina niya pa kasama. Ang landi-landing tumawa eh klaro namang plastik 'yon. Like ewww~

Napasimsim ako sa wine glass na hawak at nagulat nang malamang wala na pala 'yong laman.  I irritably called the waiter and asked for a bottle.

Habang naghihintay, may iilang mga lalaking nag-ayang magsayaw pero tinanggihan ko silang lahat. Puh-lease lang. Baka sila ang mapagbuntunan ko ng iritasyon.

Hinanap ng mga mata ko ang tanned hot guy na naging laman ng isip ko nitong huling mga araw at nahanap ko itong nakasandal sa isang sulok ng pader habang matiim na umiinom ng wine. Nakatitig ito sa isang direksyon at hinanap ko agad kung sino ba ang tinititigan niya na para bang kakainin niya ito.

I followed his eyes and found myself staring at Camilla who's dancing by herself. She was laughing while pointing at Humbert who's now walking towards her.

I frowned. Si Camilla na naman ba ang karibal ko? The heck?! Eh mas maganda at mas sexy naman ako sa bruhildang 'yan!

I shook my head. I should stop this. Tumayo na lamang ako at umalis na sa reception hall bago nila ako makita at mapigilan. I need to go home and move on.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top