Chapter 20
Chapter 20
Sirin
It was like nothing ever happened. What did I expect? That he'll tell me that I'm his woman? I smiled bitterly. It was only a good fuck. A great f—ugh. Let's not go there. Puh-lease lang. Hirap na hirap ako. Especially kapag nakikita ko siyang may kalampungan na mga sexy bitches.
For example, as of the moment he's busy flirting with his flight seatmate.
I rolled my eyes.
Ayaw talagang tumabi sa akin ang walanghiya. Tsk. Tumingin naman ako sa bakanteng upuan na nasa kaliwa ko. I crossed my fingers and wished that a tall hot handsome guy will sit beside me. I wish to flirt with him and talk to him and don't mind the sexy beast across the aisle seriously talking with his new hot chick.
Nag-announce na ang flight attendant na ilang minuto na lang at lilipad na ang eroplano. Napasimangot ako at tumingin nang masama sa upuan sa tabi ko.
And now I'll be bored for the rest of the flight. Bakit ba kasi nag-economy flight si Delia?! Ugh. I can easily buy a VIP ticket for her pero nagpumilit siya na doon na lang sa economy. Hindi raw siya sanay makisakay kasama ang maraming VIPs.
Hay. Pinaayos ko pa kasi 'yong private plane ko. Iyon kasi 'yong sinasakyan namin ni Delia kapag malayo-layo ang destination ng shoot ko.
I wanna talk to someone but it'll be embarrassing to barge into Kursk and the lady's flirting moment.
"Fuck," mura ng isang baritonong boses at nakarinig ako ng mabilis na yabag. Nagulat ako nang may kamay na biglang lumapat sa balikat ko pero agad ding napabitaw. "Oh, sorry," the man muttered in a deep low voice. "Is this it?"
Napatingin ako sa gilid ko at napatingala. I almost gasped when I saw his tall frame. Oh shit. He's definitely tall. Almost 6 ft at most!
He lowered his head to look at the aisle and seat number above us before he slowly smiled.
"Good," tila sabi niya sa sarili. Nakatingala pa rin ako sa kanya at unti-unti kong napansin na pamilyar ang kanyang mukha.
"Uhm, sir?" sabi ng flight stewardess na parang kinikilig na nagsalita. She even looked at the man as if she's convulsing or something. "Kindly take your seat, Sir and please wear your seatbelt. We are about to take off."
"Oh, okay," sabi ng lalaki at ngumiti sa babae kaya parang nagtitimpi pang tumili ang flight stewardess habang umaalis. Pagkayuko ng lalaki para dumaan, napatingin ito sa akin at natigilan.
I was then taken aback by how good-looking he is. Neck-length copper hair. Chiseled face. Thick brows. Hazel eyes. Perfect nose. Kissable red lips. Ang bilis kong na-scan ang gwapo niyang mukha eh halos hindi ko naman siya napansin noong nasa hotel room siya ni Kursk noon.
Palibhasa, Sirin, si Kursk lang ang nakikita mo kapag nasa harapan mo siya.
"You should probably sit and wear a seatbelt," sabi ko nang parang ang tagal yata ng pagkakatitig niya sa akin.
He blinked.
"O-Oh right," sabi niya at yumuko para hindi mauntog. He slowly sat beside me and wore his seatbelt. Pagkatapos ay tumingin ito sa akin. "Where's Kursk?"
I almost glared at the guy upon mentioning Kursk's name but immediately stopped myself. Ehem. Baka mapagkamalan pa akong amazona ulit.
"There," I sweetly said and pointed at Kursk's direction. He followed my finger and chuckled.
"Wow, he's wearing headphones," sabi ng lalaki at tumingin sa akin. "That's new." Tumingin ako kay Kursk at nakitang nakasuot na nga ito ng headphones. I looked back at the man beside me. He mysteriously smiled as if he knew something I didn't know. "Uhm, you probably don't know me but heard about my name. I'm Theos Argos Clemente."
The way his baritone voice calmly said that was really catchy but what made me stare at him was his name. That name my sister used to tell me over and over.
"Theos..." I mumbled and gasped. "You were engaged to Annais!"
"Yes," he smiled but I noticed it didn't reach his eyes. "It's good to hear someone say her name." Inihilig nito ang ulo at masuyong nagsalita. "Can you call me Theos again?"
"Uhm... Theos." Lumungkot ang mga mata nito nang sinabi ko iyon at mahinang natawa. His laugh was broken.
"Y-You really look like her," he mumbled while I saw a tear escape from his left eye. "But you sound d-different." He laughed. "That's good. That can slap me back to reality."
Tila naunawaan ko agad kung bakit ganoon ang sinabi niya at kung bakit ngayon lang siya nagpakita sa akin. My twin sister and I are identical, absolutely and undeniably identical. The only difference between Annais and me is our personality and voice.
Annais Inir Velasco, my older twin sister was always so calm and sweet. We grew apart from each other but that didn't stop her from finding me and from reaching out to me. Her voice always sounded like an afternoon breeze near the sea, lazy and warm and never cold. That was Annais. She was never cold.
But because of an incident five years ago, I lost her. We lost her. The world lost such an amazing woman. She was such a great person to die such a terrible way.
Thinking about that incident made my blood boil. Even though those fucking bastards were already rotting beneath the ground, I still want to torture them to death over and over again.
How dare they treat Annais like that! Let those fucking bastards burn in hell!
"You're eyes are so cold," Theos commented out of the blue and grinned. Tumingin na siya sa unahan at napatitig sa maliit na flat screen na nasa likuran ng seat na nasa harapan. "Didn't know Kursk likes Ice Queens." He laughed. "Though when we talk through the gc, you're always so cheerful." Hindi ko alam kung insulto ba 'yon o ano. "Anyways, ano naman ang ipupunta niyo sa resort ko? Ang laking coincidence naman nito."
Nagkibit-balikat na lamang ako at tumingin na lang din sa sariling screen. Unti-unti nang gumalaw ang eroplano kaya pinikit ko na ang mga mata ko.
...
"You're actually afraid of planes?" tanong ni Theos nang tumayo ito para sumunod sa ibang bumaba mula sa eroplano. He put both his hands in his jeans' pockets and stood in the middle of the aisle. "But I'm not really sure because you kept on talking for the rest of the flight."
Bawal bang makipag-usap habang nakapikit?
"Something like that," I mumbled and stood up. "I'm afraid of flying." Napatingala ako sa kanya at napaatras ng kaunti dahil parang magkaka-stiff neck ako dahil sa tangkad ng lalaking 'to.
"Oh?" He smirked beautifully. It suited him really well. Guess being a calm type of dude makes him stand out more. "Bakit naman takot kang lumipad? People love to see everything from above."
I grinned.
"You're not totally wrong saying it that way." Tumingin ako sa direksyon ni Kursk na hanggang ngayon ay nakaupo pa rin sa upuan niya habang nakasuot ng headphones. "But I didn't really love the fact of having people beneath me. Isa pa, kapag lilipad ka, may posibilidad na mahulog ka."
"At walang sasalo?" tawa ni Theos. "Hugot ba 'yan?"
"Ikaw ang nagsabi." Nilapitan ko si Kursk at mahinang sinapok sa balikat. "Wake up."
He grumbled an inaudible reply before he shifted in his seat. Tulog pa rin ang loko. Nagpuyat ba 'to kagabi?
I leaned closer to bite his ear and whisper, "Do you want to fuck?" His eyelids fluttered open and he cussed lowly. I laughed and walked away. "I guess it's a password."
Narinig kong nagmurahan ang dalawa pagtalikod ko. Hindi ko na lang sila pinansin at bumaba na mula sa eroplano. Bumungad naman sa akin ang mainit na araw sa itaas at ang magandang tanawin na sumakop sa paningin ko.
"Time to relax," I heard Theos say from behind me. Nilagpasan ako nito at nagpatiuna sa paglakad. May sumalubong pang mga tao sa kanya pagkababa at sinabitan siya ng isang kwentas na gawa sa mga bulaklak. Humalakhak ito at pinasalamatan ang mga mamamayan. Nakipagkuwentuhan pa yata ito, kinakamusta ang estado ng sariling resort.
He had such a calm and peaceful vibe. Mahahawa ka dahil sa bawat halakhak niya pero alam kong sa loob ng kanyang bawat tawa ay ang sakit na nararamdaman niya dahil sa namatay niyang puso.
They could've been happily married now.
"Stop staring," rinig kong banta ng walanghiyang si Kursk. Lumingon ako rito at nakitang masama na naman ang timpla ng kanyang mukha. "Now, you're staring at me."
"Tsk," asik ko na lang bago tumalikod para bumaba.
"Hey," Kursk said and grabbed my shoulder. Feel ko tuloy may gustong makipagbuno sa akin na bully. I reluctantly looked back again.
"What?!" iritable kong sabi at marahas na tinampal ang kamay niya. I saw his brows furrowed and his lips pursed. "Ano?" He then sighed and walked past me. "What the heck's wrong with you?!"
"Nothing," tanging sabi ng walanghiya at nagpatuloy sa pagbaba.
Sinalubong din siya ng excited na mga tao at nilagyan ng kuwintas na bulaklak. Tinanguan lang niya ang mga nag-welcome sa amin na para bang mga katropa niya ito.
Bumaba na ako at tahimik na tinanggap ang kuwintas na bulaklak. Ngumiti na lamang ako ng pilit sa mga tao. May iilan na nagtanong sa akin kung pwede ba raw humingi ng autograph. Tango na lang ang ginanti ko sa kanila. Sirang-sira na ang araw ko dahil sa ginagawa ni Kursk.
Hindi ko maintindihan ang kilos niya, ang mga salita niya. Minsan parang gusto niya ako. Minsan parang naaasiwa siyang makita ako o mahawakan man lang. Tuloy naiisip ko na baka may split personality siya o 'di kaya'y bipolar disorder. I-re-refer ko pa siya kay Dr. Hyde.
Psh.
Oh well...
"Kayo po ba ang girlfriend ni Sir Theos?" tila kinikilig na tanong ng isang babae na nag-welcome sa amin.
"Oo," magkasabay na sabi namin ni Theos at nagkatinginan. Pareho kaming natawa.
"Wow! Ang swerte naman ni Sir! Anga ganda niyo, Ma'am!" sabi naman ng mga taong naroroon at kinantiyawan kami. Natatawa ko na lang na inignora ang sitwasyon na ginawa namin ng lalaki at hinanap agad ng paningin ko si Kursk.
Naningkit ang mga mata ko nang naroon na ito sa malayo at kinakausap na naman 'yong kaparehong babae na katabi niya sa eroplano. Tsk. Baka may plano na siyang mag-stick to one niyan?
Hindi ko alam kung ano na bang hitsura ko dahil sa sama ng tingin ko sa kanila.
Narinig kong kinausap ni Theos ang mga mamamayan at sinabihang bumalik na sa trabaho at siya na raw ang bahala sa mga bagahe ko. Naalala ko tuloy si Delia. Nasaan na ba 'yon?
"Hoy," tawag ni Theos sa akin na agad ikanakunot ng noo ko.
"Kung maka-hoy ka diyan," inis kong sabi sa kanya at tiningnan ang malaking maletang nasa tabi ko. "Saan ba papunta sa hotel?" tanong ko sa kanya.
Gulat naman akong napatingin sa kamay ni Theos na humawak sa maleta ko at siya na ang nagsimulang humila roon. Nakapamulsa siyang umabante paalis habang hila-hila ang aking maleta.
"Sabi ko naman ako na ang bahala," aniya pa at nilingon ang direksyon ni Kursk. "Dahil 'yang bodyguard mo, guwardiya lang 'yan sa'yo kapag mapapahamak ka. Ako, pwede mo akong maging kaibigan."
"Kaibigan na pwede ring maging katulong," nakangisi kong sabi na agad ikinatawa ni Theos. Sinabayan ko na lang ito sa paglalakad kahit kailangan kong bilisan ang mga yabag ko dahil ang laki ng bawat hakbang niya.
Nang makarating na kami sa main resort, pumasok kami sa hotel at dumating sa lobby. Tahimik ko lang na iginala ang tingin ko habang si Theos na ang umasikaso sa tutulugan namin ni Kursk. Pagkatapos ay iginiya ako ng lalaki papunta sa isang kwarto na nasa fifth floor ng hotel.
Nagsasalita si Theos buong paglakad namin at sinasagot ko naman siya nang may interes. Interesante kasi ang kinukwento niya tungkol sa pagpapatayo niya rito sa resort sa isla. Hindi mayabang ang tono niya pero nagmamalaki sa ganda ng kinalabasan ng kanyang resort.
Pagkapasok sa room, itinabi nito ang bagahe ko at sinimulang magsalita tungkol sa mga kalakip na necessities na nandoon sa room na inakala kong normal lamang pero suite pala.
"Magkano ang isang gabi sa suite na ito?" tanong ko kay Theos nang prente itong umupo sa couch sa harapan ng TV.
"Limang milyon," he said and pressed the power button on the remote. Napamaang ako sa kanya. "Ano nga 'yong channel na paborito ko?" he asked himself.
"Limang milyon?" Bakit pa ba ako magugulat? "Pwede naman kaming mag-stay sa normal na room, basta makakatulog kami."
He grinned as he began looking for a specific channel while pressing the remote.
"It's on me, baby girl," aniya. "Crush naman kita."
Napako ako sa kinatatayuan ko at napatitig sa kanya nang mataman. Pinipilit kong basahin ang ekspresyon sa kanyang mukha.
"Since when?"
"Matagal na," aniya lang. "Mga two years matapos mawala si Annais." Gusto kong bumulyaw pero masyadong inosente ang pagkakangiti niya. Wala na akong nagagawa kung 'yon talaga ang nararamdaman niya. Ayaw ko namang sumbatan siya na baka naalala lang niya si Annais sa akin. Hindi ko naman hawak ang isipan at puso niya. Ni hindi kami malapit sa isa't isa. "Don't stress over it," he said. "Oh, here it is," sabi niya nang makita ang palabas na hinahanap.
I sighed and checked the place. There are three rooms, obviously for Delia, Kursk, and I. Elegante ang paligid na may magarbong mga disenyo. Hindi naman ako bago sa ganitong uri ng silid pero parang gusto ko yatang mailang sa nakikitang gintong disenyo sa paligid.
Tinext ko na lang sina Delia at Kursk na dito na dumiretso.
Pagkabalik ko sa living room, nakita kong may kausap si Theos sa phone. He didn't notice me and spoke over the phone. Pagkarinig ng mga sinabi niya, agad kong nakuha kung ano ang nangyayari.
This fucker!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top